Paano Pumili ng Librong Pambata at Kung Paano Gumawa ng Rebyu para dito
Ni Beverly W. Siy
Ako si Bebang Siy, nanay na manunulat, tagasalin, at government employee. Naglilingkod ako ngayon sa Intertextual Division, also known as Literature Division, ng Cultural Center of the Philippines.
I am a mother of three.
Ang panganay ko ay si EJ, nagtatrabaho siya ngayon bilang human resources personnel. Graduate siya ng BS Psychology sa PUP. Public school all the way. Challenge ang pera sa amin noong araw, 15 years kasi akong solo parent at hindi naman ako galing sa mayaman na pamilya. Ni wala akong pang-tuition para sa private school ni EJ. Kaya ang ginawa ko ay maaga ko na lang siyang in-expose sa libro. Kaso lang, dahil writer ako, malikhaing pagsulat major ako noong college, at major in panitikan sa MA, marami nga akong libro sa bahay, pero puro pangmatanda.
Noon ako nagsimulang mangolekta ng mga librong pambata.
Bumibili ako sa Booksale, sa mga ukay-ukay, sa mga sale ng Adarna House, isang sakay lang ng dyip ito mula sa aming bahay sa Quezon City. Bihira akong bumili sa National Bookstore, kasi laging regular price ang mga libro doon, mas mahal sa karaniwan kong budget para sa librong pambata.
Kalaunan, ako ay nag-apply sa Adarna House bilang storyteller ng children’s books. Nagkaroon ako ng access sa mga bagong librong pambata na inilalathala nila. Nakakapili ako ng mga libro sa Adarna House para mapraktis ko sa aking pagtatanghal. Para akong may library ng Adarna Books. Nahihiram ko ang mga ito, naiuuwi ko ito at naipapabasa sa aking anak na si EJ.
Ano ang batayan ko sa pagpili at pagbili ng mga librong ipapabasa kay EJ? Una ay ang presyo, dahil limitado ang aking pera para sa libro. Solo ako sa pagkamagulang at freelancer ako noon, kakaunti ang kita. Ikalawa ay ang kondisyon ng libro, maayos pa ba? Maganda pa kahit luma? At ikatlo ay ang blurb, na maikling rebyu ng libro na kadalasan ay natatagpuan sa likod ng libro. At ikaapat, rekomendasyon o rebyu. Kapag nababalitaan ko na maganda ang libro, hinahanap ko ito at binibili para kay EJ.
Marami rin ang nagreregalo sa aking anak ng mga librong pambata.
Dahil sa exposure na ito, si EJ ay nahilig sa libro. Pagsapit niya ng grade 6, nobela na ni Ricky Lee ang kanyang binabasa.
Namana ng mga sumunod kong anak ang koleksiyon ni EJ. Ang aking anak na si Dagat, isang autistic na 6 years old na bata, ay marunong nang magbasa sa wikang Ingles. Pang-grade 2 na ang kanyang kakayahan sa pagbabasa. Paano’y dinagdagan na ng aking asawa ang mga librong pambata sa bahay namin.
Ang bunso ko naman na si Ayin ay five years old at mayroon din siyang sariling koleksiyon ng mga libro. Nakakapagbasa na rin siya, pero mga basic na salita pa lamang ang kanyang nababasa. Kailangan pa nito ng gabay.
Paano ko o namin pinipili ang mga librong bibilhin sa kasalukuyan?
Noon, pupunta ako sa book shops o kaya sa anumang tindahan, titingnan, hahawakan, bubuklatin ang libro. Kapag nagustuhan at pasok naman sa budget, maganda ang blurb at rebyu, bibilhin na.
Ngayon, ang strategy naming mag-asawa ay tinitingnan namin ang pangangailangan ng bata, at ine-expose namin ang mga bata sa internet activities na may kinalaman sa libro: halimbawa, storytelling sa Youtube, Vooks na app, at iba pa. Madalas, kapag may nagustuhan sila, saka namin hahanapin ang libro. Tinitingnan din namin ang book reviews. Dagdag na dahilan ito para makumbinsi kaming bilhin ang isang libro. Lalo na kasi sa kaso namin, may kailangan kaming tugunan na espesyal na pangangailangan, gaya ng kondisyon ng autistic naming anak na si Dagat.
Iyan ang aking pinaikling kuwento tungkol sa Kung Paanong Pumili ng Librong Pambata.
Magpunta na tayo sa pagrerebyu ng librong pambata
Bakit natin kailangan ang children’s book reviews?
Para sa kapwa
Para mapadali ang pagpili at pagbili ng libro ng mga magulang, lolo lola, tito, tita, ate kuya, guro at librarian
Sa dami ba naman ng libro, alin diyan ang maganda para sa sarili nilang bata?
Para sa industriya
Para dumami ang magkainteres sa librong pambata, rekomendasyon kasi ang book review.
Thumbs up, thumbs down
Outlet ng mambabasa
Importanteng may outlet tayong mga mambabasa tungkol sa input ng ating pandama. Kailangan din nating maihayag ang ating saloobin tungkol sa danas natin sa isang libro.
Opinyon ng bata
Kaugnay ng ikatlong dahilan, importanteng naririnig din natin ang mga bata sa kanilang danas. Ano ang saloobin nila sa isang librong pambata. Book reviews give them a voice. A chance to speak.
Mas mayaman na pagdanas sa librong pambata!
Higit sa lahat, mas malalim ang unawa natin sa libro kapag nirerebyu natin ito. Mas nae-enjoy natin ang libro at ang danas ng pagbabasa
Narito naman ang mga sahog sa pagre-review ng librong pambata.
Ilagay ang sumusunod:
Ano ang title?
Sino ang nagsulat at nag-illustrate?
Anong taon at saan ito nilathala, sino ang naglathala?
Tungkol saan (konting kuwento tungkol sa libro)
Pumili ng isa o kaya isulat ang lahat:
Gusto o hindi gusto?
Bakit? (danas sa pagbabasa mo o ng bata mo)
Komento sa teksto (tig-iisang slide>>>>), sa wika, sa kuwento, sa tauhan, setting, problema, ending, salin (kung mayroon)
Komento sa art (tig iisang slide>>>>) drawing, hugis, kulay, layout, cover, back cover
Komento sa iba pang aspekto ng libro
(tig iisang slide>>>>) gaya ng activities for kids, letter to parents/guardians, photo at bionote ng creators, binding, hardbound, softbound, size ng libro, font
Kanino irerekomenda? Anong uri ng bata ang matutuwa rito? Ilang taon?
Saan puwedeng ibahagi ang review?
Sa amiga, kaibigan, kapwa magulang, kapwa guro, kapwa librarian
Sa sariling komunidad (churchmates, schoolmates, kapitbahayan, sa preschool ng anak)
Sa sariling blog, website o social media (FB, IG, youtube)
Sa website o social media ng PBBY!
Facebook group ng mga mahilig sa librong pambata
Puwede ring subukan na ipadala sa publisher ng libro!
Dito nagtatapos ang aking talk.
Maraming maraming salamat po sa inyo. Aabangan namin ang inyong children’s book reviews!
No comments:
Post a Comment