Wednesday, November 3, 2010

Not so beri good

Lumuwas kami noong 1 November 2010 dahil may pasok na si EJ nang November 2.

Gumising ako nang maagang-maaga dahil baka inanunsiyong bigla na holiday na nga ang November 2.

Pero sabi ng mga newscaster na borderline na ng mga loudmouth na tao sa pagnanasang maging energetic ang dating nila sa umaga, ipinagmamalaki raw ni P-Noy na hindi niya idineklarang holiday ang araw na ito.

Okey. Fine. Tama nga naman. Dapat maging produktibo kahit araw ng mga kaluluwa. Ilang araw nang bakasyon ang sangkapinoyan, di ba?

Nagpainit ako ng tubig at naghanda ng makakain ni EJ. Inilabas ko na ang mga isusuot niya, polo, pantalon, (na pinlantsa ko kagabi) sando, brip at medyas.

Ginising ko na si EJ at pinakain ng cereal at isang pirasong cupcake (hindi po ako marunong magluto).

Lulugo-lugo siya. Pero HOY, KELANGAN MONG MAG-ARAL, BATA KA!!!

Kaya ayun, kumain, naligo, nagbihis at pumasok na siya sa eskuwela.

Pagsapit ng alas-nuwebe, nang dalhan siya ng meryenda sa eskuwela, kinuha niya ang kanyang bag at naglakad palabas ng eskuwela, dire-diretso hanggang sa makarating sa bahay namin.

Bakit, oh no?

Wala na raw klase. Wala raw ang mga teacher. Nagmi-meeting. Baka nagkukuwentuhan ng ghost stories nung Undas. O kaya nagpapayabangan sa kung anong inihanda para sa kanilang mga yumao sa buhay noong dumalaw sila sa sementeryo.

Kaya walang gagawin sa eskuwela ang mga estudyante.

Kaya pinauuwi na lang sila.

Pero tanging ang mga may sundo lang ang puwedeng umuwi. Kaya ang mga walang sundo na gumising nang maaga para mag-aral at matuto ay naiwan sa eskuwela. Magkukuwentuhan silang magkakaklase na pawang mga gumising din nang maaga para mag-aral at matuto hanggang sa mag-ring ang bell at oras na para umuwi.

Mahusay. Kapaki-pakinabang. Napakaproduktibo talaga ng school days sa public.

I-enrol n'yo na ang mga anak ninyo dito, pipol. Sulit na sulit. Ramdam ninyo ang ibinabayad ninyong buwis.

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...