Wednesday, December 7, 2022

2022 letter

hi zal 

kumusta ka na

kita ko, may two small kids ka na rin, and a very, very pretty wife!

you must be so happy and satisfied with your life.

i am happy for you. 

totoo iyan. 

kapag nakikita kita sa social media, wala akong ibang hinihiling kundi ang makita kang masaya, kasama ang iyong pamilya. 

ako, happy rin naman. may pamilya rin na kamukha ng sa iyo. di lang siguro kasing yaman ng wife mo ang husband ko, pero hindi naman kami naghihirap hahaha, marami rin kaming adventures. mahilig pa rin akong mamasyal, gusto ko pa rin ng mga bagong experience

not much has changed in me, in my core. you can say that

kaya siguro napapasulat pa rin ako sa yo hanggang ngayon. 

kahit it has been what, almost 20 years? hahaha! my goodness ang tanda na natin!

id love to see you in person.

pero tamad na ako hahaha, di na ako iyong tipong mag eeffort  for the sake of love. or crush  or strong feelings for someone. done with that. kaya ok na akong nakikita ka sa social media. keri na yon. ganon din naman, makita kita in person wala rin naman akong sasabihin sa 'yo at ikaw sa akin. hologram lang ang peg, hahaha

alam mo, may mga gabi na naiisip ko kung naaalala mo ako. or kung gusto mo rin akong makita, ngayong matatanda na tayo. 

feeling ko kasi, naibaon mo na ako sa limot. feeling ko, ako yung tao sa buhay mo na dinaanan mo lang. parang waiting shed sa isang mahabang highway, ganon. forgettable. 

funny ano kasi kabaliktaran ng nangyari sa akin. ikaw na inakala kong dadaanan ko lang in my early 20s days, while enjoying the peak of my life, e eto pala, naknamputcha, nagpark sa utak ko at biglang overstaying na kotse na, hahaha! kalokang buhay to. plot twist from the wonderland!

nasabi ko na ito noon sa mga nauna kong sulat sayo. sana naaalala mo ako. sana may mga gabi rin na naiisip mo ako. parang reminiscing about better days ganon. sana i would have the chance to tell you or to inform you in this lifetime that i am doing well. na hindi ako napariwara. na matatag ang core ko. na matino akong tao, babae, asawa, ina. 

gusto kong sabihin sa iyo na kahit hindi tayo nagkatuluyan or kahit hindi tayo naging tayo, at all, may umusbong sa aking pag ibig. noon. pag ibig sa konseptong "tayong dalawa"

at gusto kong sabihin sa iyo na hanggang ngayon narito sa puso ko ang pag ibig na iyan. bahagi na ng aking core.

bahagi na ng pagkatao ko.

ang ako na minsang umibig sa "ating dalawa" ang isa sa mga dahilan kung bakit matino akong tao, babae, asawa, ina.

ang haba haba. gusto ko lang talagang mangumusta. at magpasalamat.

ako pa rin,

maya


  

2022 check

 hi there

i miss you! 

iba pala talaga kapag nagbuklat ng laptop ano 

mas malayang nakakapag type

mas maraming nasasabi

kaysa yung tap tap tap ng cellphone


nandito ako ngayon sa design center of the philippines, dito na ang bagong lokasyon ng aming opisina. mas maganda rito physically, mas maaliwalas. kung kasama ko pa si sir hermie matutuwa siya kasi hindi kulob. ang pinto, tuloy sa labas. kaso ang problema, masyadong mababa ang dividers, as in kitang kita kami ng lahat ng dumadaan. i am slowly getting used to it. istorbo galore din ang sinuman na dumukwang sa napakababa naming dividers. parang may ticket sila to talk to any of us. kasi nga hello, ang baba ng dividers. therefore, they have the right to talk to us anytime

hala bakit biglang naging reklamo/rant post ito? i am sorry. i did not mean it.

i am a few days away from my 43rd birthday. 

for this year, ang goal ay makapag ipon ng pambili ng sasakyan o property. nakapag ipon, pero wala nang ganang bumili ng kahit ano.

partly because i bike to work almost everyday. at feeling ko, anytime maaksidente ako o maoospital ako hahaha. at yung ipon ko ay gagamitin doon.

family wise ok naman kami. coping pa rin with what happened kay dagat. he got expelled at the jesus good shepherd school imus. actually walang opisyal na expulsion na naganap. kinausap lang si papa p and sinabihan ito na find another school for your son. walang ibang option.

e di expulsion nga.

opkors if i had the energy and the time, i would fight this stupid insensitive school. and i would ask for a refund. pero wala. sobrang busy. kinakarir ang mga bagay na puwedeng pagkakitaan. 

torn ako siyempre. pera for family and dagat o yung pagtutuwid sa mga maling pagtrato sa tulad ni dagat?

hay

no primer for parenting this kind of kid ano

hindi kami naorient universe na ganito pala kasakit, iba pala kapag anak mo na ang narereject not because of behaviour but because of his/her disability. ala kaming kalaban laban. world vs dna!

hay

career wise i think it was a good year. i served as judge to various writing contests! winner! o di ba. but it took a lot of my time! sobrang di na ako nakakauwi sa bahay ganung level. nami miss ko na ang mga anak ko. 

ang totoo gusto ko nang mag resign talaga. gusto ko nang mag concentrate kay dagat. parang something tells me, i can be of a big help to my son! bigyan lang ako ng pagkakataon na makapag concentrate sa kanya. 

gusto kong magtayo ng center or school or office na mag aasikaso sa teens and adults with autism. 

health wise parang ok ako. i am fitter, pumayat, lumaki muscles sa binti. madalas akong puyat dahil hindi ako agad nakakatulog kahit pagod na pagod. pero kapag nakatulog ay bawi naman.

this is a good year! 

i am with family and friends. sa work, maraming backlog but i am trying to finish things according to plan. a bit late pero binabawi ko na lang sa quality lol

thank you, god, thank you, universe.

thank you sa lahat ng biyaya. thank you rin sa mga bagay na pinag pray ko pero di ko nakamit. i know may dahilan! and i know, makakamit ko ang pangarap in another shape or form

pero i am very very happy with 2022 po. my heart is full

thank you po salamat as in

Tuesday, June 7, 2022

Tintang nagpapanday sa kinabukasan: Lakas ng tumitindig na manunulat

akda nina , nilathala sa Ang Pahayagang Plaridel ng Pamantasang De La Salle noong Mayo 23, 2022

Anong mapapala mo diyan? Ang liit lang ng sweldo diyan! Hindi ka yayaman diyan.” Ilan lamang ito sa mga karaniwang naririnig mula sa mga taong hindi makita ang halaga ng pagsusulat. Nakapanlulumo man ngunit ito ang realidad sa pagtingin ng lipunan tungkol sa larangan ng pagsusulat. Gayunpaman, hindi naging hadlang ito para sa mga manunulat na hindi lamang nais magpasaya, kundi pati ang maikuwento, maisiwalat, at mabigyang-hustisya ang karanasan ng iba’t ibang tao sa iba’t ibang sulok ng bansa. Bukod dito, namamayagpag din sila sa pagtatatag ng demokrasya ng bansa.

Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, at Francisco Balagtas—ilan lamang sila sa mga bayaning manunulat na tumayong inspirasyon para sa pagtataguyod ng kalayaan at demokrasya sa bansa sa kabila ng panggigipit. Sa mahabang panahon, pinatunayan ng mga manunulat ang kanilang kahalagahan sa lipunan. Bukod sa matatalas na salitang iminamarka, taglay rin nila ang kagitingang ibunyag ang karahasang dinadanas ng mga tao sa lipunan; hindi sila nagpatinag sa panganib na dala ng kanilang mga hakbang.

Bago maging ganap na espada ang bakal, dadaan muna ito sa matinding proseso ng pagtutunaw, pagmomolde, at paghahasa. Tulad ng pagpapanday ng espada, hindi biro ang mga karanasang pinagdadaanan ng mga manunulat bago maging sintalas ng espada ang kanilang likha.

Buhay ng manunulat sa likod ng mga akda

Lingid sa kaalaman ng iba, kaakibat ng pagtahak sa landas ng pagsusulat ang hirap sa pagkalap ng suporta para sa mga piniling suungin ang larangang ito. Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Beverly “Bebang” Siy, manunulat sa loob ng dalawang dekada at may-akda ng mga tula’t akdang pambata, mas magaan sa buhay ang pagkakaroon ng isang full-time na trabaho habang isang manunulat. Kaniya namang ibinahagi ang kalakaran sa pagprepresiyo sa mga akda noong nagsisimula pa lamang siya. Aniya, “‘Yung comic script ang bayad sa amin ‘non . . . Php400 per page, eh two pages lang. Two pages so Php800 lang kung two months, every two months lang kasi ‘yong comics noon . . .’Yung bayad sa tula, Php300 [hanggang] Php500 isang tula ‘ganon.”  Sa sobrang baba ng presyuhan, ibinibaling na lamang ng ilang manunulat ang kanilang oras sa mga trabahong mas mataas ang bayad kaysa indahin ang kumakalam na sikmura. 

Pareho rin ang saloobin ni Jerry Gracio, manunulat nang mahigit dalawang dekada sa larangan ng telebisyon at pelikula, ukol sa karanasan ng mga manunulat. Sa panayam ng APP kay Gracio, kaniyang inilahad na nakapagsusulat lamang siya ng mga akdang non-fictional at tula dahil sa pagkakaroon niya ng trabaho sa industriya ng sining. 

Mahaba na ang kasaysayan ng pagsusulat ng mga akdang kritikal. Bilang mulat sa mga pangyayari, isinasaletra ng mga manunulat ang mga tinig na pilit tinatakpan sa lipunan. Ngunit, kaakibat ng pagsulat ng ganitong akda ang dalang pangamba sa kanilang buhay. Sa kabila ng panganib na ito, inilahad nina Siy at Gracio na hindi sila nangangamba para sa kanilang mga buhay. 

Nabanggit ni Siy na nakapagsulat na siya ng kritikal na akdang sumasalamin sa karanasan ng mga biktima noong Batas Militar, ngunit hindi siya nakaramdam ng takot dahil ginamit niya ang estilong satirikal upang maisiwalat ang mga ito. Para naman kay Gracio, hindi naging dahilan ang nakaambang banta sa buhay upang lisanin ang mundo ng sining. Aniya, “Laging kasabay ng pagsusulat ang threat.” Ibinahagi naman niyang hindi pa siya nakatatanggap ng banta sa kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga akda. 

Kababaihan sa industriya ng pagsusulat

May ilang pangalan ng mga babaeng manunulat ang namamayagpag sa larangan. Sa kabila nito, batid pa rin ang realidad na laganap pa rin ang diskriminasyon sa mga gawa ng kababaihan sa industriya. Pagkukuwento ni Siy, noong sumali siya sa isang workshop, may isang beses na binatikos ang mga tula nilang kababaihan. Bulalas ng isang nakatatandang lalaki, “Bakit ‘yong mga babae paulit-ulit na tumutula tungkol sa bulaklak tsaka sa hardin? Pare-pareho na lang,” na sinagot naman ng presidente ng workshop na hindi lamang siya marunong magbasa. Sa pagninilay ni Siy sa pangyayari, natutuhan niyang may responsibilidad din ang mga mambabasa sa pagtuklas ng mensahe at simbolo ng mga akda at hindi lamang ito nakaatang sa mga manunulat. 

Malaki rin ang impluwensya ng binuong pagtingin ng lipunan sa mga babaeng manunulat. Naging hadlang ito para sa kababaihan upang maabot ang kanilang mithiin sa karera ng pagsusulat. Pagpapaliwanag ni Siy, “For example, ‘yung mga babaeng writer hindi sila nagpu-pursue ng pagsusulat kasi ang liit-liit ng kita sa pagsusulat. So they would rather do something else na halimbawa magkaroon ng [ibang] career.” Aniya, bunsod ito ng napakaraming tungkulin ng babae sa pamilya. Bilang responsibilidad kadalasan ng babae sa pamilya ang pagluto, paglaba, at pag-alaga ng anak, hindi matutukan ng isa ang pagsusulat. “‘Yung mga babaeng writer din minsan kung wala man silang anak, sila ‘yung nag-aasikaso ng mga kapatid nila, sila ‘yung nagpapaaral ganyan. So kakainin ‘yung oras to earn,”  pagsasaad ni Siy.  

Malaki ang pinagkaiba nito sa pamumuhay ng isang lalaki. Mayroong pagkamangha sa tuwing nakikita ang mga nagagawa ng ibang lalaking manunulat, tulad na lamang ng pangongolekta ng mamahaling bolpen, pagbibisikleta, at iba pa. Tila napakarami ng oras ng mga lalaking manunulat at nakakaya nilang pagsabayin ang kanilang libangan, trabaho, at pamilya. Naipapakita lamang nito ang malaking agwat ng isang lalaking manunulat sa babaeng manunulat. Napatutunayan na hanggang ngayon, malaking balakid pa rin ang kasarian sa pag-unlad sa pagsusulat. 

Higit pa sa paggunita ng nakaraan at pagharap sa kasalukuyan

Bilang manunulat, kanilang tangan ang responsibilidad na lumingon sa nakaraan at pagmasdan ang kasalukuyan. Ayon kay Gracio, marapat na maging kritikal ang isang manunulat sa paggunita ng nakaraan. Bukod dito, hindi lamang natatapos sa pagbabasa ng mga lumang akda ang responsibilidad ng isang manunulat, ngunit kasabay nito ang pagninilay sa nakaraan. Iginiit din ni Gracio na laging nakaangkla ang kasaysayan sa pagsusulat kahit pa sa kasalukuyan. Aniya, “Whether sa form man ‘yan o sa content. Kasi ‘di ba, halimbawa may mahaba tayong tradisyon ng pagsulat, if you’re writing a novel, parang bahagi ka ng isang mahabang kasaysayan ng pagsulat ng nobela.” 

Sa pagkatuto sa nakaraan, lumalabas sa mga kasalukuyang literatura ang kaugalian ng mga Pilipino. Isang halimbawa ang pagkakaroon ng amnesia ng mga karakter sa teleserye. Inilarawan niya ang bansa bilang “Nation of Short Memories.” Aniya, “. . . Nakakalimot naman talaga ‘yung buong sambayanang Pilipino. Several decades ago, pinatalsik natin ‘yung halimbawa isang buong pamilya—’yung diktador. Pero ngayon, pinabalik natin sila.” Sa pagsusulat ng katha, mahalagang magbalik-tanaw upang matutuhan ang mga aral na maaaring isapuso sa kasalukuyan. 

Usaping demokrasya at katotohanan

Hindi mapipigilan ang bugso ng damdaming dumadaloy sa manunulat lalo na’t kapag nakikita ang kasalukuyang kalagayan ng bayan. Panlulumo, pagkagalit, at pagkamuhi–ilan lamang ito sa mga damdaming lumalabas sa mga sinusulat. Sa kabila nito, hindi maikakailang may nakaambang na takot para sa mga manunulat sa kasalukuyan. Bunsod din ito ng nagsusulputang trolls sa social media at ang pangambang dulot ng Anti-Terrorism Law. Sa pagpasa ng batas, pinaigting nito ang pag-aalala sa mga buhay ng kritikong manunulat. Bunsod nito ang pangamba sa estado ng demokrasya sa Pilipinas. “Pwede kang kasuhan kapag may sinabi ka na mali, so in a way parang mayroong espada[ng] naka-hang [sa] ulo mo o sa leeg, [na] any moment [pwedeng] tapyasin ‘yung leeg mo.” Paglilinaw ni Gracio, hindi namamatay ang demokrasya, ngunit umuusbong ang takot na isiwalat ang katotohanan bunsod ng batas na ito.

Inilahad din ni Gracio ang isa sa mga tungkulin ng isang manunulat. Aniya, “Ang tunay na manunulat ay laging kinukuwestiyon kung ano ‘yung status quo.”  Mayroong malalim na dahilan sa pagpapatuloy sa pagsusulat sa kabila ng espadang nakatutok sa mga manunulat. Dagdag niya na hindi pa siya pinagbantaan sa kaniyang buhay dahil sa pagsusulat, ngunit ipinahayag niyang mas maraming magbabanta sa kaniyang buhay kapag sa Facebook siya nagsusulat. 

Sa pagpapanday ng espada 

Hindi baril at balisong ngunit lapis, tinta, at salita ang mga naging sandata nila. Paano hahasain ang talentong taglay sa pagpapabuti ng bansa?  

Para sa paghahasa ng kakayahan, parehas na naniniwala sina Siy at Gracio na mahalaga ang pagbabasa ng iba’t ibang akda. Bilang payo, iminungkahi ni Siy na maging unpredictable ang mga bagong manunulat, at susi ang pagbabasa upang makamit iyon. Para naman kay Gracio, mahalaga ang pagbabasa ng ibang akda at hindi lamang ng sariling likha, dahil mas pinayayabong nito ang kaalaman at kakayahan ng isang manunulat ngunit hindi lamang sa pagbabasa nahahasa ang kakayahan sa pagsulat. Sa papel, Facebook, o blog man ‘yan, importante na patuloy pa ring nagsusulat ang isa. Hindi lang nito hinahasa ang kahusayan sa pagsulat, nagsisilbi rin itong pagtanaw sa nakaraan. Bilang higit sampung taon nang nagsusulat sa kaniyang blog, nakita ni Siy ang kaniyang pag-unlad sa pagsusulat dahil sa mga gawaing ito.

Hindi magagamit na sandata ang lapis kapag hindi mulat ang isa sa realidad. Hinihikayat ni Gracio ang mga manunulat na makihalubilo sa iba’t ibang danas ng tao. Sa pakikihalubilo, matututuhan at maisusulat nang may sineseridad ang mga karanasang gustong isiwalat. Kaakibat din ng pagiging mulat ang paggamit ng angkop na wika sa mga panulat. Dagdag ni Siy, malaking responsibilidad ang ginagampanan ng wika upang maging epektibo ang akdang susulatin. Mahalagang gamitin ng isang manunulat ang wikang ginagamit ng kaniyang target na mambabasa. Panghuli, para kay Gracio, mahalaga para sa isang manunulat ang mabuhay upang makalikha pa ng mga akda at laging lagyan ng puso ang mga katha.

Para sa mga manunulat sa kasalukuyan at kinabukasan, ika nga ni John Arcilla, ating punahin ang dapat punahin sapagkat dito nakikita ang iyong sigasig sa paglilingkod at pagmamahal sa bayan. Magpumiglas sa panggigipit. Kasama ng iba’t ibang alagad ng sining, ipagpatuloy ang pagpanday sa sari-sariling taglay na sandata. Ipakita sa lahat ang kapangyarihan ng sining. Laging tandaan na kasalanan na ang pumikit kapag namulat na sa katotohanan. 

Note ni Beverly Siy: Nagpapasalamat ako kay Merry Daluz na na-meet ko virtually para sa panayam na ito. Narito ang link ng artikulo:

https://www.plaridel.ph/index.php/2022/05/23/tintang-nagpapanday-sa-kinabukasan-lakas-ng-tumitindig-na-manunulat/?fbclid=IwAR3s5n-D4XHnuakwL9OP51B7HhMWq5rrxvcuE-XbdpfeVbq1QfDySe0ZVp8

Wednesday, April 20, 2022

My First Long Ride (Maikling sanaysay/CNF)

 My First Long Ride

ni Beverly Wico Siy

Ang EDSA Shrine, Quezon City ang pinakamalayong napuntahan ko sakay ng aking bisikleta. Ito ay 25 kilometers mula sa bahay namin sa Barangay Habay 1, Bacoor, Cavite. Pinuntahan ko ito nang mag-isa noong February 25, 2022. 

Bukod sa layo ay first time ko ring dadaan sa EDSA Highway, kaya pinaghandaan ko ito.

Preno’t gulong ng bisikleta? Check.

Ekstrang damit? Check.

Bimpo? Check. 

Tubig at biskuwit? Check.

Pera, load na pang-text at tawag, cellphone? Check.

Ruta? Check.

Para sa ruta, nagtanong ako sa Facebook group na kinabibilangan ko: ang Pinay Bike Commuter Community. Paanong makakarating ng Makati mula sa Pasay? Marami ang sumagot, matulungin talaga ang mga babae. Ang pinili ko ay Roxas Boulevard, Buendia, EDSA. Bagama’t di pamilyar sa akin ang daan na ito, naging madali pa rin ang aking ride dahil walang sasakyan sa Buendia, Makati. Holiday. People Power Anniversary. Na siyang dahilan kung bakit ako lumuwas.

Pagdating ko sa EDSA going to North side, nagulat ako sa tindi ng mga ahon na kailangan kong ibisikleta. Nagpalala pa ang dami at tulin ng mga sasakyan, pati na ang dambuhalang mga bus, na laging napapadpad sa bike lane pag magsasakay at magbababa ng pasahero. 

Kinuwestiyon  ko ang pasya kong lumarga nang mag-isa. Ba’t ko ba ‘to ginagawa? Kay layo. Mapanganib. Guadalupe. Lusong. Wala akong makausap. Walang mapagbahaginan ng aking mga kaba. Boni. Ahon. Kapag nasiraan ako o na-flat-an ng gulong, paktay na. Walang agad na mahihingan ng tulong. Megamall. Kapag naaksidente ako , walang agad na sasaklolo. Ortigas.

Anong saya ko nang makita si Mama Mary, na katabi ng Robinson’s Galleria! Pero kakaunti ang tao. Wala na bang nagdiriwang ng importanteng araw na ito? Huli akong nakipagtipon sa ilalim ni Mama Mary ay taong 2001. EDSA Dos! Yes, isa ako sa mga nagmartsa para patalsikin si Pangulong Joseph Estrada. Siksikan noon. Maingay. Magdamag. Street party siya, actually, with activism involved. 

Ngayon, nang makarating ako sa EDSA Shrine after almost two hours of biking, halos walang tao. Mas marami pa ang unipormadong pulis kaysa sa amin. Pero napansin ko rin na maraming naglalakad na naka-pink, pa-Norte. 

Nasa People Power Monument sila, sabi ng isang pulis.

Naroon pala!

Pumadyak ako, mga isa pang kilometro. Sa EDSA, boundary ng Mandaluyong, Pasig, at Quezon City, naroon, nagtipon-tipon ang mga Pilipinong naniniwala sa kapangyarihan ng demokrasya.

Ay, eto na. I belong, sabi ng aking pride.

At lahat ng nakita ko, naka-pink: bata, matanda, teenager,  yuppies, tindera ng Leni Kiko na bag at kamiseta, lalaki at babaeng nasa ibabaw ng nakaparadang trak, nagtatalumpati, may mga tulad kong biker din, pink na pink ang accessories ng kanilang bisikleta. May namimigay ng komiks at pink ribbon. Agad kong itinali sa aking handle bar ang ribbon na iniabot sa akin.

Huminto ako sa bangketang katapat ng monument. Sa tabi ng aking bike ay nanood ako’t nakinig ng programa. Umawit sina Leah Navarro at Mitch Valdez ng makabayang mga kanta. Ay mali, umawit ang lahat, sa pangunguna lamang ng dalawang singer na aking nabanggit. 

Hindi ito ang sadya ko sa EDSA Shrine. 

Hindi rin ito pink rally. 

Nagkataon lang  na ang mga taong naroon, at nagpapahalaga rin sa kalayaan ng ating bansa ay pink ang suot-suot, pink ang pamaypay, pink ang bimpo, pink ang bag.

Gabi na’t madilim nang magpasya akong umuwi. Nakasalubong ko sina RR Cagalingan at Tina Pangan, mga kaibigan, pero sila’y taga-Pasig at Sampaloc, samantalang ako’y taga-South. 

Kaya mag-isa pa rin akong tumahak ng daan pauwi. Ahon lusong na naman sa EDSA. Heto na uli ang 25 kilometers.

Wala pa rin akong kausap. Wala pa ring mapagbahaginan ng aking mga kaba. 

But I didn’t feel alone. Iyan ang ipinagkaiba.

Because this time, sa bawat padyak, sinamahan ako ng pag-asa. 


Wednesday, March 9, 2022

Finding Common Ground: How to Understand, Address and Improve Diversity and Inclusion Webinar of Akadasia

Narito ang mga sagot ko sa  webinar ng Akadasia na ni-live stream sa Akadasia Facebook page ngayong Marso 9, 2022. Ang pamagat ng webinar ay Finding Common Ground: How to Understand, Address and Improve Diversity and Inclusion. Kasama kong tagapagsalita sina Ms Zahara Chowdhury, founder ng School Should Be, at si Ms Saima Razzaq, head ng Diversity and Inclusion ng Birmingham Pride, parehong taga-United Kingdom. It was moderated by Dr. Kirsten Bartels, Chief Academics Officer ng Akadasia US.


Maraming salamat sa imbitasyon ng organizer na si Mr. Jake Aragon, head ng Akademiks ng Akadasia Philippines.

1. Why do you believe Diversity matters?

Because the real world is diverse, and diversity makes our life exciting. 

If there is just one color in this world, that would be so boring. 

If there is just one kind of clothes that everybody wears, we would all look the same.


2. What does inclusion mean to you? 

Inclusion means we consider others in all that we do. We listen to them, we talk to them, we read about them, we try their food, we try to experience what they experience, we try to pronounce their words, we try to experience what they experience. 

In short, inclusion means we go out of our comfort zone, we try something new, so that it will enrich our own perspective. We also introduce ourselves to others, so others will learn from our own experiences.

For example, if we love reading books, we must go out of our comfort zone, by checking out books that we have not yet encountered. It could be about the experiences of the opposite sex, a certain religion, a certain age group, someone from another place, or has a special kind of occupation. 

I will share to you a book that we have launched last year. Our team created this book and it included literary works from various languages in the Philippines, which we always do in every issue of Ani, the official literary journal of the Cultural Center of the Philippines. But what is special in this issue is we have a section that featured literary and artworks about travel, that were created by the persons with disability. 

ANI 41

Another example here is the book In Certain Seasons Mothers Write in the Time of Covid Crisis. We have conceptualized this book using the gap that we saw in the production of books during the height of our lockdown and crisis in 2020 and 2021. There were many literary books that were published by men. Most of them were old men. There were none by women, old women or women old enough to be mothers. That’s why we created this book.

In Certain Seasons


3. What makes a school inclusive? What are practical ways for a teacher to demonstrate inclusion in the classroom?

It is possible that the things that I will share with you are already being done in our schools and by our teachers. 

But during my time as a student, when I was in high school, our teacher in English subject,  required us to read books that were really out of this world. Mrs. Borja required us to read The Scarlet Letter. I tried so hard to find that book in the second hand bookstore. I could not afford a brand new copy. I already forgot if I was able to find one and if I was able to read it, but even if I did, I did not understand anything at all. It was about adultery in the 1850s that happened in the American society. That was inclusion, right? Something out of the comfort zone of the students?! Hahaha! 

Of course not.

Inclusion in our classroom could have started with Mrs. Borja  asking us, her students, for our recommendation to be included in the class reading list. This might mean additional reading materials and effort for Mrs. Borja, but this would have updated Mrs. Borja’s class reading list. She would not be stuck with 1850 American literature for her Filipino junior and senior high school students.

Mrs. Borja might be surprised to know that many of us her students loved reading and were book lovers, as well. During that time, I read novenas, Archie comics, Sweet Valley Twins, romance novels in Filipino, and complicated novels such as The Pelican Brief, a copy that was owned by my father. 

3. How does diversity and inclusive education promote successful learning?

To have diversity and inclusive education is like teaching our kids to think outside the box. All bases covered. It is like thinking what others will think about a project, or how  others will perceive about a project. 

In short, diversity and inclusive education help us to  imagine, from another point of view. They help us be more creative.  And being creative is a very essential skill in learning, because it promotes use of imagination, and it promotes not giving up. 

These two: diversity and inclusive education, will make our kids think: have I considered everything? Have I covered all bases? What else can be done? 

I also have to mention this:  being creative is important especially now that everything can be automated. Everything can be done by the artificial intelligence. The only things that the AI cannot do are to have feelings like a human being, and to be creative. 

Diversity and inclusive education promote learning through the use of imagination and by teaching us to always consider others, considering others is the heart of education. 

4. Diversity is such a broad topic — from race to gender identity to age to so many other things — what practical tips do you have for a teacher who wants to start engaging with issues of diversity and inclusion in their classroom?

First is acceptance of our own limitations. We have to be ok with that. We cannot introduce everything to our students. We need our co-teachers help, the students help, their parents, and the internet’s help in presenting a diverse and inclusive classroom. Let us be honest with our students that our own perspective may not represent all the interesting things in the world, and it is ok that all together it is good to explore many, many points of view.

5. What can a teacher do to encourage friendships and social connections in an inclusive classroom?

More creations from various point of views- This will make the students do research.  

More listening activities- THIS IS A BIG CHALLENGE 

More reading activities- 

More trips- if possible, community trips, not the touristy one- BIG CHALLENGE ESPECIALLY if done now that we still have the covid crisis. 

Do not be pressured to do any of the activities that we have suggested in this webinar. One step at a time is still the best. I know that we are busy all throughout the academic year.

6. How can teachers collaborate with parents and other school stakeholders in promoting inclusive education?

This will take time, and most probably the parents will not participate. They have to take care of the household and their jobs, and their kids, and so on. 

I guess, the most efficient way to do this is through a survey, let the parents answer a survey where they can contribute ideas, activities, recommendations, etc. You may let the survey be anonymous so the parents can go wild and be adventurous in their suggestions. 


Tuesday, January 25, 2022

The Land of Stories book review

 Last year, I was invited by Mam Neni Sta. Romana Cruz to give a lecture about reviewing books for children. Ginamit ko ang lecture ko under ng Philippine Board on Books for Young People. Ang kay Mam Neni ay under ng Where the Write Things Are program at online namin ito isinagawa.

Ilan lang ang audience, wala pa yatang sampu. But they were responsive. Alisto sa pagsagot ng mga tanong ko, at higit sa lahat, nang bigyan sila ng assignment ay marami sa kanila ang nakapagsumite ng book review. 

Importante sa akin ito dahil ito ay measurement ng commitment sa pagsusulat ng members of my audience that day.

Binigyan ko ng comment ang lahat ng book review na natanggap ko, at isa ito sa mga bumalik sa akin after revision stage. 

Ito ang book review ng teenager na si Francheska Nicole. Ang galing!


The Land of Stories book review

Book review by: Francheska Nicole.

 

The Land of Stories series by Chris Colfer is a #1 New York Times bestselling fantasy/adventure series. It follows the story of two young twins named Alex and Conner Bailey as they discover a land beyond their imagination. The first book was published on 2012 by Little Brown Books for young readers.

 

I know people always say, “Don’t judge a book by its cover.”, but one of the reasons why I bought this book (apart from the plot) is that it has a very nice cover. It’s like if you’re in a library full of books, this is the one that will catch your attention. The colors match very well making it eye catching. The cover is a picture of Alex and Conner falling to the Land of Stories, the emerald cover of the book has gold streaks at each side, and at the bottom corners shows some of the characters of the book such as the fairy tale princesses. The cover will really make you thrilled and curious to read it.

 

I enjoyed this book very much; I’d give it a 10/10. It made me believe in magic, because the author described it as if it’s reality. As if it’s a world that we can easily transport in. The story is nail-biting to the point that I can’t even put it down. The language is pretty easy to comprehend, and probably children 8-12 years old will enjoy this series very much. The bio note of the author is very nice, it includes his clear picture and the key info that the readers need to know such as his achievements and the other books that he wrote.

 

 I love every character in the books except for the masked man. The masked man is the Fairy Godmother’s son, and the uncle of the twins. He wants nothing more than to take over The Land of Stories and he’s willing to go any lengths to get it. When the fairy Godmother found out his biggest dream was to destroy The Land of Stories and kill her, she took him in to the forest and “killed his magic” hoping this will stop him, but sadly he’s out for revenge and he won’t stop till he gets his vengeance. I despise him at all cost, while I was reading that part of the story, I can feel my blood boiling with vexation. Now, if you like this book you’d probably like “A Tale of Magic” also by Chris Colfer. Enjoy reading bookworms!! 

Monday, January 24, 2022

Delivery Girl ng Cavite

 For the first time ay nag-delivery girl ako kahapon.

Ang unang client ko ay si JB Psalms na seller ng scallops. Taga-Dulong Bayan, Bacoor. Mga 1km mula sa house namin. 2 kilo ng scallops ang ipina-deliver sa akin para kay Fhey ng Camella Springville, Molino 3. Ang charge ko ay 50 pesos, pero binigyan ako ni JB ng 70 pesos (bente ay tip).
From 9 am to 11 am, 26 kms, papunta at pabalik.
Ang nakakatuwa rito ay binigyan ako ng gift ni Fhey: isang wallet-like na lalagyan ng ID.
Nag-advertise ako uli ng services sa FB groups ng Cavite sellers pagkauwi ko. I was pmed by Princess of Mambog 3. Dalawang set ng clothes ang pinapa-deliver sa akin. Ang una ay sa Wood Estate, Molino 3 (uli!!!) at ang isa ay sa Salitran 2, Dasma. Ang charge ko ay 50 at 80. Pero tumawad si Princess. 65 pesos na lang daw for Dasma. Nung malaman niya na girl ako, ginawa niyang 70, hahaha.
Umalis ako sa bahay,3:15pm. Habay 1 to Mambog 3 to Molino 3 (lahat Bacoor) to Salitran 2, Dasma to Habay 1, Bacoor. Nakauwi ako 7:15pm.
From Molino 3 to Salitran 2 ay hindi ko sinunod ang Waze. It was 10km lang sana according to Waze, pero babagtasin ko ang Imus at Aguinaldo Highway. Nakakita ako ng daan sa mapa na direkta
mulang Molino Bacoor to Dasma. Nagpm ako sa friend ko na taga-Salitran, biker din, at sabi niya, meron ngang daan. Puwede raw na iyon ang ruta ko.
Ang di niya sinabi ay napakaraming ahon. Juskolord. Akala ko ay bibigay tuhod ko kahapon, I swear.
Ang kinita ko buong araw ay 190 pesos, 6 na oras na tuloy-tuloy na bisikleta.
Napagtanto ko na ...masarap pala talagang mag-work from home na lang. Sori na current job and career, balik na ako sa piling nyo, hahaha!
Ang mga natutuhan ko:
1. Nakakakilig makatanggap ng tip at regalo kapag delivery rider ka.
2. Sumunod na lang sa Waze, beh.
3. Ang daming babaeng entrepreneur (babae ang sellers na nag-hire sa akin).
4. Ang daming magagandang village at subdivision sa Cavite.
5. Ang laki pala ng putanginang Bacoor na ito.
6. Ang sarap mag-bike pag Linggo sa Molino/Bacoor Blvd. Ang ganda ng quality ng kalsada, bihira ang sasakyan.
7. Kapag magtatanong ng direksiyon, itanong din kung may paahon din na kalsada o patag lang ito.
8. Nakaka- tempt bumili ng pagkain sa magagandang kainan na nadadaanan ko. Kaya lang nakakahinayang dahil malaki pa gastos kesa sa kita, kung magpapatukso ako sa mga ito. Tinandaan ko na lang, as date place in the future with hubby and family.
9. Huwag nang maligo bago mag-bike, babantot ka rin lang naman.
10. Wala akong masyadong life-threatening experience kahapon sa Cavite, dahil wala rin masyadong motor akong nakasalamuha. I therefore conclude iba talaga ang Las Pinas, maraming kamoteng driver ng motor!
Uulitin ko pa ba ang mag-delivery girl? Di ko alam, hahaha! Ang hirap pala, mga ineng!

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...