Monday, May 18, 2020

Sampung Bagay tungkol sa Pagiging Nanay (Sanaysay)

 

Sampung Bagay tungkol sa Pagiging Nanay

ni Beverly W. Siy

Ang hirap ng may maliliit na anak. 41 years old na ako, ang hirap. Physically, mentally, emotionally draining.

1. Iyong gusto mong makipaglaro sa kanila, pero may trabaho ka, and at the same time...

2. mas gusto mo palang magtrabaho na lang kaysa makipaglaro sa kanila.

3. Nakakaubos ng enerhiya ang presensiya ng mga bata, kapag kasama mo sila nang buong araw.

4. Matanda na ako para dito, ako lang ito. Masaya lang sa pictures, pero physically exhausting.

5. Pag nakatanga lang ang mga anak mo, nakaka-guilty na may ginagawa kang iba habang sila ay nakatanga. Kahit para sa trabaho o para sa sarili naman ang ginagawa mo. Ang sakit sa ulo at dibdib.

6. Pag katabi ko si Dagat, at tahimik siya, wala akong masabi. Kinukuha ko ang cellphone ko para mag-Facebook. Ampota, anong uri ako ng nanay? Nabagot sa sariling anak na autistic? Tanginang nanay iyan.

7. Pag katabi ko si Dagat, tapos para siyang bulate sa pagkilos-kilos, biglang tutuwad, magha-half tumbling, wala na naman akong masabi. Walang lumalabas sa bibig ko.

8. Alam kong mahalaga ang pakikipag-usap sa bata, normal man ang bata o hindi. Napanood ko ito sa mga video tungkol sa speech and children development, nabasa ko sa mga article. Oo, nag aaral ako tungkol sa kondisyon ng anak kong si Dagat. But does that make me a better parent? Sa tingin ko, hindi. Kasi nagbababad ako sa cellphone ko! Mas gusto ko iyon kaysa makipag-interact kina Dagat at Ayin.

Kaya, lately, inumpisahan kong bilangin ang mga pagkakataon na nakikipag-usap ako kay Dagat. Mali. Inumpisahan kong bilangin ang mga pangungusap na sinasabi ko sa kanya. Sumagot man siya o hindi. So, dati, dalawang pangungusap sa isang araw. Ngayong lockdown, tatlong pangungusap na sa isang araw. Tapos naisip ko, kasama nga nila ako buong araw, pero iniiwasan ko sila! Para sa sarili kong katinuan!

9. May naisip akong tip sa pagiging magulang ng maliliit na bata. Ito ay para sa full-time employees din. Sa opis ka man nagtatrabaho o sa bahay.

Tawagin natin itong sachet parenting.

As in, sachet ng shampoo. Kontian mo lang. Gano’n. Retail tayo. Para di ka maloka.

Kung nag-effort kang maghanda ng gawain ng bata para sa isang maghapon, tapos ginawa nga iyon ng mga bata for about 20 seconds, tapos ayaw na nila, don't explode. Ibaba mo kutsilyo. 'Wag saksakin ang sarili o ang mga bata.

E, gano’n talaga.

Kaya, huwag ka nang mag-effort.

Kung ano ang nandiyan, gamitin mo. Iyon na iyon. Mag-improvise ka ng gagawin ng mga bata gamit ang mga bagay na abot-kamay mo ngayon.

At huwag kang umasa na maaaliw sila for hours.

Fake news ang mga laruan o activity na nagsasabing "kids will be entertained for hours!" Scam 'yan.

Pag nanawa sila sa isang bagay, move sa next, isip uli ng iba. Sachet-sachet ng laro. Sachet ng time with them. Balikan mo ang tinatrabaho mo nang saglit. Tapos balik ka uli sa mga bata.

Ngayon, sachet of a good mama ka, mamaya sachet of a bad mama ka, pero good employee. Mamayang gabi, sachet ka ng good volunteer. Bukas nang madaling araw, sachet ka ng good daughter sa sarili mong nanay. sa tanghali, sachet ka ng good mama uli sa mga anak mo. Sachet ka ng good wife o co-parent sa iyong asawa. Then a few minutes later, sachet ka uli ng good officer of a writers organization.

Huwag mong abusuhin ang sarili mo.

Lalo na ngayon, may nababalitaan ka nang mga kaanak at kaibigan na nagpopositibo sa COVID, nabalitaan mo rin na namatay ang isang recipient ng relief goods na inasikaso mo sa Visayas. Aksidente daw.

Sachet ka na rin tumanggap ng balita sa inefficient at nakakalitong national government. Do not internalize. Bukas kasi, may bago na naman silang patakaran.

Ang hirap maging magulang sa panahon ngayon.

Kaya iyong mga walang anak diyan, o walang mabigat na responsibilidad na kagaya ng anak, i-maximize n'yo ang oras n'yo! Gawin n'yo na ang lahat ng gusto n'yo.

10. Because parenting may make you feel fulfilled. But it may also slow, slow, slow you down.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...