ngayon ko lamang naranasan ito.
gulong gulo ako sa gusto kong gawin ngayong summer. sa totoo lang ang gusto ko lang naman ay makapagpahinga at magkaroon ng bonding moments kasama ang mga mahal ko sa buhay. i think i deserve a break. i think they deserve bonding moments with me. sabi ko nga sa isang kaibigan, naniningil na ang mga taong pinagkakautangan ko ng oras (kasama si ej diyan, siyempre) dalawang taon akong namuno at kasabay noon ay ang dibdibang pagkayod, pagtuturo. at kapag nagtrabaho ako walang lingon-likod. kayod talaga.
kaya lang, binabagabag ako ng pagtatapos ng MA. kailangan ko na kasi talagang tapusin ito or else ay matatanggal ako sa trabaho. kaya ang nangyari sa aking summer, may pagka-disaster.
alam mo ba yung feeling na naglalakwatsa ka pero kinakabahan ka at nagi-guilty ka dahil marami kang hindi nagagawa? ka-enjoy-enjoy ba iyon?
siyempre, imbes na mag-aral at magresearch ay nagpapahinga lang ako at nagpupunta kung saan-saan. dala ko ang lahat ng libro ko. lagi. saan man ako mapadpad, sa subic, sa bahay ng nanay ko, sa qc. overdue-overdue na nga ang mga libro.
pero anong gagawin ko? hindi ko talaga mapuwersa ang sarili kong buksan ang mga aklat at maglipat ng mga pahina ng libro.
well, nakapagbasa naman ako ng libro. iyong aklat ng mga one-act play ni aling bebang. pero hindi naman kasama iyon sa pananaliksik ko, e.
naiinis ako sa sarili ko. tuwing umaga, sina-psyche up ko ang utak ko na kailangan ko nang magbasa at lumikha ng paper. pero wa epek talaga. ang nangyayari tuloy, naglalakwatsa na lang ako. pero yun sanang masayang paglalakwatsa ay nababahiran ng guilt at kawalan ng sense of achievement or accomplishment.
hinihingan na ako ng kopya ng pinakabagong edition ng aking transcript. at ano naman ang aking maipe-present? wala namang pagbabago sa aking transcript simula nang ako ay mag-apply sa kanila. nagka-subject nga ako ay inc. naman ang grado.
ang sabi ng isip ko, kelangan ko talagang magfull time na estudyante. pero sabi naman ng isa ko pang isip, sayang ang oportunidad sa aking paaralang pinapasukan. magkakaroon na ng sariling departamento ang aming grupo. mas mabibigyang-pansin ang mga manunulat na tulad ko. ayaw ko ba noon? siyempre gusto.
tinanong ko rin ang mga taong malapit sa akin tungkol sa hinaharap ko, sa mga ginagawa ko ngayon at sa personalidad ko. sabi ko, parang ayaw kong magturo. ang tanong, e, bakit tatapusin pa ang MA kung hindi rin naman pala magtuturo? pero ako, gusto ko na talaga matapos ang MA. kasi inumpisahan ko, e. at ako, kapag naumpisahan, tinatapos. ke late matapos basta matapos, tatapusin.
pero bagay daw sa akin ang magturo. totoo. tumataas ang energy ko kapag nakaharap ako sa estudyante. at dama ko namang maraming natututuhan sa akin ang aking mga estudyante.
teka, ano ba ang mga ayaw ko?
1. paghahanda ng exam
2. pagche-check ng quiz at ng exam
3. pagcocompute at pagrerecord ng grades
4. pagpapasa ng grades
5. pag-aalala sa mga pasaway na mga estudyante
at higit sa lahat, marami akong pinapakisamahan. kasi kapag guro ka, marami kang estudyante. marami kang co-faculty. marami kang boss. marami kang superior sa iyo. mas marami ang matanda sa iyo. at marami rin naman ang mas nakakababa sa iyo.
andami talaga. minsan, gusto mo lang ng quiet time, imposible. kasi sa bawat sulok ng paaralan, may babati sa iyo ng kamusta summer mo, may kakausap sa iyo tungkol sa pinakabagong move ng unyon, may magkukuwento sa iyo kung sino ang na-thank you letter, may magwa-warning sa iyo tungkol sa above the knee mong bestida, may magbibigay sa iyo ng memo tungkol sa freshmen recollection, may maniningil sa iyo ng isang regalo at P100 para sa isang dating co-faculty na pormal nang magpapaalam sa lahat, may magbubukas sa iyo ng elevator at may at may at may.
siyempre, ayaw mo namang lumabas na bastos. kaya hihinto ka. makikinig. magsasalita. makikipag-usap. mag-aambag. magpapasalamat at kung ano-ano pa.
yan. yan ang isa sa mga hindi ko gusto. parang lahat ng bagay, kailangang sagutin. parang lahat, kailangang magrespond ka. walang tigil ang mundo. walang tigil ang pakikisama. ganito nga ba talaga ang trabaho?
oo.
kaya no choice nga.
may nagsabi sa aking kahit saan ganon din naman. kahit sa business, pareho lang. makikisama at makikisama ka pa rin.
buong buhay ko na lang kasi nakikisama ako. lagi na lang akong naninimbang. nauumay lang siguro ako ngayon. kaya reklamo ako nang reklamo.
naisip ko, hindi rin naman ako manunulat na manunulat. napakama-chika kong tao kumpara sa iba kong mga kaibigan na manunulat din.
kaya naman gulong gulo ako sa sarili ko. pati nga sa entry na ito, naguguluhan ako. ano na nga ang nangyari sa summer ko?
Sunday, May 24, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment