Wednesday, June 28, 2023

12 things i learned after a year of bike commuting

1. kung sa cavite ka pa umuuwi mulang NCR, aralin mo ang padyak o takbong cavite. 

ano 'yan? meaning, wag kang humahataw o nakikipagkarera sa daan. dahil 'apakalayo pa ng destinasyon mo. kung tulad kong taga sm bacoor, laging plus 17 kilometers (from CCP and nearby areas) ang biyahe para lang makaluwas at makauwi. save your energy! 

2. kung may takbong cavite, meron ding hingang cavite. ano 'yan? wag kang humihinga sa bibig. mapapagod ka lang. hihingalin ka. nakakaubos ng energy iyan. hinga sa ilong. EVERY. SINGLE. TIME. 

3. lumingon bago kumabig sa kaliwa o kanan. kahit akala mo ay mag isa ka lang sa daan. lingon, lingon, beh. libre naman. iwas aksidente.

4. laging may bastos na lalaki sa kalsada. minsan, sasabayan ang takbo mo sa bisikleta. minsan, susundan ka. minsan, tatanungin o kakausapin ka, kahit ayaw mo. minsan, sisigawan ka pa. wag matakot. makibaka. banggain mo sila. de, joke. tawagin mo sila sa tunay nilang pangalan. ganito: ba't mo tinatanong kung saan ako papunta, LAKUP?

5.  ang tunay na source ng panganib for bikers ay motorsiklo at  mga drayber nito. it is because of the combination of their speed and small size. nakakalusot kahit saan sa mabilis na mabilis na paraan. sila rin iyong madalas na manakop ng bike lanes. kung kaya mong umiwas sa mga kalsadang maraming motor, go. find another route.

6. mabagal ka sa mga kalsadang dinadaanan ng dyip dahil sa bike lane nagbababa at nagsasakay ng pasahero ang mga dyip. maya't maya ka nilang haharangin. kaya, go find another route. jeepless as much as possible. check mo ang mga side street.

7. matipid ang bike commute. mula enero hanggang disyembre 2022, nasa 11,000 pesos lang ang gastos ko patungkol sa aking bike. kasama na riyan ang mismong bike (na nabili ko sa halagang 8,500 pesos). pumapatak na 916 pesos per month ang cost ng bike commute ko. 

mula enero 2023 hanggang ngayong araw na ito, 1050 pesos pa lang ang aking nagastos. included na riyan ang pagpapahangin ng gulong, pagpapagawa ng pulley plus labor, at ang pinakamahal kong binili: ang bike rack, ito ay ang patungan ng gamit sa likod. 600 pesos kasama na ang pagpapakabit. 

kada buwan, ang pamasahe ko via pedicab/bus/dyip/van at iba pa ay nasa 3,000 to 4,000 pesos.

8. predictable ang oras ng commute ko kapag ako ay nakabisikleta. alam ko kung anong oras ako makakarating sa aking paroroonan. kahit trapik!

9. angels in disguise ang mga manong sa vulcanizing shop. kapag may sasakyan ka, kahit ano pa iyan, 2 wheels,3 to 4 wheels,  matututo kang mag appreciate ng mga vulcanizing manong sa tabi tabi!  

10. laging magdala ng kapote at plastik bag. nasa pinas ka. biglang umuulan. KAHIT. SUMMER. at laging magdala ng fully charged na ilaw, kahit sa tingin mo ay di ka gagabihin sa daan. dahil kung taga cavite ka na gaya ko, LAGI. KANG. GAGABIHIN. SA. DAAN.

11. wag na wag magse cellphone sa daan. bike ka lang. posibleng mahablutan ka ng mga nakasakay sa motor. anlalakas ng loob nila, simply because mas mabilis sila sa bisikleta. on that note, wag na wag dadaan sa madidilim na lugar. (although noong nahablutan ako ng cellphone noong July 2022, ito ay nangyari sa tapat ng isang malaki at maliwanag na bahay sa quirino avenue, paranaque, makalampas ng kabihasnan!). basta, kung hindi maiiwasan ay siguruhing may kasabay kang magbibisikleta rin sa madidilim na daanan. 

12. nakakapagod mag bike commute. i am 42 years old, i bike an average of 30+ kilometers per day. hindi siya biro. lately, may mga araw na ayaw ko nang sumampa sa bike ko. kasi alam kong pagod ang katapat nito. pero no choice, e. mas malala ang public transpo! lalo na sa bacoor.

inirerekomenda ko ba ang bike commute sa kapwa ko babae? 

although medyo empowering siya dahil mas hawak mo ang oras mo, hindi ka na tatakbo takbo para lang maghabol ng dyip, hindi ka na mahihipuan o mamamanyak sa siksikan na mrt o bus, hindi ka na mahoholdap sa loob ng van, malabnaw ang rekomendasyon ko sa mode of transportation na ito.

NAPAKAMAPANGANIB pa rin ng kalsada natin. and unfortunately, DOBLE  ANG PANGANIB SA SOUTH. 

bakit? dahil napakaraming motor dito. at ambibilis magpatakbo, laging nagmamadali. paano'y mga tagamalayo pa sila, imus, dasma, gen tri, silang, amadeo, tanza, naic. madalas ay wala na silang paki sa mga kasabayan nila. 

isa pa, maraming limitasyon ang bike commute. deliks at hindi ka puwedeng magbisikleta, kung 

a. pagod ka,

b. nahihilo ka,

c. lasing ka, 

d. may dala kang sanggol, (kahit anong sabihin ng iba diyan na may upuan na maganda at puwedeng ikabit sa bisikleta, it is a no for me)

e. may dala kang pet, (kahit anong cute ninyong mag amo, dahil di mo hawak ang utak ng pet mo, it is a no for me)

f. may dala ka na bulky, at maraming plastic bag,

g. pamilya kayong bibiyahe,

h. marami kang iniisip,

i. malayong malayo ang destinasyon mo,

j. bumabagyo, (although naranasan ko ang hagupit ng bagyong si paeng nang maabutan ako nito sa kalsada)

k. injured ka or bago kang opera,

l. at bagong panganak ka.

lahat ng binanggit ko sa itaas, kaya mong gawin at mas ligtas via public transportation (bus dyip mrt van pedikab). 

kaya naman bago ko ipush ang bike commute sa inyo, my friends, i am all for, and i advocate public transportation for the karaniwang filipino. 

SANA ANG MGA NAKAUPO NGAYON, AT ANG MGA NASA DEPARTMENT OF TRANSPORTATION, GUMAWA NA NG AGARANG SOLUSYON.

PARA MAGING MAGINHAWA NAMAN AT ABOT KAYA  ANG BIYAHE NG MASA. 

unfortunately ay hindi...

hindi totoong sa ikauunlad ng bayan, bisikleta ang kailangan.

Sunday, June 25, 2023

Paunang Salita ng CCP Safe Space Handbook

 Ang tagal bago ko naisulat ang Paunang Salita sa CCP Safe Space Handbook.

It was my first time to manage a book of this kind.
Kaya wala akong maisip na sabihin. Kahit ang dami kong natutuhan! As in.
For example, mag-ingat ka naman sa hina-hire mo. Baka sexual predator pala iyan. Kapag binibigyan mo sila ng opportunity to earn, para ka na ring nag-aalaga at nagbibigay ng bitamina sa isang halimaw. They get stronger because of you. They are energized by your attention. And funding. Dahil dito, mas marami silang power. Para magsamantala ng kapwa. Para mang-abuso ng bata at mahina.
So, anong ginawa ko para maisulat ang Paunang Salita? Pauna pa naman pero ito ang last piece na isinulat sa libro, hahaha.
1. Binasa kong muli ang lahat ng bahagi ng libro. Fifth time ko na.
2. Nirebyu ko rin ang goals ng proyekto. Bakit nga ba ito naisip ni Sir Chris Millado? Bakit ipinagpatuloy ni Sir Dennis Marasigan?
3. Kinausap ko ang partner ko sa trabaho na ito. Si Ms Mae Caralde. Tinanong ko kung ano ang sasabihin namin (bahala na raw ako), ok ba sa kanya na sa wikang Filipino ko isusulat ang Paunang Salita. Siya kasi ang co-author ko sa piyesang ito. (Yes daw.) At ikokonsulta ko sa kanya ang sulatin bago tuluyang i-insert sa handbook.
4. At ang huli kong ginawa: direkta kong inimadyin, inisip, at kinausap ang target readers.
Narito ang Paunang Salita ng CCP Safe Space Handbook. Nasa comment section ang link ng libre at downloadable na librong ito.
Ano ang gagawin mo kung bully ang iyong katrabaho?
Ano ang gagawin mo kung lagi kang inaasar at iniinsulto ng iyong boss?
Ano ang gagawin mo kung may malisya ang mga dantay ng iyong kaeksena sa teatro o pelikula?
Ano ang gagawin mo kung may nakikita kang maling pagtrato sa bata habang kayo ay nasa isang rehearsal?
Ano ang gagawin mo kung ang sining na iyong kanlungan ay naging isa nang lunan ng opresyon?
Noong 2022 ay nagpasya ang Gender and Development Committee ng Cultural Center of the Philippines na tipunin ang mga tanong na ito at subuking sagutin at tugunan. Sa ibang bansa, gaya ng U.S., mayroon nang mga gabay at reading materials patungkol sa pagiging safe space ng mga tanghalan at espasyong para sa sining at kultura.
Kaya napapanahon ang paglalathala ng katulad na publikasyon para sa sarili nating Tanghalang Pambansa. Noon isinilang ang ideya ng CCP Safe Space Handbook.
Ang CCP Safe Space Handbook ay naglalayon na makatulong upang mapanatili ang pagiging isang kanlungan ng CCP.
Kanlungan na patas at makatarungan sa lahat ng oras, at sa lahat ng tao, lalong lalo na sa mga alagad ng sining, cultural worker, opisyal at empleyado ng CCP, manonood, patron at iba pang miyembro ng komunidad na itinataguyod ng CCP.
Matatagpuan sa librong ito ang sumusunod:
1. Kahulugan at paglalarawan sa mga konseptong may kinalaman sa karapatang pantao, safe workspace, bullying, harassment at iba pa;
2. Step by step na instructions o mga hakbang na dapat gawin kung ikaw ay nakaranas ng bullying, harassment at katulad na sitwasyon;
3. Paglalahad ng iba sa sarili nilang danas;
4. Mga payo ng propesyonal na sikolohista;
5. Downloadable na incident forms;
6. Link sa mga kaugnay na batas sa Pilipinas; at
7. Mga reliable na sanggunian at reading materials.
Ipinapaliwanag sa librong ito na pagkaganid sa kapangyarihan ang tunay na dahilan kung bakit may unsafe spaces sa mundo. Ang mga ganid ay posibleng tao, indibidwal, grupo, institusyon, kompanya, sistema.
Ipinapaliwanag din sa librong ito, na ang isang paraan upang mapatigil ang mga ganid sa kanilang ginagawa ay ang magsalita laban sa kanila, mag-ulat laban sa kanila, magtulungan at magsama-sama laban sa kanila.
Magbuklat at magbasa.
Dahil sa librong ito, malalaman mo: may kakampi ka sa sining at kultura.
Mae U. Caralde at Beverly Wico Siy
Mga Tagapangulo
CCP Gender and Development Technical Working Group
All reactions:
Bryan Tibayan, JC VP and 78 others

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...