Friday, January 30, 2015

more update sa (payment ng) salin ng Paper Towns

Yes, kanina, nakuha ko na ang check mula sa National Book Store through Anvil.

And guess what?

30k ang nakasulat sa check!

Sobrang saya ko dahil hindi na kami kinaltasan ng penalty! So sabi ko, since nandoon ang editor,thank you, thank you, walang penalty.

Tapos kumunot ang noo ng nagbigay ng check sa akin at nagpapapirma sa papeles. Tumingin siya sa editor tapos dinala niya ang papeles dito pagkatapos ko itong pirmahan. Kumunot din ang noo ng editor. Pung! Nagkamali nga ng sulat si editor sa papeles! Haha! Salamat sa pagkakamaling ito. Noong tinanong daw ang editor, iba ang amount na ibinigay niya. 'Yon ngang may penalty. Pero after a few days, noong ipinasulat na ito sa kanya sa isang document, ang naisulat niya ay ang buong amount.

Muli, salamat sa pagkakamaling ito.

Sabi ng publishing assistant (ang nagpapapirma sa akin ng mga papeles), pondo naman daw iyon ng National kaya hindi sila dapat mag-alala. Tahimik akong sumang-ayon. Dali-dali ko na lang na itinago ang check at baka bawiin pa sa akin ang biyaya.

Bago ako nakarating ng Anvil, ikinukuwento ko sa kasama kong si Cathlee Olaes, ang student intern mula sa Bulacan State University, kung magkano na lang ang matatanggap ko para sa salin ng Paper Towns. Naikuwento kong malaki-laki ring bahagi niyon ang pambayad ng utang. Utang sa kapatid kong nagpapa-load (OMG, pati load ng cellphone, hindi na mabayaran, haha!) at utang sa ATM ni EJ na siyang nagsalba sa amin nitong mga nakaraang linggo. Kaya sobrang saya ko nang malaman ko nga na buo ang bayad ng NBS para sa proyektong ito. Para sa tulad naming karaniwang translator, karaniwang manggagawang Filipino, napakalaking halaga ng P4,800 na siyang amount ng penalty.

Pagkakuha ng check ay nagmeryenda kami ni Cathlee sa Robinson's Pioneer. Kasama namin si Billy Candelaria ng PRPB, na nakasalubong namin sa MRT Boni noong papunta pa lang kami ng Anvil nang hapon na iyon.

Siyempre, treat ko. Dahil may surprise treat sa akin ang universe.

Salamat, universe. Hanggang sa uulitin.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...