From Hiwa to Biyak: The Story of One Aklat (Sanaysay ni Beverly Wico Siy)
Ang message ng talk ko ay ang isang kuwento ay puwedeng maging isang libro.
Ang ibabahagi ko sa inyo ngayon ay ang kuwento ng Biyak, isa sa aking mga libro.
Umpisahan natin sa libro kong It’s A Mens World. This collection of essays about childhood was published by Anvil Publishing in 2011. Ano-ano ang laman nito? Ang perspective ko bilang isang anak ng broken home, ang Ermita, Manila, hometown ng tatay ko, at ang Pangasinan na hometown ng nanay ko.
Isa sa mga sanaysay ko rito ay pinamagatang Hiwa. Tungkol ito sa aksidenteng nangyari sa akin noong ako ay 8 years old. Ikinuwento ko rito ang isa sa mga trabaho ko sa karinderya ng auntie ko sa Urdaneta, Pangasinan, tagagupit ng karton para iparikit sa apoy ng mga bumibili sa amin ng sigarilyo. Ang gamit ko sa paggupit ng karton ng Winston at Hope ay isang malaki at mabigat na metal na gunting. Isang gabi, habang ginagawa ko ito mula sa mataas na mesa ng karinderya, nahulog ang gunting sa lupa. Hindi ako nasugatan o nadaplisan man lang nang mahulog ito. Mula sa mesa ay sinubukan ko itong pulutin. Subok. Subok. Stretch. Subok. Bigla akong nalaglag sa lupa! Agad akong tumayo dahil nakita kong nagtinginan ang mga pinsan ko at auntie, at ang mga lalaking kustomer ng karinderya (nasa tapat ito ng bagsakan ng isda). Ayun na. Naghisterikal ang auntie ko. Sa hindi malaman na dahilan, may pulang mantsa sa puwitan ng shorts ko. Akala nila, ako ay nahiwa ng gunting.
Dinala ako sa ospital at doon po ay binutingting ang aking hiwa, ineksamin ang aking kaluluwa. At lahat ng kamag-anak ko sa buong Pilipinas ay naroon po, nanonood, nag-aabang sa sasabihin ng doktor dahil kabadong-kabado sila. Lagot nga naman sila sa nanay ko.
I wrote that painful childhood memoir because I wanted adult family members to know, may hiya po ang bata. Nakakadama iyan ng hiya, akala lang ninyo, hindi. Nanliliit siya kahit maliit na siyang talaga.
Anyway, this particular essay caught my friend Joshelle’s attention. Nag-text siya agad sa akin pagkabasa niya nito. Relate daw siya. Apparently, may katulad siyang karanasan. Ikinuwento niya sa akin ito sa email, sa pm, sa text at sa personal nang magkita kami! Tawa kami nang tawa. Ang o-OA ng matatanda! Mga walang galang sa katawan ng bata! Grabe!
It was in 2016 when she wrote the story called Nang Dumanak ang Dugo. Tungkol ito sa isang high school student na gustong-gustong maging OB-gyne. Gusto niyang maging doctor ng pekpek. Ang reason pala, which the story will later reveal, ay dahil noong bata siya, naaksidente siya at ang napuruhan ay ang kanyang hita at pekpek. Isinugod siya sa ospital, naoperahan siya right there, natahi, at awa ng diyos, after so many years, gumaling naman ang biyak. Pero mula noon, naging conscious siya sa kanyang ari. Normal pa ba ito? Teka, ano ba ang itsura ng normal na pekpek? Research siya. Research. Mega-research. Natural, ilang daang pekpek ang nakita niya. At lagi niyang ikinukumpara ang sarili sa mga ito. Normal ka ba? Bakit iba ka? E, bakit iyon iba? Ito rin iba?
Ang sagot, iba-iba kasi talaga.
Nang mabasa ko ang kuwento na ito, na-amuse ako. Pati ako napatanong sa sarili, teka, may standard look nga ba para sa pekpek? Standard? May nagtatakda ng standard? So, sa mga pekpek, sino? Hanggang dito, sinusundan ako ng hinayupak na ISO na iyan?
Dahil diyan, napa-research din ako!
And I therefore conclude, batay sa research ko, anuman ang itsura niyan, pekpek iyan!
Normal!
Pasok sa banga!
Binago ko na rin ang pamagat ng kuwento ni Joshelle. It became Biyak.
And to make other people see our point, our exclamation point, rather, I decided to create an illustrated version of the story.
Come November, nakagawa po ako ng mga 30 drawing ng pekpek. Laban na, text plus illustrations equals publication. Dahil mahirap kami, photocopy lang ang nagawa naming libro-librohan. Meaning, they were all in black and white. Alam ninyo ang nangyari? Ito ay naging coloring book! For adults.
Perfect!
Inilabas namin ang pekpektyur book na ito noong BLTX 2016. Better Living Through Xeroxography movement kung saan ipinakikilala at ibinebenta ang mga zine, photocopied, stapled publications! Sa Ilyong’s ito ginanap, isang videokehan sa Cubao. Sold out ang Biyak. Sampu lang kasi ang binenta namin doon. At thank God, may sampu kaming kaibigan na napilit naming bumili!
Pagdating ng 2017, nag-decide kami ng husband ko, Ronald Verzo, who owns Balangay Books, na gawin na siyang full blown na libro. Gusto namin, ang style ay pinagsanib na Geronimo Stilton at Marissa Moss Amelia books. Colorful ang loob.
Itong Biyak 2.0, naiisip namin, pang-high school pa rin, hindi na siya coloring book. May text pa rin, mas marami na ang illustration.
Illustrator ba ako? Hindi. May training ba ako sa illustration? Wala.
Nagbasa-basa lang ako ng mga komiks, graphic design books at magazines, nag-trace ako ng mga Hello Kitty, at iba pang cartoon character. Sige, laban na. Fight. Fight. Fight. Binasa ko ang kuwento nang mga 100 times, no joke. My husband and I edited it. Then we presented it to Joshelle from time to time. But in the process of creating the illustrations, I continued editing the story.
At napakarami kong tanong habang nagdo-drawing ako. Ganon pala iyon!
Paano nga ba ido-drawing ang mens at ang dugo nang hindi paulit-ulit ang image na nalilikha? Paano nga ba magpapakita ng kirot nang hindi nagpapakita ng mukha? Hindi ako marunong mag-drawing ng mukha! Paano nga ba uulitin ang isang drawing nang hindi siya nagiging boring, kung kakailanganin mo uli ang imahen sa ibang pahina? Napakarami kong draft nang ginagawa ang mga ito. Napakarami kong drawing. I had a full time job, I had a 2 year old son. Pero siya, sige, drawing, matapos lang ito. Puyatan kung puyatan. Hanggang sa finally, natapos ko na ang pagdo-drawing ko sa mga pahina.
So, tapos na ang Biyak?
Hindi pa!
Dahil noong nilatag na ang mga drawing at text, noong ni-layout na, makikita mo ang mga imbalance sa images sa ilang pahina. Nawawala ang pacing ng kuwento nang magka-illustrations na ito. Hindi puwede. The illustrations must enhance the story, di ba? Adjust-adjust kami ng husband ko, both sa layout, at sa drawing. Drawing na naman ako. Umay na umay na ako sa kuwento! Kakabasa ko sa dugo, dumudugo na rin ang utak ko at mata.
Until… final version was presented to Joshelle. Wala namang violent reaction from her, thank God.
Eto, printing na.
Pinag-usapan namin ni Papa P, kanino kami magpapaimprenta. We have options, marami kaming contacts. Kaya lang, since manipis ang Biyak, ang gusto namin ay iyong imprentang subok ang kalidad, hindi lang sa printing kundi lalo na sa binding.
So… we chose Central Books.
Napakaganda ng quality ng printing. Marami nga ang nagtatanong sa amin kung talaga bang indie published ang books namin kapag nakikita nila ang mga ito. Usually kasi kapag independently published or self-published ang books, chaka ang layout, ang papel at ang printing.
So, 2018, we got in touch with Central Books, particularly with Miss Hazel Nichole Sadian. Hazel was our intern in CCP Intertextual Division. Sobrang husay niyan, sa major publishing project namin sa CCP, she gave editing and proofreading services for a 500-page book, it was a good book content-wise, and more importantly, kahit massive siyang libro, it was released on time because of Hazel’s collaborative work and focus. The book is called the Virgin Labfest Anthology 3.
Anyway, finally, super, super finally, Biyak was published in 2018, two years mula nang maisulat ni Joshelle ang kuwentong Nang Dumanak ang Dugo, at seven years mula nang ma-inspire siya sa Hiwa ko.
But wait there’s more!
I am very, very proud to share with you the fact that Biyak became a finalist of the National Book Awards for the … wait for it… hold it…. graphic literature category!
Mantakin ninyo!
So, I wish to take this opportunity to thank our author Joshelle Montanano for her wonderful story.
Tandaan ninyo: isang kuwento, puwedeng maging isang libro!
Diskartehan n’yo lang.
At this point, I also would like to thank Central Books, Sir Paolo Sibal and the Publish on Demand team, especially Hazel and her colleague Miss Elaine Royo. Salamat po sa napakagandang pag-imprenta sa Biyak.
Dahil sa inyo, sa November 23, pupunta po ang first time book author na si Joshelle at kaming mag-asawa sa awarding ceremony ng National Book Awards sa National Museum.
Pero hindi lang para sa Biyak ito.
We are going there because another book of ours is a finalist, the Salamin at iba pang kuwento by Almayrah Tiburon from Marawi, Mindanao.
And another book of ours, P’wera Bisita by Emmanuel Barrameda of Catanduanes, Bicol region, won as the best book of short fiction in Filipino!
Ang mga libro pong ito ay pinaimprenta din namin dito sa Central Books! May printer ka na, may award ka pa.
This is where my presentation ends. Let's repeat my message for you:
Ang isang kuwento, puwedeng maging isang libro.
Pakatandaan ang nangyari sa from hiwa to biyak: the story of one aklat!
Wednesday, November 20, 2019
Tuesday, November 12, 2019
iso, blurbs at copyright ng editor
things to do
MA THESIS!
iso compliance
reply kay juan bautista
Hello uli! Ang filcols ay isang org ng authors at publishers na nagsama-sama para makatulong sa pag...
Blurbs
Adelma Salvador
Francisco montesena
Jayson nbdb
Raissa falgui
dominic
Emman barrameda
Norman wilwayco
edit amang's manuscript
medyo marami akong tasks, ano?

books for filipino teens or young adults
Mga akdang pang-teenager, pang-young adult at pang-12 to 18 years old
Puwede ring gamitin ang mga ito sa subject na agham panlipunan o social science
Personal ni Rene O. Villanueva- kahirapan, pagsisikap, edukasyon, pamilya
Anina ng Alon ni Eguene Evasco- indigenous peoples of the Philippines- Badjao
Salingkit: A 1986 Diary by Cyan Abad-Jugo -martial law, freedom
At the school gate by Sandra Nicole Roldan- martial law, freedom
Mga libreng libro tungkol sa LGBT na gawa ng Mulat Sulat 2018 group- gender sensitivity, children’s rights -DOWLOAD YOUR COPIES FOR FREE at tinyurl.com/mulatsulat
Toto O. ni Maine Lasar- kahirapan, pamilya
Supremo ni Zi Xuq- social responsibility
Janus Silang series by Edgar Samar- tungkol sa Philippine Mythology, pamilya, teknolohiya at kabataan
Utos Ng Hari at Iba Pang Kuwento ni Jun Cruz Reyes – pang-aapi, kontrol, pagsunod at pagsuway sa awtoridad
Tutubi-tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe ni Jun Cruz Reyes- martial law, Kalayaan

Tuesday, November 5, 2019
movies that talk about copyright as of Nov 2019
Dahil adik si Poy sa mga pelikulang banyaga, at lagi naman akong napapatutok sa computer kapag nanonood siya ng mga ito, nakatuklas ako ng ilang pelikulang banyaga na tumatalakay sa ilang usapin sa copyright. ahaha ang weird naming mag-asawa ano? siya adik sa pelikula, ako, adik sa copyright!
anyway, heto ang ilan sa mga sinasabi kong pelikula:
1. julie and julia
ang bida rito ay sina amy adams as julie at meryl streep as julia. 2009 pa ipinalabas ang pelikulang ito na tungkol sa pagluluto ng mga pagkaing French. si julie ay isang modernong amerikana na nagbabasa ng cookbook na isinulat ni julia child. si julia child naman ay amerikanang namuhay sa Paris, France pagkatapos ng World War II. kasama ang dalawang French na babae, sumulat siya ng cookbook tungkol sa French cuisine, ang target audience nila ay mga amerikana. habang pina-finalize nila ang libro (na umabot ng 760 plus pages grabe!), naghanap sila ng paraan para ma-publish ito. isa sa mga natagpuan nila ay si Irma Rombauer na author ng pinakamamahal nilang cookbook na bestseller at sobrang sikat nang panahon na iyon, ang The Joy of Cooking. sa pelikula, ikinuwento ni Irma kung paanong naging libro ang kanyang cookbook. nagbayad daw siya ng $3,000 sa publisher at na-publish nga ito. siyempre, nang time na iyon, napakalaki ng $3,000! gulat na gulat sina Julia Child, hindi sila makapaniwala na si irma pa ang nagbayad para lang maging libro ang cookbook nito. sa isip-isip ko, aba, halimbawa ito ng self-publishing, a! pero hindi doon nagtapos ang kuwento ni Irma. may nagkainteres daw na publisher sa inilathala niyang libro, ang Bobbs-Merrill Company. mula noon ay dumami ang printed copies ng kanyang cookbook at mas lumawak din ang distribution nito. pero nagulat sina julia nang walang ibang lumabas sa bibig ni irma kundi puro reklamo. sa publisher niya! dahil niloko daw siya nito, kinuha ang kanyang copyright para sa current edition at sa naunang edition na sinelf-publish niya. nanlumo sina julia child sa narinig. in short, parang natakot sila sa publishing business.
ako naman, noong napanood ko ito, nagulat ako dahil dati pa pala ay ganito na ang ninja moves ng mga publisher! talaga naman! at ang masama roon, namana ng mga publisher ngayon ang ganyang ninja moves, at umabot pa yan sa pinas!
2. about a boy
ang bida rito ay si hugh grant as will freeman. 2002 pa ipinalabas ang pelikulang ito. ang pelikulang ito ay tungkol kay will, isang lalaking walang trabaho, walang ginagawa sa bahay at buhay niya araw-araw. pero hindi siya financially naghihirap. in fact, he has a comfortable life! saan galing ang pera niya? dito pumapasok ang copyright. ang tatay ni will ay composer ng isang sikat na sikat na christmas song. deds na ang kanyang tatay. at dahil naipapamana ang copyright, nakakatanggap si will ng royalties mula sa kita ng musical work ng kanyang tatay. gustong-gusto ko ang pelikulang ito dahil bukod sa heartwarming ang kuwento, ipinapakita rin dito kung paanong nakikinabang ang mga tagapagmana ng musicians, na artist ding maituturing. in short, ipinapakita dito ang isang halimbawa ng pamumuhay na maaaring makamit ng tagapagmana ng isang filipinong alagad ng sining.
3. paper towns
ang bida rito ay sina Nat Wolffe as Q at Cara Delevingne as Margo. 2015 lang ito ipinalabas. napanood namin ito ni poy sa moa! konting trivia muna, binasa ko nang mga 15 times ang nobelang pinaghanguan ng pelikula, before, during and after ng pagsasalin namin dito ni poy. yes, around 15x talaga. pinili ito ni poy kaysa sa iba pang nobela ni john green dahil nabalitaan niyang gagawin itong pelikula at naisip namin na mas malaki ang chances na mabenta ang salin namin kapag ganon. pero waley, nag-flop sa pinas ang pelikula, flop din ang salin!
anyway, o eto ang tungkol sa copyright. itong si q ay may crush kay margo since bata pa sila. nag-teenager na sila't lahat-lahat, di pa rin niya masabi ang feelings para sa dalaga. isang araw, bigla na lang nawala itong si margo. siyempre, hinanap siya ni q. may mga natagpuan na clues si q at sinundan niya ito nang sinundan para matagpuan si margo. ang nangyari ay na-obssess pala itong si margo sa isang lugar sa new york na kung tawagin ay agloe. pero ang agloe pala ay isang lugar na sa mapa lang nag-e-exist. in short, japeyks. kasi, noon palang unang panahon, ang mga kompanya na gumagawa ng mapa ay nagkokopyahan lang ng mapa tas piniprint nila at ibinebenta ang mga ito. kaya ang ginagawa ng ibang kompanya (at ng cartographer o iyong mga tagagawa mismo ng mapa) ay naglalagay sila ng copyright trap sa kanilang mapa. nagsisingit sila ng mga pekeng bayan o kaya ng kalsada sa ginagawa nilang mapa. imbento lang ito, pati pangalan ng lugar, imbento. ngayon, once na kinopya ng ibang cartographer o kompanya ang mapa nila, tiyak na masasama rito ang mga isiningit na imbentong lugar. pung! ayun na, huli! puwede na nilang gamiting ebidensiya ang mapa para sa copyright infringement case laban sa nangopya ng kanilang mapa. ang galing, ano? sa pelikula, nag-road trip si q at ang kanyang mga kaibigan para lang mahanap ang agloe at si Margo. happy ending ba? aba, nood na. or puwede rin namang bilhin mo na lang ang filipino version ng libro. kitakits sa national bookstore,my friend. shameless plugging, ano?
4. coco
opkors, ang pinakasikat na pelikula tungkol sa araw ng mga patay, ang coco!
tungkol ito sa batang si miguel na ang pamilya ay puro sapatero at lahat sila ay di mahilig sa musika. actually, banned ang musika sa bahay nila. dahil... ang lolo ni miguel sa talampakan ay isang musician at isang araw, bigla itong naglaho. akala ng lola sa talampakan ni miguel, si lola imelda, siya ay inabandona ng kanyang asawa. ang pangalan ng anak ni lola imelda and the husband ay... coco. si coco ang lola sa tuhod ni miguel. ahahaha medyo andaming character, ano? typical latin american lit! ang pelikulang ito ay galing sa librong coco. anyway, nagrebelde si miguel dahil gusto niya talagang maging musikero, gaya ng kanyang lolo sa talampakan, na ayon sa isang putol na picture, ay inakala niyang si ernesto dela cruz, isang sikat na sikat na singer at gitarista na nagmula sa sta. cecilia, ang hometown ni miguel. ang pinakasikat nitong kanta, ang remember me, ang siyang paborito sa lahat ni miguel.
nang tangkain ni miguel na hiramin ang mismong gitara ni ernesto sa libingan nito, napunta siya sa mundo ng mga espiritu ng mga patay na. pinursue niya na makilala si ernesto sa tulong ng isang lalaki, si hector. si hector naman, ang pakay kay miguel ay mautusan itong maibalik sa ofrenda (altar ng mga yumaong mahal sa buhay) ang picture niya para maalala pa rin siya ng mga mahal sa buhay at di siya tuluyang mawala sa mundo ng mga espiritu. paniniwala ng mga taga-mexico na hindi naglalaho ang mga espiritu ng mga mahal natin sa buhay na pumanaw na kapag naaalala pa rin natin sila at ipinagdarasal sa ofrenda na punompuno ng picture frames ng dead loved ones. si hector, nanghihina na, kasi ang tanging picture niya ay nasa kanya. nasa mundo ng mga espiritu. etong si miguel ang tangi niyang pag-asa dahil makakabalik ito sa natural world.
so nagtulungan ang dalawa.
finally nang matunton ni miguel si ernesto dela cruz, hindi siya nahirapan na kumbinsihin itong magkamag-anak sila. humingi siya ng blessing dito upang makabalik na siya sa natural world at ipagpatuloy ang pangarap na maging musikero. pero may natuklasan si miguel. nagkaharap kasi sina ernesto at hector. dati pala silang magkaibigan at tandem sa musical gigs. at... ang mga kanta pala ni ernesto dela cruz, ang dahilan ng kanyang pagsikat, ay puro kanta ni hector. nang magpapaalam na si hector para umuwi sa asawa at anak, nagalit si ernesto. nilason niya si hector at namatay ito, walang nakaalam sa tunay na pangyayari.
natuklasan din ni miguel na si hector ang tunay niyang lolo sa talampakan. ito pala ang may ari ng mukha ng pinunit na bahagi ng family picture ng lola coco niya.
lahat ng kanta ni hector ay kinamkam ni ernesto at pinagkakitaan ito ni ernesto. sumikat siya bilang performer, singer at actor. so nag-plagiarize na siya, nag-infringe pa! ang remember me ang kanta ni hector para sa anak na si coco.
may happy ending naman ang pelikulang ito. dahil dinala ni miguel ang kanyang mga natuklasan sa natural world, tinanggalan ng dangal ang lahat ng alaala ni ernesto dela cruz. ang munting bahay nina miguel ay nagmistulang museo bilang pag-alaala sa musikerong si hector at ang kanyang imortal na mga awit. si miguel naman, siya ang resident musician ng kanilang pamilya.
5. yesterday
directed by danny boyle. tungkol ito sa mga kanta ng beatles. medyo hindi magaganda ang reviews sa film na ito, pero ako, tuwang-tuwa. simpleng love story siya pero may pagka-magic realism/fantasy.
marami pang pelikula ang tumatalakay sa copyright issues, im sure. may mairerekomenda ba kayo sa munting listahan na ito? idagdag lang po sa comment box! salamat in advance.

Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...