Saturday, November 29, 2008

industriyang naghihingalo na di pa man buong buong naisisilang

nung thursday at friday, um-attend ako sa philippine conference on global prospectus for the arts. sa abelardo hall, up diliman ito ginanap.

nakakalungkot dahil kakaunti ang dumalo at kami-kami na naman. mga manunulat na kaibigan ni sir rio, ilang mga estudyante ng mga kaibigan niya, mga nag-asikaso mula sa apat na kolehiyong naglunsad ng kumperensiyang ito at mangilan-ngilang outsider.

maganda ang hangarin. nais ng mga nag-organisa na maipakilala ang kakayahan ng arts sector na maging isang puwersa sa pang-ekonomiyang antas. ang tawag daw dito ay creative industry. sa totoo lang, malaki-laki rin ang inaakyat na pera ng mga artist sa atng bansa. dahil bukod sa marami sa atin ang artista ay napakataas din ng kalidad ng kanilang pagtatanghal o produkto. ang pilipinas sa totoo lang ay bayan ng mga alagad ng sining.

kaya nakakalungkot na kakaunti kaming mga dumalo.

mahusay din ang mga nagsalita. yun nga lang yung iba, parang hindi talaga naghanda. nagsalita lang sila tungkol sa kanilang mga karanasan. parang impromptu. o talagang saulo na nila ang kanilang sasabihin.

nakakalungkot din ang stage design at tarps. maganda naman kaya lang sa tingin ko mas mapapaganda pa kung talagang pinagbuhusan pa ng mas maraming effort. tutal naman visual arts ang isa sa mga kolehiyong nag-asikaso nito.

marami rin sa mga nabanggit sa kumperensiya ay alam ko na. halimbawa, sa publishing industry, hindi ka talaga kikita nang disente, ayon kay Mam Gilda Cordero-Fernando. akala ko pa naman may pag-asa pa akong yumaman sa pagsusulat hahaha

bilang isang artist-entrepreneur, dapat magtipid ka para magagawa mo ang mga proyektong nais mo at hindi ka basta na lamang gagawa para sa iba dahil kailangan mo ang ibabayad nila.

tipid? marami namang nagtitipid diyan pero wala, kapos pa rin.

nalungkot akong lalo sa mga narinig na ito. para na ring nakumpirma na kung mahirap ka, di ka puwedeng mag-art-art diyan kasi talagang magugutom ka. hindi bale sana kung ikaw lang. e kung me pamilya ka na?

in short, magpakayaman ka muna bago ka mag-art-art diyan.

Sa kalagayan ng Pilipinas ngayon, matagal-tagal na panahon muna ang hihintayin bago mangyaring ang isang artist ay kayang bumuhay ng pamilya sa pamamagitan ng kanyang sining.

eto ang background, gusto mo pa bang magsulat?

oo. walang duda. ngayon na.

ay teka, pakainin ko muna si ej.

1 comment:

Anonymous said...

Sulaaaaaat!!!!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...