nakuha nga pala kami ni Poy para isalin ang Paper Towns ni John Green sa wikang Filipino. Sori po kung ngayon ko lang ito nasabi. Noong Sept. 8, 2014 kami pumirma ng kontrata at bumalik ang kontrata sa Anvil noong Sept. 9, 2014. Good for three months ang contract.
yes, dalawa kami ni Poy sa pagsasalin. ako ang bahala sa Filipino (construction ng sentences, appropriate tone, etc.) at si Poy naman doon sa bahaging mahirap isalin sa Filipino. Tadtad kasi ng idioms (sa Ingles) ang nobela. at hindi ako masyadong expert dito. mas magaling din si poy sa pagtantiya ng american sensibility dahil konyo yan lalo na noong high school, puro ingles ang binabasa, hahaha, joke! mas marami siyang nababasang western na aklat kaysa sa akin kaya mas alam niya kung paanong magbuhos ng sentiments ang mga tagaroon. isa pa, teenager na lalaki ang bida sa paper towns kaya mas gamay niya kung paanong mag-isip ang bida.
wala kaming masyadong na-encounter na problema sa pagsasalin, mas practical na problema ang kinaharap namin.
pagka sign ng kontrata, naghintay kami ng downpayment. akala ko, standard iyon sa ganitong uri ng commissioned work.
but no, walang dumating na downpayment. kaya mega inquire ako kay mam ani habulan ng anvil (ipinasa ng National Book Store Publishing ang dirty work sa anvil, pero ang mga nakapirma sa kontrata, NBS Publishing). at sabi ni Mam Ani, hindi raw talaga nagbibigay ng downpayment ang NBS dahil marami na itong karanasan sa mga palpak na writer/translator. mga hindi nakakatapos ng trabaho pero nakatanggap ng downpayment.
hmm... bad. very bad. siyempre, nainis ako sa ganon. nakakahiya ang mga ganong tao. they give this profession a bad name.
pero nainis din ako sa NBS. kasi una, part iyon ng business, ang mga risk. kaya dapat kilala nilang mabuti ang hina-hire nila. hindi sila dapat nagha-hire ng kung sino-sino. kung hindi magda down ang nbs, saan kukuha ng panggastos ang translator nila habang nagta translate? hindi biro ang duration ng trabaho. sa kaso namin, napakatagal din ng paghahanda na ginawa namin. (magpo-post ako ng tungkol dito.) ikalawa, gagamit kami ng computer, laptop at iba pang gadget. saan kami kukuha ng pambayad ng kuryente? not to mention, naluluma ang gadgets namin dahil sa proyekto nila. nagagamit. naipupuhunan din namin. wala man lang bayad mula sa part nila. ikatlo, ang liit-liit ng bayad. sa unang dinig, anlaki ng 30k. pero ang tagal mag-translate. kakain talaga nang ilang buwan. so kung tatlong buwan kaming walang ibang gagawin kundi mag-translate, aba, 10K a month lang iyon. pang-upa lang ng bahay! e yung tubig pa, kuryente, pagkain namin (meron bang translator na hindi kumakain?)? hay. ikaapat, may 1% penalty per day pag na-delay ang pagsusumite sa output. anak ng...
tapos ayaw magbigay ng downpayment ng NBS?
grabeee.
and to think, wala naman kaming royalty for every copy sold!
kung ganito ang kalakaran, ibig sabihin, hindi ito commissioned work. namumuhunan na rin kami rito. ng time, ng resources, ng talino, samantalang ang nbs, pera lang ang ipinupuhunan. therefore, dapat may bahagi kami sa sales ng output namin. pero wala nga, e. ok na ako doon, walang royalty. pero ang walang downpayment? ke oror talaga! dapat mahinto ang ganitong practice sa publishing industry.
anyway, dahil hindi alam kong hindi ako masusunod, wala, e, nakapirma na kami sa kontrata, i just asked mam ani to do something and talk to the nbs about this. mali ito, maling practice, dapat mabago.
kaya nag-proceed na kami sa proseso ng pagsasalin.
marami kaming binasa para paghandaan ang mismong pagsasalin. naglabas din kami ng ilang dictionary para mas madaling makapag-consult sa mga ito. pinanood namin ang the fault in our stars. binasa namin ang filipino version nito (pinadala sa akin ito when i was applying as a translator). we bought another john green book (abundance of katherines), we also asked mam ani for a soft copy of another john green book (looking for alaska) nang malaman namin na mayroong references ang paper town sa looking for alaska. see, andami naming puhunan, sa pera, sa oras, sa effort, sa talino. at hindi dahil mayaman kami or something. kundi dahil ang gusto namin, maganda ang output namin.
that was the first month and so.
iyong mga sumunod na linggo, hindi na kami nagpanggap pa. tumanggap na kami ng mga raket para may maipantustos sa mga araw at buwan na magsasalin kami. we had bills to pay, may baon si ej araw-araw, parating na ang pasko, dapat may panghanda kami kahit paano. kaya kailangan namin ng kumikitang kabuhayan. nabinbin tuloy ang pag-usad ng translation.
pagdating ng nobyembre, saka namin binalikan uli ang pagsasalin. medyo hindi rin ito nagtuloy-tuloy dahil may mga raket na nakakahinayang kung hindi tatanggapin. pero may mga araw at linggo na 8-12 hours kami sa project na ito, tutok talaga. literal na nasusuka na ako pag nakikita ko ang paper towns novel.
opisyal na natapos ang lahat ng translation noong dec. 2014. pero dahil ilang stages pa ng editing at proofreading (mula sa part namin, free service na ito dahil ganito talaga kami magtrabaho ni poy, metikuloso!) ang pinagdaanan ng translated work, naipasa namin ang lahat-lahat noong jan. 8 na. 2015 na!
pero noong december, nakatanggap kami ng email mula sa editor ng anvil na nagsasabing i-translate pa raw namin ang iba pang bahagi ng aklat. nagulat ako. ang alam ko, nobela lang ang isasalin namin. i asked for a copy of the contract para ma-check namin kung bahagi iyon ng trabaho namin bilang translators. oo raw, ipapadala raw sa amin. wala kaming natanggap na kopya ng kontrata (na signed ng dalawang partido at notarized na). natanggap ko ang kopya namin ng kontrata noong january 12, 2015 na.
malapit na kaming matapos sa part 3 (ang huling part ng nobela) nang ma-receive namin ang email para sa additional translation work (na walang bayad). i decided to translate the said parts kahit na palagay ko ay hindi ito bahagi ng kontrata namin. kaya lalong nabinbin ang pagpapakinis namin sa output namin. actually, nauna pa nga naming isumite ang salin namin ng iba pang bahagi ng aklat kaysa doon sa mismong pinaka-output namin.
anyway, pagka submit namin ng final output, sabi ko sa editor, pakihanda na ang check sana. dahil kapos na rin kami sa budget. i also asked the number of penalty days. Sabi sa amin ng editor, "dec. 1, 2014 ang deadline na nasa contract pero dahil sept. 9, 2014 na bumalik sa amin ang kontrata, therefore ang opisyal na deadline ay dec. 9, 2014." (which is a day before my birthday!)
Pero jan.8, 2015 na nga namin naisumite ang final output. so 30 days daw dapat ang penalty namin. so that's 30% of P30,000. tumataginting na P9,000. ang laki! pero nagbigay daw sila ng 14 days as grace period. kaya 30 days minus 14 days is 16 days. kaya ang penalty namin ay 16%, equivalent sa P4,800. (bale ang matatanggap na lang namin ay... P25,200. haaay.)
medyo natuwa naman ako rito sa grace period. we deserve it. ayaw ko mang magpasalamat, nagpasalamat na rin ako. pero sinabi ko rin sa editor, actually, may mga pinagawa kayo sa amin na labas sa kontrata that was also a reason for the delay. i also told her, noong pagtawanan niya ang filenames ng mga isinusumite namin sa kanya (example: part 1 paper towns with maximum editing and proofreading of poy and bebang), kahit na puwede kaming magsumite sa inyo ng raw translation work (na puwede naman, allowed sa contract), para lang maiwasang ma-penalize, hindi namin ginawa. because we care for our work and we care for our readers. Sa panig nila, ng editors at publisher, what we did will mean minimum editing and proofreading from their camp, at makakatipid ang NBS dito. sinalo namin ang time na gugugulin ng editor at proofreader nila sa translation namin. kumbaga, sinalo namin ang oras at araw at effort dito ( na naging cause pa ng extra penalty days for us).
wala naman nang ni-reply ang editor dito.
(gusto ko rin sanang sabihin, sige i-penalize ninyo kami pero bayaran ninyo kami for that extra work. hindi rin kasi biro yong extra work na iyon. marami-rami rin.)
gusto ko rin sanang ipanghingi ng discount sa penalty ang napakaraming holiday at special day ng december, haha. pero di ko na ginawa at baka ipa blotter na ako ng kausap ko.
well, ang point ko, if a publisher wants quality work, dapat willing silang magbigay ng downpayment. para matutukan ng creator ang kanyang ginagawa! ayun lang naman. hindi iyong magsa sacrifice pa si creator para lang makapag produce ng quality work. e paano kung ang makuha nilang creator ay walang konsiderasyon sa output at sa mambabasa? sino ang lugi? publisher ba? hindi. dahil ang publisher, nakapamuhunan na, ilalabas na lang ang libro, kasehodang mapangitan ang mambabasa, magbebenta lang iyan nang magbebenta. sino ang lugi? walang iba kundi ang mambabasa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
5 comments:
hays, grabe naman ang karanasan na ito para sa inyo bilang translators. pati ba ang copyright ng libro ay hindi sa inyo nakapangalan? isang maling practice din iyon ng publisher. sana ay magkaroon ng standard ang publishing industry natin dito para maprotektahan ang mga tagasalin.
hello, rise! Kumusta ka na? Hindi ka ba luluwas this year? plano namin sugurin ka diyan e sa palawan haha!
re: copyright, nakasulat ang pangalan namin bilang translators pero hindi amin ang copyright ng salin. sad. pero totoo. at ang ganitong practice ay widely accepted sa pinas. dahil kapit sa patalim ang translators. kalungkot. kaya sana ang magbago ay ang mga publisher. dahil talagang nasa kamay at kontrol nila ang pagbabago.
sana rin magkaroon ng standard at best practices and publishing industry natin. tagal tagal na ng pagsasalin bilang isang propesyon, bakit ganito pa rin ang sitwasyon?
maganda kung may programa ang gobyerno na sila mismo ang mag-frontload ng funds for translations. parang grants or something na syang model sa ibang bansa.
magkaroon din sana ng incentives system sa mga publishers na tama ang publishing models, at disincentives (penalties) naman sa mga hindi.
kagagaling ko lang ng Maynila, hindi lang natataon na may book discussion/event.
Magandang araw, Rise! oo, sana nga mayroong proyekto ang gobyerno rito. Parang wala. Ang alam ko, may ilang translation project ang Komisyon sa Wikang Filipino. Hindi ko alam kung may proyekto ang gobyerno sa business practices at sa pagpapabuti ng ethics sa translation projects. Dati ay nag-propose ako sa NBDB na mag-hold sila ng seminar tungkol dito dahil sa totoo lang, wala yatang gustong mag-asikaso nito.
Re: publishers, ang biggest association ng publishers sa Pinas ay ang Book Development Association of the Philippines. Unfortunately, napakaraming problema ang inuuna nilang malutas at karamihan sa mga problemang ito ay... iyong para sa publishers. Kakaunti lang kasi ang representative ng authors at translators sa association na ito.
Re: kagagaling lang ng Maynila, nge! sayang at hindi ka namin nakidnap. ibalita ko ito kay KD! haha
By the way, may isa pa akong update at blog entry hinggil sa bayad sa amin para sa Paper Towns. Good news ang nakapaloob doon. Kindly check the next entry.
Salamat po!
Post a Comment