Thursday, June 30, 2016

girl boy bakla tomboy part 2

ey, natuloy kami sa delgado hospital kahapon. hindi pala 3d yung ginawa sa akin, kundi congenital anomaly scan. parang ultrasound din siya pero may mga specific na mga bahagi ng katawan ng fetus ang mine-measure at chine-check para masiguro na normal nga ang mga ito.

siyempre, sinabi rin ng doktor kung ano ang gender ng baby namin.

hindi ko muna ire-reveal dito, hehehe, kasi after namin sa ospital, napagkasunduan namin ni poy na huwag munang sabihin sa iba kung ano ang resulta. mag-iinarte muna kami, haha!

mga 445pm na kami dumating kahapon sa delgado. walang pila sa ultrasound room, ayee! last time kasi, pumila kami nang matagal, mga 2 hrs! at noong nagutom ako at lumabas kami para magmeryenda, pagbalik namin ay wala na yung ob sonologist na mag-u-ultrasound sa akin. so nang-away pa kami ng staff kasi nagpaalam kami sa kanya at nag-iwan ng cellnumber para kung sakaling kami na ay maite-text niya kami. buti na lang at nagawan nila ng paraan. may isang doktor sila na sa kamuning lang nakatira kaya pinapunta nila ito at iyon ang nag-ultrasound sa akin. si dagat ang baby!

kahapon naman, ang bilis ng proseso. pagkabayad ni papa p sa cashier (P1750 ang congenital anomaly scan o CAS doon), pinapasok na kami sa ultrasound room at pinahiga na ako sa kama. pinataas ang dress ko para ma-expose ang aking botchog na tiyan. pinahiran ito ng gel, anlamig, tas inilapat na ng doktor sa tiyan ko ang kanyang hawak na parang scanner ng barcode sa groserya. tapos ayun, nakita ko na sa monitor sa tapat ng kama ang aming baby! napangiti agad ako kahit di ko alam kung anong bahagi ng katawan niya ang natutunghayan ko, ahaha! si papa p, parang natutuwa na naiiyak, ewan ko dun, emosyonal lagi, hawak ni papa p ang camera namin at picture siya nang picture sa monitor. e ambilis mag-scan ng doktor kaya sabi ng doktor, sir mamaya na po para di kayo malito. uulitin ko na lang iyan at ipapaliwanag sa inyo mamya.

good! at least na-enjoy ni papa p ang on the spot na pagtunghay sa bago naming baby. although walang sinasabi si dok na abnormalities or anything, kampante kami at di matanggal sa mukha ko ang ngiti. iniisip ko, lahat ok, lahat normal kasi nga, walang sinasabi si dok. at parang pleasant naman ang mukha niya the whole time na nag-i-scan siya ng tiyan ko. ipinakita niya ang spine ni baby, ipinakita rin niya ang labi, ang mata, ipinakita rin niya ang skull at brain, ang mga kamay, apat lang ang nabilang niyang daliri baka raw nakatago ang hinlalaki, itinuro din niya ang legs, at ang toes.

mukhang all good!

habang nag-i-slide-slide ang scanner sa tiyan ko, me pasundot-sundot na takot sa puso ko. what if nakaapekto sa fetus ang pagiging careless ko noong unang tatlong buwan, noong di pa namin alam na buntis ako, what if nakaapekto sa fetus ang pagkakalanghap ko ng mga pintura noong gumagawa kami ng props para sa unang kaarawan ni dagat? what if nakaappekto sa fetus ang pag-inom-inom ko ng kape at ng sopdringks kahit ilang beses akong pagbawalan ni papa p at ni dok sharon (ang aming ob gyne)?

what if, what if, what if.

pero nanaig ang optimistic neurons ko, buti na lang. lumabas kami ng ultrasound room nang masaya, at bouncy ang bawat hakbang. ang gaan-gaan sa pakiramdam.

sabi ng doktora at ng assistant niya, maghintay na lang kami sa mga upuan sa labas para sa printed na resulta ng aming CAS. napansin ko ang isang napakaliit na baby na karga ng isang babae sa waiting area. napansin ko rin sa bandang dulo ng hallway ang isang batang lalaki na palipat-lipat sa mga upuan at sa katapat nitong pader. ibinabangga ang sarili sa dalawang panig. mga 2 years old siya. natatawa lang sa nakikita ang babaeng kasama niya. humahalakhak ang bata sa tuwing mapapatingin siya sa babae.

napaisip ako na ang galing talaga ng cycle ng buhay, hanep. parang kelan lang, yung sanggol na yun, tuldok lang sa sinapupunan, tas naging bungo, utak, mata, labi, kamay, mga daliri, paa, spine. yung batang lalaki na yun, ganun din, tuldok lang noon. eto na ngayon, may sarili nang hininga, may sarili nang lakas, tumatakbo na, nakikipagharutan na, humahalakhak. napahawak ako sa tiyan ko. ano pa ang kayang ihandog ng isang babae sa mundong ito?




for the nth time

katatawag ko lang kay ate jane ng graduate studies office. mag-a-apply kasi ako ng extension para sa MA ko. dapat 10 years lang ang maximum diyan. pero wala, hindi ko talaga matapos ang thesis ko. tapos na ako ng thesis proposal defense noong 2013, two months bago ako ikasal. unfortunately ay hindi ako nakapagsumite ng thesis kaya naman, di ako nakagraduate on time.

mukhang magpapalit na talaga ako ng thesis topic. kasi hindi ko kayang panindigan ang ipinropose ko noon. kahit anong gawin kong research, wala doon ang puso ko. hindi ko nakikita ang praktikalidad ng pag-aaral na iyon.

sabi ni ate jane, subukan ko raw mag-apply at ang mga kailangang isumite ay ang sumusunod:

1. letter of request for extension
2. endorsement ng thesis adviser na nagsasabing kaya kong matapos ang thesis ko within x period of time
3. time table
4. draft ng thesis

andali lang ano? lalo na yung number 4. hahaha! kelan kasi ang deadline sa pag-a-appeal? bukas.

so mula ngayon hanggang bukas kailangan kong makapag-produce ng draft ng thesis. ano nga ba ang choice ko? either lamayin ko ito ngayong gabi o umulit na lang ako sa ma ko. or lumipat na lang ako sa ibang school at umulit ng ma ko.

may idea naman na ako tungkol sa gagawin ko. siyempre pa, tungkol na ito sa copyright. feeling ko kasi, nariyan ang lahat ng resources na kakailanganin ko, suportado ako ng mga tao sa paligid ko at ang pinaka importante sa lahat, wala pang gumagawa nito sa pilipinas.

ang tentative title ay: ang copyright law at ang panitikang filipino.

aba tugma pa, haha!

Wednesday, June 29, 2016

girl boy bakla tomboy

magpapa-3d kami mamya! yey! excited na rin akong malaman ang kasarian ng ipinagbubuntis ko. ano ang wish ko?

boy!

ayoko ng girl talaga kasi nakakatakot pa ang mundong ito. not in my lifetime na magiging maayos ang mundong ito para sa kababaihan. im sorry, i know i am being pessimistic pero kay rami naman kasing karumal-dumal na karanasan ang nakakabit sa mga taong may pekpek at matris. imagine, ipinanganak ka lang na may ganyan e, andami nang panganib sa paligid mo?!

napakalakas sumipa ng fetus sa tiyan ko lately. kaya confident ako na boy uli ito.

kagabi rin, napag-usapan ulit namin ni poy ang pangalan. kako, ok ba sayo ang baybayin ke babae o lalaki itong bago nating baby? oo raw. ako rin, solb na ako.

pero nagsalita pa siya, sabi niya, maganda rin daw ang dalampasigan. ek, parang di ko type, kako. parang hindi na siya pangalan ng tao, e. sabi ko, e kung daluyong? ang ganda, sagot ni papa p. pero ang ibig sabihin niyan ay tsunami, counterflow ko. anlabo ko rin kausap kung minsan, ano? basta, sabi ko, ayoko ng daluyong kasi negative 'yon. hindi tulad ng karagatan at baybayin.

ilang buwan na lang pala at manganganak na ako. sana ay maging ok ang lahat, tulad ng pagsilang ko ke dagat. gusto ko na ring matapos ang mga bagay-bagay bago ako manganak dahil siguradong panibagong challenges na naman ang kahaharapin namin pagdating ng bagong baby. at ang pinakamalaking challenge ay ang paghahanap ng oras para sa sarili, para sa relasyon, para sa iba pang kasapi ng pamilya, para sa kabuhayan, at iba pa. na-realize ko na ang panganganak ay parang deadline, ahaha!

maigi na rin na meron ako niyan. minsan kasi, akala ko forever akong trenta anyos, forever akong may oras para sa mga pangarap ko. hindi pala. tulad ng maraming bituin na bilyong taon na sa kalawakan, nabubura din ang mga ito, minsan pa nga, sumasabog. dahil sa panahon.

Saturday, June 25, 2016

1st birthday party ni dagat

sa wakas ay nairaos na rin namin! isang malaking production number ito para sa buong pamilya at naloka ako sa preparations ni papa p for this. ang gagawin ko na lang na pagtalakay dito ay batay sa bawat bahagi ng party.

june 18- ito talaga ang birthdate ni dagat. and we are so happy kasi naipagdiwang namin ito sa mismong araw ng kanyang kapanganakan. noong una, halos lahat ng napagtanungan naming venue ay june 19 ang bakante. kaya medyo settled na kami na june 19 na nga which is a sunday (at bday ni rizal) iniisip din namin na baka mas marami ang makapunta kung sunday namin ito iiskedyul. pero buti na lang din at bakante ang venue namin sa mismong 18.

the hub kilometro zero- ang venue ay matatagpuan sa loob ng luneta. kung nakaharap ka sa estatwa ni rizal, ito ay nasa kaliwa mo. katabi rin ito ng lights and sounds show tungkol sa huling araw ni rizal sa mundong ito. the venue is a restaurant/coffee shop.

cons- walang spectacular sa kanya, hindi mataas ang kisame, hindi rin masyadong malaki, sapat lang para sa 100 pax, pahaba ang shape niya, maikling rectangle. first 2 hrs free tapos additional P1,500 per hour for every excess hour. according to them, naka-4 excess hours kami! which i doubt kasi 2pm ang start ng party, nagdatingan ang mga tao around 245pm at until 4 ay libre pa, di ba? we spent an hour at the lights and sounds show though some of our bisita did not move, doon lang sila sa kainan, so from 4 to 8pm ba kami nagstay doon? we were there until 8 pero nagse-settle na kami noon at halos nakaligpit na ang lahat ng mesa, upuan, ibig sabihin, they started the egress much much earlier. but still, until 8pm ang charge sa amin.

pros- may garden bago makapasok sa mismong the hub, so parang nakatago siya sa public, may parking spaces na nasa tapat mismo ng venue, may sariling gate kung saan puwedeng pumasok ang mga sasakyan ng bisita, ito yung side na malapit sa planetarium. may space sa labas na may bubong, meron ding mga tables and chairs at magandang swing (dalawa pa) dito namin inilagay ang outdoor games for kids, naisip namin, kahit umulan ok lang kasi nga may bubong, meron pang isang mas maliit na venue sa likod ng the hub at doon ang buffet. so hindi siksikan ang mismong party place, nasa tabi ng lights and sounds show kaya in-incorporate namin ito sa party. doon nagpicture-taking ang mga utaw. pero ang pinakagusto ko sa lahat, ang mismong location ng venue ay nadaanan ni rizal noong naglakad siya mula sa fort santiago hanggang sa luneta noong araw ng kanyang kamatayan. may mga bronze pa na footstep sa may tapat ng parking lot at sa gilid ng mismong venue (yung part na may bubong).in-incorporate namin ang footsteps na ito sa isang game for parents and kids. pinahanap namin sa kanila ang footsteps at ang unang makapagpa-picture kasama ang footstep ay may premyo. ang nanalo ay ang mag-iinang sina jing, nehya at nathan.

lights and sounds show- P10 per head total of P680, sabi ni manong na nagbabantay doon, 68 daw ang lahat ng pumasok, hindi na raw niya ibinilang ang mga bata. bago nag-start ang party, kinausap ko sina manong (dalawa sila sa cashier booth ng lights and sounds show). tinanong ko kung puwede kaming pumasok doon nang exclusive lang. 5-6pm. kaso raw, nagsasara pala sila ng 5pm! at wala rin daw silang show kasi inaayos pa raw ng mga technician nila ang mga ilaw doon. sabi ko, kelan po maaayos? sagot nila, hindi namin alam, miss. sabi ko, e bday po ni rizal bukas. sagot nila, oo nga, e. pero malamang wala pang show kahit bukas. anyway, sabi ko na lang ke manong, ok lang ba kung pumasok kami doon at mag-picture-picture? sa halagang P10 per head at exclusive sa amin? oo raw pero iyon nga, til 5pm lang daw nila kami maa-accommodate.

so ipinasok na namin ito sa program nang hapon na iyon, hehe. around 4pm na namin ito in-announce at nag-exceed kami sa oras, until mga 5:20 kami doon. nakiusap din ako ke manong na sa gate na malapit sa the hub na lang papapasukin ang aming mga bisita para di na kailangang lumabas ng mga bisita sa mismong compound ng the hub, maiiwasan ang biglang pag-uwi ng mga ito, hahaha. at happy naman ako kasi mukhang nag-enjoy ang mga bisita namin sa life size na mga estatwa doon. nag-picture-picture kami doon. nagtakbuhan ang mga bata. ang mga chinese kong kamag-anak, namangha hahaha mukhang first time din nilang nakapasok doon. malinis ang lugar at thank god, hindi umulan. tamang-tama din ang time kasi hindi mainit at maliwanag din.

ang con lang doon ay una, may iilang tao (mga apat) ang hindi namin kakilala, pero nasa loob din ng lights and sounds show. baka naghabol pa ng additional na kita sina manong hahaha kaya pinapasok ang mga ito, at pangalawa, iyong tiyo ni poy na naka-wheelchair at ang family nito ay hindi nakapasok kasi ang daan papasok ay hindi friendly sa wheelchair. sabi nila, namasyal na lang sila sa loob ng luneta particularly sa tapat ni rizal, hahaha!

set up- free- nasunod ang table set up lalo na sa colors ng table cloth, table runner at damit ng chair. yellow, red, blue and white ang pinili namin bilang mga kulay ng philippine flag. napaka-festive ng atmosphere kahit walang balloons. ang gift table din ay maayos at maganda, tapos naglagay din sila ng stage sa harap, may platform, may sofa, may wooden/bamboo divider na pinagsabitan namin ng birthday banderitas na ginawa ko.

lcd projector- free- kaso hindi gumana sa computer ni poy, dinala pa naman niya ang mac niya. walang umubrang kable. sabi ko, ano ba ang gusto mo sanang ipalabas? mga pics daw ni dagat mula nang isilang ito. ay sayang :(

sound system- free- medyo mahina, and there was no one to assist us. inis na inis ako kasi ano naman ang alam namin sa mga buton doon at mga pinipihit na kung ano? baka masira naman namin kung pakikialaman namin. but no one really helped us, not even the wait staff! me isa doon na umaastang parang alam ang sound system pero once lang siya lumapit, noong binuksan niya ang sound system at sinet up ito. hay kaka-frustrate

food- for adults: P350 + vat- rice, roast beef (recommended ni mam babes, manager ng the hub), chicken galantina, carbonara, leche flan, one serving of cucumber lemonade

di ako nakakain during the party, pero noong nagtaste-test kami, natuwa ako sa carbonara at spag (for kids), natuwa rin ako sa cucumber lemonade. si poy, bumalik para mag-down at nag-taste test siya ng roast beef, masarap naman daw. during the party, all praises ang verzo family sa roast beef at generally sa food. mas masarap daw kaysa noong binyag ni dagat na sa hotel h20 ginanap.

for kids: P250 + vat - spaghetti, one slice ng pizza, chicken lollipop, one round ng juice

additional food c/o verzo family
lechon- two medium, P16,000
isang bilao ng lumpiang sariwa- around P700

photography- kami kami lang hehe camera ni poy, camera ni jo (kuya ni poy), mga camera at cellphone ng mga kaibigan, sa FB ay sinasamsam na lang namin ang mga pics

emcee- free- ako, hahaha! wala ako sa hulog. kasi wala talaga sa isip ko na ako ang mag-e-emcee.the whole time ang nasa isip kasi namin ay ang guest list, kung kakasya ang food, sino pa ang hindi dumarating, at ang games. maryosep. it was one of the worst hosting gigs ko hahaha buti na lang party ng anak ko to

cake- Cafe Boulangerie along Roxas Boulevard na malapit sa Luneta, P595-695 each, limang cake ang binili ko at in-arrange na lang namin ito sa isang bilugan na table. shet, sobrang thankful ako na me bakery/cafe/semi-grocery sa tabi ng bayview hotel. as in! binili ko ang mga cake na ito around 2pm, as in 2pm! e yun ang oras na nakalagay sa invitation namin, haha! iba't ibang flavor ang binili ko. so pagkatapos naming kantahan si dagat ng happy birthday ay nag-unli cake ang mga bisita. at least iba't ibang flavor ang natikman nila.

decors ng cake -mga P200, binili namin sa Chocolate Lover, Inc., isang tindahan ng baking supplies, hugis kastilyo! store pa lang, panalo na, matatagpuan ito sa 45 P. Tuazon Blvd., Cubao, QC. ang decors na binili namin ay sugar decorettes na hugis boat, anchor at iba pang may kinalaman sa dagat. 6 pieces per set, around P54 pesos per set. ang plano kasi namin talaga ay kami ang magde-decorate ng cake, at itong sugar decorettes ay dadagdagan pa namin, pauna lang siya. kaso di na kami nakabalik, medyo challenging kasi ang magpunta doon, tatawid ka sa cubao, edsa!

Friday, June 24, 2016

kasi may internet!

pag nagsasalin ako, madalas akong gumagamit ng bolpen at papel. mas mabilis kasi akong nakakatapos ng isang akda sa ganitong paraan kaysa iyong itinatayp ko na ang salin nang diretso sa computer.

pag naka-computer kasi ako, natutukso akong mag-internet, mag-FB at mag-email. tas hindi ko namamalayan, ilang oras na pala ang nakakain mula sa aking working hours. tapos mare-realize ko, pagod na ang mata ko, inaantok na ako at kailangan ko nang matulog. another day is wasted! kinabukasan uli.

at panibagong pakikibaka na naman kung computer ang gagamitin ko.

hindi ko sinisisi ang internet. aba, anlaking tulong niyan sa lahat ng tao sa mundo. actually, ang access sa internet ay isa nang karapatang pantao ngayon. ibig sabihin, kapag ipinagkait mo iyan sa kapwa mo, tinatapakan mo ang karapatan niya bilang isang tao.

ang problema talaga ay disiplina, kapag nariyan ang tukso, kapag nakabukas ang internet, mahina ang loob ko na tumanggi rito. wala akong disiplina na tumutok sa aking ginagawa at kailangang tapusin.

so anong ibig sabihin nito?

hindi dapat sisihin ang internet, o ang teknolohiya sa pangkalahatan. sinasalamin lang nito ang uri ng pagkatao na mayroon tayo.

o tingnan n'yo ngayon, napa-blog ako samantalang may tinatapos pa akong salin. ang title nito ay may (as in yung buwan) at isinulat ito sa wikang Ingles ng batikang awtor na si Estrella Alfon. maganda ang kuwento, maganda rin ang himig. parang hindi 1940's ang setting! kahanga-hanga rin ang detalye niya't paglalahad ng mga damdamin. o siya, tama na muna itong pagba-blog ko, haha. para matapos ko na ito ngayong gabi.

see ya!

Wednesday, June 22, 2016

ang maging milyonaryo

yan na ang bago kong pangarap.

gusto ko nang magkaroon ng isang milyon bago mag-40 years old. ipampapagawa namin ng bahay.

recently ay nalaman ko na marunong na akong tumayming sa stocks. sa isang group of friends ko na kung tawagin ay esbat, na-engganyo ko silang pumasok sa stock market. pito kami at apat sa kanila ang nag-apply ng account sa colfinancial sa ortigas noong abril, bago mag eleksiyon.

active ang group thread namin sa fb at nagse-share sila ng mga natutuhan nila sa stock market sa araw-araw na pagche-check nila nito. dahil dito, pati tuloy ako naging conscious sa bawat transaksiyon ko sa col. at nitong nakaraan, may nagtanong sa akin (sa esbat group thread) kung magkano na nga ba ang kinita ko at kung may ibinenta na ba akong stocks nang palugi. anlakas ng loob ko sa pagsagot ng wala. kasi matiyaga akong maghintay, kako.

pero dahil sa mga tanong na ito, nagdesisyon akong i-summarize ng lahat ng buy at sell transactions ko sa col. at ano ang aking mga natuklasan?

1. napakatapang kong mag-buy and sell kahit noong bagita pa lang ako. meron akong mga transaction na tipong nag-buy and sell ako on the same day, noong tumaas na ang presyo ng stocks. meron din akong transactions na isang araw lang ang pagitan.

2. noong umpisa, hindi mahalaga sa akin kung mataas o mababa ang kita. basta may kita na ako, kahit mababa, nagse-sell na ako.

3. meron pala akong lugi. ibig sabihin, hindi ko na nahintay ang pagtaas uli ng stock na iyon. ang pinakamatagal na paghihintay kong tumaas ang nabili kong stock ay 2 years. ibinenta ko na ito nang palugi, mga 1k plus ang lugi ko.

4. iyong mga pangarap kong stocks ay nabili ko na pala dati. at na-sell ko na rin. akala ko kasi, never pa akong nakakabili nito. isang halimbawa nito ay ang ALI o ayala land, inc.

5. meron akong ibinenta nang palugi dahil kailangan ko ng pera for a birthday occasion. birthday ni papa p. that was May 2013. iyon ang aking bachelor's blow out sa kanya. kasi last year na ng pagiging binata niya (ikinasal kami noong december 2013). sabi ko nga sa mga taga-esbat, nakakaapekto sa timing ng selling transactions ang love life. next time, mag ipon na lang para sa love life para hindi nalulugi ang investment sa stock market.

6. halos lahat ng stocks na napili kong mag-buy and sell ay tumaas ang value ngayon. siguro mga 80% ng napili kong stocks noon. ang galing ano? ano ang ibig sabihin nito? ang stocks, pag binili mo, puwede mo talagang iwan at mag isa lang siyang maggo-grow. no need to do anything, no need to worry. ilan diyan ay ang ALI (na 16 pesos lang noon, ngayon 39 pesos na), JFC (na 68 pesos lang noon, ngayon ay 239 pesos na), SMDC, etc.

7. from 2011 (noong nag-umpisa ako sa col) hanggang ngayong 2016, around 10% ng investment ko ang kinita ko. not bad, ha? for someone like me na wala naman talagang training na seryoso sa stocks.

8. importante talaga iyong consistency mo sa pagbili ng stocks. marami akong transaction sa stock na PLC, as in napakaraming buy, at napansin ko na minsan, kaunti lang ang nabibili ko sa isang buying transaction, meaning yung maliit na kita namin sa publishing services, ipinapasok ko agad sa stock. at nakatulong iyon para makapag-accummulate ako ng isang klase ng stock sa mababang presyo.

kahapon, bumili ako ng JFC sa halagang 239 pesos each. lahat ng natirang pera sa col account ko ay ipinambili ko ng jfc. i am hoping for a 10 pesos na tubo. tapos mag-sell na ako. kaso kanina, pag-check ko, nasa 234 pesos na lang ang jfc. mukhang matagal akong maghihintay ng pagtaas nito at pag-abot sa 10 pesos na tubo na target ko.

anyway, may pakiramdam ako na thru stock market ay kaya kong magkaroon ng isang milyon bago mag-40. kailangan ko lang dagdagan pa ang lakas ng loob ko sa pag-buy and sell at mula ngayon, hindi ko na katatakutan ang mga stock na mamahalin like GLO (around 2380 pesos each).

hay. mahirap maging mahirap. pero mas mahirap ang walang plano para umangat man lang nang kaunti.

so, bebang, lez do diz.


Tuesday, June 14, 2016

ayan na ang bayarin!

e kaya siguro ako di makatulog kagabi pa e dahil me due ako na bill bukas. around 9k. medyo kulang pa ang cash ko ngayon at kailangan ay ngayon na ako magpunta ng bangko para magbayad dahil may meeting ako sa malayong lupain bukas.

meron akong around 5k ngayon, tapos 3k sa atm. hmmm... kung tama ang pagkakaalala ko e meron pa akong mawiwidraw mula sa joint account namin ni poy. pero kung mali ang pagkakaalala ko, waley na yon. as in baka closed account na kami don haha. baka di ko naisoli ang inutang kong 10k sa account na iyon.

bayaran na rin ng tuition ni ej this week. di naman kalakihan, around 2.5k. pero hello, wala na ngang cash. dahil ibabayad ko na doon sa bill na due bukas. aahahay buhay.

hmm.. ang dami ko kayang collectibles. sana magbayad na sila, ang tagal ko na rin/naming tinrabaho ang mga bagay-bagay.

anyhow eto sila

2,500-kwf
30,000- vibal
33,000+- dswd
4,000= unilab foundation
1,000+-cfa
7,500-isa pang sangay ng gobyerno

yun nga palang translation fee ko para sa ambeth book, nakuha ko na. nag down sila, tapos nagbayad uli ng remaining balance after ng deadline ko sa other half. ang problema, may 11 articles pa akong di nasa submit. pag ako na-penalty doon, patay. bawi lahat ng kinita ko hahaha. ang masaklap nga doon, kung saan-saan lang napunta ang translation fee na iyon. wala man lang yata akong naitabi.

end of journal

nung buntis ako ke dagat, nabasa ko yung operating instructions ni anne lamott. na-inspire akong mag-journal tungkol ke dagat dahil sa aklat na ito. nag-umpisa ang journal niya noong nanganak siya at nagtapos ito noong 1st bday ng baby niya.

nag-journal din ako, yey. nung umpisa, ang dalas kong magsulat dito. at kahit nasaan ako, kahit nasa dyip, nagsusulat talaga ako. pero wala, tinamad nang tinamad nang tinamad. ayun, sobrang dalang ko na lang magsulat dito.

at kagabi, bigla ko na lang na-realize na matatapos na pala ang pagjo-journal ko sa unang taon ni dagat! wah. ba't ganon?! ambilis.

so anyway, nalulungkot ako kasi hindi ko masyadong na-enjoy ang pag-aalaga kay dagat. lately, lagi siyang nasa parents ni poy kasi

1. dumaan ang summer. sobrang init dito. doon may aircon.
2. umalis ang kasambahay namin noong april. sobrang hirap ng buhay namin ni poy, wala na kaming nagagawang iba kapag nandito sa amin si dagat. doon sa parents niya, may kasambahay, kaya nakakapagsalit-salitan sila sa pag-aalaga.
3. buntis ako. anak ng tokneneng, andali kong mapagod. di ko na kayang magbuhat nang matagal.
4. at ang init ng ulo namin ni poy kapag naii-stress na kami sa pag-aalaga at sa pag-aasikaso ng bahay.

hay. i wish i could just stay at home and take care of the baby. at i-enjoy lang ang pagngiti ni dagat, ang pakikipaglaro sa kanya, ang pagpapakain sa kanya, ang paghabol, ang pakikipagkilitian, ang pakikipag-iyakan, pagpapatulog, pagkarga, ang pagpapaligo.

kahit kelan, ang depressing maging ina.

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...