Inaatake na naman ako ng lungkot.
Medyo ikinatuwa ko naman sa aking sarili na na-identify ko agad siya. At naisip ko, regular pala talaga itong darating. Parang may season o buwan o linggo na magpaparamdam ito sa akin.
Nauumay ako sa aking ginagawa. I don't give my best na sa current projects namin. Sa iba ko pang ginagawa at sa pamilya. Parang laging secondary energy lang ang ine-exert ko. Ang dami ko kasing ginagawa talaga. Ang tendency ko ngayon ay lalong mag-aksaya ng oras. Parang I refuse to get things done. Ang weird, ano?
Then I suddenly realized kung ano siya.
Kalungkutan.
Same thing na umaatake sa akin from time to time. Yes, kalaban itey. Kalaban na predictable, so bentahe sa akin ang nature niya. Matutukoy ko ano ang mga puwede kong gawin. At mauutusan ko ang isip na ilihis ang tuon sa nananaig na damdamin.
I have to do something new. Iyan ang gamot ko sa sakit na ito.
Lately, naglalaro ako sa cellphone ko. As of now, nasa stage 300 something na ako. Ang goal ng laro ay mapagsama-sama sa isang test tube ang magkakakulay na liquid.
Nagbebenta rin ako ng mga gamit sa Facebook Marketplace. Mga gamit nina Dagat at Ayin, laruan, costume, damit, libro, punda. Nakatatlong benta na ako. So far, so good. Maayos ka-deal ang mga utaw. Dalawang Imus, isang Caloocan. Mga mudrakels like me. Nakabenta rin ako ng ilang gamit kay Incha. Ibinenta niya sa Mindoro. Ang key pala sa FB Marketplace ay basta i-post mo lang kung ano ang ibinebenta mo. Huwag umasang mabebenta agad. O may sale ka agad. Ang importante, active ang post mo. Isang araw, may magpi-PM na lang sa iyo. Iyon na.
Nagde-declutter na kasi ako ng mga gamit dito. Sikip na sikip na ako sa bahay na ito. Nasusuka na ako sa dami ng gamit. Nasusuka na ako sa saradong mga pinto at bintana.
Sabik akong lumabas. Although purposeful ang lagi kong paglabas. Kung walang tiyak na pupuntahan ay sa bahay lang talaga ako, nag-iisip ng dahilan para lumabas, hahaha!
Gusto ko uli mamasyal. Saan kaya magandang magpunta? Sayang at di ko mabitbit ang mga bata.
Bukas, maglalakad-lakad ako. Baka subukan kong magbisikleta sa Roxas Boulevard. May libreng bisikleta doon. Loaded nga lang ako. Biyaheng Panulat sa buong umaga, tanghalian sa opisina. Pero libre ako sa hapon.
Nagkyutiks ako kahapon, kamay at paa. Naglinis ako ng cupboard kahapon. Nagpunas ako ng mga cabinet ni Papa P kanina. Saka kaunting hagdan. Nag-jumping rope ako. Ang hirap naman. Ang ikli ng jumping rope.
Gusto ko pala ang routine na kape ako sa umaga.
Natatawa ako sa kabalintunaan ng aking sitwasyon. I married Poy for who he is. Consistent. Very stable ang damdamin. Priority ako at ang pamilya namin. Hindi nagbago.
E, iyon din ang reklamo ko. Ako, hindi rin naman nagbago. I always want something new. I am always spontaneous. Biglaan ang mga bagay-bagay. Buhay ako kapag ganyan. Feeling ko kasi, lagi akong pinapaboran ng langit. Kapag nagpaplano, mas lalong di nangyayari o may pangit na ending.
So, paano kaya ito? Baka ikamatay ko ito, a? Hahaha! Putcha. Ang weird, ano?
Nagtitingin pa rin ako ng sasakyan: Jhun Dominguez, MRZ Trading, 888 Cars, Sir Bags, NGT Trading, PS Bank repo, Security Bank repo. Pero ang reality, hindi ako makakabili. Dahil takot ako sa utang at wala akong sapat na cash para makabili ng sasakyan, kahit man lang ng 2nd hand. Isa pa, na-realize ko, lahat ng sasakyan ngayon, garahe lang. Minimal na talaga ang biyahe-biyahe. So, bakit ako bibili ng sasakyan namin ngayon, di ba?
Isip ko ay inegosyo. But I already know what will happen to me. This will take me away from my kids. Tiyak na lagi akong wala sa bahay! Hahaha! Baka naghahatid ng goods, nagbebenta, etc.
Pero kailangan talaga akong magkaroon ng bagong danas.
Either sasakyan or property! O kaya magbenta ako ng mga ganyan. Maiba lang ba.
Sa sobrang buryong ko, piniem ko na si Vins. Kako ay ituloy na namin ang stock market 101 talk ko. Nag iisip pa ako ng pamagat ngayon.
I will be really busy na pala. Setyembre na. Kailangan na naming maghanda for Performatura!
Ano ba iyan? Iniisip ko pa lang ay napapagod na ako.
Paalam!