From Hiwa to Biyak: The Story of One Aklat (Sanaysay ni Beverly Wico Siy)
Ang message ng talk ko ay ang isang kuwento ay puwedeng maging isang libro.
Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang kuwento ng Biyak, isa sa aking mga libro.
Umpisahan natin sa libro kong It’s A Mens World. This collection of essays about childhood was published by Anvil Publishing in 2011. Ano-ano ang laman nito? Ang perspective ko bilang isang anak ng broken home, ang Ermita, Manila, hometown ng tatay ko, at ang Pangasinan na hometown ng nanay ko.
Isa sa mga sanaysay ko rito ay pinamagatang Hiwa. Tungkol ito sa aksidenteng nangyari sa akin noong ako ay 8 years old. Ikinuwento ko rito ang isa sa mga trabaho ko sa karinderya ng auntie ko sa Urdaneta, Pangasinan, tagagupit ng karton para iparikit sa apoy ng mga bumibili sa amin ng sigarilyo. Ang gamit ko sa paggupit ng karton ng Winston at Hope ay isang malaki at mabigat na metal na gunting. Isang gabi, habang ginagawa ko ito mula sa mataas na mesa ng karinderya, nahulog ang gunting sa lupa. Hindi ako nasugatan o nadaplisan man lang nang mahulog ito. Mula sa mesa ay sinubukan ko itong pulutin. Subok. Subok. Stretch. Subok. Bigla akong nalaglag sa lupa! Agad akong tumayo dahil nakita kong nagtinginan ang mga pinsan ko at auntie, at ang mga lalaking kustomer ng karinderya (nasa tapat ito ng bagsakan ng isda). Ayun na. Naghisterikal ang auntie ko. Sa hindi malaman na dahilan, may pulang mantsa sa puwitan ng shorts ko. Akala nila, ako ay nahiwa ng gunting.
Dinala ako sa ospital at doon po ay binutingting ang aking hiwa, ineksamin ang aking kaluluwa. At lahat ng kamag-anak ko sa buong Pilipinas ay naroon po, nanonood, nag-aabang sa sasabihin ng doktor dahil kabadong-kabado sila. Lagot nga naman sila sa nanay ko.
I wrote that painful childhood memoir because I wanted adult family members to know, may hiya po ang bata. Nakakadama iyan ng hiya, akala lang ninyo, hindi. Nanliliit siya kahit maliit na siyang talaga.
Anyway, this particular essay caught my friend Joshelle’s attention. Nag-text siya agad sa akin pagkabasa niya nito. Relate daw siya. Apparently, may katulad siyang karanasan. Ikinuwento niya sa akin ito sa email, sa pm, sa text at sa personal nang magkita kami! Tawa kami nang tawa. Ang o-OA ng matatanda! Mga walang galang sa katawan ng bata! Grabe!
It was in 2016 when she wrote the story called Nang Dumanak ang Dugo. Tungkol ito sa isang high school student na gustong-gustong maging OB-gyne. Gusto niyang maging doctor ng pekpek. Ang reason pala, which the story will later reveal, ay dahil noong bata siya, naaksidente siya at ang napuruhan ay ang kanyang hita at pekpek. Isinugod siya sa ospital, naoperahan siya right there, natahi, at awa ng diyos, after so many years, gumaling naman ang biyak. Pero mula noon, naging conscious siya sa kanyang ari. Normal pa ba ito? Teka, ano ba ang itsura ng normal na pekpek? Research siya. Research. Mega-research. Natural, ilang daang pekpek ang nakita niya. At lagi niyang ikinukumpara ang sarili sa mga ito. Normal ka ba? Bakit iba ka? E, bakit iyon iba? Ito rin iba?
Ang sagot, iba-iba kasi talaga.
Nang mabasa ko ang kuwento na ito, na-amuse ako. Pati ako napatanong sa sarili, teka, may standard look nga ba para sa pekpek? Standard? May nagtatakda ng standard? So, sa mga pekpek, sino? Hanggang dito, sinusundan ako ng hinayupak na ISO na iyan?
Dahil diyan, napa-research din ako!
And I therefore conclude, batay sa research ko, anuman ang itsura niyan, pekpek iyan!
Normal!
Pasok sa banga!
Binago ko na rin ang pamagat ng kuwento ni Joshelle. It became Biyak.
And to make other people see our point, our exclamation point, rather, I decided to create an illustrated version of the story.
Come November, nakagawa po ako ng mga 30 drawing ng pekpek. Laban na, text plus illustrations equals publication. Dahil mahirap kami, photocopy lang ang nagawa naming libro-librohan. Meaning, they were all in black and white. Alam ninyo ang nangyari? Ito ay naging coloring book! For adults.
Perfect!
Inilabas namin ang pekpektyur book na ito noong BLTX 2016. Better Living Through Xeroxography movement kung saan ipinakikilala at ibinebenta ang mga zine, photocopied, stapled publications! Sa Ilyong’s ito ginanap, isang videokehan sa Cubao. Sold out ang Biyak. Sampu lang kasi ang binenta namin doon. At thank God, may sampu kaming kaibigan na napilit naming bumili!
Pagdating ng 2017, nag-decide kami ng husband ko, Ronald Verzo, who owns Balangay Books, na gawin na siyang full blown na libro. Gusto namin, ang style ay pinagsanib na Geronimo Stilton at Marissa Moss Amelia books. Colorful ang loob.
Itong Biyak 2.0, naiisip namin, pang-high school pa rin, hindi na siya coloring book. May text pa rin, mas marami na ang illustration.
Illustrator ba ako? Hindi. May training ba ako sa illustration? Wala.
Nagbasa-basa lang ako ng mga komiks, graphic design books at magazines, nag-trace ako ng mga Hello Kitty, at iba pang cartoon character. Sige, laban na. Fight. Fight. Fight. Binasa ko ang kuwento nang mga 100 times, no joke. My husband and I edited it. Then we presented it to Joshelle from time to time. But in the process of creating the illustrations, I continued editing the story.
At napakarami kong tanong habang nagdo-drawing ako. Ganon pala iyon!
Paano nga ba ido-drawing ang mens at ang dugo nang hindi paulit-ulit ang image na nalilikha? Paano nga ba magpapakita ng kirot nang hindi nagpapakita ng mukha? Hindi ako marunong mag-drawing ng mukha! Paano nga ba uulitin ang isang drawing nang hindi siya nagiging boring, kung kakailanganin mo uli ang imahen sa ibang pahina? Napakarami kong draft nang ginagawa ang mga ito. Napakarami kong drawing. I had a full time job, I had a 2 year old son. Pero siya, sige, drawing, matapos lang ito. Puyatan kung puyatan. Hanggang sa finally, natapos ko na ang pagdo-drawing ko sa mga pahina.
So, tapos na ang Biyak?
Hindi pa!
Dahil noong nilatag na ang mga drawing at text, noong ni-layout na, makikita mo ang mga imbalance sa images sa ilang pahina. Nawawala ang pacing ng kuwento nang magka-illustrations na ito. Hindi puwede. The illustrations must enhance the story, di ba? Adjust-adjust kami ng husband ko, both sa layout, at sa drawing. Drawing na naman ako. Umay na umay na ako sa kuwento! Kakabasa ko sa dugo, dumudugo na rin ang utak ko at mata.
Until… final version was presented to Joshelle. Wala namang violent reaction from her, thank God.
Eto, printing na.
Pinag-usapan namin ni Papa P, kanino kami magpapaimprenta. We have options, marami kaming contacts. Kaya lang, since manipis ang Biyak, ang gusto namin ay iyong imprentang subok ang kalidad, hindi lang sa printing kundi lalo na sa binding.
So… we chose Central Books.
Napakaganda ng quality ng printing. Marami nga ang nagtatanong sa amin kung talaga bang indie published ang books namin kapag nakikita nila ang mga ito. Usually kasi kapag independently published or self-published ang books, chaka ang layout, ang papel at ang printing.
So, 2018, we got in touch with Central Books, particularly with Miss Hazel Nichole Sadian. Hazel was our intern in CCP Intertextual Division. Sobrang husay niyan, sa major publishing project namin sa CCP, she gave editing and proofreading services for a 500-page book, it was a good book content-wise, and more importantly, kahit massive siyang libro, it was released on time because of Hazel’s collaborative work and focus. The book is called the Virgin Labfest Anthology 3.
Anyway, finally, super, super finally, Biyak was published in 2018, two years mula nang maisulat ni Joshelle ang kuwentong Nang Dumanak ang Dugo, at seven years mula nang ma-inspire siya sa Hiwa ko.
But wait there’s more!
I am very, very proud to share with you the fact that Biyak became a finalist of the National Book Awards for the … wait for it… hold it…. graphic literature category!
Mantakin ninyo!
So, I wish to take this opportunity to thank our author Joshelle Montanano for her wonderful story.
Tandaan ninyo: isang kuwento, puwedeng maging isang libro!
Diskartehan n’yo lang.
At this point, I also would like to thank Central Books, Sir Paolo Sibal and the Publish on Demand team, especially Hazel and her colleague Miss Elaine Royo. Salamat po sa napakagandang pag-imprenta sa Biyak.
Dahil sa inyo, sa November 23, pupunta po ang first time book author na si Joshelle at kaming mag-asawa sa awarding ceremony ng National Book Awards sa National Museum.
Pero hindi lang para sa Biyak ito.
We are going there because another book of ours is a finalist, the Salamin at iba pang kuwento by Almayrah Tiburon from Marawi, Mindanao.
And another book of ours, P’wera Bisita by Emmanuel Barrameda of Catanduanes, Bicol region, won as the best book of short fiction in Filipino!
Ang mga libro pong ito ay pinaimprenta din namin dito sa Central Books! May printer ka na, may award ka pa.
This is where my presentation ends. Let's repeat my message for you:
Ang isang kuwento, puwedeng maging isang libro.
Pakatandaan ang nangyari sa from hiwa to biyak: the story of one aklat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment