Saturday, August 25, 2012

Mula sa kapwa manunulat

Hindi pa ako tapos, pero ang dami ko nang tawa. Parang baliw matalik na kaibigan lang si Miss Bebang na nagki-kwento sa iyo ng mga kakaibang karanasan niya: noong naunang magka-regla sa kanya ang kanyang nakababatang kapatid (“It’s a Mens World”), noong “kinidnap” siya ng sariling ama (“Ang Lugaw, Bow”), noong akalain ng kanyang mga kamag-anak na nasugatan niya ang pekpek niya (“Hiwa”). Oo, pekpek. Diretsong magkwento si Bebang (o di ba parang close na kami). Walang hiya-hiya. Marami akong naalala habang binabasa ang mga sanaysay niya. Tulad niya, hindi rin kami mayaman. Pero hindi siya nagsusulat ng poverty porn (siguro medyo porn lang hehe). May kaunting muni-muni, kaunting hindsight, pero sa huli, gusto lang niya sabihin sa iyo ang naramdaman nya noong nangyari ang mga pangyayari. Ganun naman yun e; kapag bata ka, hindi mo naman maiisip na kawawa ka. Maiintindihan mo na mahirap kayo, oo, pero masaya ka pa rin. Na para bang lahat e laru-laro lang. -Eliza Victoria, author, A Bottle of Storm Clouds Reposted with permission from Miss Eliza.

Tuesday, August 21, 2012

mula kay Peter Sandico ng Filipino Readers Conference Organizing Committee

Wala, wala na yata kaming masasabing iba pa tungkol sa antholohiya ng mga sanaysay ni Bebang Siy. Lahat na yata nasabi na ng sangkatauhan tungkol sa It's a Mens World—literally madugo (magsimula ka ba naman sa kwento tungkol sa mens), impormal (Taglish kung Taglish, walang pake si Ms Bebang), patawa (hindi mo nga alam kung seryoso pa ba sya or jumo-joke na naman, ewan, nakakaloka).

Pero nahihirapan na ako sa derechong Filipino. Magpapakatotoo na ako at mag-swi-switch na ako sa English. Parang Sprite lang at tumo-Toni Gonzaga lang ako. But instead of “I love you Papa P,” ang isisigaw ko ay, “I love you, Bebang Siy!”

It was never an easy task to pick from the three nominated books, but there's one thing that Siy's book did to us judges. We were all disarmed by the author's unapologetic honesty, superb wit, and unconstrained humor. Siy's writing is very fresh and unpretentious, ranging from the mundane to the profane, and her narrative style pleasantly unpredictable. Here's a woman who seems to lead a very uninteresting life, but one who's managed to make the reader empathize with her by writing scenes from her childhood, her relationships, and her eventual maturity as a woman. One word—award.

Si Peter ay isa sa mga judge ng Filipino Readers Choice Essay Category. Ni-repost ito nang may permission mula sa kanya.

Maraming salamat, Peter, at sa buong team ng Filipino Readers Conference. Sama-sama tayong magparami ng ating uri! Uring mambabasa, yahoo!

Tuesday, August 14, 2012

Owmaygawd, ang gawn!

May gawn na ako. yehes. Rhett Eala lang naman. around 50k. 50k lang naman. sikat.

hiram lang ito, friends, ano bah? ako pa? josko, wala nga akong damit na higit sa isandaang piso, e. at baka hanggang sa huling hininga ko, suot-suot ko ang gawn na ito kung ako nga ang bumili niyan. para lang masulit ba.

at dahil hindi nga ako ang bumili, hindi ko siya susuotin from now and forever till the day i die.

ipapahiram lang sa akin ang damit na ito. ng aking boss.

ay teka, yung babaeng boss ko ang tinutukoy ko dito. although kaka-google ko gumagawa rin ng men's barong si rhett eala, hindi barong ang susuotin ko. gawn nga talaga. as in yung strapless gawn, simpleng simple, puting puti, may trail, short and sweet.

bilang kapalit ng pagpapahiram sa akin ng gawn ay dinigitize ni poy ang lahat ng wedding photos ng aking boss. 900 plus lahat ng photos. at mahirap 'yon, ilang araw niyang ginawa 'yon. nagkakulani na nga siya sa kilikili kakabuhat ng camera. at nangapal na ang dulo ng hintuturo niya kaka-click. at napapapikit ang isa niyang mata nang mag-isa kahit hindi siya sumisilip sa lens ng camera. so basically, he paid for my gawn. 50k. all in all. puwede na. puwede ko na talagang pakasalan ang lalaking 'to.

barong na lang ang kulang.

ngayon, friends, me kakilala ba kayong may maganda, maayos, malinis na barong na puwedeng hiramin pangkasal? puwedeng-puwede akong maghugas ng plato. puwede rin akong maglaba. isanlinggo, sige, game. ano? ayaw? wala? okay, idagdag natin, puwede akong mag-isis ng sahig. puwede rin akong maghinguto ng aso o ng pusa. persian ba? kakasa 'to. e ano kung trilyon-trilyon ang balahibo?

o eto email ko: beverlysiy@gmail.com
eto naman cell ko 0919-3175708

and if you pick up your phone and dial right now, you will get a freebie. the best freebie, putsa. eto, eto, eto naaaaa: ipagluluto ko kayo.

'yan talaga ang pinakamasarap na promo. i cannot assure you though na hindi sasakit ang lahat ng internal organs na bahagi ng digestive system n'yo. so far, pati hotdog kasi nagtututong sa style of cooking ko.

o di ba, handang-handa lang sa pag-aasawa?





rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...