noong nakaraang mayo 22, 2009, si marie ay nagpakabit ng IUD. matagal na niyang gustong magpakabit nito dahil hirap na hirap na siya sa pills. malilimutin kasi siyang tao. kaya naman buwan-buwan na lang ay matatagpuan iyan sa suking simbahan at nananalangin sa lahat ng santo at santa na padalawin na ang buwanang dalaw. kaya sabi niya, kailangan niya ng method para sa mga malilimutin. at naisip niya ang IUD.
nag-inquire siya sa friendly care clinic sa cubao. P450 daw ang pagpapalagay nito at dagdag ng P100 para sa counseling. hindi puwedeng walang counseling kahit pa ikaw ang nag-imbento ng IUD. kaya P550 talaga lahat-lahat.
ngayon, itong si marie ay nawalan ng panahon na magpa-clinic sa cubao. kasi kailangan niyang pumunta sa malayong lupain na kung tawagin ay subic. sa likod ng tinutuluyan niyang lugar sa subic freeport ay may isang maliit na ospital. dito siya unang nagtanong.
marie: naglalagay po ba kayo ng iud dito?
nurse: hindi. sa malaking ospital lang po. sa hospital setting lang talaga yan, mam.
marie: saan po ba mayroon?
nurse: sa gordon po. diyan sa may labasan.
agad na nagpunta si marie sa james gordon memorial hospital na nasa labas lamang ng subic freeport (kung saan tumutuloy si marie pansamantala) 4:45 iyon nang hapon. pagdating niya doon ay nahanap niya agad ang women's health clinic. ngunit gaya ng inaasahan niya ay sarado ito.
pero hindi siya agad umalis. binasa niya ang sked ng clinic. monday blah blah tuesday blah blah ang pinakanaalala niya ay ang araw ng huwebes. ito ay para sa sexually abused na mga babae. kapag ba naligaw siya sa clinic na iyon sa araw ng huwebes ay mapagkakamalan din siyang biktima ng abuso? paano kayang tinitingnan ng biktima ng abuso ang babaeng nasa tabi niya sa araw ng kanyang pagpapakonsulta? e iyon kayang mga taga-ospital, alam niya, basta huwebes, ang mga babaeng nasa loob ng clinic na iyon ay nakaranas na ng abuso.
nagtanong siya sa information office ng ospital. bumalik daw siya sa umaga. hiningi ni marie ang phone ng ospital.
kinabukasan, 8:15 impunto, tumawag si marie sa ospital at nagpa-connect sa women's health clinic.
marie: nagkakabit po ba kayo ng IUD?
babaeng nakasagot: hindi. ano ba iyon?
marie: yun pong sa family planning.
babaeng nakasagot: puwedeng pumunta ka na lang dito?
biglang nagsalita palayo sa telepono ang babae.
babaeng nakasagot: doktora, nagkakabit ba kayo ng IUD?
nagreyna ang patlang.
babaeng nakasagot: oo, nagkakabit pala. pumunta ka na lang dito.
marie: may bayad po ba?
babaeng nakasagot: hindi ko pa alam. kung meron man, hindi naman mahal.
marie: mga magkano po ang dapat kong dalhin?
babaeng nakasagot: basta, mura lang iyan.
marie: sige po pupunta na ako.
tuwang tuwa si marie dahil may isa siyang mache-check-an sa kanyang to do list ngayong tag-init. ang magpa-IUD.
nagdala ng P500 si marie. hanggang nang panahon na iyon ay hindi siya sigurado kung private o public ang ospital na babalikan niya. kung sakaling kulang ang P500 niya ay babalik na lamang siya uli.
dumating si marie 9:10 ng umaga. pagpasok niya sa women's health clinic ay may mga pito o walong babaeng karamihan ay buntis ang nakaupo sa tapat ng isang mesa. tinanong ni marie ang pinakamalapit sa kanyang babae.
marie: saan po nagpapalista?
babae: diyan.
itinuro ng babae ang mesa. walang tao roon.
biglang nagsalita ang isa pang babae. magtanong ka muna sa labas.
nagpunta sa information desk ng out patient department si marie. ito ay katapat lang ng women's health clinic. tinanong niya ang lalaking nag-aasikaso ng mga papeles doon.
marie: sir, saan po magpapalista para sa women's health clinic?
lalaki: buntis?
ang lakas ng boses nito. para bang gustong ipahiya ng lalaki si marie.
sumagot si marie nang buo ang loob. matagal na siyang nakakaranas ng iba't ibang klaseng intimidation. medyo manhid na siya sa ganitong klase ng treatment. pero unti-unti na niyang nari-realize na pampubliko ang ospital ngang ito.
marie: hindi po.
biglang huminto ang lalaki sa pagtitingin-tingin sa papeles na nasa kanyang harap.
lalaki: o, anong nangyari?
hindi humihina ang boses ng lalaki. naisip ni marie, paano kaya kung isa siyang illiterate na dalagitang minolestiya ng amo? makakasagot kaya siya sa ganitong paraan ng pagtatanong? paano kaya kung isa siyang dalagang ni-reyp ng sariling tiyo? makahuma kaya siya sa lakas ng boses ng lalaki?
marie: magpapakabit sana ako ng IUD.
sa mesa namang iyon ay nakaupo ang isang babaeng nasa 40 anyos, nakaputing damit, taas at baba. mukhang siya ang nurse na nakatoka sa women's health clinic.
marie: ako po yung tumawag tungkol sa IUD.
nurse: ikaw ba iyon? sige maupo ka. meron, nagkakabit daw si doktora ng IUD.
Saturday, May 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment