"nagbigay na kami ng notification sa lahat ng nanalo."
iyan ang sabi sa akin sa telepono ng taga-palanca. agad akong nagbukas ng email at nagcheck ng cellphone. wala. walang notice. ni ha ni ho. wala. ibig sabihin, talo na naman ako.
owmeeeeeeeeen.
hay, susmarya. hindi na yata ako mananalo dito ever. kaya lang naman ako sumasali rito ay dahil ayon sa idol kong teacher, sumali nang sumali sa mga contest hangga't bata pa. pero hello, antanda ko na, e hindi pa ako nananalo kahit sambeses.
pero kahit malungkot ako, marami akong natutuhan sa karanasang ito.
last sem, sa faculty room namin isang araw na maginaw dahil sa aircon, bigla na lang nagrecite ng forwarded text si sir benj.
ganito ang gist: may isang bayan na sinugod ng tagtuyot. noong una, cool pa ang mga tagaroon kasi alam nilang marami silang naitabing pagkain. Lumipas ang araw, tapos lumipas ang linggo tapos lumipas ang buwan ngunit hindi lumipas ang tagtuyot. unti-unti nang naubos ang kanilang pagkain at tubig at hindi pa rin natatapos ang tagtuyot. tapos dumaan pa ang matagal na panahon, wala pa ring ulan. hanggang sa wala nang makain ang mga tagaroon. kaya ang ginawa nila, isang araw ay nagtipun-tipong silang lahat sa bukid tapos nagdasal sila na sana umulan, umulan nang umulan. Nagdasal sila nang nagdasal hanggang sa gumabi. tapos sabi ng lider nila, balik tayong lahat bukas dito sa bukid. mag-isip pa tayo ng mga dapat gawin.
kinabukasan, nagtipon uli silang lahat. bigla-bigla e bumuhos ang malakas na ulan. sa dami ng tao, iisa lamang ang may dalang payong. sino iyon? isang pirasong bata.
noong summer, pagkapasang pagkapasa ko ng entries ko sa palanca, nagnobena ako. nakabuo ako. 9 na simbahan sa 9 na araw. ang saya, kako. at ang galing ko. imagine, si bebang, nakatapos ng nobena. tiyak na mananalo na ako.
dumating ang pasukan at biglang nagpaikot ng papel tungkol sa isang cultural tour sa labas ng bansa. pumirma raw ang gustong sumama. chiangmai, thailand, malaysia at beijing, china ang pagpipilian. parang gusto kong sumama kasi siguradong marami na naman akong matututuhan at eventually ay maibabahagi sa klase. pero parang ayaw ko rin kasi gagastos na naman ako. may subsidy ang eskuwelahan pero gagastos at gagastos pa rin kaming faculty.
kinumbinsi ako nina mam cora at g. sumama na raw ako at sayang daw. tapos marami pang guro ang nagsabi sa akin na "wala raw maingay kapag hindi ako sumama." dahil diyan ay narealize ko na napakamakabuluhan ng aking papel sa tour na ito. naisip ko tuloy na sumama na nga.
dalawang araw bago ang deadline ng pagpapalista sa tour, nalaman ko kay sir vim na ang awarding ng palanca ay sept. 1. patay, kako. ang cultural tour ay aug.29 to sept.2.
at dahil ako ang batang magdadala ng payong pagkatapos manalangin ng ulan, nagback out ako sa tour.
siyempre, tinanong ako. sinabi ko ang dahilan. dagdag ko pa, mam sakaling manalo ako, uunahin ko talaga ang palanca. kung hindi ninyo ako papayagang magback out, uuwi po akong mag-isa para sa awarding. zygote pa lang ay pinapangarap ko na ito. ang sabi ni mam myrna, ang nag-oorganisa ng tour, sige, ganito, ibu-book kita at iho-hold ko ang booking hangga't kaya. kailan ba ang announcement ng nanalo?
2nd week daw po ng agosto sabi ng taga-palanca, kako.
sa buong panahon na naghihintay ako ng resulta, naiset ko na ang isip ko na hindi ako makakasasama. nanghihinayang ako dahil ang napili ay beijing. doon ang cultural tour. hello, great wall of china! pero mas malaki ang pagnanais (at pag-asa) kong mananalo ako sa palanca at kailangang andito ako sa maynila sa araw ng awarding.
noong lunes, sabi sa akin ni mam myrna, puwede pa raw akong humabol sa pagpapalista kung gusto ko.
sige, mam, kako.
kaya agad kong hinanap ang contact detail ng palanca. martes na nang makatawag ako doon. at doon na nga bumagsak ang langit sa buo kong pagkatao.
talo, tsk.
agad akong nagpalista kay mam myrna para sa beijing tour.dinala ko agad ang passport ko para sa chinese visa. ambilis ko talaga kumilos. hinarang ko agad ang lungkot at frustration. aba, bawal ang mga iyan. mabait ang diyos. matamis ang buhay. bakit ako magmumukmok e palanca lang iyan? (asus)
kaya sabi ko sa sarili ko, mag-eenjoy ako nang husto sa beijing. titikim ako ng lahat ng chinese food na makita ko. magpapagulong-gulong ako sa great wall of china. sa saihg, hindi sa hagdan. magpaparetrato ako nang marami sa tapat ng mga temple at ipalalaminate ko ang mga retrato sa mga platito, plato, bandehado, planggana, balde, drum, swimming pool, dagat. punyeta. ayokong malungkot. ayokong ma-frustrate. hindi puwede. ang isang bebang ay hindi nalulungkot o nafu-frustrate.
e kanina, nagkaroon ng pagpupulong ang mga importanteng tao sa kolehiyo namin. sinuwerte namang mapasama ako sa kainan nila(hindi sa pulong kundi yung aftermath na ng pulong, ano?). walang damdaming in-announce ni mam tonton ang pinakamapaklang balitang narinig ko sa buong buhay ko:
Dahil sa dami ng school days na nasayang sa mga biglaang holiday at sa ah1n1 ay
hindi pinayagan ng university admin. ang ating college cultural tour.
goodbye, beijing.
kaya heto ako ngayon, naghihingalo at mamamatay na sa frustrate cancer.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment