Friday, February 4, 2011
Bumababaw ba ang kaligayahan mo?
ang sa akin, oo.
at na-realize ko rin na puwede pa lang maapektuhan ng public transportation system ang kaligayahan ng isang tao.
masaya ako pagdating ko dito sa opisina.
ops sana hindi ito mabasa ng boss ko. ibig sabihin, pagdating na pagdating sa opis ay sumusulat lang ako ng blog entry.
anyway, masaya ako kasi hindi ako nasiksik sa mrt. hindi rin ako namanyak. hindi rin ako napipi. hindi rin ako nairita. hindi ako nakapang-irita. masaya ako dahil hindi ako nakaranas ng impiyerno papunta sa boni mrt station.
6:30 am ako umalis ng bahay. para makarating sa gma-kamuning mrt station nang 6:45 am. kasi napansin kong pagsapit ng 7:00 am ay punompuno na ng tao ang mrt. at kahit sa ladies section ay ganon din. walang ginhawa.
pero ibang-iba ang mrt mula 6:59 am pataas. mas maaliwalas ang mukha ng mga tao. mas mababango ang mga tao. mas magagalang. mas mapagbigay. mas maalalahanin. mas boy scout ang mga lalaki. mas mapagkalinga ang mga babae. kasi mas komportable.
hindi pa siksikan.
kaya naman, naisip kong kung gusto ko o kailangan kong pumasok nang maaga, kailangan ay nakasakay na ako ng mrt nang 6:59 am o mas maaga pa.
kasi kung hindi, tiyak na malungkot na malungkot akong darating sa opisina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment