Wednesday, February 16, 2011

anak ka ng ina mo!

sori. gigil na gigil lang ako.

inaaway ako ng nanay ng tatay ng anak ko.

bale lola sa tatay ni EJ.

bakit?

kasi noong isang araw ay nagtext ako sa kanya at sa anak niyang herbert "jojo" f. antonio ng ganito:

load na lang ang sustento mo sa anak mo, hindi mo pa maibigay? ang kapal naman ng mukha ninyo!

ALL CAPS 'yan, 'day!

kasi nag-text ang anak ko kay jojo para humingi ng load para itext ako. last load na niya yon. kaya siya humingi ng load. you see, ej is not abusado. hihingi lang siya pag kailangan niya.

reply ng tatay, bakit? hindi mo ba kasama ang nanay mo?

siyempre, hindi na nakasagot sa kanya ang anak ko kasi nga wala nang load. anong ginawa ng tatay? nag-alala ba? tumawag? nagtext uli?

HINDI.

at kung talagang matinong tatay ang gagong jojo na yan, dapat niload-an na niya ang bata o di kaya ay nagpasa load siya kahit piso.

e hayup hindi nga ginawa

so nang malaman ko to a few days after na, nagsiklab talaga ako. pinaghalong galit ng world war 1, 2, gulf war, war of the worlds at kung ano ano pang war!

kaya ayun ang text ko sa kanya. na itinext ko rin sa nanay niya dahil gusto kong malaman ng nanay niya kung anong klaseng pambabalewala ang ginagawa ng anak niya sa anak ko.

friends, ang lalaking ito ay hindi ever nagsustento. magti-13 years old na si ej. imagine? ni piso walang sustento. ever since.

at bakit hindi ako naghabol noon? dati ko pa siyang sinasabihan na magbigay. pero wala talaga. matigas talaga ang mukha. akala niya, sapat na ang pagbibigay niya ng regalo kay ej kada taon. ano siya, ninong? ay siya nga pala, hindi puwedeng sabihin tuwing birthday at christmas ang bigay dahil minsan, palya. at madalas, late. tipong kung pasko, darating na ng independence day ang regalo.

pinagtatawanan na lang namin ni ej. lalo na ang pagiging late niya.

PERO OPS, WALA PA RIN SIYANG KASINGKAPAL.

at ano ang regalo?

aso
pusa
(wala namang binibigay na pambili ng pagkain para sa mga hayop na to. e kami pa naman sa bahay ang mga ulam namin, bili lang. sakto lang sa isang kainan at bihirang bihirang may matira. so in short, nagbibigay lang si jojo ng pasanin sa anak ko! ito namang anak ko palibhasa'y bata ay sabik sa alaga, kaya tanggap lang nang tanggap. with a smile pa)
t-shirt
sapatos (na di kasya kasi di niya inaalam ang sukat ng anak niya at palagay ko di naman talaga para ke ej yun, wala lang sigurong gustong kumuha kaya ibinibigay na lang ng magaling na tatay kay ej)
gel
pabangong may bawas (ok lang kung may bawas, pero ang tanong bat ito pa ang ibibigay mo? bakit di na lang gamit sa eskuwela? o kaya medyas, brip?)
baseball cap na gamit na (ok lang din kung gamit na pero ganon din, di naman to necessity sa eskuwela, are you dumb and dumber?)
biskuwit
ponkan
chicken joy
laruan

o di ba parang ninong lang?

sana may ampao din!

at sabi ng nanay ni jojo sa mga palitan namin ng text,ang pangalan nga pala niya ay baby:

1. para kang walang pinag-aralan diyan sa pinagsasasabi mo.
2. nawalan na ako ng gana tumulong.
3. wala ka nang aasahan.
4. mag-isa ka diyan.
5. grabe ka manlait.
6. tumahimik ka na sa kadadada mo.
7. bahala ka na diyan.
8. tumigil ka na.
9. ikaw ang masama ang ugali.
10. wag ka na gumamit ng god bless para lang yan sa nasa katinuan
11. wala ka na sa tamang pag-iisip
12. plastik ka
13. wala kang pakialam sa pasyal namin
14. pera lang ang habol mo

at ang pinakamalupit sa lahat:
hindi lang kayang buhayin si ej ng lalaki mo ngayon kaya nagngangangawa ka diyan.

oh meeeeeeeeeeen. sino ngayon ang nanlalait?

facts and figures muna.

wala akong panlalait na sinabi sa mga text ko. sinabi ko lang ang totoo.

ano ang mga tinext ko?

MAHIYA NAMAN KAYO KAY EJ. HIGH SCHOOL NA ANG BATA, ASAN ANG SUSTENTO NINYO? NI PISO, WALA?

JOJO, NANGUNGUTANG KA PA DAHIL XMAS PARTY NI EJ AT JAJA. DI KA NA NAGSUSUSTENTO, GINAGAMIT MO PA ANG BATA PARA MAGKAPERA. MAKAPAL KA TALAGA.

ANONG KLASE KAYONG LOLA AT AMA? PINAPABAYAAN NINYO ANG APO AT ANAK NINYO?

KAYA SIGURO MASAMA ANG UGALI NG ANAK AY DAHIL MASAMA RIN ANG UGALI NG INA

IRESPONSABLENG AMA SI JOJO TAPOS KINUKUNSINTI NAMAN NG NANAY. SINO NGAYON ANG MASAMANG UGALI

ANG TAONG MAKADIYOS,HINDI KUNSINTIDOR.

JOJO, KAWAWA KA NAMAN. NADADAWIT NANAY MO SA GULONG PINAPASOK MO. DI KA NAMAN NA TEENAGER.

MAHIYA KAYO SA ANAK AT APO NYO.KAHIT KONTI LANG.

PLASTIK ANG TAONG NAGPAPANGGAP NA MAYAMAN AT PADISNEY-DISNEYLAND PA PERO DI MASUSTENTUHAN ANG APO AT ANAK.

GATAS, ULAM, GULAY, BIGAS, NOTEBOOK, LAPIS, BALLPEN YAN ANG MGA KAILANGAN NG ANAK KO. HINDI KAILANGANG CASH. IBIGAY NYO YAN KAY EJ AT HAHALIKAN KAYO NUN SA TUWA.

at ang pinakapaborito ko sa lahat, ANG TUNAY NA KRISTIYANO, NAGSUSUSTENTO.

Ito kasing si Lola Baby ay may pagka makadiyos. Nang una kaming magkaharap noong January, sa bahay nila, wala talaga akong balak mang-away, siniguro ko lang na doon nga nakatira itong si Jojo. Pagdating ko doon, defense nang defense si lola baby sa anak niya e hindi naman ako nagsho-shoot. payo nang payo itong si lola baby. sabi, kung nahihirapan daw ako, manalig ako. dagdagan ko ang pagdasal sa diyos. maniwala ako sa diyos etc etc

diyoskoday e 12 years na akong nananalangin na maawa si jojo sa anak niya.

me nangyari ba?

me sustento bang dumating?

WALA

At isa pang point, kaya rin ako hindi pursigido noon na masustentuhan si ej ay dahil sa ex ko. natutulungan niya kaming mag-ina kahit paano. at pinaka-pinakaimportanteng fact,may trabaho ako.

pero last year, summer, pursigido na akong ihabla siya dahil sinabihan ko na siyang wala akong trabaho pero ganon pa rin. wala pa rin siyang pakialam. binalewala pa rin ang anak ko!

kaya gumawa na ako ng aksiyon, i asked atty. jp anthony cunada to help me. he sent a letter of demand nung may 2010. may narinig ba mula sa kanilang kampo?

wala na naman. KAPOW.

Noong december lang ako nakagawa uli ng move. dahil may ginawa siyang katarantaduhan kay ej nung bday nito, september. pinaasa niya ang bata na susunduin niya ito sa araw na siya mismo ang nagset. ilang araw na napostpone nang napostpose nang napostpone. hanggang sa iyong huling takdang araw na siya mismo uli ang nagset, wala siya. POOF.

kawawa raw ang anak ko pabalik-balik sa gate at sa labas kakahintay sa kanya. isang buong araw na naman. ondoy ng disappointment.

yun nga di sinasadya ay nagkita kami sa bahay nila. december at nagkasigawan. nagkabarangayan pa. na mukha namang biased na biased ang barangay official. mali-mali pa ang prosesong pinagdaanan ko. sayang oras at pamasahe at pagod. hay. pilipinas i love you.

inungkat ni jojo ang aming nakaraan. baul kung baul.

sinisisi niya ako kaya hindi siya nagbibigay ng kahit ano for ej.

a...

ang galing.

galing magpalusot.

iresponsable ka lang. ano ba? dami pang sinasabi, e.

after the december incident ay biglang dumating itong si jojo sa bahay namin, isang araw na ako ay nasa malayong lugar. pinakain niya ang anak ko sa jollibee (kawawa naman ang anak ko, tuwang tuwa na siya sa ganon kasi akala niya, jackpot na siya na makita ang tatay niya at maitreat siya nito sa jollibee.)at binigyan ng isang lumang cellphone.

ok lang naman sa akin. yan ang sustento mo? cellphone? okay a. hige pagbigyan

sabi ko kay EJ, wag na wag mong gagastusin ang pera mo para sa load.

tinext ko ang lola baby at jojo, magload kayo kay ej dahil ayokong mapupunta ang pera ni ej sa load kaya hindi ko pa yan binibigyan ng cellphone.

at nagload naman sila. P25

at iregular pa yan. ni wala silang usapan kung buwanan ba o lingguhan o taon-taon.

basta niload an nila ng P25 the day i texted them

aba beri good.

o ano na ang next?

noon ko nga nalaman, sa cellphone na yun na nangungutang si jojo gamit si ej. nakalimutan niyang burahin sa sent mails niya.

sinong matinong tao ang matutuwa diyan? sino?

gustong gusto ko na siyang ihabla, friends.

pero ang tanging pumipigil sa akin ay ang posibleng resulta na wala din siyang ibibigay sa anak ko. at magagastusan lang ako nang malaki. ang defense niya at ni lola baby, may sakit siya. kaya walang trabaho. walang girlfriend, di makapag-asawa.

walang trabaho kaya wala ring maibibigay kay ej.

so ganun na lang yon?

putek 12 years nang walang sustento ang anak ko mula sayo, ganun lang yon?

2008 ay nakapag-abroad yan. nagpadala ba kahit ng isang butil ng buhangin? hindi. nagsustento ba? hindi.

nagbigay ba ng kahit magkanong pera?

oo.

P100

yes. isandaang piso. at binigay nya to noong andito na siya sa pilipinas. dala niya ang mga pasalubong niya kay ej: ponkan at mga biskuwit.

papabol talaga, di ba? the best e. ano pang hahanapin mo?

tanong, jojo, noon bang nagkatrabaho ka naalala mong sustentuhan si ej? ha?

ngayon, mukhang walang trabaho talaga si jojo pero hindi ibig sabihin noon ay wala siyang kita. mukhang freelancer si jojo. nagba-buy and sell ng kung ano-ano. kuwento rin ni ej, na kuwento daw ng tatay niya, manager daw ito sa filinvest.

o, may pinagkakakitaan naman pala, e.

isa pa, ang yabang-yabang ng lola baby na yan nang minsang magkita sila ng nanay ko sa isang mall. me parlor daw si jojo. sariling negosyo raw.

o asan?

baka makalibre man lang ng gupit ng buhok ang anak ko. P50 din iyon.

at hindi ako naniniwalang walang pinagkakakitaan ang lalaking iyan. for 12 years? e ang luho-luho niyan, e. mana sa nanay niya. gusto abroad nang abroad. gusto magara ang bahay kahit hindi naman alam kung saan hahagilapin ang perang pangrenta. gusto me kotse.

o saan nakakakuha ng panggasolina?

at ang regalo sa isa pa niyang anak, laptop!

at kung di ba naman talagang nuno ng pagiging ungas, babanggitin pa kay ej. e di malulungkot ang bata. bakit? e natural, wala kang maibigay na pambili ng gatas sa kanya tapos ibabalita mo na nagbigay ka ng laptop sa isa mo pang anak?

ungas talaga. hrrr....

friends, ok lang kung mahirap sila. E hindi naman, e. private school pa yung lahat ng batang nakatira sa bahay nila pati yung isang anak ni jojo. si jaja. nakakapag-abroad ang pamilya niya para mamasyal. maganda ang apartment na nirerentahan nila sa las pinas, me kotse sila, me kapatid siyang nasa singapore. ang gaganda ng mga polo niya, cap, pantalon, sapatos. laging mabango. ibig sabihin, me pambili ng pabango.

BAKIT HINDI SIYA MAKAPAGSUSTENTO?

oh lord.

at ang asin sa sugat pa rito ay ang justice system natin. halos lahat ng abogadong nakausap ko, ang sabi sa akin ay wala rin siyang maibibigay sayo kung wala siyang trabaho. sayang lang ang paghahabla mo.

so kung ganon din pala, bakit hindi gumawa ng paraan ang kinauukulan para kahit walang trabaho ay mapilitang magbigay ang mga tanginang iresponsableng mga ama na yan?

kapag ba walang trabaho ang mga yan, tumitigil sa paggiling ang tiyan ng mga anak nila? hindi naman, a.

sa sistema ngayon, imagine gagastos pa ang babae para lang mapatunayang me trabaho ang lalaki? ano siya, bale? e di ipakakain na lang niya sa anak niya ang gagastusin niya dito di ba?

unfortunately hindi na nga maihahabla ang lalaki at wala na siyang responsabilidad sa anak kahit tirik na ang mata nito sa gutom. e kasi wala siyang trabaho e.

bat ganon? pano kung pareho silang walang trabaho, wala na silang responsabilidad sa bata? hahayaan na lang tong umiyak sa gutom? sori na lang?

putchashet ng sistema.

tinanong ko na rin to sa dswd noon. wala pa raw nakukulong dahil sa economic abuse.

so para palang walang kuwenta yang ra 9262 economic abuse angle na yan. napakamakalalaki pa rin kasi di ba? ang lahat ng burden nasa babae.

lagi na lang. kahit noon pa.

isa pa nga.

putchashet.

JOJO
LOLA BABY
SISTEMA

ayan, mas ok na ako. kelangan ko lang talagang ilabas ito.

Tuesday, February 15, 2011

Paalam, Kuya Ching.

Balita mula sa Bombo Radyo Pilipinas

Pumanaw na ang character actor na si Ching Arellano.

Ayon sa pinsan nitong si Pam Alejandro, binawian ng buhay ang aktor nitong Sabado matapos atakehin sa puso.

Nabatid na na-stroke na rin si Ching noong nakaraang taon.

Nakalagak ang labi nito sa Floresco Funeral Homes sa Barangay Concepcion sa Malabon at nakatakdang i-cremate bukas sa Eternal Gardens, Balintawak sa Quezon City.

Si Ching o Francis Anthony A. Arellano sa tunay na buhay ay isa sa mga original cast ng pambatang show na "Batibot."

Wednesday, February 9, 2011

mga pananaliksik ng estudyante ko

noong nagtuturo ako ng pananaliksik sa freshmen, ang isa sa requirements ko ay, siyempre, research paper.

na isa-submit sa dulo ng semestre.

pero dahil mapagmahal ako sa inang kalikasan, hindi ko ipinasa-submit ito sa pisikal na papel. lahat kailangan ay nakapost sa internet. doon ko rin che-check-in.

bakit?

una, dahil nga ayoko ng maraming papel sa buhay ko

ikalawa, gusto ko hindi lang ako ang makabasa kundi ang mga kapwa nila estudyante rin at ang mga mahal nila sa buhay,crush, kaibigan, jowa, kaaway at iba pa.

ikatlo, sabi ko mas madali kayong mahuli kung nag-plagiarize kayo kasi isa lang ang makabasa niyan at may mag-claim niyan, dudang-duda na ako sa gawa ninyo

ikaapat, gusto ko maaaccess ko ang research nila kahit nasaan ako (basta may koneksiyon sa internet). hindi ko na kailangang dalhin ang mga hard bound, folders at iba pa

ikalima, gusto ko mas mahaba ang buhay ng kanilang pananaliksik. at mukhang internet is here for good. kaya naman kahit siguro matanda na sila nariyan pa ang mga isinulat nila para sa klase namin.

so here you go...

works of some of my former students:

negosyantengthomasino.blogspot.com/.../negosyanteng-tomasino-1fpm_06.html
http://1amid.wordpress.com/2009/03/01/mabuhay/
casinofilipino0708.multiply.com
boojoi.livejournal.com
http://www.scribd.com/doc/48190127/jomaira
kevinpastor.multiply.com/journal/item/1
ntp-1lam.blogspot.com/2008/09/kss-kahit-saan-saan.html
buhaybouncer.blogspot.com/
tomasyante.blogspot.com/
glutalab.blogspot.com
paanomagbasangmapa.blogspot.com
kabataangpromdimanileno.blogspot.com
jollibeevsmcdonalds.blogspot.com
skrapananaliksik.blogspot.com
magkalayongpinoy.blogspot.com
weliveto.multiply.com/journal
1fpmclass09.blogspot.com
busythomas.blogspot.com
marcofer.multiply.com/journal/item/1/Revised
parasafilipinoproject.blogspot.com
kambakla.blogspot.com


please ask for their permission kung gagamitin ang kahit na bahagi lamang ng kanilang mga akda. hanapin sa websites nila ang kanilang mga contact detail.

maraming salamat uli!

hits


andami palang nagbabasa ng mga entry ko dito sa blog ko. or dumadalaw.

(ba, malay ko ba kung di naman talaga nagbabasa. paview-view lang.)

nakuha ko ito sa stats ko. sa tabi ng bawat pangalan ng bansa ay ang dami ng hits o nagview sa aking blog entries mula nang mag-umpisa akong blog noong 2008 hanggang ngayong araw na ito.


Philippines 3,434


Germany 981


United States 194


Netherlands 111


Russia 68


Latvia 40


Canada 39


Slovenia 27


United Arab Emirates 24


Luxembourg 22



at ano-anong entries ang binabasa?

Filipino ng mga Filipino
Nov 13, 2009 331 Pageviews



huling papel para sa Panitikang Oral
Nov 30, 2009 327 Pageviews



Huling Pagsusulit
Oct 15, 2009 245 Pageviews



papel # ___th %^#^!#^@@
Jan 21, 2010 226 Pageviews



Huling huling papel na talaga para sa Panitikang O...
Feb 26, 2010 216 Pageviews



balinguyngoy
Aug 8, 2009, 2 comments 66 Pageviews



andami-dami pa
Apr 2, 2009 58 Pageviews



papel 1
Jul 9, 2009 53 Pageviews



papel 2
Jul 24, 2009 39 Pageviews



Wikang Filipino at Komersiyo
Sep 20, 2009 36 Pageviews




so number one ang filipino ng mga filipino na report ko sa klase ni sir vim. hmm...im happy to know these things. finally, i get to share what i have learned or studied.

hindi ako mayaman kaya matutuwa ako kung makakapag-device ang blogspot ng paraan para mabayaran ang mga blogger nila kapag nabu-view ang mga entry nila. tinanong ko na ito noon sa mga kaibigan kong nagpakilala sa akin ng blogspot (si sarah grutas at si ging flores). ang mga blog na nakasulat lang daw sa ingles ang puwedeng kumita dito sa blogspot.com.

ha? e andami ngang nagbabasa sa akin kahit sa wikang filipino nakasulat ang trabaho ko, hindi lang sa pinas kahit sa iba pang mga bansa.

o, top one ang germany. marami yatang nag-aaral ng wika at kulturang filipino doon, a.

interesting! grabe.

at may isa pa akong ikinatuwa rito. may audience ako mula sa slovenia at latvia! imagine? teka, san ba yang mga yan? ahahahaha wala akong idea talaga pero nakakatuwa na ang mga naiisip ng isang simpleng pinay na tulad ko ay pagkakainteresang basahin ng mga tao mula sa napakalayong lugar at malamang na napakalayong kultura rin.

sana lang may mag-translate (madali lang humingi ng permiso ko opkors) para mas maraming makabasa at makaintindi ng mga akda ko rito.

siyanga pala, though im happy to know that a lot of people from all over the world (naks naman) are reading/copying/pasting my works, i am still not allowing any one to just use them without my permission. I won't ask for anything, don't worry. I just want to know who will be using my works and where will they be used. at siyempre gusto ko rin, tulad ng lahat ng manunulat, na ma-acknowledge bilang batis ng impormasyon kung may kokopyahin man o gagayahin o ipaparaphrase sa aking mga akda.

im one email away: beverlysiy@gmail.com

payo lang: the best pa rin ang legal na paraan.

Executive Officer nga pala ako ng Filipinas Copyright Licensing Society, Inc. hehehe kaya ganyan

maraming salamat sa inyong pagtangkilik! keep on reading.

hugs,
babe-ang

(Ang larawan ay kuha ni Alvin J. Buenaventura, ang aking boss.)

Friday, February 4, 2011

@ work


hmm...

bihira ang ganitong trabaho. nakakapasyal ka habang sumusuweldo.

salamat sa aking boss sa pagkuha ng retratong ito. ito ay kinunan noong naghold kami ng event para sa mga manunulat ng pangasinan. sa tapat ito ng lingayen gulf na nasa likod ng pinakamarikit na building ng gobyerno na nakita ko: ang capitol building sa lingayen.

minsan, nami-miss ko ang pagtuturo. marami akong natutuklasan na gusto kong maibahagi sa mga estudyante ko noon. andami-dami pa nilang dapat malaman. at malaki ang pakinabang nila sa mga impormasyong ito. sayang at hindi ko na sila estudyante ngayon. sayang at wala na akong estudyante ngayon.

nami-miss ko na rin ang mga kaibigan ko sa eskuwela. nami-miss ko na rin ang pagring ng bell, pagpasok sa pinto at pagbati sa mga estudyante ng magandang araw. nami-miss ko na rin ang pagdarasal kada oras. minsan pa nga kada tatlumpong minuto.

pero minsan, sinasabi ng isip ko na mas ok na ang trabaho ko ngayon. wala akong test paper na iko-construct. walang quiz o test paper na che-check-an. walang grade na isa-submit. walang pakikisamahan na supervisor na wala namang alam sa subject na itinuturo ko. wala akong saktong oras sa opisina, maliban na lang kung may mga meeting at event. hindi kailangang laging naka-business attire. puwede akong pumasok nang naka-tsinelas. kahit nakatsinelas ako sa harap ng boss ko, ok lang. basta raw pormal ako sa mga pormal na pagkakataon.

sa ngayon, hindi ko alam ang damdamin ko. may nagsasabi sa aking ituloy ko lang ito. may nagsasabi namang mas bagay ako sa akademya. ang problema, ang mga nagsasabi na iyan ay parehong galing sa iisang utak. utak ko.

kung gusto ko talaga ng career sa akademya, kelangan kong tapusin ang masters ko. mag PHD at magsulat nang magsulat at magbabad nang magbabad sa mga library para mag-aral at manaliksik.

gusto ko ba 'yan?

e bat ganon? parang ayoko naman. o ayoko lang dahil hindi ko kayang gawin? o ayoko lang dahil tinatamad na akong gawin?

ang hirap pala pag ganitong hindi mo alam ang gusto mo. at ang ayaw mo.

para kang hangin. sasayaw-sayaw sa ere ang isip.

Bumababaw ba ang kaligayahan mo?


ang sa akin, oo.

at na-realize ko rin na puwede pa lang maapektuhan ng public transportation system ang kaligayahan ng isang tao.

masaya ako pagdating ko dito sa opisina.

ops sana hindi ito mabasa ng boss ko. ibig sabihin, pagdating na pagdating sa opis ay sumusulat lang ako ng blog entry.

anyway, masaya ako kasi hindi ako nasiksik sa mrt. hindi rin ako namanyak. hindi rin ako napipi. hindi rin ako nairita. hindi ako nakapang-irita. masaya ako dahil hindi ako nakaranas ng impiyerno papunta sa boni mrt station.

6:30 am ako umalis ng bahay. para makarating sa gma-kamuning mrt station nang 6:45 am. kasi napansin kong pagsapit ng 7:00 am ay punompuno na ng tao ang mrt. at kahit sa ladies section ay ganon din. walang ginhawa.

pero ibang-iba ang mrt mula 6:59 am pataas. mas maaliwalas ang mukha ng mga tao. mas mababango ang mga tao. mas magagalang. mas mapagbigay. mas maalalahanin. mas boy scout ang mga lalaki. mas mapagkalinga ang mga babae. kasi mas komportable.

hindi pa siksikan.

kaya naman, naisip kong kung gusto ko o kailangan kong pumasok nang maaga, kailangan ay nakasakay na ako ng mrt nang 6:59 am o mas maaga pa.

kasi kung hindi, tiyak na malungkot na malungkot akong darating sa opisina.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...