Para sa KAPIKULPI
Kapiraso ng Kulturang Pinoy, kolum nina Bebang Siy at Ronald Verzo sa Perlas ng Silangan Balita, Cavite
26 Abril 2011
Iyan ang ipinapaalala ng Mahal na Araw sa atin. Kaya tayo nagdiriwang niyan taon-taon. Para bawat isa sa atin ay maging sariwang muli sa isip na nagsakripisyo ang nag-iisang anak ng Diyos para sa lahat.
Ang problema sa ating mga Pinoy, matingkad lang ang salitang iyan kapag Mahal na Araw. Or worse, sa iba, kapag Biyernes Santo lang. Kapag patay lang ang Diyos.
Hindi natin ito magawa araw-araw: ang magsakripisyo para sa iba. Para sa ikabubuti ng iba.
Sa dyip, lagi kong nakikita ang mga ganitong tao: manong na nakabukaka, parang ayaw niyang maipit, nang konti lang naman, konting-konti, ang betlog niya, babaeng nakatagilid at parang nanonood ng TV habang nakaharap sa bintana, ale sa dulo na pinauupo ang dalang plastic bag at marami pang tulad nila na walang pakialam sa huling pasaherong uupo o kaya sa pasaherong kalahati lang ng pisngi ng puwet ang sumasayad sa upuan.
Buo naman ang bayad ng lahat ng pasahero pero bakit hindi sapat ang espasyong inookupa niya? Or rather ipinaookupa sa kanya? Kasi…
Walang pakialam ang mga nabanggit kong tao sa kapwa nila. Bakit? Kasi komportable na sila sa inuupuan at espasyo nila. Bakit nga naman magsasakripisyo pa sila para sa ikagiginhawa ng upo ng iba?
Ano naman ang mapupurat ni Manong kung iipitin niya nang konti ang yagbols niya at pagdidikitin ang mga hita? Ano ang mahihita ni babae kung aayos siya nang upo at haharap sa katapat imbes na sa bintana sa tabi niya? Ano ang mapupunta sa ale kung bubuhatin niya ang plastic bag niya at kakalungin ito?
Wala.
Kaya hindi nila ginagawa.
At dahil wala silang mapupurat, mahihita at walang mapupunta sa kanila, ang mas dakilang tawag sana sa gagawin nila ay sakripisyo. Pagsasakripisyo ng sariling comfort zone para ang iba ay maging maginhawa din ang pagkakaupo at paglalakbay sa dyip.
Sa ganyan kaliit na bagay, makikita natin kung gaano kadaming Pinoy ang tunay na may malasakit sa kapwa. Ang tunay na handang magsakripisyo para sa iba. Ang tunay na pagiging mabuti. Ang tunay na pagiging Hesus.
Nalulungkot ako kapag nakakakita ako ng mga ganitong Pilipino. Bakit, sino nga ba ang matutuwa?
Anyway, ito kasi ang tipo ng mga tao na kapag yumaman ay tiyak na kakalimutan na ang kapwa nilang maralita. Ito ang tipo ng mga tao na kapag komportable na sa sitwasyon at buhay nila, wala na, hindi na sila kikilos para makapagdulot ng ginhawa sa iba, para makatulong sa iba. Kumbaga, kung sampung tao sila sa kumunoy at sinuwerteng makaahon ang isa, itong isang ito, tatakbo na lang at iiwan ang siyam. Hahayaan na lang niyang sagipin nila ang kani-kanilang mga sarili.
O kaya ay mamatay sa putik.
Ikaw, ganyan ka ba? Kung hindi, patuloy na umayos sa pag-upo. ‘Yan na lang ang tangi nating sakripisyo sa araw-araw. Kahit tapos na ang Mahal na Araw.
(Ang copyright ng larawan ay kay Beverly Siy.)
Tuesday, May 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment