Monday, June 10, 2013

Promo with Crazy Dreamy Crafts

Gusto mong manalo ng aklat na It's A Mens World at ng isang pagka-cute-cute na book pouch?

Mag-like ka lang dito:

https://www.facebook.com/crazydreamycrafts?fref=ts

Pag naka-600 likes na ang FB page ng Crazy Dreamy Crafts (CDC), magpapa-raffle sa lahat ng nag-like ang CDC. Ang mabubunot na pangalan ay mananalo ng bagong kopya ng It's A Mens World at ng isang book pouch.

ito ang unang beses na nakipag-tie up ako para sa isang promo! kaya sana sumali kayo, ha? at mag-like! mag-like nang mag-like.

si giselle nga pala ang may-ari ng CDC. siya ay isang estudyante na mahilig magtahi, taga-uste siya. sa sobrang hilig niya sa pagtatahi, nakakagawa siya ng mga produkto na pambenta ang quantity (at quality). ilan sa mga produkto niya ay book pouch, kakaibang book mark, stuff toy, plushies, ipit sa buhok, key chain at iba pa.

nagkakilala kami sa isang literary festival tapos lagi na kaming nagkikita sa mga pampanitikang event. writer din kasi si giselle. in fact nanalo siya sa gawad ustetika noong pebrero 2013. nandito ang detalye:

http://omaygash.blogspot.com/p/emily.html

ayan. yung mga ganyan ka-talented na bata, di ba dapat lang na sinusuportahan?

kaya sana mag-like na kayo ng kanyang page, ha?

sa kasal nga pala namin, isa siya sa mga magbebenta sa aming book fair. yung mga accessory para sa aklat ang ibebenta niya. Excited na kaming pareho.

sali ka na sa aming papromo!







Thursday, June 6, 2013

Mula sa mambabasang si Fatima Muega

Hello po! Ako po si Fatima. 15 years old. Sorry po, feeling close ako pero idol ko pa talaga kayo.

Gusto ko rin pong maging writer katulad niyo! Gusto ko nga po kayong makita at makapagpa-picture sa inyo! Ang galing nga po e, dati iniisip ko lang paano kaya kung may Bob Ong Girl version of the Philippines? Tapos ang pangalan niya Beb Ang? Seryoso po, natanong ko talaga sa sarili ko ‘yun. Hahaha. Tapos ayun, bigla na lang dumating ‘yung araw na may dalang libro ‘yung ate ko. Bale, last year po iyon, 2012. Sabi niya binili niya raw ‘yun kasi nakakatawa ‘yung naksulat sa likod. At ayun, pinabasa niya na rin sa akin. Binasa ko na rin. Natuwa po ako, nalungkot, namangha, naloka at kung anu-ano pa! Tapos nakita ko pa po ‘yung pangalan niyo, sabi ko sa ate ko“Ate! Ang galing, tingnan mo Bebang ‘yung pangalan! Kapartner ni Bob Ong!”
Noong hindi ko pa po nababasa libro niyo, si Bob Ong lang talaga ang idol ko na writer. Hindi ko type yung mga author ng ibang bansa. Buti na lang po nakilala ko kayo.

Noong 2012 rin po, ang daming dumating na pagsubok sa buhay namin. Ang dami talagang dumating na problema sa bahay namin noong isang taon. Sa school rin minsan, kasi hindi naman ako kagalingan sa academics, ayun nahihirapan ako. Terror pa ‘yung adviser namin, kaya lagi akong kinakabahan sa kanya, umagang-umaga. Minsan nga e, napapaiyak niya pa ako. Tapos isang beses, nagpa-diary siya sa section namin. Ewan ko ba kung anong purpose ng pagsusulat ng diary noon pero lumilipas ang mga araw at buwan, napagtanto ko na minsan, si papel at ballpen lang talaga ang makakaunawa sa iyo. At minsan rin sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkakaroon ng kabuluhan ang mga naisusulat ko na hindi lang para sa aking sarili kundi pati na rin sa ibang tao na nakakabasa nito.

Tapos ngayon pong Mayo, dahil siguro sa sobrang problema na nangyari sa buhay namin, sa loob ng kwarto, umiiyak kaming dalawa ng ate ko. Ang lungkot po talaga ng mga nagyayari at kaming dalawa lang ang nagdadamayan. Tapos sabi baga ng Ate ko, “Bones, magaling ka namang magsulat, (sabay patak ng luha) someday isulat mo buhay natin (hagulgol).Tingnan mo si Bebang Siy! (pahid ng sipon) Siya ang gawin nating role model!” (at sabay kami ng ate ko na humagulgol sa pag-iyak).

Hi Ms. Beverly! Ayun po, role model po namin kayo ni ate! Idol na idol ko po kayo. Isa po ako sa mga fans niyo. Sorry po kung napahaba ‘yung sulat ko. At hindi ko na rin po minention lahat-lahat, baka po abutin po tayo ng siyam-siyam! Haha! Ayun po, keep up the good work! Ang galing niyo po! Promise! Favorite ko po ‘yung “Bayad-Utang”, “Milk Shakes and Daddies” at “Asintada.” Excited na rin po ako sa next book niyo. At sana po someday ay magkakilala po tayo ng personal. God bless po at congratulations na rin po!



Ni-repost ito nang may pahintulot ni Bb. Muega.
Maraming salamat, Fatima. Regards kay Ate mo!

Wednesday, June 5, 2013

I Love PInoy, Dagdag Dunong Project at Kuya Arpee sa Brgy. Batasan, QC

Noong Hunyo 2, 2013, umaga, naghatid ng 50 set ng Balik-aral kit ang I Love Pinoy at Dagdag Dunong Project sa Taniman at Area C ng Barangay Batasan, Quezon City.

Ang 50 sets ng Balik-aral Kit ay mula sa I Love Pinoy sa pangunguna ni Bb. Tin Ocenar. Nagbigay siya ng P2000 para sa sumusunod na supplies:

50 plastic envelope
100 composition notebook
100 pencil
50 eraser
50 sharpener
50 crayola set
50 ruler

Ilang araw bago ang pamamahagi ng Balik-aral kit, ang Dagdag Dunong Project (DDP) ay namili ng materyales sa Divisoria, Maynila. Kasama si Joshua Dominic Siy para sa pagbubuhat ng mga ito. Nagdagdag ng humigit-kumulang P500 para sa pamasahe at dagdag na supplies ang DDP. Pagdating sa headquarters ng DDP sa Kamias, QC, ni-repack na ang mga gamit para maging mas madali ang pamamahagi nito sa mga bata.

Noon ngang Hunyo 2, sa tulong naman ni Ronald Verzo na siyang nagbayad ng transportasyon papunta sa Brgy. Batasan, QC, naihatid na sa 50 bata ang mga Balik-aral kit. Sa pakikipag-ugnayan ni Arpee Zapata, youth leader ng nasabing barangay, nakinabang ang 38 bata na may edad na 6-7 taon mula sa Taniman at 12 bata naman na may kaparehong edad mula sa Area C.

Sa munting chapel ng Taniman ay nagkaroon pa ng storytelling activity pagkatapos ang pagbabahagi ng mga Balik-aral kit.

Ang pamamahagi ng Balik-aral Kit sa mga bata sa Brgy. Batasan, QC ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng I Love Pinoy at Arpee Zapata.

Sa ngalan ng mga batang tumanggap ng mga kit, isang taos-pusong pasasalamat po sa inyo. Nawa'y di kayo magsawa sa pagsuporta sa ating mga bulilit.



(Ipo-post po ang mga larawan sa lalong madaling panahon.)


Ang back story nito ay ilang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng mga paaralan, nag-text si Arpee sa akin, sabi niya, may donor daw sila na hindi nakapagbigay ng sapat na supplies para sa 250 na bata. ang naibigay daw nito ay sapat lang sa 150 na bata. hindi raw makapag-umpisa ng pamamahagi sina Arpee dahil natatakot sila na baka awayin sila ng mga magulang na umaasang mabibigyan ng kit ang kanilang mga anak. Namigay daw kasi sila ng 250 na stub ng libreng school supplies para sa mga batang papasok pa lang sa pre-school.

Ifinorward ko ang text na ito sa mga kaibigan kong me pusong volunteer. Unang nag-reply si Tin Ocenar. at tinanong niya sa akin ang mga detalye. Okay lang daw bang ipost ko sa FB page niya. Sabi ko, ay, walang problema. Mula roon ay nakalikom nga siya ng cash (at nagbigay din siya ng cash mula sa sarili niyang bulsa!) para matuloy ang pagbiyaya ng 50 balik-aral kits sa batasan kiddos.

naisip ko, minsan, kahit na wala kang masyadong pinansiyal na kakayahan na tumulong sa iba, basta't ipaalam mo ang mga pangangailangan mo, meron at merong tutulong sa iyo. o di ba?

Hindi man naging sapat ang aming tulong, umaasa kami na mas kumonti ang malulungkot na bata at magulang sa pagbubukas ng mga eskuwelahan.

Thank you, Tin! Thank you, Arpee! Thank you rin kay Kuya Poy Verzo na hindi lang naghatid ng goodies sa mga bata kundi tumulong din sa aktuwal na pagsasalansan ng mga balik aral kit sa bawat venue at sa pag-aabot nito isa-isa sa mga bata.

Hanggang sa uulitin po, ate at mga kuya!


Thursday, May 30, 2013

The Pulag Proposal

Ipinadala ito sa akin ni Karl Orit a few months after the proposal. Nakumpleto ko ang pagsagot sa mga tanong noong February 2013. Thank you, Karl! Kung hindi dahil sa interview mo, hindi ko mapaglilimian nang husto ang ilang bagay-bagay.

Questions for Mt. Pulag Article:

• Was it your first time to go on a hike outdoors?
Hindi po.

If yes, how would you explain your first time experience? If no, how long have you been going outdoors?


College pa lang ako, umaakyat na ako ng bundok. Pero hindi regular. I mean kung may nakita akong gustong salihan na event para makaakyat ng bundok, ayun, sinasalihan ko. 1st time was sa mt. cristobal sa batangas. Nagtree planting kami. College yun. Malamang libre yung pamasahe at pagkain kaya nakasama ako. Wala naman akong masyadong extrang pera nuong college.


For what reason and purpose.


Minsan naman yaya ng mga kaibigan. Dati akyat kami mt. ampacao sa sagada. Yun aksidente ang pag akyat naming dun. Parang akala naming simpleng burol lang. nakalimutan naming yung meaning ng mount!!! So anyway, sina wenie, haidee, jing, rita at mar ang mga kasama ko dun. At si ej, bebe pa siya nun. Pumunta kami dun para mamasyal.


Nung nag kalbaryo naman ako sa banahaw. Ako lang mag isa. E sobra naman dami ng tao so parang ganon din parang di ka nag iisa in fact sobrang saya rin.
Parang isang malaking party idinadaos sa buong gilid ng bundok hahahaha holy Friday pa naman yun. Kaya ko naman inakyat yun kasi naghahanap ako ng Gawain na kakaiba. At nagkataong me pera ako that day ahahahaha pero wala pa yata 1k ang nagastos ko dun e.


• Was it your first time to climb a mountain, NO


>>> Was it your first time to reach the summit?


YES!!! Yung sa kalbaryo nareach ko rin yung tuktok pero sabi ni poy hindi naman daw talaga mountin yung kalbaryo. So I guess hindi counted yun no? hahahaha


• How would you describe the feeling, from going up to the point you reach the summit?


Noong unang 20 minutes, sobrang nakakapagod. Pero ako naman ay taong matiyaga sa anumang hirap. Kaya okay lang ako, I mean kalmado lang. all through out. wala akong worries. Si ej naman parang nag-eenjoy din. So masaya rin ako. Si poy lang parang sobrang pagod na pagod na. siguro kasi di siya masyadong nakatulog bago ang unang araw ng pag-akyat kaya ayun. Nung bumabagal na siya, gusto ko sanang iwan kasi ayaw ko yung feeling na naghihintay. Gusto ko sana sa totoo lang sumabay sa mga kaibigan (kayo yun,) na mas mabilis-bilis nang konte kesa kay poy. Parang pinagkakatuwaan ko pa yung pagod niya tsaka yun hirap nya yung mga reklamo nya. Hahahaha pero parang naisip ko, kawawa naman si poy kung magha hike mag isa. Hindi ko naman mapabagal si ej kasi siyempre bata yun naiinip sa mabagal. Hahaha mabagal din ako pero mas suso (snail,snail, pare) itong si poy.


Ang pinaka the best part para sa akin ay yung gumising nang madaling araw para maghike at makarating sa summit at the right time. Buong gabi kasi takot na takot ako sa lamig akala ko nakakamatay talaga. E putcha paggising ko tolerable naman pala. Although nanginginig ako paglabas ko ng tent. Pero parang ok na ako nun sobrang masaya na ako na nakalipas na yung gabi. Yun kasi ang pinaka deadly di ba? Feeling ko talaga kapag di natin yun natawid putcha kelangan na ng pangkaskas ng yelo para ma-enjoy naman tayo ng mga makakakita sa atin bilang malalamig na bangkay con halohalo hahahahaha



Yung gabi na rin na yun, iniisip ko si ej. Kasi gusto ko sana magkatabi kami. Para maenjoy ko naman na kasama yung bebe ko. Kasi di ba si poy na yung kasama ko buong trail? Tapos si ej parang nagsprint na sa tuktok. So parang di ko siya masyadong nakasama. Ang problema parang wala namang appropriate na tao para tumabi kay maru hahahaha alangan namang si poy? O si wendel? O si nel? Hahaha si haidee parang ayaw nang lumabas ng tent mula nang mag-upong Buddha siya doon hahaha pwede si mar. kaya lang hndi naman lumalabas sa bibig ni mar at ni maru yung pagtulog nilang magkatabi), at lalo namang alangan kayo ni pat? hahahaa so sige hinayaan ko na si ej na tumabi dun. Nagwoworry ako nung naggising na ako ng mga 12 noon, kako baka nilalamig si ej dahil nanginginig na kami nang bongga! At kayakap ko pa the whole night si poy sa lagay na yun ha. Patong-patong ang human blanket este ang mga dala namng blanket pero malamig pa rin!!!


Anyway, in fairness sobrang alaga ako ni poy nung nasa camp, parang lahat ng pakiusap ko (ayokong sabihin utos paparatangan mo akong bossy hahahaah) sinusunod nya all the time. My gulay. Hindi totoong true love waits. True love follows pala hahaha sunod nang sunod! Ang spoiled ano?


So anyway, basta nag enjoy ako dun sa madaling araw na pag akyat baka dahil na refresh ako? At andaming energy ng mga tao. Ang saya din nung feeling na pina flashlightan mo lang yung dinadaanan mo. At kakaiba din yung pakiramdam na naglalakad ka sa malabukid na mga flat na area ng biundok ng ganung oras. D ko pa nararanasan yun ever. Sa mga ganong uri ng lugar laging maliwanag ang eksena ko sa mga to.


Nalungkot ako siyempre nung sabihin ng guide na hindi tayo pwedeng umakyat ng summit sa saktong sunrise. Akala ko napakalaking kawalan. Pero sa isip isip ko basta aakyat pa rin kami ng summit. Manunulak na kung manunulak para magkaspace basta aakyat kami! Hahaha evil tangina! Pero nung nakaakyat na tayo, ayos na ayos na ako, solb na, quota na, boundary, dun pa lang sa peak 4. Ang ganda. Napakaserene ng langit. Yun talagang literal na nasa alapaap ang pakiramdam mo? Undescribable. Dito sumaklob sa katauhan ko na hindi talaga sasapat ang wika para sa lahat ng emosyon ng tao. Likha, yun baka yun pa ang malapit-lapit nang isang milya sa naiisip ko nang mga time na nakatitig ako sa harap natin nung nasa peak 4 tayo. Likha. Creation.


Gusto ko yakapin hindi lang si poy kundi kayong lahat. Nahiya lang ako kasi siyempre wala naman ako tooth brush toothbrush the whole night. The whole madaling araw! Hahahaha at mukhang malinis ang damit ko pero nanlalagkit na yung loob ko sa pawis hahaha baka kumawala ang amoy habang niyayakap ko kayo isa isa at kino congratulate para sa pagtuntong natn sa peak 4 na yan. At ang malupit diyan, peak 4 pa lang. Wala pa yung summit hahahaha!


>> How were you feeling when Ronald asked you that you’ll be going up to Mt. Pulag?


Wala naman akong naramdaman. Kinutuban ba ako na magpo-propose siya doon? Hindi. Ang naisip ko lang, gusto lang niyang mamasyal. Kasi parang wala pa kaming major physical activity (bukod sa …wink wink…alam na!) nang year na ‘yun or the year before that. Sabi ko lang sa kanya noong magyaya siya, ok sige, sige. At saka feeling ko, hindi matutuloy ‘yong mismong pag-akyat sa bundok. Pagka kasi ganito kalaking event o gawain, parang feeling ko dapat pinaplano nang isang dekada. Di dapat pinlano naming noong 2002 pa. e di pa kami magkakilala no’n. Kaya akala ko, hindi talaga matutuloy. Kumbaga parang wishful thinking lang ito sa part namin as a couple.


>> Did you sense any hidden motives behind the climb?


Wala. Wala talaga. Noong medyo nagkaka-shape na ang mga plano niya, sabi ko seryoso pala ‘to sa climb. baka gusto lang talaga niya ng challenging na physical activity (oo, mas challenging pa doon sa wink..wink.. alam na!) at baka gusto lang niya ng get together ng mga kaibigan. Kahit kasintahimik ng batong panghilod itong si Poy, makaibigan na tao siya, pareho kami.



Yun nga palang unang proposed na petsa for the climb ay april 28. Ito ang date noong first time kaming nag-meet. Gusto talaga niyang matuloy ang climb nang araw na yan. So kinompronta ko siya, magpo-propose ka no? Sabi niya, hindi. Kasi nag-propose na raw siya, hindi ko lang sineryoso. Maraming beses na raw siyang nag-propose, jino-joke ko lang daw naman. (Minsan kasi, kapag magkatabi kami, ‘yung mga walang espesyal na anuman sa paligid namin, bigla siyang magtatanong kung gusto ko na raw bang mag-asawa. Tapos hindi ako sasagot. Kasi tinatanong ko kung nagpo-propose na siya sa lagay na ‘yon. Sasagot siya ng oo. Sabi ko, ayoko, ayoko, walang magic? Walang arte? Walang singsing? Ayoko. Gusto ko ‘yong totoong proposal. Tapos maktol-maktol ako. Tapos tatawa siya. Ako ang hindi niya sineseryoso! Or so I thought…)


Kaya tinanong ko siya kung magpo-propose siya sa Pulag. Kelangan akong makasiguro. Sabi niya, hindi. In-assure talaga niya ako na hindi. At naniwala naman ako. Amalayer pala ‘to.

Hindi natuloy ang April 28 dahil sa ilang kailangan tupdin na gawain sa Maynila. At na-move ang climb nang Mayo. So parang naisip ko, insignificant ‘yong petsa. Wala talagang kinalaman ito sa aming dalawa.


• Going towards the D-day, how was everybody feeling?


I guess, okay naman. Wala akong naririnig na kahit ano mula sa mga makakasama namin. Baka kasi dahil si poy ang nag-asikaso. Bale, all set na. May mga hindi lang makakasama, si wennie, si jing, pinaparating nila na nanghihinayang sila, extremely na nanghihinayang. Hindi naman ako na-weirdohan pero parang ako, ‘wag na kayo manghinayang, tipong okey lang ‘yon. Marami kasi kaming pasyal na hindi kompleto ang panpilpipol. At isa lang naman ‘yong pag-akyat ng bundok. Just one of many. Pasyal lang, kumbaga at maraming marami pa kaming next time na pagsasamahan at papasyalan.

Ito namang si Poy, laging kasama at kausap si Wendell nang mga time na ito. Lagi siyang umaalis ng bahay at may aasikasuhin daw sila ni Wendell. Tapos si wendel, bihira ko namang makausap kapag nandito sa bahay. Parang hi at hello lang. kaya hindi ko talaga natunugan ang anumang “masama” nilang balak.

Nagbuo din ng fb group para lang sa pulag climb. Tapos nag-suggest ako na magsulat kami ng before and after pulag na articles. Para din malaman namin ang expectations namin, feelings, etc. etc. Awa ng diyos ako lang ang nakapagsulat. Yun yung pinost ko sa blog ko at pinost ko sa fb group. Tungkol yun sa proposal. I was joking na magpo-propose si poy sa pulag. I was just trying to excite them and make them laugh. Joke yun talaga, dahil alam kong hindi mangyayari ang proposal. Kinausap ko na nga si poy, di ba? At nagsabi naman siya na hindi nga siya magpo-propose doon.

(later on sabi ni poy, dinisappoint ko raw ang lahat nang ipost ko ang blog entry ko na yun. Kasi ang alam ng lahat, wala akong kaalam-alam at wala akong kaaydi-idea sa gagawin niya.)

(At ngayon ko lang na-realize kung bakit ako lang ang nagsulat ng before na article. kasi pala, lahat sila, kayo! Kasama ka don! alam na ang mangyayari sa tuktok. Ako lang ang hindi! Siguro ayaw nilang makabasa ako ng kahit ano tungkol sa naiisip nila dahil baka maging clue at mawala ang surprise factor.)


• What was on your mind when the day came and everybody’s on their way to the mountain (during the trip going to Benguet, while hiking to reach the camp site, summit day)?


Nasagot ko na ata to.


• How was it? What were you feeling? (the proposal)


Sobrang shocked. Nung time na nakapabilog na tayo at merong munting paprograma itong si poy, natawa ako. Kasi si poy, seryoso talagang tao. So parang ang tingin niya siguro sa climb was like a fellowship kaya parang may ganyan-ganyan pa. sharing-sharing, usap-usap. (Puwede palang tawaging fellowship of the engagement ring ito?) Di ba nagpresident ng cavite young writers ‘yang si poy? Sabi ko baka me hangover pa, akala niya batang writers ng cavite yung mga nakapalibot sa kanya. Yan yung mga naiisip ko nung nakapaikot tayo at nag-request siya na magsalita ang bawat isa. Ano na nga ba yung tanong? Para saan ang pag-akyat mo sa mt. pulag?


Si Nel ang unang tinawag. Katabi ko si Nel. Di, ako na ang next? Kinabahan ako. Kailangan maganda ang sagot ko. Pang-writer, ganyan, malalim, ganyan. Mas hindi maintindihan, mas maganda. Joke. Nag-isip agad ako. Bakit nga ba ako umakyat ng pulag?


1. Kasi nagyaya si poy. Gusto ko siyang samahan.

2. Kasi matagal na rin akong di umaakyat ng bundok e dati naman talaga akong naakyat ng bundok.

3. Kasi yung pulag, metaphor siya ng mga bagay na gusto kong tapusin at umpisahan. Parang pag naakyat ko ito, tuloy-tuloy na ang mga Gawain na dapat gawin, tapusin at umpisahan. I was referring to my masters na sobrang gusto ko na talagang matapos.

4. Kasi gusto ko ring makarating dito si ej at dahil ayoko namang mag-isa lang siyang sumama sa isang group, sumama na ako.
Pero number two pa lang ang naiisip ko, tapos na si Nel. Ako na! Tatayo na sana ako kaya lang iba ang tinawag ni Poy. Nilampasan ako. A… okey lang, naisip ko, baka nahalata niyang hindi pa ako handa. So tinandaan ko na lang ang apat na dahilan kung bakit ako umakyat ng pulag. Para tuloy-tuloy na ko mamya after ng iba.


Wala akong napansin na kakaiba pwera na lang dun sa sagot ni haids at ni mar. sabi nila, kaya kami umakyat dito para sa friendship. Huwat? Ano raw? Para sa friendship? Nagdahilan ang utak ko, aa…baka gusto nilang magkaroon ng mga bagong kaibigan. O baka naman para mapatatag pa ang friendship nilang dalawa. Si haids at si mar kasi ay isa sa mga close friends sa loob ng grupo namin. So parang umakyat sila para suportahan ang isa’t isa at mapatatag pa ang friendship nilang dalawa sa isa’t isa. Yun ang nasa isip ko. At the end of the day ang ibig pala nilang sabihin, love nila ako. Kaya sila umakyat ng pulag ay dahil kaibigan nila ako at gusto nilang maging bahagi ng napakasignificant na event na ito sa aming buhay-mag-jowa. Ang sweet. Siyempre at the end of the day ko na ‘to naisip lahat.


Tapos no’ng ako na, sinavor ko ang moment ko. Sinabi ko yung kasi 1, kasi 2 (at nagyabang pa talaga ako na marami na akong naakyat na bundok. E, puro minor climb lang naman ahahahaha), kasi 3 at kasi 4. Tapos umupo na ako.


Si Poy na ‘yong tumayo sa harap. Putcha, ang lalim ng boses. At ang seryoso ng pagsasalita niya. Paglingon ko sa mga kasama namin, ang tahimik din ng lahat. All eyes kay Poy. Alanganin ang mga ngiti nila. Parang ngiti ng mga taong pagod, ganon. Parang ngiti ng mga naiihi. At hindi nila ako napansin dahil lahat sila nakatingin kay poy. Paglingon ko kay Poy, nagbe-break na ang boses niya. He was saying something like, ‘yong pag-akyat daw sa Pulag, parang relasyon namin ni Beb. Never an easy trail.


Puta, nangilid na ang luha ko, alam mo ‘yon? Naiiyak na rin kasi si Poy nang exact time na ‘to. At sa lahat naman ng panahon at pagkakataon, eto ‘yong time na hindi ko talaga ine-expect na magsa-summarize siya tungkol sa naging relasyon namin for the past few years.


Totoo, it has never been an easy trail nga. Pulag na pulag. Umpisa pa lang, e, parang imposibleng maging kami. May boyfriend ako. ilang taon na kami no’n. At wala na akong balak na palitan ang taong iyon sa buhay ko (or so I thought…). May anak na ako, siyempre, isyu sa pamilya niya ‘yon. Dazzling bachelor siya, pogi may pinag-aralan, may kaya, pogi matalino, magaling magluto, pogi mabait, payat at wala pang bilbil, galing sa disenteng pamilya, at higit sa lahat, kamukha ni Antonio Banderas pag hairline ang pinag-uusapan. Tapos ay ano, mapupunta lang sa isang tulad kong disgrasyada?


And to make the it’s complicated more it’s complicated, sutil pa ‘tong anak ko. Minsan nagkakaaway pa sila. Ni Poy. Isyu sa kanila kung kanino ang atensiyon ko. Pareho kasing KSP, kulang sa pansin. At kapag nag-aaway na sila, nakaabang silang parang mga gorilla kung kanino papanig ang mother gorilla.


Eto pa, isa pang Godzilla na isyu, aayaw-ayaw ang nanay ko kay Poy. Ang nanay kong bakulaw na maarte, sinusungit-sungitan siya. Ewan ko ba’t siya ganon noon. Pero ngayon, okey naman na siya.


O, wait, external factors lang ‘yan, e, yung internal pa? ‘Yong mga away namin? Selos-selos, pera, gawain o mga bagay na dapat gawin at dapat tapusin, schedule, ‘yong pagsasama naming dalawa sa ilalim ng iisang kisame? Maraming beses kaya na parang ayawan blues na kami. Tipong sige, uwi ka na lang sa inyo, kami na lang uli dito ni EJ. Text-text na lang pag magde-date tayo.


At marami pang friction at hitch, etcetera.


Lahat ‘yan, hindi naging madali. Madalas naisip namin na give up na lang, give up na. Pero after a second, ipaglalaban na uli ang aming mga sarili, ang aming pag-ibig.


Siyempre, ine-expect kong gagawin niya ang pagsa-summarize na ito kunwari habang nagdi-dinner kami sa anniversary night namin. Sa isang restawran na inoorder ang pagkain sa menu habang nakaupo at nakatanghod sa amin ang isang waiter. O di kaya kapag magkatabi kami sa kama pagkatapos ng makapugtong-hiningang uri ng wrestlingan. O di kaya kapag magkatabi kami, nakaupo at nakatanaw sa tabingdagat. Mga ganon. Pero ‘yong ganito, sa harap ng maraming tao, sa tuktok ng ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas? Wow, meyn, hindi ko talaga naarok ito. Hindi inasahan. Walang-wala sa hinagap ko.


Di ko na namalayan kung paano akong napunta sa harap ng grupo at sa tabi ni Ronald, pagkatapos niyang magsalita. Tapos dumudukot na siya sa bulsa niya. Putcha, putcha, sa isip-isip ko, totoo na ‘to. Luluhod-luhod pa ang kulugo. Tapos nagtanong na siya, putcha talaga! Umiiyak na ako by this time. Nahihiya ako sa totoo lang. Na ginagawa niya ito sa harap ng lahat. Napaka-private ko pa namang tao. Kaya takip ako nang takip ng mukha! At kaya ako naiiyak kasi naka-video ang dyaheng moment na ito. Hindi, joke lang. Naiiyak ako kasi ang hirap no’ng ginawa ni Poy, hahahaha! At meron pang singsing talaga. Jino-joke ko siya lagi na hindi ako maniniwala sa mga tanong niyang ‘gusto mo na bang magpakasal sa akin’ hangga’t walang singsing. Eto nga, me singsing na this time.


Anlabo na ng mata ko dahil sa mapipintog kong luha. Talo ang malulusog na hamog sa Mountain Province. Pero ayun kindat nang kindat sa akin ‘yong singsing. Tangina, parang pinagtatawanan ako. Parang sabi, joke ka kasi nang joke. Ayan, ngayon, ikaw na ang joke.


Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong ni Poy. (na nakalimutan ko na sa ngayon hahahaha! Will you marry me ba yung tanong niya that moment, Karl? Di ko maalala.) Anyway, ayoko sanang sagutin si Poy dahil ang totoo meron akong surprise sa kanya. It has something to do with the sequel of my book. Balak ko talaga, ako ang magpo-propose. Tipong sa dulo ng aklat ko, ‘yong last essay, will be about us. ‘Yong summary ng mga pinagdaanan namin. Then, magko-commit sana ako ng copyright infringement sa pamamagitan ng pagkopya ng lyrics ni Bruno Mars.


Is it the look in your eyes
Or is it this dancing juice?
Who cares, baby?
I think I wanna marry you!


Para may magic, may arte, at ako ang magbibigay ng singsing sa sarili ko.


Ayun. Kaya ang sabi ko, puwede bang huwag muna akong sumagot? Ahahahaha or something like that. Anyway, napakasaya nang araw na ‘yon. Natupad ang lahat ng kakikayan ko, may magic, may arte, may singsing! Tapos paglingon ko, lahat ng kasama namin, ang gaganda ng mga ngiti. Tipong nakaihi na. Nakaraos na, unbelievable.


Nag-iba ang tingin ko sa bawat isa. Like si Jo, nung nagkasakit siya pagdating namin sa tuktok, sabi ko kawawa naman, hindi niya mae-enjoy ang pulag. si haids at si mar, yun pala ang ibig sabihin nila na ang pagsama nila sa pulag ay para sa friendship. It was for me after all!


After the proposal, I was like, shet andaming nagsakripisyong tao para lang sa proposal na ito. para lang ma-execute ni poy ang proposal, para lang masurpresa ako, para lang makasama namin sa magical moment na ito. Kaya sobrang thankful ako. hindi magiging ganap ang karanasan naming kung hindi dahil sa mga nakasama naming kaibigan sa pulag. The e in e-team, imbes na excited ay naging engagement. Hahaha engagement team!


Once in a lifetime talaga ito. yung proposal, yung nagpropose, yung mga kaibigan, yung feelings, Hinding hindi dapat pinakakawalan.


Summing up on all the events that transpired in Mt. Pulag, what insight can you get/share from the experience?

Parang nasagot ko na ito.

Lalo na sa last sentence ko hahahaha

• What’s next for both of you?

Marami kaming naiisip na projects, para sa career namin. Like ebooks under balangay. Nag-iisip din kami ng mga writing project namin. At saka yung collaboration namin tulad ng sa it’s a mens world. Gusto rin sana naming magproduce ng play tungkol sa intellectual property. This time for kids. Mga ganyan. At saka videos about copyright. Wala kasi niyan sa pilipinas.

Tungkol naman sa relasyon namin, gorang gora na. we are getting married this year! we are planning to have a baby asap. tumatanda na ang matris ko. matris lang, oy. sana magkakotse kami bago ako manganak dahil mahirap mag commute kapag may bata na. regarding sa bahay, baka dito pa rin kami sa kamias manirahan. pero eventually, gusto naming magkaroon ng bahay. Ako gusto ko sana sa probinsiya. ewan ko kay poy kung saan niya gusto. parang ok din sa kanya ang salitang probinsiya wala siyang violent reaction kapag nababanggit ko ito.

ngayon, para sa December, nag-iisip pa kami kung saan kukunin ang panggastos sa kasal. Pero darating naman yan, we believe. Kapag ginagawa mo ang gusto mo, lalapit na lang ang pera sayo.

Book ang wedding ng theme. Wala pang naiisip na colors as motif. Pero may naiisip na kaming activities sa mismong reception, like may storytelling, poetry reading, lira na ang bahala riyan, may book fair, pagtitindahin namin ang mga kaibigang nagtitinda ng aklat, si maru ang una rito siyempre, nakabantay siya sa booth niya habang tayo ay nagdiriwang hahaha

Kinausap ko na ang museo pambata, they will provide a mobile library at yun ang magiging bridal car. Ang dream church namin ay ang san agustin. Sana makapagreserve na kami para blocked off na ang petsa sa kanila.

Definitely, nasa avp namin ang pulag proposal. Its too precious para hindi ibahagi. At sa totoo lang, gusto kong ipakita iyon at gusto kong ipagkalat ang tungkol sa wedding namin. I want everyone to know fairy tales do come true kahit pa it’s the time of jejemons and pekemons. At hindi lang basta-bastang nagkakatotoo ang mga fairy tale na ‘yan, nangyayari pa ito sa mataas na lugar, pinakatugatog, angat sa lahat, maging sa kalmadong karagatan ng mga ulap.






Ang larawan ay kinunan sa ibang pagkakataon (walang kinalaman sa PulaG!). Ang copyright ng larawan ay pagmamay-ari ng tindera ng bakery sa isang bayan ng Cavite.

Friday, May 24, 2013

madugo



hindi naman pala totoong april is the cruelest month!

May pala!

na-reject ang isa kong request na sobrang importante sa takbo ng masters ko. therefore, baka di na ako maka graduate anytime soon.

nawawala ang isa kong translation work na napakatagal kong ni-labor.

buti na lang at napakaraming kaibigan na nagmamalasakit. sino ako para magreklamo?

o, May, hindi ka pa tapos?

BRING IT ON!



Copyright ng larawan: Bebang Siy.

Saturday, May 18, 2013

Cashiers ng SM

Kagabi, nag-decide akong mag-aral sa Centris. Kasi aircon at maliwanag doon. Naghanap ako ng lugar kung saan puwedeng tumambay nang hindi makukuwelyuhan habang ine-escort palabas ng establishment, at natagpuan ko ang ilang mesa at upuan sa labas ng hypermarket, malapit sa mga kainan tulad ng pao tsin at zagu.

ilang oras din akong nagbasa mula sa isa sa mga upuan na yun. pag napapagod ako, nag-aangat ako ng tingin at nagpi people watching. itong mga kahera ng sm ang isa sa mga naobserbahan ko nang maigi.

eto ang aking naobserbahan:

1. lahat sila, pearl ang hikaw.

2. lahat sila, naka-make up at kelangan medyo heavy ang make up sa mata at pisngi.

3. lahat sila, nakapusod ang buhok, naka hairnet at walang bangs.

4. lahat sila nakatayo, nagpa punch man sila ng items o hindi. may customer man o wala, nakatayo sila. walang upuan sa kani kanilang station.

5. kapag walang bagger, sila ang nagsisilbing bagger.

6. lahat sila, naka-stockings.

7. pare-pareho din ang design ng kanilang sandals.



ang titiyaga ng mga babaeng ito. kahirap-hirap ng trabaho nila, sige pa rin. 8 hours na ganun, tuloy-tuloy. paano pa kaya kung peak season sa groserya? wala pa diyan yung usapin ng pag-check and balance ng mga na-punch nila at ng pumasok na pera. di pa kasali diyan yung pagbibigay ng tamang sukli at ang pagre-review ng bills na tinatanggap nila (baka mapasukan sila ng peke).

ganito kahirap ang trabaho pero after 6 months, tapos na ang kanilang kontrata.

lilipat sila sa ibang store para magkahera uli.

usually, isa sa requirements para makapasok bilang cashier ay ang pagkakaroon ng sapat na edad. madalas 18-25 years old lang ang puwede.

ang tanong, bakit me age limit ang pagkakahera? naiisip kaya ng employers tulad ng sm kung saan na pupulutin ang mga kahera nila paglampas ng edad 25 ng mga ito? after 25 years old, ano na kaya ang magiging career nila? at hindi biro ang dami ng mga babaeng ito, ha? aabutin din ito ng libo!

isa pang pumasok sa isip ko ay ang uniform. libre ba ang uniform? imposible. kung hindi ito libre, kaninong negosyo ang pagtahi at pagbenta ng uniform ng mga sm cashier? baka sa sm din? baka kumikita pa rin sila ultimo sa maliliit na bagay tulad nito.

anyway, ang akin lang, dapat isiping maigi ng gobyerno ang pagpoprotekta sa mga manggagawa na posibleng maetsa puwera dahil lamang sa kanilang edad. dapat gumawa ng paraan na mabigyan pa rin ng kabuhayan ang mga ito. in the first place, sila ang nag-allow ng contractualization o yung 6 months-6 months lamang na kontrata, dapat naisip din nila ang mga ito bago nila ipinasa ang batas na pumapayag sa ganitong uri ng palakad sa kompanya.

sana rin, magkaroon sila ng mga research patungkol sa mga skills na natutuhan ng mga cashier para malaman nila kung ano-ano nga ba ang mga trabahong puwede pang tanggapin o pasukin ng mga babaeng ito after their sm experience.






mantakin mong sa clinic pala ito puwedeng ma-avail?



gusto mo?



Copyright ng photo: Bebang Siy.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...