Friday, August 19, 2011
Magkakaroon ka na! Yey!
Nagnakaw ka ba noong bata ka pa? Naranasan mo na bang makidnap ng sarili mong magulang? Naranasan mo ba ang maging pingpong dahil sa pasaway mong nanay at tatay? Nainggit ka ba sa mga pinsan mo noong kabataan ninyo? Minsan ba, na-feel mong alien ka sa piling ng kamag-anak mo sa father side? E, sa mother side? Side by side?
Kung sumagot ka ng oo sa alinman sa mga tanong na 'yan, aba'y makaka-relate ka! Relate na relate. Saan? Sa pinakabagong aklat tungkol sa childhood. Garantisadong tatawa ka at least once sa pagbabasa ng librong ito. Kung hindi, soli bayad. Pwamis.
It's A Mens World, isang koleksiyon ng mga sanaysay ni Beverly Siy.
Mabibili ang libro sa suking bookstores simula 17 Setyembre 2011. Inaanyayahan din kayo ng awtor na pumunta sa kanyang book signing sa 17 Setyembre 2011, 3:30 ng hapon sa Anvil Booth, SMX Convention Center, Mall of Asia, Pasay City. Kasabay ito ng 32nd Manila International Book Fair.
Subscribe to:
Posts (Atom)
rights selling webinar of book institute nbdb and bdap
nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...
-
Tinipon nina Ma. Elena Consolacion Tacata at Ma. Lourdes Quinabo Kurso: Bachelor of Secondary Education –Teaching Chinese as a Second La...
-
by Martina Magpusao Herras The Philippine High School for the Arts Creative Nonfiction 3 Half and half (1979-1994) Beverly “Bebang”...
-
yumao na noong nakaraang buwan si genoveva edroza-matute. noong elementary at high school ako, namumutiktik sa mga akda niya ang mga aklat...