Tuesday, March 19, 2019

books para sa curated shelf

ito na ang karugtong ng nauna kong post tungkol sa curated shelf.

ito pa ang mga aklat na naiisip kong nag-impluwensiya sa akin in one way or another.

1. impersonal ni sir rene villanueva
2. libro ni mam sol juvida mendoza
3. umpil directory
4. copyright collective management manual na nabasa ko noong nasa filcols ako
5. abnkkbsnplko ni bob ong
6. si tatang at ang himala ng ating panahon ni sir ricky lee
7. trip to quiapo ni sir ricky lee
8. filipino ng mga filipino ni sir rio alma
9. pag-ibig ni lam-ang children's book ni sir rio alma
10. without seeing the dawn ni stevan javellana
11. pugad-baboy ni pol medina

pero bukod dito, may mga naisulat ako sa journal ko:

anne lammott
raymond carver
personal ni rene villanueva
una kong milenyum ni rio alma
rebecca anonuevo
sa kagubatan ng lungsod ni abdon balde, jr.
lualhati bautista
sa mga kuko ng liwanag ni edgardo m reyes
peso books ni alberto florentino
mga novena
cinema paradiso
hotel na tungkol sa magkakapatid na nagpapatakbo ng hotel, french ito isinalin sa ingles
mye tiburon
dumot ni alan navarra
mango street ni sandra cisneros
lakbay-diwa ni bella angeles abangan
ang silid na mahiwaga edited by mam sol reyes

pero naisip ko, hindi ako maglalagay ng foreign books sa curated shelf ko. so i will trim down these lists hanggang sa maging 15 ang total. nakasumite na ako actually ng 7 kina roy voragen at czyka tumaliuan noong una kong deadline nito. pero hindi na ako ulit naka-submit. andami kong pinroblema at palagay ko ay valid naman ang mga ito. for example, para sa akin, nakakaimpluwensiya lang nang bongga ang libro kapag nakabasa na ako ng mas maraming libro ng iisang awtor. pansin ko rin, karamihan sa mas malaki ang impact sa akin ay iyong na-meet ko ang awtor at kakilala ko. example: rene villanueva, rio alma at lualhati bautista. so bagama't love ko ang prosa ni raymond carver at nagbago ang pananaw ko sa maikling kuwento dahil sa kanya, hindi ko isasali ang libro niya sa curated shelf ko. simple lang, di ko siya na-meet personally. isa pang napansin ko sa mga tinanggap ko sa buhay kong mga awtor at libro ay iyong mga prolific na writer at gawa ng mga prolific na writer. kasi gusto ko, maging ganon din ako, maraming naisulat at isinusulat.

will post again about this. may assignment pa kasi akong short description sa bawat librong isusumite ko kina czyka, malamang i-post ko iyon dito. saka may assignment din akong essay, iyon yata ang ilalagay sa brochure. april 13 daw ang talk ko tungkol dito, sana ay makayanan kong gawin ang lahat by then. kasabay na kasabay pa naman ng performatura. putek!

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...