sa wakas, nakapag-blog din!
maligayang 2014 sa ating lahat!
na-miss ko ang blog ko, grabe. tagal-tagal ko nang gustong magsulat lalong lalo na yung time na feeling ko para na akong tae sa puwet na hindi mairi-iri. my gulay.
gusto ko man ay di ko piniling mag-blog nung panahon na yon dahil alam kong marami akong matatamaan, marami akong masasaktan. pero everything is in my heart naman. will write all about these things soon. very soon.
sobrang saya ko na nakaraos kami. matiwasay. masaya at bongga. hahaha! kahit na sobrang tinipid ang produksiyon! bongga pa rin ang kasal.
at masaya rin kami na nandoon ang elements na napaka importante sa amin ni poy. mula sa simbahan hanggang sa dulo ng reception.
after the wedding, parang ayoko na munang makipag-usap at makipagkuwentuhan tungkol sa kasal. umay na umay na ako hahaha ayoko na rin munang isipin ang mga bagay na hindi namin nagawa noong kasal. andami kaya!
1. hindi nabigyan ng thank you gift ang mga ninong at ninang. kasi nalimutan namin. so inuwi na lang ng friends and relatives ang cakes at halaman na gift namin.
2. hindi nakapagbigay ng souvenir! omg. hindi nakaabot ang aming souvenir.
3. pormal na makapag-thank you sa lahat ng taong naging bahagi ng aming special day.
lahat ito, bumabagabag sa isip ko pagkabalik namin galing sa marinduque. so lagi akong galit. lagi akong kinakabahan. para akong magnanakaw na hindi pahuhuli.
at isang gabi, bigla na lang akong nagwala. as in binalibag ko lahat ng gamit at libro namin sa bahay. muntik pa akong magbasag ng mga plato.
bakit? aning-aning lang?
wala. di ko rin alam.
kinailangan pang magka-iyakan kami ni poy para lang maunawaan ko ang nangyayari sa akin.
di ko na nakayanan ang pressure. pumipintig kasi sa isip ko, andami dami kong pinagkakautangan ng loob. ayoko ng ganung feeling. nahihiya ako. para sa akin, dapat magka closure na ang lintik na kasal na yan. dapat, pasalamatan na ang lahat. lahat ng nagpunta, lahat ng tumulong, lahat ng nagbigay ng regalo, lahat ng nakaalala. pasalamatan na yang mga yan. now naaaa. yan ang sabi ng isip ko every minute of every day.
yan din ang time na napakagulo ng bahay. nakahambalang pa ang lahat ng ginamit noong wedding. lahat ng mga libro, naka-shelf, nakapatong sa sahig, mesa, sofa, hagdan. ang kuwarto, isang malaking trash can na me kama sa gitna. nasira pa ang drawer ng aparador kaya nakabuyangyang sa gitna ang lalagyan namin ng mga salawal.
parang walang tahimik na bahagi ng bahay.
kaya nalukring ako.
lukring level up.
para akong si stitch, destroyer talaga ang peg. lahat ng libro, ibinato ko, pati yung mga nananahimik na libro (mga hindi ginamit sa wedding). lipad-lipad sa ere. lahat ng art materials kinalat ko uli sa sala. pati mga papel-papel. hinampas ko ng walis si ej. ilang beses. kasi ayaw pang matulog, 4:00 am na! sabi ko wag nang magligpit. ayaw sumunod, pinagpapapalo ko ng walis tambo. patuloy ako sa pagwawala. nung nadampot ko ang mga plato,saka lang ako nahimasmasan.
favorite ko kasi ang mga plato sa bahay namin.
hindi. joke lang.
sabi ni poy, tama na yan beb.
tapos umakyat na ako ng kuwarto. tapos naiwan sila ni ej sa baba.
maya-maya, nag-iyakan na kami ni poy. natakot ako. putek baka bigla akong hiwalayan nito.
ayun, bumaha ng sori.
ewan ko kung normal ba yun sa bagong kasal. yung feelings ko. ewan . sobra akong natakot na may makalimutan akong pasalamatan. andami kasi talagang effort ng mga tao sa paligid namin. napaka-imposible talaga ng kasal na yun kundi dahil sa tulong nila. takot na takot ako na may masabi sa akin na hindi ko man lang sila na-appreciate. takot na takot ako. baka malunod na ako sa mga gawain, trabaho, nang hindi pa nakakapagpasalamat. baka sabihin nila ang ingrata ko, namin.
kalma lang, kalma lang sabi ni poy.
buti at nandoon siya,baka di ko nakayanan ang pressure na galing mismo sa utak ko.
now i know what paranoia means.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment