Monday, November 20, 2023

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

 Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay.

Ito ay recently kong naengkuwentro.
Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers workshop para sa mga guro. Maganda ang kanyang akda at stand out dahil kakaiba ang format at estilo. Kunwari, ang estilo ay police report. Sa lahat ng akda sa workshop na iyon, sa kanya lang ang police report ang format. Bigyan natin ng kunwaring title ang kanyang work: Naka-file na Police Report.
A few months after the workshop, inimbitahan siya ng isang online newspaper sa kanilang lalawigan na mag-ambag ng akda. Binigyan siya ng link. Pag-open niya ng link, ang bumungad sa kanya ay isa pang link para sa akdang ang pamagat ay Naka-file na Police Report.
Na-curious siya.
Binuksan niya ang link at binasa ang akda.
Iba ang content ng akda. Pero ang title, format at estilo ay katulad ng kanyang akda.
Tiningnan niya ngayon kung sino ang writer.
Ek, ka-fellow niya sa writers workshop para sa mga guro!
Pina-check niya sa akin ang dalawang akda. Confeeermed. Magkaiba nga talaga. Pero tama siya, title format at estilo ay katulad ng sa kanya.
Paano ba ito, hindi naman plagiarism? Hindi siya copyright kasi ang format, title at style ay hindi naman naka-copright.
Ano ba kako ang gusto mong mangyari?
Sumulat na daw siya sa organizer ng workshop. Walang reply.
Kako, baka di rin nila alam ang gagawin, kasi kakaiba ito. Wala namang violation ng copyright.
Sabi ni Kyla, ayoko lang na ulitin ito ni co-fellow. Ayoko ring mangyari pa ito sa iba. Kaya kailangan talaga siyang kausapin.
Oo nga. Sang-ayon ako sa naisip ni Kyla.
At isa pa, dapat malaman ni co-fellow na hindi man niya ginaya o kinopya ang content at eksaktong mga salita ni Kyla, dapat nagpaalam man lang siya kay Kyla. Lalo na at magkasama naman sila sa workshop! O kaya ay binigyan niya ng recognition ang akda ni Kyla sa kanyang akda.
Ang mangyayari kasi, kapag si Kyla na ang naglabas o nagpalathala ng akda niyang pinamagatang Naka-file na Police Report, si Kyla ngayon ang magmumukhang walang originality.
Kasi nauna nang ilabas ni co-fellow ang akda niya na nakita lang naman niya kay Kyla through the past workshop.
Sa mundo ng creative writing, napakaimportante pa naman ng originality. Madalas ay iyan ang reason kung bakit napipili over others ang akda ng isang writer.
Sinulatan ni Kyla si co-fellow.
Mabuti naman at madaling kausap. Nag-sorry ito, tinanggal niya sa FB ang akda, sinulatan din ni co-fellow ang local newspaper na naglathala ng akda, at pina-take down niya ang sariling akda.
Happy si Kyla. Mukhang co-fellow learned his/her lesson well.
Hindi ito usapin ng copyright, palagay ko ito ay ethics sa malikhaing pagsulat.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...