Monday, May 22, 2017

Panayam para sa Pagsasaling Pambata

Ang Tagasalin bilang Manlilikha:

Bibliyograpiya at Panunuri ng mga Saling Pambata sa Filipino

Isang Disertasyon para sa PhD Filipino Major sa Pagsasalin

Wennielyn F. Fajilan, PhD Fil: Salin

Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas

Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman

0948-4409502/wenniefajilan@gmail.com

TALATANUNGAN PARA SA MGA TAGASALIN
Magandang araw! Pakisagutan po nang buong katapatan ang sumusunod na tanong para sa binubuong pag-aaral ukol sa pagsasaling pambata sa Filipino. Maraming Salamat!
PANGALAN: BEVERLY SIY
TRABAHO/OPISINA: SENIOR CULTURE AND ARTS OFFICER, INTERTEXTUAL DIVISION, CCP

I. Background sa Pagsasalin
1. Paano ka nabigyang-pagkakataon na magsalin ng akdang pambata?
Nagkaroon ng call ang Anvil Publishing para sa translators para sa mga nobela ni John Green. At ng iba pang nobelistang Amerikano na nagsusulat ng YA. Isa ako sa mga tumugon at nagpakita ng interes dito, kinontak ko si Mam Ani ng Anvil at sabi niya, proyekto daw ito ng National Book Store. Nagpadala ako ng sample na salin at natuwa naman sila kaya pinapili na ako ng nobela ni John Green. Pinili ko ang Paper Towns dahil magkakaroon ito ng pelikula at naisip ko na makakatulong iyon sa sales ng librong salin sa Filipino.
2. Gaano ka na katagal sa gawaing ito?
2006 pa lang ay nagsasalin na ako. Pero karamihan ay teknikal na mga akda ang isinasalin ko. Nang mabigyan ako ng pagkakataon na makapagsalin ng mga profile ng Ramon Magsaysay Awards recipients, mas nahasa akong magsalin na ang target market ay kabataan. Kasi ang target reader ng salin ng RM awardees profiles ay kabataan at guro.
3. Ano-ano ang mga preparasyong teknikal o akademiko gaya ng mga workshop, training o kurso na dinaanan mo bilang tagasalin?
Marami na akong napuntahan na mga seminar tungkol sa pagsusulat ng akdang pambata at YA, hindi ko na matandaan ang lahat. Pero mas pokus ako sa pagsusulat, hindi sa pagsasalin. Noong kolehiyo ako ay may subject akong pagsasalin. Marami akong natutuhan doon. Sa LIRA workshop (na nilahukan ko noon), may talk na tungkol lamang sa pagsasalin ng tula. May mga aklat din ako tungkol sa pagsasalin, na binasa ko maski noon pa, bago pa ako magsalin ng YA na akda.
Nitong nakaraan ay sumali ako sa Seminar sa Pagsasalin ng Komisyon sa Wikang Filipino. Batayang antas pa lamang daw iyon. Magpapatawag daw sila para sa susunod na level.
I believe, mas umuunlad ang kakayahan ko sa pamamagitan ng patuloy na pagsasalin. Hindi ako tumitigil sa pagtanggap ng mga teknikal na salin, at nagsalin din ako ng mga literary-historical na sanaysay ni Ambeth Ocampo. Para sa akin, mas mabigat ang mga iyon kaysa sa mga seminar o training o kurso.
4. Bahagi ka ba ng isang grupo ng mga manunulat o tagasalin? Ano-ano ang mga ito?
Manunulat, FILCOLS, FWGP at LIRA. Tagasalin, hindi.
5. Bukod sa pagsasalin ng akdang pambata, nagsasalin ka rin ba ng ibang uri ng panitikan o babasahin?
Oo.
6. Ano-ano ang mga ito? Aling mga wika?
Leaflet na nasa loob ng kahon ng gamot.
Biography o profile.
Sanaysay.
Rules and regulations para sa isang unyon.
Ingles patungong Filipino lamang.
7. Bahagi ng aking pananaliksik ang pagbuo ng annotated bibliyography ng mga aklat pambata na isinalin mula sa Ingles patungong Filipino. Maaari po kayang ilista ang inyong mga aklat upang mailagay sa kauna-unahang talaang ito? Pakitukoy po ang pamagat, awtor, taon ng publikasyon.
Ang Paper towns pa lang ang napa-publish. Ang salin ko ng Ambeth Ocampo book ay hindi pa inilalabas ng Anvil.
Siy, Beverly W. at Verzo II, Ronald V., Paper Towns, Salin sa Filipino ng Paper Towns ni John Green, National Book Store, Mandaluyong City, 2015.
8. Para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagsasalin?
Ang pagsasalin ay pag-unawa at pagpapahayag sa isang akda mula sa pinagmulang wika patungo sa target na wika.
9. Ano- ano mga katangian ng isang mahusay na tagasalin?
Matiyaga, masipag, mabusisi, malikhain, determinadong matapos ang pagsasalin, bukas sa kultura ng isinasalin, mahusay sa kultura ng target na wika, sensitibo sa pangangailangan ng readers
II. Karanasan sa Pagsasaling Pambata
1. Sa tingin mo, mayroon bang pagkakaiba pagsasaling pambata sa ibang gawain ng pagsasalin? Bakit?
Mayroon. Ang target audience. Siyempre, iko-consider mo ang kakayahan nilang umunawa. Factor ang edad dahil hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat age group ng mga bata.
2. Bakit kailangan ng pagsasaling pambata?
Dahil napaka-specific ng needs para dito.
Importante rin na dumami ang nagsasalin ng pambatang akda para mas marami ang makatawid na mga akda mula sa iba’t ibang kultura. Mas maraming akda na nagmumula sa ibang kultura, mas maganda. Mas nagiging tolerant ang mga reader, nagiging sensitive sila sa culture ng iba.
3. Ano ang layunin ng publikasyon na kinabilangan mo at paano nakaambag ang iyong saling pambata dito?
Sa tingin ko, isa sa mga layunin ng nobelang Paper Towns ay ang ipadama sa reader na normal ang mga isipin at usapin na tinalakay dito: halimbawa, identity crisis, pagtatapos ng high school life, kababawan ng mga tao, superficiality ng society, etc. Normal lang na pag-isipan ito ng kabataan, normal lang na malungkot siya sa kanyang mga natutuklasan. At hindi dapat tinatalikuran ang mga ito. Bagkus, dapat nga ay hinaharap ang mga iyan, sino-sort out. Tulad ng ginawa ng mga bida ng nobela.
Palagay ko, nakatulong ang salin ko sa nobelang iyan na maipakita sa mga mambabasang Pinoy na hindi naman masyadong naiiba ang issues natin sa issues ng mga teenager na Amerikano. Na mabababaw din ang mga Amerikano, mukha lang hindi hahaha!
(Sa totoo lang, isa yan sa dahilan kung bakit ako nagpasyang isalin si John Green. Gusto kong huwag nilang diyusin si John Green at napakababaw lang din minsan ng mga dialogue ng characters niya, ‘no? Andami kayang bayag-bayag doon sa original. As in betlog, betlog ganon. Sa Ingles kasi, balls at scrotum ang tawag, parang sosyal at the same time, scientific hahaha.
4. Bilang tagasalin, ano ang iyong layunin sa pagsasalin ng akdang pambata?
Maipakita na kaya ng ating wika na maging carrier ng kaisipan/insights ng ibang kultura.
Maipakita na kapag isinalin ang ilang akda, ang akda sa ibang bansa ay hindi naman pala superyor, gaya ng unang impresyon natin doon.
Maipakita sa mambabasang Filipino na napakalaki at lawak ng mundo, kailangan ay may sense din siya ng mundong ito. para di naman siya mabalagoong sa kung ano lang ang nakikita niya sa kapaligiran.
5. Ano-ano ang mga prinsipyo sa pagsasalin na naging gabay mo sa iyong pagsasaling pambata?
a. huwag isalin lahat. Sa paper towns, may eksena doon na napapansin ni Q, ang bida, ang lahat ng pisikal na bagay sa gf ng kanyang bespren. Umabot na sa punto na napakaseksuwal ng pagkaka-describe niya sa girl. Ang ginawa ko, binawasan ko iyon, ang pagka-sensual at sexual, kasi naisip ko, hindi mahalaga iyon sa pinakakuwento ng nobela. Siguro nga, manyak si Q kasi 18 yrs old guy siya at napakaganda ng gf ng kanyang bespren, pero additional na isipin lang ito for the reader. Masyado nang complicated ang sitwasyon ng mga tauhan, kaya di ko na isinama ang “pagkamanyak” ni Q. Ginawa ko itong mas tame.
Example, pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa kandungan ng girl (original)
Pag talon ni Q papasok sa van, sumubsob siya sa paanan ng girl (salin)
6. Ano-ano ang iyong karaniwang hakbang sa pagsasalin ng akdang pambata?
Basa muna ang buong nobela. At least twice (binasa ko ang Paper towns nang mga 15x before and during the translation)
I-check ang iba pang nobela ni John Green (wala lang, para lang makita ang style ng writer).
Consult with publisher. Itinatanong ko na lahat ng puwede kong itanong.
Google John Green. Check feedback of young readers all over the world about Paper Towns.
Salin. Nasa tabi ko ang mga dictionary, naka-open din ang internet ko.
Nag-i-skip ako kapag di ko maisalin ang isang word or isang line. I ask Poy to do it kung kaya niya. Kung hindi, binabalikan ko siya after na ng buong nobela.
After salin, isang pasada ko, kasama na riyan editing.
After isang pasada at editing, isa pang basa.
After isa pang basa, proofreading naman.

Then usap kami ni Poy to settle any challenging words or phrases.
Then type uli, encode lahat ng changes, print and another pasada!
I-encode ang mga iwinastong mali.
Print.
Submit.
7. Mayroon ka bang sinusunod na mga teknikal na kahingian gaya ng haba ng salin, antas ng wika at anyo ng mga pahayag? Bakit?
Wala. Hindi ko sinasanto ang haba ng pangungusap o ng talata. Isasalin ko ang isang sentence sa paraan kung paano ito sinasalita. Conversational, iyon ang sinusunod ko.
Sa idioms, ang una, hanap ng katumbas dito. Kung wala, isalin o as is tapos ilalagay na lang sa baba ng pahina ang meaning ng original na idiom.
Sa idioms, ang kinokonsulta ko ay si Poy at ang ate niya. Very familiar sila sa American lit kasi. So alam na alam nila ang mga idioms ng Americans.
8. Ano-ano ang mga hamon at balakid na naranasan mo sa iyong pagsasaling-pambata?
Idioms tulad ng sleep with the fishes. Ayon sa researc h ko, new idiom daw ito. Ang hirap, nahirapan kami sa pagsasalin nito.
Tula ni Walt Whitman, shet ang haba niyon. Ang naging solusyon ay di namin ito isinalin. Kasi dapat ibang bayad na iyon para isalin namin. At isa pa, American literature naman ang ipino-promote ng Paper Towns so let the readers feel and hear the said poem.
Sa America, importante sa kanila ang pag-aari sa isang bagay. Kaya tadtad ng salitang my ang buong nobela.
Example: She went through my window, rolled over my floor, hopped on my bed, etc. etc.
Hindi ko sinunod diyan ang sobrang paggamit ng my. Mawiwirdohan lang ang reader sa bida (siya yung nagsalita sa example ko).
9. May papel ba ang awtor sa proseso ng iyong pagsasaling pambata?
Unfortunately, hindi ko nakausap ang awtor na si John Green. Pero sobra kasi ang online presence niya. May blog siya at may videos, so parang nakakausap ko na rin siya kahit paano kasi ni-research ko siya nang maigi at binasa ang mga link na may kinalaman sa kanya at sa Paper Towns.
Kung makakausap ko siya, magtatanong ako siyempre.
Noong isinasalin ko ang libro ni Ambeth Ocampo, hindi ko kinausap si Sir Ambeth. Once lang, at thru publisher pa iyon. Na hindi rin naman nasagot ang tanong ko.
10. Bago mo ipasa ang salin sa editor, paano mo tinitimbang ang iyong salin?
Ipinapabasa ko kay Poy. Pinapasadahan namin ito nang maraming ulit. As in, mga 5. Ipinabasa naming kay EJ ang Paper Towns kasi graduating din siya nang time na iyon, katulad ng mga bida sa nobela. Gusto naming malaman kung makaka-relate ba si EJ sa mga tauhan.
Binabasa ko rin nang malakas ang salin ko para ma-check ang cadence ng mga pangungusap lalo na ang mga dialogue.
11. Bukod sa editor, mayroon pa bang ibang taong sangkot sa pagtanggap ng kaangkupan ng iyong saling pambata?
Oo, si Poy ang resident editor ko.
12. Tumatanggap ka ba ng kaparehas na bayad at royalty sa pagsasaling pambata gaya ng mga awtor at ilustrador? Hindi.
Kung hindi, ilang porsyento ang pagkakaiba ng iyong bayad?
Outright payment ang sa amin. One time payment. Walang royalty. 30k after ng submission ng lahat.
Sang-ayon ka ba sa pagkakaibang ito? Bakit?
Actually, mas malaki nga ang bayad dito, e. kasi kapag ikaw ang author ng libro mo, kikita ka lang thru royalty, ibig sabihin, hihintayin mo muna ang libro mo na mabili ng madlang pipol bago ka kumita. E, paano kung hindi ito naging mabili? Dito sa rate nila sa translators, kahit hindi pa nalalathala ang libro, may bayad na agad sa iyo. Ang problema ko lang dito ay ang usapin ng copyright. Dapat, intact ang copyright ni tagasalin at dapat ibigay ito sa kanya.

III. Mga Pananaw ukol sa Pagsasaling Pambata sa Filipino
1. Sa iyong palagay, makabuluhan bang laging isalin sa Filipino ang mga akdang Ingles na isinulat ng mga Pilipinong manunulat pambata? Bakit?
Oo, para mas malaki ang market. Parehong reader sa Ingles at reader sa Filipino.
2. Nakatutulong ba ang pagdami ng salin ng mga orihinal at muling pagsasalaysay na mga aklat pambata sa pagsusulong ng panitikang pambatang Filipino? ng wikang Filipino? Bakit?
Oo naman, kasi mas dumarami ang publikasyon o edisyon ng iisang materyal. Mas marami din ang subjects (English at Filipino) na puwedeng paggamitan ng akda kung may salin ito. Kapag mas maraming reader, mas marami ang posibleng maging manunulat balang araw. Kumbaga, parang investment itong pagpaparami natin ngayon ng publikasyon o libro. At kapag marami ang manunulat sa isang lipunan, mas malaki ang tsansa na makagawa ng matataas pang kalidad na mga akdang pambata para sa Pinoy.

Tungkol sa wikang Filipino, siyempre, dapat may balance din. Dapat ang mga akda sa Ingles, isinasalin din sa Filipino. Ang mga akda sa ibang rehiyon, isinasalin din sa Filipino. Nakakatulong ito sa pagsulong ng wikang Filipino dahil nagiging tulay ang wika para makakilala tayo ng iba’t ibang kultura. At dahil nagiging tulay ito, nakikita ng reader ang halaga nito. Hopefully, magiging kaisa ang reader sa pagtataguyod ng wikang Filipino. Siyempre, mas exposed ka sa isang wika, mas likely na gamitin mo ito at mahalin mo ito.
Isa pa, ang bata, kapag exposed sa isang wika, natututo siyang mag-experiment gamit ang wikang ito. So nagiging kakambal ng haraya niya ang nasabing wika. So sana ay ganito ang mangyari sa wikang Filipino kasabay ng pagdami ng mga publikasyong nagtatampok ng salin, para sa kabataang Filipino.
3. Ano ang palagay mo sa di paglalagay ng pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at kahit sa copyright page ng mga aklat pambata?
Mali iyan, kasi ang salin (lalo na ang akdang pampanitikan) ay isang creative expression. May karapatan ang tagapagsalin sa kanyang salin, may karapatan siyang makilala bilang tagasalin dahil creative expression niya ito. So... dapat ilagay ang pangalan ng tagasalin sa mga pabalat at sa copyright page. Maaaring naipagbenta na niya ang economic rights niya so wala na siyang karapatan na kumita mula sa kanyang salin pero ang moral rights (isa roon ay ang makilala bilang tagapagsalin) ay forever! At dapat nire-reflect ng copyright page ito!
4. Naniniwala ka ba sa palagay ng ilang kritiko na kapag sinusuri ang isang salin, dapat bigyang-pansin ang papel ng tagasalin lalo na sa mga akdang pambata? Bakit?
Yes! Kasi inuunawa ang akdang pambata batay sa salin. Ibig sabihin, may sining din at likot ng imahinasyon ng tagasalin ang mahahalo sa salin. Kailangang i-acknowledge ito: ang sining at talino ng tagasalin na mababakas sa salin.
Maganda rin na tingnan ang background ng tagasalin. Kasi nakakaapekto rin ito sa pagsasalin niya. Ako, halimbawa, mulat ako sa karapatan ng kababaihan. Doon sa ibinigay kong halimbawa tungkol sa pagka “manyak” ni Q... Kaya hindi ko na isinama sa isinasalin ko ang very subtle na pagkamangha ni Q sa mga bahagi ng katawan ng gf ng kanyang bespren kasi hindi naman importante sa buong nobela at palagay ko, mas nakakasama pa ito sa images ng babae na ipino-portray sa panitikan.

5. Kung magkakaroon ng isang samahan para sa mga tagasaling pambata, bukas ka bang maging bahagi nito? Ano-ano ang tingin mong nararapat na unahing proyekto ng mga ganitong uri ng inisyatiba?
Oo!
Kung may mga akdang pambata ang mga national artist for literature natin, iyon ang unahin. Kasi iilan pa lang ang National Artist natin na nagsusulat sa wikang Filipino. Karamihan pa rin sa mga NA for Literature ay nagsulat sa Ingles. Ito ay isang baul ng kayamanan na dapat nating tuklasin at ibahagi sa marami.

Magkaroon ng sarbey tungkol sa pagbibigay ng rates, para Makita natin ang minimum at maximum amount ng kapwa natin tagapagsalin.
Magdaos ng mga seminar, workshop, at events tungkol sa karapatan. Unahin ang karapatan. Overflowing na tayo sa talento, huwag na muna iyan ang unahin.
Maglabas ng best practices.
Maglabas ng guidelines para sa mga publisher. Tungkol ito sa pakikipag-transact with translators ng mga akdang pambata. Kasama sa guidelines ang paglalagay ng pangalan ng translator sa cover at copyright page ng book, and at least one compli copy, etc.
Establish network with other publishing professionals, and govt agencies such as NBDB, KWF, CCP Intertextual Division, NCCA, IPOPHL Copyright Bureau, DepEd, CHED, etc.
Establish ties with ASEAN counterparts para mas dumami pa ang mga akda mula sa mga bansang ito sa wikang Filipino.
6. Sa pangkalahatan, may pangangailangan para sa propesyonalisasyon ng pagsasalin sa bansa, ano ang tingin mong maiaambag ng pagsasaling pambata para sa pagsusulong nito?

Dahil sa particular na pagsasalin na ito, mabibigyang-pokus ang mga pangangailangan sa at ng mga tagapagsalin ng akdang pambata.

Mas magiging sensitive ang mga tagasalin sa particular market na ito: ang mga bata. Mas magiging specific ang pagtugon sa mga pangangailangan nito.

Mapapayaman nito ang mga koleksiyon at library ng mga pagsasalin. Kumbaga, ma-expand ang repertoire, pati pambata ay kasama na.

Makakatulong ito para makapag-forge ng network ng writers ng children’s literature at ng mga tagasalin.




7. Ano pa ang inyong ibang mga obserbasyon at karanasan ukol sa pagsasaling pambata na maaari mong maibahagi?
Bata pa ito, sana ay makatulong ang lahat sa pagsusulong nito. Sana ay bigyan din ito ng puwang sa mga liteary, creative writing and translation conferences, workshops at iba pang venue.

Friday, May 19, 2017

Mula sa mambabasang si Sharmaine Baldrez

Pagtapos na pagtapos ko mabasa nang buo ang 'It's raining mens', sabi ko kailangan ko mailabas ang 'feels' ko ukol dito as soon as possible kasi hindi na naman ako nito makakatulog at isa pa, kailangang madaliin dahil baka makalimutan ko yung mga gusto kong sabihin. But I doubt I'll ever forget this feeling.
Also, this one's long. Maybe too much but I hope you'd read this ma'am.

Okay, so nasa NBS kami noon ng kaklase ko para mamili ng gagamitin sa project nang pinauna ko na siya dahil parang magnet na inakit ako ng mga libro sa bukana pa lang. At isa pa, mas trip kong magbasa ng mag-isa dahil nalulunod ako habang ginagawa iyon. Ayokong maistorbo.

Dumeretso ako sa hanay ng Phil Lit. Bumubuklat ng random na pahina sa random na libro. Naghahanap ng pupukaw sa interes ko.

Hanggang sa madako ang tingin ko sa librong may titulo na 'It's A Mens World'. Naintriga ako. Napataas din ang kilay. Marubdob kong isinusulong ang gender equality. Feminist din ako in some ways. At naalala ko rin dito ang libro ni Lualhati Bautista na 'Dekada '70'. Kaya binasa ko. Unang kabanata lang. Natawa ako. "May something," sabi ko. May sequel din ito. Binuklat ko iyong sequel. Hindi ko binasa. More like scan lang. Nang may mahagip ang mata ko. EHEADS. Binuklat ko ulit. Kailangan ko iyong mabasa. Eraserheads ang pinakapaborito kong banda. As in. Ultramega. Kahit na di ko 'to naabutan at wala pa ako sa mundo nang una silang sumikat. Kahit na 2 years old pa lang ako, disbanded na sila. Yung feeling na nakita mo yung keyword na tumutukoy sa idolo mo? Hindi ka mapapakali hanggat hindi mo nalalaman ang nilalaman niyon.

At nang nahanap ko na, binasa ko siyempre. Dalawang bagay matapos kong basahin. Una, nainggit ako kasi hindi ko naabutan yung documentary ng i-witness. Feeling ko, nasayang kalahati ng buhay ko. Pangalawa, natutuwa. Dahil hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito. Yung kakaibang dulot ng kanta nila. Nostalgic. Di maipaliwanag at alam ko pong ito ay naiitindihan ninyo.

Pero wala akong pera. Nagmental note ako sa sarili na dapat mabili ko iyon. Tinanong ko rin kay Papa kung saan yung 70s Bistro. At nang magkaroon ng time, pumunta ako doon. Malapit lang naman samin ang Anonas. Pero sa labas lang ako. Di naman ata pwede minor sa loob diba? Tuwang-tuwa ako ewan ko ba. Nalulungkot din at the same time kasi di ko naabutan ang Eheads. Pero tulad ng sinabi mo, hindi sila kukupas at maluluma. Tulad mo, nakatatak na sa puso ko ang kanilang mga awitin, at sila mismo.

Kaya heto rin ako, gusto na ring sumama.
*cue Alapaap*.

Anywaaays, after a month, may nakilala akong friend from the internet. Birthday ko nun at nagbiro ako na gusto kong makatanggap ng libro as a gift. Pero sineryoso niya. Tinanong niya ako kung ano raw gusto ko. Unang pumasok sa isip ko, yung akda niyo po. So ayun, pinadala niya sa bahay ng kapitbahay. (Lol ayoko magbigay ng address ko buti na lang pumayag yung kapitbahay na sila magreceive since lilipat na rin naman sila).

Ayun, laking pasasalamat ko sa kanya dahil nagkaroon ako nito. Estudyante pa lang po kasi ako kaya hindi ko mabili sa sarili ko*sigh*.

Sobrang excited na akong basahin pero hinintay kong magbakasyon. Gusto ko pag binasa ko, walang interruption.

Aaaand, andito na nga po ako sa point na ito kung saan tapos ko na siyang basahin physically. But emotionally? Never.

May pagkaSPG pala ito. Tipong bawal sa 16 pababa. Pero malawak naman ata pang unawa ko kaya ayos lang. Di pa ako nagkakaboypren pero nasaktan ako nang husto sa Rabbit Love at Birhen. Para akong naaliw sa bawat non-fiction mong isinasalaysay. Kung papaanong ang sapin sa paa ay naiugnay sa buhay at lablayp(?), napahalakhak sa Upa, na-touch sa Tanghaling Tapat at Thing to Do, nagising sa Sizzling Sisid, Hikaw at Ako, naloko ng Proposal at naiyak sa Silent Movie at A Love Story.

Nakakatuwa ring isipin na pareho tayong nahuhumaling sa wika at mga salita. Nagkaroon rin ng ideya kung sino si Alvin at gaano kahalaga ang parte ni Poy. Natawa ako dun sa 'maraming salamat po(y)'. Kileg :">

Marami pa akong gustong sabihin. At alam kong di pa rin magiging sapat no matter what. Ang precious lang ng librong ito.

Maraming maraming salamat po dahil isinulat niyo ito. Ibinahagi ang inyong buhay at mga paniniwala na kinapulutan ko ng aral. Feels!! As in feels talaga. I loved it. Sa ngayon, nag iipon ako ng para may pambili ng iba pa ninyong akda.

Salamat po ulit. More power. God bless. Thank you for reading.

Thank you rin sa liham na ito na nakakapag-init ng puso! Salamat, Sharmaine, I hope to meet you in person.


Ang liham na ito ay ipinost sa blog nang may permiso mula kay Sharmaine.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...