Saturday, November 29, 2008

go solo

si claire ay isang manunulat sa pahayagan. isang arw, inemail niya ako para sa isang artikulo tungkol sa pagiging isang single mom. ano raw ang pros at cons? heto ang aking isinagot.


> rewards:
>
> 1. ako lang ang nagdedesisyon ng mga bagay-bagay para
> sa aking anak. hindi ko na kailangang magconsult sa
> tatay niya lalo pa't wala naman itong sustentong
> ibinibigay para sa aming anak
>
> example, kung gusto kong magtravel, punta bundok,
> punta dagat, hindi ko na kailangang konsultahin ang ex
> ko.
>
> example, gusto ko ilipat ng school ang anak ko, i dont
> have to ask permission. decision making is much easier
> and faster
>
> 2. isa lang ang inaalagaan ko. yung anak ko lang.
> (yung iba kasing nanay, pati yung asawa nila,
> inaalagaan pa nila at pinalalaki kasi immature hahaha)
>
> 3. more time with my son. wala akong kahati na parent
> sa oras, atensiyon at affection ng anak ko.
>
> 4. yung perang kinikita ko sa amin lang ng anak ko
> (kasi yung ibang working moms na ang asawa e wala
> namang work, napupunta pa sa asawa nila ang kita nila.
> tsk...sad.
>
> 5. i get to flirt pa hahaha. pag married ka na,
> siyempre malaking kasalanan na yung makipagkindatan
> ka o makipagtext mate ka with other guy.
>
> 6. nakakapagfocus ako. ang nasa isip ko lang, yung
> pagiging nanay at hindi pagiging asawa.(yung married
> with kids, they have dual roles di ba? being mom and
> wife)
>
> 7. wala akong in laws na pinakikisamahan lalo na wala
> na mang sustento ang ex ko. sila pa ang nakikiusap
> kung gusto nilang makita si ej.
>
> 8. walang nagdedemand ng sex. you get to sleep kung
> anong oras mo gusto. ang katabi mo sa bed, anak mo. so
> very cozy, relaxing etc...
>
> 9. pag pasko, less one gift ang binibili ko hahahaha
> wala akong asawang nireregaluhan
>
> 10. mas malaki ang mukha namin sa pictures kasi kami
> lang lagi dalawa sa isang frame hahaha kung tatlo kami
> (kasama ang tatay), mas liliit ang space na io-occupy
> ng aming mga mukha di ba? siksikan sa isang frame e.
>
> 11. pag nalalaman ng friends ko na single mom ako at
> marmi pa rin akong naaachieve, hanga sila. sarap kaya
> ng feeling!
>
> CHALLENGES:
> 1. of course, pera. kasi kung single ka, isang bibig
> lang ang pakakainin mo. yung sayo lang. kung me anak
> ka at walang asawa, yung kita mo, dalawang bibig ang
> pupuntahan
>
> me mga times na gusto mong bilhin ang isang bagay para
> sa sarili mo, think twice ka muna lalo na kung mahal
> ito. tanong mo, kelangan ba talaga to? sasaya ka ba
> pag binili mo to? hindi ba unfair (ang pagbili nto )sa
> anak mo? baka me bagay na mas klangan bilhin para sa
> anak mo.makakaapekto ba sa budget ninyong mag-ina?
>
> ayan, marami kang iniisip bago ka gumasta.
>
> 2. ang hirap maghanap ng matinong partner sa buhay.
> madalas sex lang ang habol sayo (feeling ng ibang
> lalaki pag single mom ka, madali ka nang makuha. i
> guess, may notion silang ganito kasi nga marami
> sigurong single mom na madaling makipagrelasyon,
> thinking that the men they meet, padala ng diyos at
> seryoso na nga sa kanila. )
>
> tapos itong mga guy after na dumating kayo sa puntong
> intimate na kayo sa isat isa, saka pasasabugin ang
> bombang: IM SORRY HINDI KO PALA KAYANG MAGING ISANG
> AMA SA IYONG ANAK. or IM SORRY. HINDI MATATANGGAP NG
> FAMILY KO NA MAG-AASAWA AKO NG ISANG DALAGANG INA. or
> IM SORRY, MAS MAHAL KO SI ____ (putcha me kina-career
> pa lang ibang girl bukod sayo )
>
> siyempre nakakainis, kasi nainlab ka na, nakipagdyug
> ka na, yun pala, utot lang ang kahihinatnan ng
> sineseryoso mong relasyon.HAY....
>
> 3. other people lalo na ang strangers, they judge you
> right away. kesyo naglandi ka nang maaga kaya ka
> naging disgrasyada, or siguro pabaya kang asawa kaya
> ka iniwan ng lalaki ganyan. naranasan ko ito sa isang bus.
one night, lumuwas ako at ang anak at pamangkin
> ko sa QC from las pinas. mga 10pm na yun sunday.
>
> the bus was full. tapos yung pamangkin ko whow as
> younger than my son, nakatulog na. so kailangan ko
> siyang kargahin. tapos yung anak ko, ginigising ko
> habang pumapara na ako sa bababaan namin.
>
> so yung bus kelangan kaming hintayin. kasi dalawa ang
> ibinababa kong mga bata. i heard a guy, na nakaupo
> malapit sa pnto ng bus, said aanak-anak kasi.
>
> siyempre nainis ako pero hndi ako nakareact. gusto
> kong sabihin, kahit na mag-anak ako ng isang dosena,
> lintik ka, wala kang pakialam. hinihingan ba kita ng
> pera para sa mga batang ito?
>
> hay naku.
>
> 4. people always assume that women with kids are
> married!!! ilang beses na akong nabibigyan ng
> invitation ng school ng anak ko na may nakalagay na
> MRS. SIY
>
> ang mrs. siy e, yung lola ko. even my mom chose not to
> use my fathers surname. so hindi rin siya mrs siy. ang
> siy ay apelyido ko, hindi ng tatay ng anak ko.
>
> nakakainis na nga ito kasi parang naiisip ng tao na
> effort ng dalawang parents ang nakikita nila sa anak
> ko. but the credit should just go to me. kasi nga
> single mom ako.
>
> 5. pag field trip, ako lagi kasama ni ej. halos sa
> lahat ng acivity niya sa school, ako ang laging
> kasama. there was never a tatay who came over. and
> people ask you where's ej's dad. people always ask
> that, asan ang asawa mo? asan ang tatay ng anak mo?
>
> standard na ang sagot ko diyan. "tatay niya SD, sperm
> donor lang. binuntis lang ako tapos naglaho." shocked
> ang nagtanong at hindi na makahuma hahaha kasi usually
> ang purpose ng nagtanong, mapahiya ka nang konti. e
> since, makapal na ang mukha ko sa ganyan, shocked sila
> na honest at palaban ang sagot ko i gues some people
> are not ready to face modern and strong filipinas.
>
> 6. siyempre me time na gusto mo ng sex kaso wala kang
> partner. hassle yun. ang hirap namang makipag one
> night stand baka mahawa ka ng sakit. so ayun minsan,
> nakakaburyong ang ganun. buti ako, writer,nailalabas
> ko sa mga akda ko ang gantong pangungulila o
> frustration. kamusta naman ang ibang single mom na
> naghahanap ng intimacy pero walang partner?
>
> 7. men's job. me mga time na kailangan ng lalaki sa
> bahay. halimbawa, nasira ang ilaw. wala akong alam sa
> electrical wiring chuva. so kelangan ko pang tumawag
> ng electrician at gumastos. nasira ang gripo o inidoro
> kelangan kong tumawag ng tubero at magbayad uli. kung
> me asawa ako siguro, sya na ang gagawa nun. isa pa,
> kelangan may buhatin na mabigat hahaha luwa na matris
> ko sa kabubuhat ng mabibigat na bagay sa bahay kasi
> ako lang ang pwdeng magbuhat. my son is too young to
> help me!
>
> 8. may mga opportunities na lumalampas sa iyo kasi
> wala kang mapag-iwanan ng anak mo. halimbawa, pwde ka
> mag-abroad, magtrabaho o magliwaliw. e me anak ka,
> wala kang mapagiwanan sa kanya. alangan namang bitbit
> mo siya forever e kelangan mo nga magwork abroad di
> ba?
>
> isa pa, minsan pag gusto mo ng quiet time, since
> walang ibang tumitingin sa bata kundi ikaw, bihirang
> nangyayari ito kasi me anak kang mangungulit at
> mangungulit sayo
>
> 9. mas careful ka sa paggawa ng desisyon kasi me
> maaapektuhang bata. hindi ka basta na lang pwdeng
> magpunta sa bundok para magturo sa mga indigent na
> bata kasi baka di kayanin ng anak mo ang lifestyle
> dun. kahit pa gustong gusto mong gawin ang ganun.
>
>

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...