Monday, March 29, 2021

curfew sa bacoor

 Di ko gets ang curfew implementation, lalo na rito sa Bacoor.

6am to 5pm lang puwedeng lumabas ang mga tao.
(At isang tao lang ang puwedeng lumabas kada bahay.)
So, kung...
1. essential worker ka sa Maynila, before 3 pm ay pauuwiin ka na para 5pm ay nasa bahay ka?
2. essential worker ka sa Maynila at 5pm ang out mo sa trabaho, mga 7pm ka nasa Cavite. Lampas curfew na. Sisitahin ka ba ng pulis? So, magkakausap pa kayo? May point of contact pa, ganon?
3. number 1 ang sitwasyon mo, bawas sahod iyan. Undertime. Mapapagkasya mo ba ang nabawasan mong kita sa gastusin ngayon? Kung hindi, ano ang itutulong sa iyo ng gobyerno? Wala? Bakit wala? Di ba, dapat meron kasi sila ang nag-utos ng mga limitadong oras at galaw sa Cavite, Maynila at iba pang bubble-bubble?
4. wala ka nang masakyan pauwi, at past 5pm na, kakausapin ka rin ng pulis? Point of contact din? Veerus spreader moment na naman?
5. nag-iisa na lang ang bus pauwi ng Cavite, sasakay ka pa rin ba kahit siksikan na ito? Ibubuwis mo buhay mo makauwi lang kasi nilimitahan na naman ng gobyerno ang mga dyip, bus, at van?
6. wala ka talagang pasok dahil sarado ang work place mo, saan ka kukuha ng pangkain? Magbibigay ba ng ayuda in the form of food o pera ang gobyerno? Kung oo, kailan at paano? Magbabahay-bahay ba sila? Araw-araw bang isa-swab test ang mga mamimigay ng ayuda?
'Apakakomplikado ng buhay, dumagdag pa ang veerus na ito. Sangtaon na nating iniinda.
Tapos pahirap pa mga patakaran ng gobyerno, na anlabo-labo naman ng implementasyon.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...