Thursday, February 16, 2012

idea!

dahil lang 'to sa wrong spelling ko!

ginamit ko ang salitang visual aid. e nalagyan ko ng s.

so visual aids. sabi ko, uy maganda yatang pamagat to ng isang project.

pwedeng art exhibit about aids. puwede ring book about aids. or film showing na may kinalaman sa aids. basta lahat ng bagay na visual. another opportunity for the creative industry! para din sa isang advocacy!

hindi na ako masyadong updated sa datos tungkol sa aids sa pilipinas. pero ito ang isa kong alam. noong nasa ngo pa ako for women, andami-daming fund na pumapasok sa mga ngo para sa aids awareness etc etc. at gawa nang gawa ng proyekto ang mga ngo, groups, individuals at iba pa.

tapos after 2 years, nag-freelance ako (eto, batay sa paglingon ko sa nakaraan, ay ang pinakamasayang panahon ng pagtatrabaho ko, lately ko lang to na-realize kasi noong freelancer ako, lagi kong problema ang pera pero ibang blog entry na lang about this). at nabalitaan ko sa mga dati kong kasama sa ngo na maraming ngo na ang nagsara. lalo na yung may kinalaman sa aids at reproductive health. naubusan ng fund. wala na ring mahingian ng fund.

nakakalungkot.

isang analysis ng dati kong boss na si rochit tanedo, dating executive director ng creative collective center, inc. (ang ngo kung saan ako nag-work), para daw kasing walang pag-usad ang advocacy tungkol sa reproductive health sa pilipinas. dami pa ring nabubuntis, dumadami ang may aids, dami pa ring nagkaka-sexually transmitted infection.

bigay nang bigay ng pondo ang mga foreign funder (at hindi biro birong pera ha? milyon-milyon po) pero parang laging nasa stage ng awareness pa rin ang mga kampanya sa pilipinas. paulit-ulit at nagkakadoble-doble lang ang mga proyekto. bakit ganon pa rin ang mga pilipino pagdating sa kanilang sexuality? di pa rin ito pina-prioritize samantalang bahagi naman ito ng ating pagkatao.

sabi pa ni mam rochit, karamihan daw sa mga problema ng bansa natin ay self-inflicted wound.

kunwari, ang bansa ay isang pirasong tao. paano mo siya matutulungan kung siya mismo, gustong saktan ang sarili niya? gusto niyang maghiwa ng pulso. ikaw na nagtitiyagang mag-counsel sa kanya, malingat lang, me dambuhala na siyang kutsilyo, idinuduldol sa pinakamapintog niyang ugat. malingat ka lang, nakahain na ang dila sa mga blade ng umaaandar na electric fan.

sino ang gugustong tumulong sa ganitong tao? katakot-takot na counselling pa ang kailangan dito, di ba?

nangalay na ang mga foreign funder, hindi pa rin namumulat ang bansa natin. napagod na ang mga counsellor nitong suicidal at masokistang tao na ito.

pero, sige.

e, ano kung suicidal at masokista? ang importante, humihinga pa. may pag-asa pa. mahaba-habang counselling ito pero kung isang bansa naman ng mga kaluluwa ang maliligtas, why not, tsoknat?

e, ano kung walang pondong galing sa labas? ibig sabihin, magiging unproductive na ang lahat?

ano pa at nabansagan tayong pinakamadiskarteng tao sa buong planeta?

kaya you creative pipols out there! pag na-pick up n'yo ang entry na ito at magustuhan ang ideya at ang posibilidad ng VISUAL AIDS project, sige, gawin n'yo lang. okey na okey 'yan. gawin n'yo 'to ayon sa sarili n'yong kakayahan. ayon sa kaya ng manpower, bulsa, talino, talento.

I-share n'yo na rin kung gusto n'yo. itong idea na 'to. at kung may maitutulong ako, i am 1 email away.

bubog-eater@yehey.com.

hahahahaha masokista pala? joke lang.

eto na: beverlysiy@gmail.com.

o, email-email, ha?



your always hopeful citizen of this country,

babe ang

2 comments:

John said...

Ganyan na ata ang karamihan sa mga Filipino, hindi natututo sa mga pagkakamali. Hindi lang tungkol sa aids, maraming aspetong panlipunan kung saan nakikita natin ang ganyan pag-uugali. Ikatwiran pa nga ng iba, tao lang daw sila at nagkakamali. E ano pa nga ba ang magagawa natin kundi umiling na lang at huhugot ng malalim na hininga.

babe ang said...

Korek ka diyan, john! kaya kelangan tayong mga maaayos ang pagtingin sa bagay-bagay, kumilos. go go go

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...