Thursday, January 16, 2014

ang aming cord

DIY ang aming cord. ako lang ang gumawa.

noong una, ang naisip ko ay serye ng pearls o kahit anong beads na cute ang kulay.

nang mabanggit ko sa kaibigan kong si kristina beltran na ako ang gagawa ng cord namin, sabi niya, wow, maganda iyan. ako rin gusto ko, ako ang gagawa ng sa amin (pag ikakasal na siya).

tapos sabi niya, mahilig daw siya doon sa mga may meaning-meaning na bagay. halimbawa, sa cord daw, may nakapagsabi raw sa kanya na dapat tatlo ang tali nito na nakatirintas sa isa't isa. Kasi raw, ang nire-represent ng isang tali ay si God, ang isa, ang bride at ang isa pa ay ang groom. Mas matibay daw ang pagsasama ng bagong mag-asawa kapag ganon ang ginamit na cord.

wow! bumbilya moment. ang ganda naman, kako. gagawin ko rin iyan.

pero dahil hindi naman tali ang cord namin, nag-isip ako kung paano akong magpupulupot ng tatlong string of pearls/beads. baka masira ko ang cord bago pa man ito magamit. ngek.

so ang naisip ko, colors na lang ang magre-represent kay God, kay bride at kay groom.

isang araw, nagpunta na nga ako sa Divisoria. doon ako bumili ng beads-beads at saka tali (umabot sa P160 lahat-lahat).

sa beads, tatlong kulay ang pinili ko: baby pink, dark pink at violet. bugambilya shades pa rin. pinakamarami ang baby pink na beads dahil ito ang pinakamalapit sa puti.

tapos pagkaraan ng ilang araw, nagpunta naman ako sa Welmanson sa Quiapo para bumili ng krus (P40 mga limang piraso, dalawa lang ang ginamit namin, kaya 'yong natirang mga krus ay ibinigay namin kay Ging, ate ni Poy) at pendant na letter P at B (P20 yata ang isa).

Sa Las pinas ko ginawa ang cord. ginawa ko ang cord habang nakikipagkuwentuhan ako sa nanay kong si Tisay.

maliban doon sa tatlong color representing god, bride and groom, spontaneous na ang iba pang elements ng ginawa kong cord tulad ng...

1. nilagay ko sa gitna ang krus, pagkatapos niyon ay may 8 beads sa magkabilang side. each bead representing each year na magkakilala kami ni poy.

tapos after ng 8 beads each side ay ang letters P at B, initial namin ni poy



2. tatlong beads para sa bawat kulay at tatlo ang kulay na pinagsalit-salitan ko para buong cord ay tatlo ang nagbibigkis: ako, si poy at siyempre si god.



3. nang maubos na ang iba't ibang kulay na beads, puro pink beads na lang ang ginamit ko. ito yung nag-close sa cord. nearest color sa white ang baby pink beads. and white for me means wedding!

ito na ang cord nang ilagay sa amin. pa-otso raw ang paglagay sa bride and groom (nakalagay din ito sa misalette na hawak namin).



si adam david at si karen encomienda ang aming abay para sa cord. si adam, super friend ko. parang bunsong kapatid. malaki ang nagawa niyan para sa amin ni poy. lalo na nung samahan niya si poy sa isang workshop sa cavite hahaha. nakita pa raw ni adam na umiyak iyak si poy (yikes, dahil sa mga nangyayari sa amin that time, sori di ko ma-reveal ngayon. sobrang komplikado kasi!)

si karen naman, pinsan ni poy. na nakuwentuhan niya noong naglalandian este nagpapalipad-hangin pa lang si poy sa akin hahahaha naikuwento raw niya ako kay karen kaya naging bahagi si karen ng aming pre-relationship phase.

back to the topic.

kahit payak at medyo chipangga ang beads, masayang masaya ako sa cord namin. kasi ito ang isa sa matatawag na talagang amin, tipong walang katulad. at saka lahat ng element at parts ay makabuluhan sa aming relasyon. masaya rin ako na nabuo ko ito sa piling ni tisay.

this must be a cord from the Lord ;)



(Copyright owner of photos 1 and 2: Bebang Siy. Copyright of photo 3: Vivian Nocum Limpin.)

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...