A few bisperases ago, may nakasabay akong lalaki na may kargang batang babae papaakyat sa hagdan ng Recto LRT station. To Baclaran side.
Pauwi ako nito galing sa Divisoria at kapapamili pa lang ng nalimutang bilhin na mga panregalo. dalawang malalaking plastic na white at red ang stripes ang nasa magkabilang kamay ko. XXXXXL yata ang size ng mga plastic bag pero okey lang. di naman mabigat. kayang-kayang buhatin ng isang kamay actually.
pasuray-suray na umaakyat ang lalaking may kargang batang babae. mga one year old ang bata. wala itong reaksiyon sa nangyayari sa kanila ng may karga sa kanya. nakasubo lang ang hintuturo sa sariling bibig.
parang hinilamusan ng pawis ang lalaki. magulo ang buhok at malangis ang side ng mukhang nakikita ko. pakapit-kapit siya sa railing habang nagsasalita.
Ikaw talaga. Pasko pa naman.
Lasing ang boses ng lalaki. pati diction. parang ganito: pahash-koh paha nuh-man.
pilit pa rin siyang umaakyat sa hagdan. lumingon ako sa paligid. may mga nag-aakyatan, may nagbababaan, may tumitingin pero walang humihinto. parang ako. hindi humihinto. nagmamasid lang. lumilingon-lingon lang. kasi nagmamadali na akong makauwi. ganon kapag bisperas ng pasko, lahat, nagmamadaling makauwi. mula sa ibang planeta, mula sa abroad, mula sa maynila, mula sa kabilang bayan, sa kabilang kanto, kapitbahay. hala uwi.
anoh bah 'toh? hanggahang ngahyown baaaah?
hiyaw pa niya. wala namang kausap.
saka ko napansing hindi langis ang nagpapakintab sa mukha niya. luha pala.
hashush. hinjih nah lahang. hinje. hinjih nah lang.
malapit na ako sa pinakatuktok. nasa kalahati na siya. bumitaw siya sa railing. at niyakap ang anak.
ay putangina mo!
ako yan. napasigaw ako. e kasi naman ambuway ng pagkakatayo niya. napababa ako kaladkad ang dalawang malaking plastic bag.
hinawakan ko agad ang bata. inalalayan ko sa likod. iniwasan kong mahawakan ang lalaki. amoy-pawis siya at alak. deadly combination.
pasinghot-singhot siya. pinupunasan ang mukha. parang may gera sa bangs niyang nakatirik.
kinuha ko na ang bata sa kanya.inilipat ko sa iisang kamay ang dalawang plastic bag. tsaka ko hinawakan ang braso ng lalaki. tara, kako. akyat tayo. baka mahulog kayo kung karga mo 'to.
ito na yata ang pinakamabagal kong pag-akyat ng hagdan. tinalo ko pa sa kabagalan ang boy scout na umaalalay sa isang matandang pilay na bulag at ang inaakyat ay bundok Apo.
pinagtitinginan pa kami ng mga usi. kasi di tumitigil sa kaiiyak ang lalaki. hawak ko siya sa braso. karga ko ang bata. paakyat kami ng hagdan. one happy family nga naman.
humihikbi-hikbi na 'yong lalaki. yong tipo na parang mauubusan ng hangin at nagpipilit na tumigil na sa kahihikbi.
paskong-pasko. huhuhuhu.
pagdating namin sa pinakatuktok, nagpatulong na ako sa guwardiya. nakahilig na ang bata sa balikat ko. manong, kako. sinabi ko agad kung bakit ko tinulungan ang lalaki.
di mo asawa to? tanong ng guwardiya.
hindi, a. halos mabakli ang leeg ko sa kaiiling.
anong pangalan niya?
di ko rin alam e. nakita ko lang po sila sa baba. baka kasi maaksidente pag pinaakyat mag-isa 'yan, e.
ang guwardiya na ang umaalalay sa lalaki. nakahilig ang isang ulo nito sa direksiyon ng guwardiya. parang jelly ace ang leeg. langong-lango siguro sa alak.
paano kaya sila makakauwi nitong batang 'to?
naglakad kami papunta sa teller. binigyan ng upuan ang lalaki at tinanong na siya.
pare, ano bang nangyari sa 'yo? bawal kang sumakay nang ganyan.
huhuhuhuhu.
miss, nakita mo siya, gan'to na?
opo, e, sagot ko.
ibinaba ko na ang bata. kumapit siya sa tuhod ng tatay niya.
huhuhuhuhuhu. iyak pa rin ng lalaki. ipinapahid niya ang braso niya sa mata niya.
ano ba 'to? sabi ng isa pang guwardiyang naka-duty habang hinihimas ang sariling batok.
buti na lang, miss, nakita mo sila. baka nga, nahulog pa 'tong dalawa na 'to.
dapat ngumiti ang puso ko. aba'y nakagawa ako ng good deed, 'no?
pero curious pa rin ako sa iniiyakan ng lalaki. biyudo ba siya? recent biyudo? nanakawan? naholdap? lugi sa exchange gift? natuklasang peke si santa? ano? bakit?
sayang at me oras akong hinahabol. ganon kapag bisperas, di ba? lahat nagmamadali. lahat gusto nang makauwi.
sige, 'nong. mauna na 'ko. kayo na po'ng bahala, kako.
hindi ko na sinulyapan ang bata.
tumalikod na ako at pinaghihiwalay ang dalawang plastic para sa dalawa kong kamay.
inurirat pa rin ng mga guwardiya ang lasing.
huhuhuhuhuhuhu nguyngoy pa rin niya.
yumbenan ko kasi huhuhuhuhuhuhu yumbenan ko.
di na ako lumingon. tiyak na waterfalls na ang dalawang mata ng lasing. malupit naman pala ang nagpapaiyak sa kanya. paskong-pasko. samantalang gusto lang namang makauwi ng lahat.
Monday, January 3, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment