Tuesday, November 5, 2019

movies that talk about copyright as of Nov 2019

Dahil adik si Poy sa mga pelikulang banyaga, at lagi naman akong napapatutok sa computer kapag nanonood siya ng mga ito, nakatuklas ako ng ilang pelikulang banyaga na tumatalakay sa ilang usapin sa copyright. ahaha ang weird naming mag-asawa ano? siya adik sa pelikula, ako, adik sa copyright!

anyway, heto ang ilan sa mga sinasabi kong pelikula:

1. julie and julia

ang bida rito ay sina amy adams as julie at meryl streep as julia. 2009 pa ipinalabas ang pelikulang ito na tungkol sa pagluluto ng mga pagkaing French. si julie ay isang modernong amerikana na nagbabasa ng cookbook na isinulat ni julia child. si julia child naman ay amerikanang namuhay sa Paris, France pagkatapos ng World War II. kasama ang dalawang French na babae, sumulat siya ng cookbook tungkol sa French cuisine, ang target audience nila ay mga amerikana. habang pina-finalize nila ang libro (na umabot ng 760 plus pages grabe!), naghanap sila ng paraan para ma-publish ito. isa sa mga natagpuan nila ay si Irma Rombauer na author ng pinakamamahal nilang cookbook na bestseller at sobrang sikat nang panahon na iyon, ang The Joy of Cooking. sa pelikula, ikinuwento ni Irma kung paanong naging libro ang kanyang cookbook. nagbayad daw siya ng $3,000 sa publisher at na-publish nga ito. siyempre, nang time na iyon, napakalaki ng $3,000! gulat na gulat sina Julia Child, hindi sila makapaniwala na si irma pa ang nagbayad para lang maging libro ang cookbook nito. sa isip-isip ko, aba, halimbawa ito ng self-publishing, a! pero hindi doon nagtapos ang kuwento ni Irma. may nagkainteres daw na publisher sa inilathala niyang libro, ang Bobbs-Merrill Company. mula noon ay dumami ang printed copies ng kanyang cookbook at mas lumawak din ang distribution nito. pero nagulat sina julia nang walang ibang lumabas sa bibig ni irma kundi puro reklamo. sa publisher niya! dahil niloko daw siya nito, kinuha ang kanyang copyright para sa current edition at sa naunang edition na sinelf-publish niya. nanlumo sina julia child sa narinig. in short, parang natakot sila sa publishing business.

ako naman, noong napanood ko ito, nagulat ako dahil dati pa pala ay ganito na ang ninja moves ng mga publisher! talaga naman! at ang masama roon, namana ng mga publisher ngayon ang ganyang ninja moves, at umabot pa yan sa pinas!

2. about a boy

ang bida rito ay si hugh grant as will freeman. 2002 pa ipinalabas ang pelikulang ito. ang pelikulang ito ay tungkol kay will, isang lalaking walang trabaho, walang ginagawa sa bahay at buhay niya araw-araw. pero hindi siya financially naghihirap. in fact, he has a comfortable life! saan galing ang pera niya? dito pumapasok ang copyright. ang tatay ni will ay composer ng isang sikat na sikat na christmas song. deds na ang kanyang tatay. at dahil naipapamana ang copyright, nakakatanggap si will ng royalties mula sa kita ng musical work ng kanyang tatay. gustong-gusto ko ang pelikulang ito dahil bukod sa heartwarming ang kuwento, ipinapakita rin dito kung paanong nakikinabang ang mga tagapagmana ng musicians, na artist ding maituturing. in short, ipinapakita dito ang isang halimbawa ng pamumuhay na maaaring makamit ng tagapagmana ng isang filipinong alagad ng sining.

3. paper towns

ang bida rito ay sina Nat Wolffe as Q at Cara Delevingne as Margo. 2015 lang ito ipinalabas. napanood namin ito ni poy sa moa! konting trivia muna, binasa ko nang mga 15 times ang nobelang pinaghanguan ng pelikula, before, during and after ng pagsasalin namin dito ni poy. yes, around 15x talaga. pinili ito ni poy kaysa sa iba pang nobela ni john green dahil nabalitaan niyang gagawin itong pelikula at naisip namin na mas malaki ang chances na mabenta ang salin namin kapag ganon. pero waley, nag-flop sa pinas ang pelikula, flop din ang salin!

anyway, o eto ang tungkol sa copyright. itong si q ay may crush kay margo since bata pa sila. nag-teenager na sila't lahat-lahat, di pa rin niya masabi ang feelings para sa dalaga. isang araw, bigla na lang nawala itong si margo. siyempre, hinanap siya ni q. may mga natagpuan na clues si q at sinundan niya ito nang sinundan para matagpuan si margo. ang nangyari ay na-obssess pala itong si margo sa isang lugar sa new york na kung tawagin ay agloe. pero ang agloe pala ay isang lugar na sa mapa lang nag-e-exist. in short, japeyks. kasi, noon palang unang panahon, ang mga kompanya na gumagawa ng mapa ay nagkokopyahan lang ng mapa tas piniprint nila at ibinebenta ang mga ito. kaya ang ginagawa ng ibang kompanya (at ng cartographer o iyong mga tagagawa mismo ng mapa) ay naglalagay sila ng copyright trap sa kanilang mapa. nagsisingit sila ng mga pekeng bayan o kaya ng kalsada sa ginagawa nilang mapa. imbento lang ito, pati pangalan ng lugar, imbento. ngayon, once na kinopya ng ibang cartographer o kompanya ang mapa nila, tiyak na masasama rito ang mga isiningit na imbentong lugar. pung! ayun na, huli! puwede na nilang gamiting ebidensiya ang mapa para sa copyright infringement case laban sa nangopya ng kanilang mapa. ang galing, ano? sa pelikula, nag-road trip si q at ang kanyang mga kaibigan para lang mahanap ang agloe at si Margo. happy ending ba? aba, nood na. or puwede rin namang bilhin mo na lang ang filipino version ng libro. kitakits sa national bookstore,my friend. shameless plugging, ano?

4. coco

opkors, ang pinakasikat na pelikula tungkol sa araw ng mga patay, ang coco!

tungkol ito sa batang si miguel na ang pamilya ay puro sapatero at lahat sila ay di mahilig sa musika. actually, banned ang musika sa bahay nila. dahil... ang lolo ni miguel sa talampakan ay isang musician at isang araw, bigla itong naglaho. akala ng lola sa talampakan ni miguel, si lola imelda, siya ay inabandona ng kanyang asawa. ang pangalan ng anak ni lola imelda and the husband ay... coco. si coco ang lola sa tuhod ni miguel. ahahaha medyo andaming character, ano? typical latin american lit! ang pelikulang ito ay galing sa librong coco. anyway, nagrebelde si miguel dahil gusto niya talagang maging musikero, gaya ng kanyang lolo sa talampakan, na ayon sa isang putol na picture, ay inakala niyang si ernesto dela cruz, isang sikat na sikat na singer at gitarista na nagmula sa sta. cecilia, ang hometown ni miguel. ang pinakasikat nitong kanta, ang remember me, ang siyang paborito sa lahat ni miguel.

nang tangkain ni miguel na hiramin ang mismong gitara ni ernesto sa libingan nito, napunta siya sa mundo ng mga espiritu ng mga patay na. pinursue niya na makilala si ernesto sa tulong ng isang lalaki, si hector. si hector naman, ang pakay kay miguel ay mautusan itong maibalik sa ofrenda (altar ng mga yumaong mahal sa buhay) ang picture niya para maalala pa rin siya ng mga mahal sa buhay at di siya tuluyang mawala sa mundo ng mga espiritu. paniniwala ng mga taga-mexico na hindi naglalaho ang mga espiritu ng mga mahal natin sa buhay na pumanaw na kapag naaalala pa rin natin sila at ipinagdarasal sa ofrenda na punompuno ng picture frames ng dead loved ones. si hector, nanghihina na, kasi ang tanging picture niya ay nasa kanya. nasa mundo ng mga espiritu. etong si miguel ang tangi niyang pag-asa dahil makakabalik ito sa natural world.

so nagtulungan ang dalawa.

finally nang matunton ni miguel si ernesto dela cruz, hindi siya nahirapan na kumbinsihin itong magkamag-anak sila. humingi siya ng blessing dito upang makabalik na siya sa natural world at ipagpatuloy ang pangarap na maging musikero. pero may natuklasan si miguel. nagkaharap kasi sina ernesto at hector. dati pala silang magkaibigan at tandem sa musical gigs. at... ang mga kanta pala ni ernesto dela cruz, ang dahilan ng kanyang pagsikat, ay puro kanta ni hector. nang magpapaalam na si hector para umuwi sa asawa at anak, nagalit si ernesto. nilason niya si hector at namatay ito, walang nakaalam sa tunay na pangyayari.

natuklasan din ni miguel na si hector ang tunay niyang lolo sa talampakan. ito pala ang may ari ng mukha ng pinunit na bahagi ng family picture ng lola coco niya.

lahat ng kanta ni hector ay kinamkam ni ernesto at pinagkakitaan ito ni ernesto. sumikat siya bilang performer, singer at actor. so nag-plagiarize na siya, nag-infringe pa! ang remember me ang kanta ni hector para sa anak na si coco.

may happy ending naman ang pelikulang ito. dahil dinala ni miguel ang kanyang mga natuklasan sa natural world, tinanggalan ng dangal ang lahat ng alaala ni ernesto dela cruz. ang munting bahay nina miguel ay nagmistulang museo bilang pag-alaala sa musikerong si hector at ang kanyang imortal na mga awit. si miguel naman, siya ang resident musician ng kanilang pamilya.

5. yesterday

directed by danny boyle. tungkol ito sa mga kanta ng beatles. medyo hindi magaganda ang reviews sa film na ito, pero ako, tuwang-tuwa. simpleng love story siya pero may pagka-magic realism/fantasy.

marami pang pelikula ang tumatalakay sa copyright issues, im sure. may mairerekomenda ba kayo sa munting listahan na ito? idagdag lang po sa comment box! salamat in advance.





2 comments:

Johny Bravo said...

Ang dami po palang isyu sa mga copyright Mam Beb.

DJ Devereux said...

Nice post thhanks for sharing

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...