It’s a Mens World
Gusto ko sanang dugtungan yung title ko ng “: A Commentary” kaya lang naisip ko, di bagay. Baka puro kalokohang insights lang ang masulat ko rito, mabato at madumog ako ng fans ni Bebang Siy! Ayoko pa mawala sa mundo. Sa Maynila nga di ko kayang mawala, sa mundo pa kaya?
Yan yung libro. I mean yung cover. ‘Wag niyo na itanong kung akin ba yang image o hindi dahil hindi. Nakuha ko lang yan sa google. Nag-iisa nga lang sa dami ng results. Nakaka-iyak. Kinorek pa ako ng google - baka naman daw ang ibig kong sabihin ay, ‘It’s a man’s world.’
Hayaan niyo akong mag English - Tagalog sa post kong to. Kahit minsan lang. Teka nga, para na akong tanga.
I was at a bookstore once, oo yung National Bookstore, when I saw this book. I was looking for something Filipino kasi. Puro na ako foreign and I wanna discover a new Filipino author. Hindi palaging si Sir Ricky na lang. Baka magsawa siya sa akin pero di ako magsasawa sa kanya. By the way, pa promote naman. May sequel ang SI AMAPOLA SA 65 NA KABANATA, suportahan natin ang paglipad!
When I saw this, I was like, what the hell with this book? Is this about grammar stuff? KEWL. I, being a Grammar Nazi, guess will dwell on this if it really is made that way. I looked at the author. New to my ears. I am not a fan of Bob Ong or Eros Atalia. So everytime I pick a book, I hope that it won’t run them. Sorry fans.
So I looked at the back of the cover. Oh, it’s about menstruation. Nice. That’s why the title says, “MENS.” Eh parang saktong may dalaw ata ako nun o katatapos ko lang? Di naman kasi ako mag gagala kung meron ako. Hassle to the nth. I didn’t open it on the first page. I opened it to last few pages where I saw BFF x 2 but I didn’t read. I left it there and went home. From then on, I was itching to have a copy of it.
Ava even said we should give each other a gift. Oha, tinalo pa namin mag bestfriends. Buti wala akong ganun kundi, siguro, may nagselos na sa tabi-tabi. I agreed that we both give a book as her proposition. I forgot what she said but I made it clear to her that I want a Bebang Siy. Then on, Daryl tweeted ‘IT’S A MENS WORLD #bebangsiy’ I was like, waaaaaaaaaaah! Da!! Paano mo nalaman yan? Ayon. Binabasa pala ni Jo.
Syempre, sabi ng kaklase ko dati, kung may gusto raw ako, nakukuha ko sa mga paraan ko dati oo, leshe ngayon, parang hindi na! ahaha! So, nagpa cute ako kay Jo! Pumayag naman siyang pahiramin ako. Take note, hindi sa kanya ang libro! hah! Lakas ko! Joke lang. Nahiya na nga ako kasi nawala yung bookmarks sa book na I know I had a fault dun kahit hindi ako yung naka tanggal.
So ayon. Natapos ko siya kanina. Nung umpisa kong binabasa yun, natatakot talaga ako. Natatakot akong ala Bob Ong o Eros yun. Patawarin niyo na ako. Traumatic lang para sa akin. Sorry na, OK? Kahit paulit-ulit ako. Pero it turned out, pang! Palo! Natawa ako sa kaniya. Hindi pilit yung tawa ko. As in tawa. Ngiti habang naka pa cool na tayo sa LRT, malapit sa pinto. Buti wala masyadong tao di ba? Buti may hawak akong book. Ergo, they know di ako baliw na biglang ngingiti na lang!
Unang pahina pa lang, natawa na ako kasi may drawing dun. Yung Ermita? Ako nga di makapag drawing ng mapa. Natawa ako dun sa HIWA! Actually, her sense of writing ain’t conventional. Alam mo yung go with the flow? Parang si Sir Ricky. Kung paano bigkasin, ganon isusulat. Example: ANTAMAD. Basta parang ganyan. Nalimutan ko yung exact word na ginamit niya. Tapos di rin siya takot sabhin ang mga katagang,
Isang babaeng may pekpek.
Fuck yeah! Saan ka pa? May MTRCB ba sa books? Ewan ko. Ayoko na pag-isipan.
But over-all, hindi naman siya tungkol sa mens. Nabiktima na naman ako ng propaGANDA ng cover. Tungkol to sa buhay niya. Natuto ako magbasa ng mga memoirs nung nagbasa ako ng kay Frank McCourt. Natuwa naman ako. Pero yung kaniya, ke Bebs, o, kunwari close kami., Shet! sana di niya to mabasa. baka i link niya to sa FB Account niya at mabasa ng mga supporters niya, sabihin ang FC FC ko to the nth power of infinity and beyond! kakaiba rin naman. Katulad ng mga sinabi ko na kanina, idagdag natin yung pagkakaprint. Yung naka dalawang columns. Hahah! Actually habang binabasa ko siya naalala ko yung Amapola eh. Sorry uli. Point of reference ko si Sir Ricky kapag Filipino mga binabasa ko. Maka mga lang akala mo ang dami ko nang nabasang Filipino books. Kasi parang 65 na kabanata rin yung kanya. Less nga lang? Saka parang essay yung kaniya,
Dun sa two columns, agad kong naisip yung isang type ng poetry according to structure, OK. Feeling matalino ako ngayon. But honestly, di ko na maalala yung tawag sa poem na - kung tungkol saan yung poem, kunwari kite, pormang kite yung poem. Sabi sa nabasa ko nun, yung TREE ni Joyce Killmer [spell check? Thanks!], ganung poem daw yun. Pero ewan ko ba sa mga librong nakikita ko na may kopya ng tulang yon, di naman hugis puno o kalahating puno yung tula!
Siguro kaya two columns yun kasi, hati. Hati dahil magkahiwalay ang Mom at Dad niya. Mom at Dad. Dad kasi tawag niya sa Tatay niya kaya ayan, nag assume na ako. Intindihin niyo na lang ah?
Tapos yung sa Milkshakes and Daddies, natuwa ako. Naalala ko kasi si Tatay. May part dung naalala ko yung Amapola script namin. Yung L.A Roces? Tama ba? Yun yun e. Dun nakita ni Amy si Homer na kasama si Ma’amsy! At sinabi niyang ang pag-ibig ay para lamang sa mga taong walang self-esteem chuva anofa! anofi! Well, ayoko na maalala yung script. Though di kami nagmilkshakes ni Tatay, at hindi naman niya sinabi sa aking nag-aaway sila ni Nanay, naalala ko siya. Ewan. Basta kapag ganyan na usapan, nag shi-shift yung emotions ko. Kaya utang na loob, wag! Hahaha!
Ang haba na pala nito. Nananakit na yung kanang wrist ko. Ba’t kasi nakataas tong keyboard? Tapos wala naman akong pinatutunguhan?
Pero sa pagbabasa ng buhay ni Bebs, sa magulong buhay gaya ng Maynila, oo, parang hinalintulad niya kasi sa Maynila yun?, siguro nga ang buhay ay parang mens.
Hassle kung minsan. Masakit. Masakit sa puson. Unfair. Unfair dahil babae lang ang nagkakamens. Kaya boys, tang na loob at labas, try niyo. Once lang oh, sige na! Nakakasakit ng ulo. Pero pag natapos na, malamang tapos na! Pero akala mo lang yun. Minsan may pahabol. Bagong pagdurusa. Bagong pagsubok. At pag totally tapos na, mag hello ka next month. Yun eh kung, di ka pa menopause. Huli, una-una lang yan. Nauna si Colay sa kaniya kahit mas matanda siya sa kanya. Ganyan ang buhay. Minsan, una-unahan lang.
On technical notes. Ay tume-technical kahit di bagay? May mga sentences akong nilaktawan. Meaning, di ako totally focused na gusto kong basahin. Maybe, tinatamad ako o nabobore dun sa parts kasi parang di siya ka abang-abang? Or mediocre na siya? O di ko gusto yung style. Pero maganda pa rin! Batayan ko lang yung pagtatalon ng mga mata ko kung medyo nagustuhan ko ba or not yung book.
At ahem? Filipino-Chinese din siya? Pareho ni Sir Ricky! hahah! KEWL.
O di ba, ang balderdash lang ng review ko? Ngayon na nga lang uli ako gumawa ng book review, wala pang kwenta. hahahha!
Basahin niyo! Dali! Salamat kay giveupandrea sa pagpapahiram! :)
Rating:
Leshe, kailangan pa ba? Wag na.
Ito ay mula sa http://polaris-kirsten.tumblr.com/post/18064635781/its-a-mens-world.
Ipinost dito nang may permiso mula sa nagsulat ng book review. Thank you, Althea.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...
No comments:
Post a Comment