Tuesday, April 30, 2024

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling

si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator

nag start si mam andrea sa definition ng copyright

ang ilan sa points:

1 copyright is a legal and exclusive right, kasama rito ang right to copy, distribute, adapt, display and perform

2 paano na isasalin ang rights sa iba? through contracts or agreements

3 verbal contracts mahirap mapanindigan ng both parties, go for written contracts

4 primary right sa book, iyan ang unang pinag uusapan ng buyer at seller ng book

5 dapat nakasulat sa kontrata ang pinag usapan na formats ng book whenever you are negotiating with otehers

6 yung mga lumang kontrata walang nakasaad na format, di pa kasi naimbento noong time na yon ang formats na pwedeng paglagyan ng libro

7 amend the old contracts to include formats

8 specify sa kontrata: period (duration, usually minimum 5 years), language/s, territory

nagpakita ng sample contract si mam

9 subsidiary rights 

10 sa mga international book fair, main activity ang selling rights

11 translation rights ang unang hinihingi (usually world language rights are sold in book fairs)

12 formats in print and digital ang usual na hinihingi ng publishers

13 publishers, make sure na nasa iyo ang rights ng ibinebenta mo

14 pabalik balik ka sa mga intl book fair para makabenta ng rights, invest ka talaga time and resources

15  anong language mo dapat isend ang manuscript

16 maging  mabait when submitting manuscripts to other publishers or literary agents

17 if tatanggihan mo ang offering ng iba, sabihin mo kung bakit, wag yung no reply

18 mas importante ang relasyon sa international publishing arena

19 sometimes publishers buy from your list/catalogue bec they like you in short be nice

nagpakita si mam andrea ng sample pitch letter and request for meeting

then tapos na, q and a na. the following are mam andrea's answers to some of the questions:

20 importante magmaintain ng magandang relasyon sa mga rights buyers and sellers kasi posible na more than one work ng iisang author ang bilhin sa iyo or ang bilhin mo from them (series!)

21 paano ka makasalamuha /magmaintain ng relationship if malayo ka sa book fairs

22 some do regular lunches with agents (new york!)

23 if sole title, 800 dollars ang price, if series 500 dollars per title 

24 if educational book publisher ka, lalapit ka sa mga textbook din ang pina publish. so alamin mo kung ano anong publishing company ang posibleng maging interesado sa ino offer mo

25 african market baka interesado sa textbook books from phils

26 may directory sa frankfurt, use it para makontak ang mga posibleng publisher or agent na maging interesado sa content mo

27 literary publishers, ang gusto ay kung ano ang relevant/current events, example, palestine experience

28 the most recent challenge: economic. people are not buying books :( 

29 tinitingnan ko rin ang economy ng tao na kausap ko

30 in the past few years, conservative ang offers sa sellers (economic crunch)

31 may mga libro sa pinas na di mabenta rito pero nabili sa ibang bansa (like krip yuson book the great philippine jungle energy cafe) black christ of sir charlson, binili ng arabic countries

32 when you are talking to someone, you ask what are you looking for, then go straight to the point, ibenta agad yung anuman ang sagot niya

as of this moment, ang talk na ito ay mas pang literary agent, training siya para maging literary agent tayo

33 usually 30 mins lang ang meetings

34 usually you pick the companies or publishers or agents na may books na katulad ng books na meron ka

35 start with pitch letter, then f2f meeting, then ff up letter

36 importante na you get them to read the work that you are carrying. hinihingi nila ang pdf version ng buong manuscript

37 mas maganda if open ang writers/authors mo sa feedback ng iba

38 sa india, books are sold cheap, sa atin times 3 ang price ng books

39 if mahal ang libro sa isang bansa , mahal din silang mag o offer sayo (when they want to buy your content). example, mahal ang libro sa south korea, kaya mahal din ang offer nila sayo, minsan mahal pa kaysa sa offer ng US

40 before you accept any offer, try to compute the SRP of a book in the country where your content will be sold

41 ask for print run (ilan number of copies), SRP and selling price. icompute ang royalty based on what is stated in the agreement

42 royalty ranges from 5 to 15%, ang usual na offer small markets ng ibang bansa ay 7%

43 if mababa ang offer, they are most likely to buy more than 1 title (kasi they have budget)

44 tingnan mo rin ang artistic and cultural product as commodity, is it something worth their economic risk if they buy it from you? will that content help their reputation as a publishing company?

45 wag mo tingnan yung figure sa royalty kasi for example: 5% nga lang pero uk market naman, so mataas na yong 5% di ba

46 di nagandahan ang author sa cover ng smaller smaller circle ng western publisher. pero the genre where the novel belongs doon sa western publisher, ganon talaga ang itsura ng cover ng mga crime genre, and may certain length din ang genre na iyon kaya kinailangan na pahabain ito, if compared sa original na length nito. 

47 minsan, may mga akda na hindi maikahon sa iisang genre. ang cave and shadows ay crime pero hindi katulad ng crime ng western. kaya inaalam pa ni mam andrea kung paano ito ibebenta sa western market

grabe andami kong natutuhan dito, sobrang salamat mam andrea, ms ani, nbdb, bdap and book institute. more power!

Monday, November 20, 2023

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

 Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay.

Ito ay recently kong naengkuwentro.
Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers workshop para sa mga guro. Maganda ang kanyang akda at stand out dahil kakaiba ang format at estilo. Kunwari, ang estilo ay police report. Sa lahat ng akda sa workshop na iyon, sa kanya lang ang police report ang format. Bigyan natin ng kunwaring title ang kanyang work: Naka-file na Police Report.
A few months after the workshop, inimbitahan siya ng isang online newspaper sa kanilang lalawigan na mag-ambag ng akda. Binigyan siya ng link. Pag-open niya ng link, ang bumungad sa kanya ay isa pang link para sa akdang ang pamagat ay Naka-file na Police Report.
Na-curious siya.
Binuksan niya ang link at binasa ang akda.
Iba ang content ng akda. Pero ang title, format at estilo ay katulad ng kanyang akda.
Tiningnan niya ngayon kung sino ang writer.
Ek, ka-fellow niya sa writers workshop para sa mga guro!
Pina-check niya sa akin ang dalawang akda. Confeeermed. Magkaiba nga talaga. Pero tama siya, title format at estilo ay katulad ng sa kanya.
Paano ba ito, hindi naman plagiarism? Hindi siya copyright kasi ang format, title at style ay hindi naman naka-copright.
Ano ba kako ang gusto mong mangyari?
Sumulat na daw siya sa organizer ng workshop. Walang reply.
Kako, baka di rin nila alam ang gagawin, kasi kakaiba ito. Wala namang violation ng copyright.
Sabi ni Kyla, ayoko lang na ulitin ito ni co-fellow. Ayoko ring mangyari pa ito sa iba. Kaya kailangan talaga siyang kausapin.
Oo nga. Sang-ayon ako sa naisip ni Kyla.
At isa pa, dapat malaman ni co-fellow na hindi man niya ginaya o kinopya ang content at eksaktong mga salita ni Kyla, dapat nagpaalam man lang siya kay Kyla. Lalo na at magkasama naman sila sa workshop! O kaya ay binigyan niya ng recognition ang akda ni Kyla sa kanyang akda.
Ang mangyayari kasi, kapag si Kyla na ang naglabas o nagpalathala ng akda niyang pinamagatang Naka-file na Police Report, si Kyla ngayon ang magmumukhang walang originality.
Kasi nauna nang ilabas ni co-fellow ang akda niya na nakita lang naman niya kay Kyla through the past workshop.
Sa mundo ng creative writing, napakaimportante pa naman ng originality. Madalas ay iyan ang reason kung bakit napipili over others ang akda ng isang writer.
Sinulatan ni Kyla si co-fellow.
Mabuti naman at madaling kausap. Nag-sorry ito, tinanggal niya sa FB ang akda, sinulatan din ni co-fellow ang local newspaper na naglathala ng akda, at pina-take down niya ang sariling akda.
Happy si Kyla. Mukhang co-fellow learned his/her lesson well.
Hindi ito usapin ng copyright, palagay ko ito ay ethics sa malikhaing pagsulat.

Friday, October 13, 2023

Philippine School of Begging

 more than a decade ago, nagpunta ako ng china. kasama ko ang mga co faculty sa ust college of commerce and business administration.

first time ko sa shenzhou, china. doon ko naranasan ang malapitan ng chinese na pulubi. hindi lang ito isang beses nangyari. lalapit sila sa iyo, kulang na lang ay yakapin ka sa sobrang lapit nila sa iyo. tapos nakalahad ang kanilang palad at dudunggulin nila nang paulit ulit ang iyong braso o kaya likod. 

shookt ako. at medyo naalarma. baka kako manakit, o magnakaw. 

kahit anong iling ko at sabi ng no, sorry, no, hindi sila umaalis, hindi lumalayo. matatag. hihingi at hihingi. feeling ko tuloy, binubully ako hanggang sa mapilitan akong magbigay ng pera.

nagsumbong ako sa chinese na tour guide. sabi niya, they are really like that. just ignore. let them go. 

ang sagot ko, our beggars don't do that. 

for the first time in my entire life, nakadama ako ng matinding pride. at take note, sa harap pa ng chinese, at sa lupain ng mga chinese. 

nagtuloy tuloy ako sa pagsasalita.

our beggars are not rude and they will go away just say it or show it with your hand. taas noo kong sinabi kay kuyang tour guide, your beggars should learn from our beggars. they should come to the philippines!

di alam ng tour guide kung tatawa ba siya o maaawa, hahaha!

pero ano nga kaya kung mayroon tayong eskuwelahan para sa mga pulubi?

proposed name: Philippine School of Begging, Center of Excellence in the global arena

proposed location: Manila Bay Malate/Pasay area, dapat urban area para sa proximity nito sa mga taong hihingian ng limos, dapat din malapit sa tubig, para makapag training ang mga estudyante na sumalo ng limos habang sila ay nasa dagat. ang isa sa magiging goals ng school na ito ay makapag produce ng pulubi na puwede sa lupa puwede sa tubig

tuition: libre, dapat subsidized at suportado ito ng gobyerno, kailangang i finance ng department of education, ched, department of tourism at pnp, pnp dahil mababawasan ang krimen if ma convert nating pulubi ang mga magnanakaw. lipat career ba

proposed freshman kit: lata at karton na mahihigaan, may bayad ang dorm pero libre na ang karton

proposed curriculum: 

introduction to begging, parang begging 101, tatalakayin ang scope ng buong course

principles of begging

behavioral science/filipino psychology

geography with sessions in climate change, dapat makabisa ang mga lugar na maraming nagbibigay ng limos gaya ng quiapo, baclaran, basically, mga lugar na malapit sa simbahan kasi nakakatuwa sa konsensiya ng katoliko ang mag abot ng barya sa pulubi, gumiginhawa ang konsensiya nila

music, with voice lessons, para sa beggars na nais gamitin ang arts and entertainment

public speaking

marketing, paano mo ipopromote ang paglilimos, paano mo mahihikayat ang mga tao na magbigay ng pera 

clothing technology, paano mapanatili ang mga butas sa damit, paano gumawa ng mga lawlaw na kuwelyo, paano gagawa ng perpetually marumi tingnan na damit, 

philippine history of begging, 

begging in the ASEAN region

financial management , paano pagkakasyahin ang limos sa bawat araw,  projection ng kita kapag christmas season, how to budget kapag lean months

ethics with conflict management sessions

online begging with specialization in digital mode of payment

PE 1: running

PE 2: swimming

elective: special topic, women and children

elective: foreign language (japanese, korean, chinese)

elective: local language (bisaya, ilokano, kapampangan)

begging in the philippine arts, will include film showings: pamilya ordinario

ojt:



Sanaysay para sa Leadership and Management Course ng CODE

 Beverly Wico Siy

CCP Intertextual Division

 

Which topic(s) in the session struck you the most? Why?

Ang pinakapaborito kong bahagi ng session ay noong binigyan kami ng worksheet na nagtatanong kung ano ano ang best qualities of a leader para sa amin.

May numbers ito na 1 to 5. Ang inilagay ko ay ito: may vision, flexible, tuwid, produktibo, with appropriate network. Sunod sunod iyan according to 1 to 5.

Actually, ang 5 ko ay hard worker. Pero binura ko kasi kapareho lang naman ito ng productive.

Moving on…

Ang next na pinagawa sa amin ng speaker ay pinamarkahan sa amin kung ano ang pinaka importante para sa amin na quality ng isang leader.

Medyo napatigil ako doon. Hindi ko na alam kung ano ang pipiliin ko. Lahat kasi, for me, ay mahalaga. Pero bigla rin akong napatanong sa isip kung gaano kaimportante ang may vision as a quality ng leader. Iyon kasi ang number 1 ko.

Pero iyon ba ang una kong hahanapin, if a leader is being introduced to me?

Hindi.

The word that I marked was TUWID.

Para sa akin, ito ang pinakaimportante. Kailangan, matino muna ang isang tao bago siya maging leader. Delikado kung magiging leader ang isang tao na hindi tuwid, hindi matino.

Mahalaga rin ang iba ko pang inilagay na quality ng leader. Pero secondary na lamang ang lahat ng iyon.

Ang next na tanong ng speaker: alin diyan sa mga quality na iyan ang mayroon ka?

Nyah! Lalo akong napatigil. Self assessment nang bonggang bongga ang nangyari.

Tuwid ba ako? Hmm… May vision ba? Hmmm…

Shocks, ang hirap sagutin.

Flexible ba? Produktibo at may appropriate bang network? Itong huling tatlo lang ang nasagot ko nang mabilis.

Yes!

So, sa ngayon, I am willing to learn more about myself, and do the necessary correction and redirection, para naman masagot ko na ang unang dalawang tanong: tuwid ba ako? May vision ba ako? 

 

 

 

 

 

 

 

 

Wednesday, June 28, 2023

12 things i learned after a year of bike commuting

1. kung sa cavite ka pa umuuwi mulang NCR, aralin mo ang padyak o takbong cavite. 

ano 'yan? meaning, wag kang humahataw o nakikipagkarera sa daan. dahil 'apakalayo pa ng destinasyon mo. kung tulad kong taga sm bacoor, laging plus 17 kilometers (from CCP and nearby areas) ang biyahe para lang makaluwas at makauwi. save your energy! 

2. kung may takbong cavite, meron ding hingang cavite. ano 'yan? wag kang humihinga sa bibig. mapapagod ka lang. hihingalin ka. nakakaubos ng energy iyan. hinga sa ilong. EVERY. SINGLE. TIME. 

3. lumingon bago kumabig sa kaliwa o kanan. kahit akala mo ay mag isa ka lang sa daan. lingon, lingon, beh. libre naman. iwas aksidente.

4. laging may bastos na lalaki sa kalsada. minsan, sasabayan ang takbo mo sa bisikleta. minsan, susundan ka. minsan, tatanungin o kakausapin ka, kahit ayaw mo. minsan, sisigawan ka pa. wag matakot. makibaka. banggain mo sila. de, joke. tawagin mo sila sa tunay nilang pangalan. ganito: ba't mo tinatanong kung saan ako papunta, LAKUP?

5.  ang tunay na source ng panganib for bikers ay motorsiklo at  mga drayber nito. it is because of the combination of their speed and small size. nakakalusot kahit saan sa mabilis na mabilis na paraan. sila rin iyong madalas na manakop ng bike lanes. kung kaya mong umiwas sa mga kalsadang maraming motor, go. find another route.

6. mabagal ka sa mga kalsadang dinadaanan ng dyip dahil sa bike lane nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang mga dyip. maya't maya ka nilang haharangin. kaya, go find another route. jeepless as much as possible. check mo ang mga side street.

7. matipid ang bike commute. mula enero hanggang disyembre 2022, nasa 11,000 pesos lang ang gastos ko patungkol sa aking bike. kasama na riyan ang mismong bike (na nabili ko sa halagang 8,500 pesos). pumapatak na 916 pesos per month ang cost ng bike commute ko. 

mula enero 2023 hanggang ngayong araw na ito, 1050 pesos pa lang ang aking nagastos. included na riyan ang pagpapahangin ng gulong, pagpapagawa ng pulley plus labor, at ang pinakamahal kong binili: ang bike rack, ito ay ang patungan ng gamit sa likod. 600 pesos kasama na ang pagpapakabit. 

kada buwan, ang pamasahe ko via pedicab/bus/dyip/van at iba pa ay nasa 3,000 to 4,000 pesos.

8. predictable ang oras ng commute ko kapag ako ay nakabisikleta. alam ko kung anong oras ako makakarating sa aking paroroonan. kahit trapik!

9. angels in disguise ang mga manong sa vulcanizing shop. kapag may sasakyan ka, kahit ano pa iyan, 2 wheels,3 to 4 wheels,  matututo kang mag appreciate ng mga vulcanizing manong sa tabi tabi!  

10. laging magdala ng kapote at plastik bag. nasa pinas ka. biglang umuulan. KAHIT. SUMMER. at laging magdala ng fully charged na ilaw, kahit sa tingin mo ay di ka gagabihin sa daan. dahil kung taga cavite ka na gaya ko, LAGI. KANG. GAGABIHIN. SA. DAAN.

11. wag na wag magse cellphone sa daan. bike ka lang. posibleng mahablutan ka ng mga nakasakay sa motor. anlalakas ng loob nila, simply because mas mabilis sila sa bisikleta. on that note, wag na wag dadaan sa madidilim na lugar. (although noong nahablutan ako ng cellphone noong July 2022, ito ay nangyari sa tapat ng isang malaki at maliwanag na bahay sa quirino avenue, paranaque, makalampas ng kabihasnan!). basta, kung hindi maiiwasan ay siguruhing may kasabay kang magbibisikleta rin sa madidilim na daanan. 

12. nakakapagod mag bike commute. i am 42 years old, i bike an average of 30+ kilometers per day. hindi siya biro. lately, may mga araw na ayaw ko nang sumampa sa bike ko. kasi alam kong pagod ang katapat nito. pero no choice, e. mas malala ang public transpo! lalo na sa bacoor.

inirerekomenda ko ba ang bike commute sa kapwa ko babae? 

although medyo empowering siya dahil mas hawak mo ang oras mo, hindi ka na tatakbo takbo para lang maghabol ng dyip, hindi ka na mahihipuan o mamamanyak sa siksikan na mrt o bus, hindi ka na mahoholdap sa loob ng van, malabnaw ang rekomendasyon ko sa mode of transportation na ito.

NAPAKAMAPANGANIB pa rin ng kalsada natin. and unfortunately, DOBLE  ANG PANGANIB SA SOUTH. 

bakit? dahil napakaraming motor dito. at ambibilis magpatakbo, laging nagmamadali. paano'y mga tagamalayo pa sila, imus, dasma, gen tri, silang, amadeo, tanza, naic. madalas ay wala na silang paki sa mga kasabayan nila. 

isa pa, maraming limitasyon ang bike commute. deliks at hindi ka puwedeng magbisikleta, kung 

a. pagod ka,

b. nahihilo ka,

c. lasing ka, 

d. may dala kang sanggol, (kahit anong sabihin ng iba diyan na may upuan na maganda at puwedeng ikabit sa bisikleta, it is a no for me)

e. may dala kang pet, (kahit anong cute ninyong mag amo, dahil di mo hawak ang utak ng pet mo, it is a no for me)

f. may dala ka na bulky, at maraming plastic bag,

g. pamilya kayong bibiyahe,

h. marami kang iniisip,

i. malayong malayo ang destinasyon mo,

j. bumabagyo, (although naranasan ko ang hagupit ng bagyong si paeng nang maabutan ako nito sa kalsada)

k. injured ka or bago kang opera,

l. at bagong panganak ka.

lahat ng binanggit ko sa itaas, kaya mong gawin at mas ligtas via public transportation (bus dyip mrt van pedikab). 

kaya naman bago ko ipush ang bike commute sa inyo, my friends, i am all for, and i advocate public transportation for the karaniwang filipino. 

SANA ANG MGA NAKAUPO NGAYON, AT ANG MGA NASA DEPARTMENT OF TRANSPORTATION, GUMAWA NA NG AGARANG SOLUSYON.

PARA MAGING MAGINHAWA NAMAN AT ABOT KAYA  ANG BIYAHE NG MASA. 

unfortunately ay hindi...

hindi totoong sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan.

Sunday, June 25, 2023

Paunang Salita ng CCP Safe Space Handbook

 Ang tagal bago ko naisulat ang Paunang Salita sa CCP Safe Space Handbook.

It was my first time to manage a book of this kind.
Kaya wala akong maisip na sabihin. Kahit ang dami kong natutuhan! As in.
For example, mag-ingat ka naman sa hina-hire mo. Baka sexual predator pala iyan. Kapag binibigyan mo sila ng opportunity to earn, para ka na ring nag-aalaga at nagbibigay ng bitamina sa isang halimaw. They get stronger because of you. They are energized by your attention. And funding. Dahil dito, mas marami silang power. Para magsamantala ng kapwa. Para mang-abuso ng bata at mahina.
So, anong ginawa ko para maisulat ang Paunang Salita? Pauna pa naman pero ito ang last piece na isinulat sa libro, hahaha.
1. Binasa kong muli ang lahat ng bahagi ng libro. Fifth time ko na.
2. Nirebyu ko rin ang goals ng proyekto. Bakit nga ba ito naisip ni Sir Chris Millado? Bakit ipinagpatuloy ni Sir Dennis Marasigan?
3. Kinausap ko ang partner ko sa trabaho na ito. Si Ms Mae Caralde. Tinanong ko kung ano ang sasabihin namin (bahala na raw ako), ok ba sa kanya na sa wikang Filipino ko isusulat ang Paunang Salita. Siya kasi ang co-author ko sa piyesang ito. (Yes daw.) At ikokonsulta ko sa kanya ang sulatin bago tuluyang i-insert sa handbook.
4. At ang huli kong ginawa: direkta kong inimadyin, inisip, at kinausap ang target readers.
Narito ang Paunang Salita ng CCP Safe Space Handbook. Nasa comment section ang link ng libre at downloadable na librong ito.
Ano ang gagawin mo kung bully ang iyong katrabaho?
Ano ang gagawin mo kung lagi kang inaasar at iniinsulto ng iyong boss?
Ano ang gagawin mo kung may malisya ang mga dantay ng iyong kaeksena sa teatro o pelikula?
Ano ang gagawin mo kung may nakikita kang maling pagtrato sa bata habang kayo ay nasa isang rehearsal?
Ano ang gagawin mo kung ang sining na iyong kanlungan ay naging isa nang lunan ng opresyon?
Noong 2022 ay nagpasya ang Gender and Development Committee ng Cultural Center of the Philippines na tipunin ang mga tanong na ito at subuking sagutin at tugunan. Sa ibang bansa, gaya ng U.S., mayroon nang mga gabay at reading materials patungkol sa pagiging safe space ng mga tanghalan at espasyong para sa sining at kultura.
Kaya napapanahon ang paglalathala ng katulad na publikasyon para sa sarili nating Tanghalang Pambansa. Noon isinilang ang ideya ng CCP Safe Space Handbook.
Ang CCP Safe Space Handbook ay naglalayon na makatulong upang mapanatili ang pagiging isang kanlungan ng CCP.
Kanlungan na patas at makatarungan sa lahat ng oras, at sa lahat ng tao, lalong lalo na sa mga alagad ng sining, cultural worker, opisyal at empleyado ng CCP, manonood, patron at iba pang miyembro ng komunidad na itinataguyod ng CCP.
Matatagpuan sa librong ito ang sumusunod:
1. Kahulugan at paglalarawan sa mga konseptong may kinalaman sa karapatang pantao, safe workspace, bullying, harassment at iba pa;
2. Step by step na instructions o mga hakbang na dapat gawin kung ikaw ay nakaranas ng bullying, harassment at katulad na sitwasyon;
3. Paglalahad ng iba sa sarili nilang danas;
4. Mga payo ng propesyonal na sikolohista;
5. Downloadable na incident forms;
6. Link sa mga kaugnay na batas sa Pilipinas; at
7. Mga reliable na sanggunian at reading materials.
Ipinapaliwanag sa librong ito na pagkaganid sa kapangyarihan ang tunay na dahilan kung bakit may unsafe spaces sa mundo. Ang mga ganid ay posibleng tao, indibidwal, grupo, institusyon, kompanya, sistema.
Ipinapaliwanag din sa librong ito, na ang isang paraan upang mapatigil ang mga ganid sa kanilang ginagawa ay ang magsalita laban sa kanila, mag-ulat laban sa kanila, magtulungan at magsama-sama laban sa kanila.
Magbuklat at magbasa.
Dahil sa librong ito, malalaman mo: may kakampi ka sa sining at kultura.
Mae U. Caralde at Beverly Wico Siy
Mga Tagapangulo
CCP Gender and Development Technical Working Group
All reactions:
Bryan Tibayan, JC VP and 78 others

Saturday, May 20, 2023

plot twist ng 2023

noong enero, i was planning for 2023. 

habang nagba bike ako papasok sa work,  napabaliktanaw ako nang kaunti sa 2022. nagpasalamat ako sa mabungang 2022 at sa mga raket na aming natanggap ni papa p.

nagpasalamat din ako na malusog ang aming pamilya. walang nagkakasakit sa amin, pati mama ko, mga kapatid ko. 

sumagi sa utak ko na mabuti na lamang at walang pumapanaw sa aming pamilya. kako baka alam ng diyos na hirap na hirap akong harapin ang dalamhati.

na sa totoo lang, di pa ako naka get over sa pagkamatay ni dadi noong 1995. more than 20 yrs na ang nakakaraan, iniinda ko pa rin ito. masakit pa rin, apektado pa rin ang kaloob looban ko.

hindi ko alam, na darating ang kamatayan nang pebrero.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...