Thursday, December 13, 2018

trouble at work

so itong si kim ay laging nakakontra sa aking mga desisyon, pronouncement, announcement at iba pa. kahit maliliit na bagay tulad ng kung saan kami pupuwesto para manood ng christmas party at kung saan kami pipila para sa buffet. i get so annoyed and i think what she is doing is divisive. i am doing my best to make the group intact dahil ito na nga lang ang maipagmamalaki namin sa ccp, kahit maliit kami ay walang nag-aaway, and there she goes, kontra nang kontra sa akin every step of the way.

anong ginagawa ko?

wala, i just let her be.

for the past weeks, past days, wala. cool lang ako. kako, sige, may mga punto naman siya minsan.

pero kanina, habang pinapraktis namin ang sayaw namin, na ginagaya lang namin sa youtube, sabi ko, bakit pataas ang kamay samantalang ang lyrics ng kanta ay all i want for christmas is you. sumagot siya nang pasigaw, wag ka makialam, e di ikaw gumawa ng sarili mong choreo. it was disheartening. nakakatawa, akala ko ay edukadong tao ang mga kasama ko sa trabaho hahaha!

kagabi naman, nag-treat ako dahil bday ko. we went to zark's at bumalik din sa opis agad pagkatapos. nagmamadali siya dahil nariyan na ang papa niya sa baba, sinusundo siya. sabi niya, thank you mam beb sa food, ito regalo ko sa iyo, itinapon niya sa dibdib ko ang isang fake na rosas na nakalagay sa may table ni kuya jeef. it was nearest to her when she went out. tumawa lang ako at sabi ko, hindi naman sa iyo iyan, kay mam bing iyan, e. but again, i felt annoyed and disrespected. she always did it in front of the entire division, for god's sake.

ano ba ito, nakikipag-compete ng authority? i don't understand her. she's good at work, very reliable, alam niyang kailangan na kailangan ko ang tulad niya. ano 'yan, lumaki ang ulo?

hindi ako mapagpatol, i understand immaturity when i see it. but i won't tolerate it if it causes division in our tiny office! kokontrahin niya ako to make me look stupid and the rest will side with her. what the fuck.

kaka-stress magtrabaho. kaya tamad na tamad na rin akong pumasok (bukod sa disyembre, hahaha!). diniretsa ko siya sa pm kanina. pinagsabihan ko na mali na ang ginagawa niya sa akin. at kung may problema siya sa akin, sabihin sa akin, dalawa lang kami. ang weird naman na nagtatrabaho siya sa tao na wala na siyang respeto. kung ganon, ano pang ginagawa niya sa opisina namin? hindi ba mas nakakawalang respeto sa sarili kapag hindi mo na nirerespeto ang pinaglilingkuran mo pero pinaglilingkuran mo pa rin ito?

i am not a perfect supervisor nor a manager. aminado ako riyan. actually, i am here to learn. i am trying my best to lead the division in serving the literary community. i love what i am doing, pero kung ganito namang may tinik sa lalamunan mo, parang si louise sa husay pero sakit naman sa ulo, i'd choose peace at work. sasabihan kita ng huwag na tayong magtrabaho nang magkasama, pareho natin iyang ikakasiya, i tell you.

No comments:

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...