Friday, February 4, 2011

@ work


hmm...

bihira ang ganitong trabaho. nakakapasyal ka habang sumusuweldo.

salamat sa aking boss sa pagkuha ng retratong ito. ito ay kinunan noong naghold kami ng event para sa mga manunulat ng pangasinan. sa tapat ito ng lingayen gulf na nasa likod ng pinakamarikit na building ng gobyerno na nakita ko: ang capitol building sa lingayen.

minsan, nami-miss ko ang pagtuturo. marami akong natutuklasan na gusto kong maibahagi sa mga estudyante ko noon. andami-dami pa nilang dapat malaman. at malaki ang pakinabang nila sa mga impormasyong ito. sayang at hindi ko na sila estudyante ngayon. sayang at wala na akong estudyante ngayon.

nami-miss ko na rin ang mga kaibigan ko sa eskuwela. nami-miss ko na rin ang pagring ng bell, pagpasok sa pinto at pagbati sa mga estudyante ng magandang araw. nami-miss ko na rin ang pagdarasal kada oras. minsan pa nga kada tatlumpong minuto.

pero minsan, sinasabi ng isip ko na mas ok na ang trabaho ko ngayon. wala akong test paper na iko-construct. walang quiz o test paper na che-check-an. walang grade na isa-submit. walang pakikisamahan na supervisor na wala namang alam sa subject na itinuturo ko. wala akong saktong oras sa opisina, maliban na lang kung may mga meeting at event. hindi kailangang laging naka-business attire. puwede akong pumasok nang naka-tsinelas. kahit nakatsinelas ako sa harap ng boss ko, ok lang. basta raw pormal ako sa mga pormal na pagkakataon.

sa ngayon, hindi ko alam ang damdamin ko. may nagsasabi sa aking ituloy ko lang ito. may nagsasabi namang mas bagay ako sa akademya. ang problema, ang mga nagsasabi na iyan ay parehong galing sa iisang utak. utak ko.

kung gusto ko talaga ng career sa akademya, kelangan kong tapusin ang masters ko. mag PHD at magsulat nang magsulat at magbabad nang magbabad sa mga library para mag-aral at manaliksik.

gusto ko ba 'yan?

e bat ganon? parang ayoko naman. o ayoko lang dahil hindi ko kayang gawin? o ayoko lang dahil tinatamad na akong gawin?

ang hirap pala pag ganitong hindi mo alam ang gusto mo. at ang ayaw mo.

para kang hangin. sasayaw-sayaw sa ere ang isip.

2 comments:

Anonymous said...

Magandang araw po Ma'am Bebang! haha :D

babe ang said...

Hello, Cham cham! Kumusta ka na? Salamat sa pagbisita sa blog ko, ha? Let's keep in touch! beverlysiy@gmail.com

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...