Sunday, October 31, 2021

Interbyu ni Abigail Jashael Bagabaldo

1. Can you state your name, who you are, and your nature of profession?

Ako si Beverly Wico Siy, isang nanay na manunulat, copyright advocate at full time government employee.

2. What are your ideas or stand about women's rights and health?

Palagay ko, dapat ang gumagawa ng mga batas at polisiya tungkol sa karapatan at kalusugan ng babae ay mga babae mula sa sari-saring kultura ng Pilipinas, edad at social status. 

Walang say dapat ang mga lalaki rito. Kahit sila ay doktor. Pagsalitain ang babaeng doktor kung kailangan ang opinyon ng doktor. 

Dapat din, libre ang check up ng mga babae, lalo na ang mga buntis at senior citizen.

Dapat din, hindi pulis ang nagha-handle ng mga reklamo patungkol sa abuse dahil marami sa mga pulis ay abusado sa power. This kind of police will never understand the POV of abuse survivors. They will always blame the women. And abuse is always about power. 

3. Do you consider women in Philippines having full equality with men? Why or why not?

No, not full equality hanggang ngayon. Hangga't may insidente ng gahasa at abuso sa kababaihan ang isang lipunan, walang equality sa lipunan na iyon. 

Totoong marami na tayong mga achievement at natutupad na pangarap dito sa ating bansa, ngunit hindi ibig sabihin niyon ay even na ang playing field. Kaya tayo may naa-achieve ay dahil doble ang kayod natin at pagpupunyagi. Ang ating lipunan ngayon ay mas friendly pa rin sa mga lalaki, mas open sa lalaki, sa mga trabaho, opportunity at matataas na posisyon. Dahil ang mga nagde-decide kung sino ang magha-hire sa kanila, ang magbibigay ng opportunity at magluluklok sa kanila sa matataas na posisyon ay dominated pa rin by men. 

Kaya malaking bagay na dumami ang babae na may executive powers at positions.

4. What issues relating to women's health and human rights do you  consider important? Are these evident in your country? Or is it lacking?

Some women can answer the number 4 questions better than I can. Kaya sasagutin ko na lamang ito nang batay sa aking kinabibilangan na sector: ang arts and culture community sa PIlipinas.

I think the people with power and authority in this community must consider the women's nature, life cycle and biological clock when they decide about policy making, grants, awards. Sa CCP, may parangal kami na para sa mga visual artist at may limit sa edad ang puwedeng parangalan. I find this unfair to women visual artists especially those who chose to become mothers. Opkors, mahihinto ang artmaking nila at magiging second priority ito kapag pinili nilang magbuntis at manganak at magpalaki ng bata. Posibleng mabalikan nila ang kanilang sining kapag malaki na ang kanilang mga anak. At malamang ay may edad na sila by that time, 40s, 50s, at lalagpasan na sila ng award ng CCP dahil hindi na sila qualified sa edad. 

Kaya sobrang kaunti ang babaeng napaparangalan ng gawad na ito. Kaunti na nga ang babaeng visual artist, lalo pang kakaunti ang magka-qualify para sa parangal. Napupunta sa lalaki ang  oportunidad na maparangalan. Kahit na napakaraming babae ang napakahusay sa visual arts.

Sa larangan naman ng panitikan, napansin ko na kapag ang babae ay nagsusulat tungkol sa kanyang pagkababae, sa dugo, sa regla, sa mga panganganak, ito ay hindi masyadong pinapansin at pinahahalagahan. Diary lamang iyan, journal lamang. 

Dahil ... ano nga ba naman ang bago, hindi ba? Every day occurence! Napakakaraniwan.

At isa pa, parang nakakadiri ang mga bagay na ito. 

Pero ang nakakapagtaka, kapag ang lalaki, nagsulat ng nobela tungkol sa patayan o kaya sa madugong digmaan, kaliwa't kanan na pagkitil ng buhay, ang taas ng tingin sa kanya, automatic na ito ay panitikan, at mataas na uri.

Bakit ganern?

5. Have you ever been discriminated against because of your gender?

Oo naman. 

A few years ago, tinawagan ako ng isang government agency to be an intellectual property advocate from the publishing industry. I immediately said yes and I was happy to be one. Excited na excited ako. I was asked to give a date for a photoshoot. I didn't reply right away because I was pregnant with Dagat and I had to check the dates that I had no doctor's appointment. Nang sabihin kong buntis ako, parang nagulat ang kausap ko. The person was really really nice and careful with words, pero naramdaman ko rin na that person was ready to give up on me and cancel the invitation. Siguro naisip niya, baka mapaano pa ako sa photoshoot. Totoo naman. At siguro naisip din niya na baka ma-hassle din sila. 

Sabi ko na lang, naipapamana ang copyright. I can be your poster girl for that. I will come up with taglines that you can use for the promotional materials. I think that convinced the person to continue the coordination with me. So, in 2015, I became one of the IP and book ambassadors of the country. I was the only female ambassador in our batch. Kasabay kong nahirang sina Kenneth Cobonpue, Bob Ong, National Artist for Literature Virgilio Almario and if I remember it right, si Noel Cabangon.

But as I said earlier, women have to work harder than men. 

This situation is a good example. I am sure the rest of the men did not have to offer the organizers copyright  and IP taglines for the promotional materials to be considered for the position. 

6. What advice would you have for young women growing up in the Philippines in this period of time?

Don't lose hope. 

Tayo ang pag-asa. 

As long as we are willing to fight for our rights, there will always be hope. Be ready also for a long ride. Malayong-malayo pa tayo sa tunay na maayos at disenteng lipunan para sa ating mga babaeng anak at apo, but we have allies, friends, families to travel to that destination. So, get up, put that lipstick on, let's enjoy the fucking ride.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...