For the first time ay nag-delivery girl ako kahapon.
Ang unang client ko ay si JB Psalms na seller ng scallops. Taga-Dulong Bayan, Bacoor. Mga 1km mula sa house namin. 2 kilo ng scallops ang ipina-deliver sa akin para kay Fhey ng Camella Springville, Molino 3. Ang charge ko ay 50 pesos, pero binigyan ako ni JB ng 70 pesos (bente ay tip).
From 9 am to 11 am, 26 kms, papunta at pabalik.
Ang nakakatuwa rito ay binigyan ako ng gift ni Fhey: isang wallet-like na lalagyan ng ID.
Nag-advertise ako uli ng services sa FB groups ng Cavite sellers pagkauwi ko. I was pmed by Princess of Mambog 3. Dalawang set ng clothes ang pinapa-deliver sa akin. Ang una ay sa Wood Estate, Molino 3 (uli!!!) at ang isa ay sa Salitran 2, Dasma. Ang charge ko ay 50 at 80. Pero tumawad si Princess. 65 pesos na lang daw for Dasma. Nung malaman niya na girl ako, ginawa niyang 70, hahaha.
Umalis ako sa bahay,3:15pm. Habay 1 to Mambog 3 to Molino 3 (lahat Bacoor) to Salitran 2, Dasma to Habay 1, Bacoor. Nakauwi ako 7:15pm.
From Molino 3 to Salitran 2 ay hindi ko sinunod ang Waze. It was 10km lang sana according to Waze, pero babagtasin ko ang Imus at Aguinaldo Highway. Nakakita ako ng daan sa mapa na direkta
mulang Molino Bacoor to Dasma. Nagpm ako sa friend ko na taga-Salitran, biker din, at sabi niya, meron ngang daan. Puwede raw na iyon ang ruta ko.
Ang di niya sinabi ay napakaraming ahon. Juskolord. Akala ko ay bibigay tuhod ko kahapon, I swear.
Ang kinita ko buong araw ay 190 pesos, 6 na oras na tuloy-tuloy na bisikleta.
Napagtanto ko na ...masarap pala talagang mag-work from home na lang. Sori na current job and career, balik na ako sa piling nyo, hahaha!
Ang mga natutuhan ko:
1. Nakakakilig makatanggap ng tip at regalo kapag delivery rider ka.
2. Sumunod na lang sa Waze, beh.
3. Ang daming babaeng entrepreneur (babae ang sellers na nag-hire sa akin).
4. Ang daming magagandang village at subdivision sa Cavite.
5. Ang laki pala ng putanginang Bacoor na ito.
6. Ang sarap mag-bike pag Linggo sa Molino/Bacoor Blvd. Ang ganda ng quality ng kalsada, bihira ang sasakyan.
7. Kapag magtatanong ng direksiyon, itanong din kung may paahon din na kalsada o patag lang ito.
8. Nakaka- tempt bumili ng pagkain sa magagandang kainan na nadadaanan ko. Kaya lang nakakahinayang dahil malaki pa gastos kesa sa kita, kung magpapatukso ako sa mga ito. Tinandaan ko na lang, as date place in the future with hubby and family.
9. Huwag nang maligo bago mag-bike, babantot ka rin lang naman.
10. Wala akong masyadong life-threatening experience kahapon sa Cavite, dahil wala rin masyadong motor akong nakasalamuha. I therefore conclude iba talaga ang Las Pinas, maraming kamoteng driver ng motor!
Uulitin ko pa ba ang mag-delivery girl? Di ko alam, hahaha! Ang hirap pala, mga ineng!
No comments:
Post a Comment