Monday, January 24, 2011

hemorrhage

hindi lang ako na-nosebleed.

inalmoranas ako.

mantakin n'yo?

ako na educated in the philippines premiere state university?

na nagsulat pa minsan para sa isang business magazine? ingles siyempre.

na nagsusulat sa Ingles bago mapunta sa kursong malikhaing pagsulat sa filipino?

na nag-iingles nang konti kapag nakakatapak sa mamahaling coffee shop?

na napa-publish ang mga sanaysay sa ingles noong high school?

hay. that was my week. Ilang araw naming bisita si ms. karen sa opis. taga-australia siya. kaya palaaaaaaaaaaa. iba ang twang ng australiano sa amerikano sa britishano?

ops hindi. hindi dahil sa twang.

ok naman ang ingles niya. naiintindihan ko naman. pero ewan ko ba. hindi ako makalikha ng matinong conversation kapag kausap siya. i don't know what's wrong with me. pero may mga factors naman tulad ng ilang libong daan-daang taon na siya sa company niya na katulad ng company namin. at abogada pa siya. meaning alam na talaga niya ang pasikot-sikot ng mga ginagawa namin. e yun pa naman ang pinag-uusapan! so parang wiring ng mga kable ng meralco sa tondo ang brain nerves ko pag kinakausap niya ako at ang boss ko tungkol sa aming mga trabaho at sa mga kailangang ihanda at gawin sa susunod na mga araw, linggo, buwan, taon at iba pa.

aahhhkk...

ahhkkk..

sabi ng isip ko.

iiiiiiii...tama na. tama na.

but no. i had to stay there and listen and at least try to mumble a few words to show interest.

for days!

ang hirap magtrabaho.

isa pang factor ay napakabilis magsalita ni karen. and she's so sociable and articulate na kahit na anong topic may masasabi siya at may maikukuwento siya.

i have met lots of people like her. i didn't have problems before. nakakasabay ako. nagkakalakas ako ng loob na magjoke-joke. nadadala ko ang kombersasyon. pero dito? sa kanya? ewan ko talaga. sa kanya lang ako nagkaganito.

isa pang iniisip kong nakaapekto sa akin ay ang katawan ko. i wasn't in my best shape. wala naman akong sakit pero i wasn't feeling super well. para bang magkakaroon ako any time. at para bang gustong-gusto kong matulog na lang kesa makinig at makipag-usap sa taong kaya ko lang namang kausapin sa wikang ingles. super pagod din ako sa biyahe araw-araw sa mrt at lrt.

fyi, ang nasirang mrt bago mag 10am last week ay pinagsususpetsahan kong nasakyan ko that same day pero an hour earlier. kasi huminto rin kami bago mag-ortigas nang 20 minuto dahil may nag-amoy nasusunog sa loob ng train. tapos umandar pa naman ito at inihatid na lang kaming lahat sa ortigas at sa shaw. sabi ng driver, ipapark na raw ang train. hindi na bibiyahe.

pag-uwi ko sa bahay saka ko lang nabalitaan na may tumirik ngang train with matching usok-usok sa may santolan. mukhang ibiniyahe pa uli ang horror train na isinumpa na naming mga nakasakay that morning.

ayun. so i was distracted. tapos haypaluting pa masyado ang pinag-uusapan. tapos pagod ka pa. tapos you don't know what to do. tapos ingles pa. tapos may kakaiba pang twang. tapos ang usapan.

dinugo ako. ilang araw. buti talaga hindi ako natuyo.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...