Napili akong maging book champion at copyright advocate ng NBDB. Yey! Blessing!
At...ang bongga rito ay gagawa sila ng posters, tarps at social media memes para sa book at copyright champion.
Sabi sa akin ni Debbie, ang project development officer ng NBDB na siyang nakikipag-coordinate para sa proyektong ito, mag-isip na raw ako ng one liners na puwedeng ilagay sa promotional materials.
Eto ang mga naisip ko. Siyempre pa, kailangan kong samantalahin ang pagiging preggy ko dahil iyon ang pitch ko nang una akong tanungin kung interesado akong maging book champion at copyright advocate.
1. My baby makes copyright worth fighting for.
2. I can't wait to meet the future owner of my copyright.
3. Buti na lang, naipapamana ang copyright.
4. Kumakatha ako hindi lang para sa mambabasa kundi para din sa aking anak. Para may mamanahin siyang copyright balang araw.
5. For authors like me, caring for my copyright is like caring for my baby.
6. What is the best part of being an author mom? Puwede kong ipamana sa baby ko ang aking copyright!
7. Copyright of my works? It's not just for me. It is for my baby.
8. (Malapit sa mukha o ulo ko) Author Mom (malapit sa tiyan ko) Her future copyright holder
(Lagyan ng arrows ang words para mas playful)
9.Can't wait for my future copyright holder to arrive.
Alam kong pang-mother's day greeting card itong mga naisip ko, haha! Pero ang totoo, gusto kong ma-realize ng mga kapwa ko manunulat na ang copyright ay hindi lang para sa kanila. Ito, sa totoo lang, ay para sa kanilang pamilya, as in asawa, anak at apo.
Baket?
Dahil ang copyright sa Pilipinas ay nagtatagal nang lifetime of the author plus 50 years. So... it's really beyond the grave!
So to illustrate that point, kailangang maipakita ko sa promotional materials na, "hoy, author, tingnan mo itong ipinagbubuntis ko, wala pa man sa mundo, may mamanahin na mula sa akin dahil sa copyright ng aking mga akda. kaya pangalagaan mo iyan. ipaglaban kung kinakailangan."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment