Paksa: Pagsusuri sa Good Character (Girl) and Bad Character (Girl) ayon sa Manobo Storytelling as Approximation to Drama ni Hazel Wrigglesworth
Hindi Simple Kahit ang Pinakasimpleng Manobo Storytelling
Sa mga tanong pa lang na ibinigay ng aking guro para sa exam na ito ay nabalinguyngoy na ako.
Ano ang mga kategorya ng mga ideya at pormula na nagpapaliwanag sa kanilang sinasabi? Sinasadya ba ng nagkukuwento ang sistema ng pagpapahalaga?
Nang ibigay ang tanong na ito, nabasa ko na ang Good Character (Girl) and Bad Character (Girl). Pero wala pa rin akong ideya kung paano sasagutin ang tanong ni Mam. Bukod pa doon, kinukuyog ng mga tanong tungkol sa kuwento ang isip ko.
Bakit medyo magulo ang kuwentong ito? Bakit paulit-ulit ang mga talata o mensahe? Bakit parang pinahahaba lang? Bakit biglang lumilipat ang POV? Bakit biglang ay parang ako na ang inuutusan? At marami pang bakit.
Pero nang mabasa ko nang buo ang pagsusuri ni Wrigglesworth ukol sa Manobo storytelling, saka ko lang naintindihan ang lahat. Ang pinagagawa lang pala ni Mam ay suriin ang kuwentong manobo ayon sa sarili nitong estetika at konteksto at hindi ayon sa alam naming estetika (na malamang ay estetikang kanluranin).
Ang manobo storytelling ay mahalaga sa kulturang manobo dahil marami itong gamit:
a. Naghahatid ng aliw
b. Nagpapaalala
c. Container ng kasaysayan, tradisyon, ugali, sistema ng pagpapahalaga, world view at marami pang iba ng manobo
d. Transmitter ng kasaysayan, tradisyon, ugali, sistema ng pagpapahalaga, world view at marami pang iba ng manobo
Ayon kay Wrigglesworth, ang manobo storytelling ay madalas na nagaganap sa gabi sa isang pagtitipon ng magkakamag-anak at/o magkakaibigan. Kapag ang isang storyteller ay nahikayat na magkuwento ay agad na papalibot sa kanya ang mga tagapakinig. Hihilingin ng storyteller na patayin ang natitirang ilaw sa lugar na iyon pagkatapos ay tatalikod siya sa mga tagapakinig. Ang ganitong ambience ay naghihimok sa tagapakinig na paganahin ang kanilang imahinasyon.
Sa puntong ito, mahihinuha na ang storytelling nila ay talagang interaktibo. Hindi lang ito basta panonood. Ito ay napakasikolohikal na gawain, isang mental exercise sa panig ng storyteller at tagapakinig. Ang tagapakinig mismo ang magbibigay-buhay sa mga tauhan ng kuwento at magmumukhang entablado ang buong lugar na pinagkukuwentuhan. Tumatagal nang buong magdamag ang gawaing ito.
At dahil sa pisikal na kontekstong ito, sinisiguro ng storyteller na walang mami-miss ang tagapakinig niya. Kaya naman, gumagamit siya ng devices at gumagawa siya ng paraan para lahat ay makinig mula umpisa hanggang katapusan nang hindi nababawasan ang kanilang interes.
Ang ilan sa devices at paraan ng manobo storytelling ay natagpuan ko sa Good Character (Girl) at Bad Character (Girl).
a. nag-umpisa sa Hane
Ang salin nito sa Ingles ay take note, isang pautos na expression. Direktang kinakausap ng storyteller ang kanyang tagapakinig. At kapag kinakausap ang tagapakinig ay ibig sabihin, kinikilala mo ang presence nila at pinahahalagahan.
b. nagbigay-pokus at nagpakilala ng mga tauhan
There we are now with these two young women who are sisters. …Meraat Bawa….and Mepiya Bawa.
Ito ang kasunod ng Hane. Agad na ipinakilala ng storyteller ang kanyang mga tauhan.
Sa paggamit ng panghalip na we, ipinapakita at ipinapadama ng storyteller na iisa lamang siya at ang kanyang tagapakinig. Nang sabihin niya ang we are now with these two women, parang isinasama ng storyteller sa pinangyayarihan ng kuwento ang kanyang tagapakinig. Parang inihahalubilo niya ang tagapakinig sa mga tauhan.
Device ito para mas mabilis na mabuhay sa imahinasyon ng tagapakinig ang setting at tauhan.
Bukod sa pagpapakilala agad sa tauhan, nais ko ring idagdag ang malikhaing pagbibigay-ngalan sa mga tauhan. Sayang at hindi ibinigay ang kahulugan ng Meraat Bawa at Mepiya Bawa ngunit naniniwala ako na may kinalaman ito sa pagiging mabuti at masama. Isa pa mula sa parehong kuwento ay ang Beliyudung, ang pangalan ng may-ari ng taniman ng kamote at saging. Ito palang si Beliyudung ay isang tauhan sa panitikang oral ng manobo at kilala bilang isang taong may natatanging kakayahan sa pag-a-assess ng pagkatao ng isang tao.
Bukod sa tatlong pangalang ito, may ibinigay pang halimbawa ng malikhaing mga pangalan si Wrigglesworth na mula sa mga kuwentong manobo. Narito ang mga halimbawa:
Berengkenitutkitut
Berentenigewtigew
Meluegpeka (wideback)
Mehasa (mula sa salitang gasa “thin”)
Telingenup (mula sa salitang penganup “to hunt with dogs”)
c. mga depictive paragraphs
Bagama’t hindi nakakapagsulong ng plot ang depictive paragraphs, importante pa rin ang mga ito dahil minsan ay dito nakapasok ang ilang paniniwala, pangkulturang usapin at iba pa ng mga manobo.
“Well, that’s all I could get, Meraat Bawa,” said Crocodile, “and I tried hard eough reaching into every hole (where the fish might be) for just look now at my hands,” said Crocodile, “they’re skinned, Meraat Bawa, from trying to get more, for what was worrying me,” said Crocodile, “was that I wouldn’t have anything to repay you with for looking after my child,” said Crocodile. “However we couldn’t do anything now,” said Crocodile, “ but accept it, Meraat Bawa, for if I had had my way I would have gotten much more for you than even Mepiya had to take home—but well, this is all there is,” said Crocodile.
Ang talatang ito at ang episode na kinapapalooban ng talatang ito ay naglalarawan sa relasyon ng buwaya at tao noon. Magkaibigan sila. Mabait ang buwaya sa tao. Napapakiusapan itong mangisda para sa tao at ang tao naman ay napapakiusapang mag-alaga ng anak ng buwaya. Taliwas ito sa pagtingin natin ngayon sa buwaya. Ito ay isang mamamatay-taong hayop.
Pinaniniwalaang dahil sa katusuhan ni Pilandok (lagi kasi niyang iniisahan ang mga buwaya) ay natapos ang pagkakaibigan ng tao at buwaya.
Isa pang halimbawa:
Said Meraat Bawa, “I’ll go home now,” she said, “but it’s I alone who doesn’t have anything to take home,” said Meraat Bawa. “And my younger sister, on the other hand,” she said, “got a lot to bring home,” said Meraat Bawa. “I’d better,” she said, “go home now.”
Ang talatang ito ay naglalarawan sa sinapit ni Meraat Bawa pagkatapos niyang maghanap ng kamote at saging. Nabigo siya at ang tanging naiuwi niya ay sampirasong saging, lamog pa.
Layunin ng talatang ito ay ang maawa ang tagapakinig kay Meraat Bawa. Matagal-tagal ding nagbungkal para sa kamote at naghanap ng saging si Meraat Bawa at nang sambitin niya ang nakalagay sa nasabing talata, pagod na siya at gutom na gutom.
Ginagawa ng storyteller ang talatang ganito upang mas ma-involve ang tagapakinig sa damdamin ng tauhan at para na rin masabik ang mga ito sa kahihinatnan ng mga tauhan. Sa pamamagitan ng depictive na mga talata, lalong lumalabas ang pagiging malikhain ng storyteller.
Sa Good Character (Gir) at Bad Character (Girl) ay naging tagumpay ang storyteller sapagkat ang naging tugon ng tagapakinig ay:
Pity poor Meraat Bawa!
d. mga napakapaloob na kanta na kadalasang may tugma at sukat
Ito ay rhetorical devices na ginagamit ng storyteller para hindi malimutan ng tagapakinig ang kahit isang detalye sa bahaging iyon ng kuwento.
“Lullaby, lullaby,
Oh, child of the crocodile,
Oh, child of the crocodile,
Cradled in swinging vines,
A cradle of Lubpegida-vines,
You smell like Bedak-powder,
The smell of Kemeniyana-leaves,
Lullaby.”
Ito ay oyayi na inawit ni Mepiya Bawa para patulugin ang anak ng buwaya. Gustong i-highlight ng storyteller ang pagiging mabait ni Mepiya Bawa. Inawitan pa niya ang baby buwaya at nag-isip siya ng magaganda at mababangong bagay para mas maganda sa pandinig ng pinatutulog na baby buwaya at para sa nagtatrabahong mommy buwaya.
e. Pinagsasama-sama ang mga tauhan sa iisang eksena o di kaya ay setting
Ito ay isang paraan ng storyteller para lalong magising ang tagapakinig. Hinihikayat niyang maging alerto ang tagapakinig dahil maaaring may bibitiwang mga salita o di kaya ay gagawin ang mga tauhan na nangangailangan ng kanilang paghusga. Isa pa ay tuwirang mapagkukumpara, kung nangangailangan ng pagkukumpara kagaya ng kuwento ng Good Character (Girl) at Bad Character (Girl) ng mga tagapakinig ang mga tauhan kung sila ay magkakasama-sama na sa isang eksena o setting.
How about it,” said Mepiya Bawa, “Meraat Bawa, how many did Crocodile catch, how many strings?”
“What catch,” said Meraat Bawa, “when there wasn’t any. See for yourself.” Meraat Bawa held out this single muted-fish. “This is all that Crocodile caught,” said Meraat Bawa.
“Well,” said Mepiya Bawa, “we should be thankful for that because Crocodile must have had to work hard to get that.”
Kitang kita ang contrast sa dalawang magkapatid na ito. Di maitago ang dismaya ni Meraat Bawa sa buwaya kaya pinintasan pa niya kay Mepiya Bawa ang nahuli nitong isang pirasong isda. Samantalang si Mepiya Bawa ay pagpapasalamat pa sa buwaya ang ipinayo dahil ang naisip nito ay ang hirap ng buwaya sa paghuli ng isda.
f. Retorikal na tanong
“Why is it,” said meraat Bawa, “That it pulled my pubic-hair when I asked it to pull the hair on my head so that I would be beautiful?” said Meraat Bawa.
“What should happen, on the other hand, is that my pubic hair is very long now,” said Meraat Bawa.
“I’m different now from my younger sister,” said Meraat Bawa, “for my younger sister, on the other hand, is beautiful because of her long hair…”
“How can I fix myself up now when what is long is my pubic hair?” said Meraat Bawa.
Ang retorikal na tanong ay ginagamit ng storyteller para mapaisip din ang tagapakinig. Dahil sa tanong na ito ay babalikan sa isip ng tagapakinig ang mga pangyayari at dahilan kung bakit nga ba nangyari kay Meraat Bawa ang paghaba ng bulbol. Isa itong paraan para maglabas ng saloobin ang tagapakinig at nang sa gayon ay hindi siya dalawin ng antok.
At maganda ring pansinin ang humor dito. Katawa-tawa talagang maisip ang napakahabang bulbol!
g. ilang pagbabago sa mga bahagi ng pananalita para mas vivid at mapanatili ang interes ng tagapakinig
Isang halimbawa nito ay ang pagbabago sa point of view. May mga bahagi ang kuwentong Good Character (Girl) at Bad Character (Girl) na mula sa 3rd person point of view ay bigla na lamang gagamit ng “you” na para bang kausap na lang ng storyteller ang tauhan.
Take note, what then but Mepiya Bawa got her mosquito net for washing. You arrived there at the river and Mepiya Bawa is washing it. Mepiya Bawa then got her mosquito net and is drying it (in the sun). Very carefully she spread out this mosquito net here. When you had finished spreading out your mosquito net you then returned again to the river here where Mepiya Bawa is unwinding her topknot of hair for she will wash it.
Kung sisipatin ito ng isang alagad ng balarila, katakut-takot na editing ang mangyayari. Ngunit kailangang alalahanin na hindi ito binabasa, ang storytelling ay live at kailangang gumawa ng paraan ang storyteller para mapanatili niyang interesado ang tagapakinig. Kaya bigla siyang gumagamit ng you ay para mas mapalapit sa tagapakinig ang mga nangyayari. Kapag sinasambit niya ang you ay parang naroon siya mismo sa setting ng kuwento at kaharap at inuutusan na lamang niya ang tauhan. At siyempre pa, feel na feel ito ng tagapakinig sapagkat sila ay nasa likod lamang ng storyteller. Nai-imagine nila na kaharap din nila ang tauhan.
Isa pang halimbawa nito ay ang pagbabago sa tenses ng mga pandiwa kahit sa iisang talata lamang.
Meraat Bawa is proceeding then and you are grabbing hold of the heart here and, as you are about to take it too so you can slice up this heart, the deer got up.
And so Meraat Bawa is being attacked by its horns and what happened then was that Meraat Bawa died because of being horned-to-death by the deer…
Muli ay bagsak ang mga talatang ito sa isang grammarian dahil sa walang konsistensi sa tenses ng pandiwa. Ngunit ginawa lamang ito ng storyteller upang mas maging vivid sa imahinasyon ng tagapakinig ang eksena. Kahit saang wika, ang pangkasalukuyang pandiwa ang mas nagbibigay ng aksiyon at buhay sa eksena kaysa sa ibang tenses.
h. dramatikong dialogue at mga monologue
Madalas ang dramatikong dialogue na ito ay malapit na sa dulo ng kuwento. Nagpapalitan ng madamdaming linya ang mga tauhan at madalas din ay may komprontasyon ng dalawang tauhan ang nangyayari.
Said the deer, “That’s enough now, Meraat Bawa, for I’ll die if you pluck my out my heart. This is the end of my love for you—my love for you that let you cut up all of my body,” said Deer, “but that’s the end, Meraat Bawa, of my love for you, because there is one thing alone,” said Deer, “that I won’t give and this is my heart because I would certainly die,” said Deer, “if this is plucked out of me.”
“Is there anything,” said Meraat Bawa “to be held back? That’s why you allowed your body to be sliced up because you gave it away. And now, instead, you won’t give that one thing that is very little.”
Mapapansin din na paulit-ulit ang sinasabi ng mga tauhan dito at paulit-ulit ding sinasabi kung sino ang nagsasalita. Kailangan ay muling isaisip na ito ay oral at binibigkas. Kailangang ipaalala lagi ng storyteller ang dahilan kung bakit ganon ang kilos ng tauhan at kung sino na ang nagsasalita sa dialogue.
i. madamdaming pagsasalita
Gumagamit ng Etuwey, Babeba, Ba, Ih, Iney, Ey o mga pagpapahayag ng damdamin ang storyteller. Sinasabi niya iyon na para bang siya mismo ang nakakita o nakaranas. Kapag feel na feel ng storyteller, feel na feel din ng tagapakinig.
This older sister, Meraat Bawa, spoke saying, “Etuwey,” she said, “you’ve certainly got a lot here!” said her older sister…
Ito naman ay tinugunan ng tagapakinig ng “See what you’ve missed!”
j. pagbabago sa bilis ng kuwento at condensation ng oras
Ayon kay Wrigglesworth, minsan ay pinapahaba at pinapabagal ng storyteller ang kuwento. Halimbawa ay kapag may importanteng eksena, mahahaba ang pangungusap at mahahaba rin ang linya ng mga tauhan. Humahaba rin ang sagutan.
Ngunit kapag kailangan nang paikliin ay ganito naman ang ginagawa:
Take note, now the story goes faster, but the situation is still the same. No one has seen this bird.
Sa Good Character (Girl) at Bad Character (Girl) ay hindi ko nakita ang mga ito. Para sa akin ay pareho ang pace ng kuwento mula umpisa hanggang dulo. Hindi nagmadali, hindi rin naman nagbabad ang storyteller. Sa tingin ko ay dahil tama lang ang haba ng kuwentong ito kaya hindi na kailangang pang gawin ang pagbabago sa pace.
k. paggalaw
Bagama’t walang masyadong nabanggit na gumagalaw ang storyteller ng Good Character (Girl) at Bad Character (Girl), nais ko pa ring bigyang-pansin ang isang paggalaw niya na sa tingin ko ay importante.
Nang binibigkas niya ito:
…said Deer, “ I would die instead if you cut into my heart. This only is what you are to slice off, all of this here. Take all of this, Meraat Bawa,” said Deer.
Itinuturo niya ang bahagi ng sarili niyang katawan para mas ma-imagine ng tagapakinig ang sinasabi ng tauhang si Deer. Malaking tulong nga naman para ma-visualize ang eksenang ito.
l. ang pagtatapos ay may kapareho sa kuwento
Ang pagtatapos ng kuwento ay hindi lamang basta katapusan ng kuwento. Maaaring ito ay katulad ng katapusan ng buhay ng isang tauhan kagaya ng nangyari kay Meraat Bawa. Nang mamatay siya ay noon din natapos ang kuwentong Good Character (Girl) at Bad Character (Girl). Maaari rin namang may limitasyon ang isang bagay kaya iyon na rin ang limitasyon ng kuwento. Maaari namang naubos na ang isang bagay kaya parang naubos na rin ang kuwento.
Malaki ang kinalaman ng pagiging “live show” ng manobo storytelling sa nilalaman nito. Maraming isinasaalang-alang ang storyteller sa tuwing bubukas ang kanyang bibig. Bukod sa kalaban niya ang pagod at antok ng sarili at tagapakinig, nariyan pa ang hamon na kailangang nauunawaan at nakaka-relate ang mga tagapakinig sa kanyang ikinukuwento.
Nabubudburan ng cultural implications ang manobo storytelling. Kaya maaaring ang basket ay hindi simpleng basket lamang sa isang kuwento. May kahulugan ito na mahalaga sa pinagmumulang kultura. Masasabi kong ginamitan ng estratehiya ng storyteller ang paglalagay at/o pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa isang kuwento nang sa ganon ay may panahon at pagkakataong makapagbigay-komento ang tagapakinig.
Sa pamamagitan ng pagko-comment ng tagapakinig, hindi lamang nagiging interaktibo ang isang storytelling session, napapanatili ang pagiging tagapaghusga nila sa mga gawain, ugali at saloobin ng mga tauhan na maaari namang nagiging gawain, ugali at saloobin ng isa sa kanila. At sa pamamagitan nito, napapanatili ang kaayusan ng kanilang lipunan. Halimbawa ay nalalaman ng mga batang tagapakinig na hindi maganda ang ugali at gawi ng isang tulad ni Meraat Bawa kapag nagbibigay-komento nang hindi maganda ang mga tao sa paligid nila. Sa gayong paraan ay maiiwasan niya ang maging isang Meraat Bawa. Lalaki siya na ang gagayahin ay iyong tauhang binibigyan ng magandang komento, walang iba kundi si Mepiya Bawa, ang mabait na kapatid.
Thursday, August 27, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment