Sunday, June 20, 2010

What is irony?





Sa kurso kong MA Filipino major in Panitikan at BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino, tinuturuan kaming kilalanin at pahalagahan ang natatagong husay at kapangyarihan ng mga akdang popular. Basa kami nang basa ng kung ano-anong teorya (karamihan ay nasa wikang Ingles kaya madalas na nagdudulot ng balinguyngoy, nose bleed,hello, sa sinumang babasa, lalong-lalo na sa akin) para lamang magawa ang pagtatangi sa mga akdang popular.


Tinuturuan kaming tingnan ang mga akdang popular bilang isang Narda/Darna chuvachuchu. Sa unang tingin ay isa lamang siyang karaniwang babae, na lumpo, na maganda, oo, maganda pero ganon lang, iyon lang. Ngunit kung oobserbahan siya at talagang susundan mula araw hanggang gabi, matutuklasan natin na she is more than that. Na may natatago pala siyang kapangyarihan. Na ginagamit niya para sa kabutihan, na ginagamit niya upang makatulong sa tulad niyang karaniwan at minsan sa tulad niyang lumpo. Bigla na lang siyang nagiging Darna. Makapangyarihan. Nagniningning at boobsie.


Pero ang katakataka dito, kapag ikaw na isang manunulat mula sa akademya ay nagsulat na ng mga akdang popular, ala, bigla-bigla, ay bababa ang tingin sa iyo, as in mawawalan ng respeto sa iyo ang mga kapwa mo manunulat na karaniwang mula rin sa akademya at higit sa lahat, hindi ka na kukunin sa mga seryosong proyektong pampanitikan. At sasama ang loob mo. Kasi, e ba’t ganon? Kasi pwe, di naman pang-intelektuwal iyang isinusulat mo, ching-ching-ching. E, ba’t nga ganon? Di ko alam.


Katulad ng di ko talaga alam kung paano ipaliwanag ang sagot sa tanong na What is irony?

Anyway, ang inaalala ko lang, baka manawa na ang mga Mars Ravelo na bigyan ng mahiwagang bato ang mga Narda ng panitikan.


(Ang larawan ay mula sa www.mangocomics.com/img/title_darna.)

rights selling webinar of book institute nbdb and bdap

 nanonood ako ngayon ng recorded webinar tungkol sa rights selling si mam andrea pasion flores ang speaker si ms ani almario ang moderator n...