Thursday, January 14, 2016

me time

para makarating ako sa venue ng klase ko with brian, kailangan kong magdyip nang dalawang beses (isang maikli ang biyahe plus isang mahaba). pagkababa ko ng ikalawang dyip, kailangan ko pang mag-taxi. P55 ang lagi kong iniaabot sa taxi driver pagpara ko sa tapat ng venue ng klase namin ni brian.

pero kapag may oras ako and/or kailangan kong magtipid, nilalakad ko ang kanto ng babaan ko ng dyip hanggang sa venue. mahaba-habang lakaran ito. bente minutos na moderate walking. kinse kung medyo fast-paced.

gustong-gusto ko ang bahaging ito ng aking araw.

kasi nakakapag-isip ako. nakakapag-obserba. nakakahinga.

parang biglang humihinto ang mundo, naghihintay lang ng susunod kong hakbang.

marami-rami akong na-generate na idea sa ilang ulit kong paglalakad sa kahabaan ng greenmeadows. at ilan sa mga ito, nasa things to do ko na ngayong 2016.

hay. refreshing ang ganitong mga me time. highly recommended ko ito sa mga windang, buang, ngarag, babae, nanay. sa mga tulad ko.

kadalasan, pagdating ko ng bahay, medyo pagod na ako.

pero hindi maikakaila ang kasabikan kong sumabak uli sa pag-aalaga ng baby at sa mga gawaing ikabubuti ng humanity.


magsulat para sa sarili!

hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang natukoy kung para kanino dapat nagsusulat ang isang manunulat. matagal ko nang alam ito pero ngayon lang as in kanina ko lang tuluyang naunawaan kung bakit ang manunulat ay dapat na nagsusulat para sa sarili niya.

sa biyahe papunta sa klase ko kay brian, nag-text ako kay ajie ng walang kuwentang text. as in, helo ajie, happy 2016, wala lang, kako.

nag-reply siya. kinumusta niya ako, sumagot naman ako. tapos naibahagi niya sa akin na may isinulat daw siyang romance story. ang hirap daw pala niyon. sabi ko, ay hindi, kaya mo yan. published writer na kasi itong si ajie. hindi baguhan, kumbaga. idinagdag ko na rin, sa susunod, para mas mapadali ang pagsusulat niya, sumulat siya na parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan.

tas yun na. doon ko na-realize na, oo nga, dapat ganon lagi magsulat ang isang manunulat. iyong parang nagkukuwento lang sa isang kaibigan. walang pini-please, walang ini-impress, walang itinatago, walang ikinahihiya, walang eklat, walang palabok, walang isyu at eklavu.

in short, parang sarili lang ang kausap.

parang ganito ang equation: kaibigan=reader=self=writer

kapag ang isang manunulat ay nagsulat para sa ibang tao, (ibang tao meaning tao na hindi niya masyadong kaibigan, hindi masyadong ka-close, hindi niya kakilala, malayo sa kanya) o kapag ang isang manunulat ay nagsulat para i-please ang ibang tao, o para ma-impress ang ibang tao, may ibang persona siyang ina-assume. hindi siya nagiging tunay na siya. kaya ang akda niya ay hindi nagiging tapat sa kanyang pagkatao, hindi ito nagiging awtentiko.

ibig sabihin, ang akda ng ganitong manunulat ay hindi reliable para kumatawan sa isip at damdamin ng naturang manunulat.

ang naiisip kong halimbawa ng ganitong writer ay yung mga nagsusulat para makapagpasiklab, para makapagpasikat, para makipag-compete sa kapwa niya. pasok din sa banga ang mga writer na nagsusulat kasi may gustong patunayan. kasi ang tendency ng mga iyan, mag-assume ng astig-astigan position o di kaya ay makipagtaasan at tagisan ng ihi sa inaakala nilang kakumpitensiya nila sa pagsusulat.

maihahalintulad ko ang mga ganitong writer sa mga taong social climber, pati na iyong gumagamit ng mamahaling mga gamit kahit hindi naman sila mayaman, o kaya baon naman sila sa utang. yung mga estudyanteng kung makapagtanong sa teacher ay nakaka-nosebleed pero ang totoo, hindi naman talaga nag-aaral, wala namang interes sa pagkatuto. sila yung mga lalaking nagpapa-impress sa mga nililigawan pero hindi naman consistent, bastos na kapag sinagot ng nililigawan, kating-kati nang mambabae pagkatapos makuha ang gusto mula sa niligawan.

kung palalakihin o palalawakin natin ito, bilang isang bayan, ganyan tayo, unfortunately. ang pang-araw-araw nating buhay ay nauubos sa kapi-please sa ibang tao, sa ibang lahi, sa ibang bayan. Dati, texting capital tayo ng buong mundo. watda, akala ko ba naghihirap tayo, e ba't andaming may cellphone? andami pang pang-text! Ngayon naman, isa tayo sa pinakamaraming user ng Facebook. watda, akala ko ba naghihirap tayo, reklamo tayo nang reklamo, every minute of every day, tas ang laman ng mga FB account natin: kaysasarap na mga pagkain, bagong gadgets, condo units, travel spots, at pagkagagandang selfies!

araw-araw, buwan-buwan, taon-taon, grabe tayong maka-project para makapagpa-impress.

kumusta ba ang apec days noong 2015? kumusta ba ang pagbisita ng pope sa pinas?

we did all of these things because we wanted to impress other countries.

hello, other countries, wala kaming maayos na gripo dito, walang lugar para makatae nang maayos ang maralitang tagalungsod, pero, look, bongga ang mga upuan ng leaders nyo habang naghahapunan sila rito sa amin.

hello, catholic world, inihahalal namin nang paulit-ulit ang mga magnanakaw rito, up to the highest position pa, ano, pero, look, lookie, marunong kaming mag-antanda! marunong kaming magpahalaga sa pagbisita ng kataas-taasang papa. we respect silence when we pray.

mapagpanggap, mga potah.

sa panitikan natin, kayraming ganyan. mga mapagpanggap. ang ini-impress kasi nila, ibang tao. ibang lahi. ibang bansa. nagsusulat sila para makapag-project sila ng certain image sa iba.

akala nila, susulong ang panitikang Filipino sa ganoong paraan.

yak.

e, sino ba ang niloloko nila? di ba, ang mga sarili din nila?

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...