Saturday, November 29, 2014

Mula sa mambabasa at manunulat na si Ronald Lim

Book review: Bebang Siy’s “It’s Raining Mens”
by Ronald Lim

Three years ago, Bebang Siy blew the doors wide open and let the public take a glimpse into her life with her collection of essays, It’s A Mens World. At turns funny, poignant, and nostalgic of a Manila now slowly disappearing and changing into something else entirely, It’s A Mens World quickly developed a following and even snagged awards and nominations along the way.

Now Siy returns with It’s Raining Mens (I feel like there should be a Hallelujah in there somewhere), a collection of her work that now extends beyond the personal essay. Sprinkled throughout the book are short stories, movie treatments, a radio play, and emails and letter between Bebang and her best friend, Alvin. Will readers end up being spoiled for choice with this new collection, or would they rather seek shelter from this unusual downpour?

It mostly hinges on how much you liked this book’s predecessor. While both books still tackle the travails of the Filipino woman, the two look at it from very different angles. It’s A Mens World was Bebang looking at her life and flashing bits of it at her readers, It’s Raining Mens has Bebang looking out instead; she’s no longer talking about the Filipino Everywoman, now she’s talking about every woman.

When it’s good, it’s really good. The short story Birhen, about the relationship that blossoms between a karaoke bar’s guest relations officer – basically an escort – and one of her clients, is a great read, filled with sharp, pointed jabs at the male ego. It reads like Colette’s Green Wheat, with the woman holding the sexual power and wielding it however she wishes. It’s not a funny story, but it is fascinating. The short story Rabbit Love is also a great read, and very much in the vein of the personal essays of Siy’s previous book. The other works of fiction in the book, on the other hand, achieve varying measures of success.

This outward look also works in varying ways for the personal essays in It’s Raining Mens. Horror is a short and sharp jab aimed squarely at the public school system, and one that mothers may find themselves nodding their heads to. Sizzling Sisid is for anyone who’s ever thought about where our taxes go, and Thing To Do might as well be a template for single mothers looking for a way to introduce a new love to their children.

But the real treat is looking at these essays as a whole. Put together, it charts a journey of personal growth for Bebang, one that follows her from single motherhood to the discovery of a new love. It’s a narrative that was missing from It’s A Mens World, and one that makes It’s Raining Mens all the richer. It’s a really intimate view into Bebang’s life, and readers are lucky enough to be privy to it.

All in all, It’s Raining Mens is a worthy follow-up to It’s A Mens World. It may not have the mass appeal that the first book had, but it’s equally as rewarding. Go ahead and get yourself wet.

Ni-repost dito nang may permiso mula kay G. Lim. Narito ang orihinal na link:

http://ronreads.com/bookreview/book-review-bebang-siys-its-raining-mens/

Malaking-malaki po ang utang na loob ko sa 'yo, Ronald, alam mo 'yan! Isa ka sa mga unang nagbigay ng pagkakataon sa It's A Mens World. Maraming salamat. Wala ang sequel kung hindi dahil sa iyong napakainit na pagsuporta.

Dios mabalos, kapatid.


Friday, November 7, 2014

Contracts Counseling and Business Matching at the 5th PILF-BIS

The National Book Development Board (NBDB) invites you to attend the 5th Philippine International Literary Festival and Book Industry Summit (PILF-BIS) on November 12, 13, & 14 at the Bayanihan Center, Pasig.

A number of sessions during the PILF-BIS are designed to address the needs of our individual stakeholders, specifically:

- Contracts Counseling on November 13, 1:00 to 3:00 PM; and
- Business Matching with literary agents, publishers, booksellers, and cross-media firms on November 13, 4:30 to 6:00.

If you've ever wondered how to protect your rights in a contract or thought about how to expand your network, these sessions are for you. This is your chance to interact with lawyers and other publishing experts who will give you their professional advice.

Limited slots only. Pre-registration is required. NBDB-registered stakeholders can participate for FREE and will be given priority during enlistment. To sign up for these sessions, email Janelle Mae Flores at janellemaeflores@nbdb.gov.ph or pilfbis2014@nbdb.gov.ph.

Mga kaibigang manunulat, napakaimportante nito dahil dito natin malalaman kung patas ang mga kontrata, deal at negosasyon na pinapasok natin. go, go go na. para sa panitikan, para sa bayan.

halloween art workshop for kasing-kasing kids

oct. 31 pa lang, hapon, kinakalampag na ako ng kasing-kasing kids (mga 4) sa pangunguna ni jonard. doorbell sila nang doorbell. sigaw nang sigaw ng happy halloween, trick or treat!

nilabas ko sila. sabi ko, mamya na lang, balik na lang. wala kasi kaming maibibigay sa inyo. walang kaming kahit anong pambatang pagkain sa loob ng bahay. ayaw ko namang magbigay ng pera sa kanila. sa 13 taon ko sa kamias, hindi pa ako nagbibigay ng pera sa mga batang ito. laging goods ang tinatanggap nila mula sa amin.

lulugo-lugong umalis sina jonard at masigla akong bumalik sa aking ginagawa kong translation.

bumalik si jonard pagdating ng 7:00 ng gabi. e hindi pa ako nakakalabas noon para mamili ng kahit stork na candy. humingi uli ako ng sori kay jonard. sabi ko, balik sila bukas. sigurado na. meron na kaming maibibigay sa kanila.

siguro sa tampo ay hindi na nakuhang umoo ni jonard sa akin. tumakbo agad siya palayo. pabalik sa area nila, malapit sa barangay hall. nag-mental note na ako. te, buy goodies for the kiddos. please!

gabi, kinabukasan, may nag-doorbell uli. marami na sila. mga 5. nakow. e wala pa kaming kahit anong maibibigay. sabi ko, hintayin n'yo ako, bibili na ako. ngayon na. nag-bag ako at naglakad papuntang mercury drug sa kanto. pagdating ko sa mercury, wala namang mga kendi. tig-iisa ko pang bibilhin. puro sitsirya lang din at kakaunti lang ang mga biskuwit. naisip ko, sa anson na lang bumili, sa may aurora. nagdyip ako at bumaba sa tapat ng anson. pero habang nasa biyahe, naisip kong 'wag lang basta mamigay ng goodies sa kiddos. kailangang paghirapan nila ang mga ito. kaya naisip kong magpa-instant art workshop for undas sa kanila. may isa kaming kahon ng art materials, kasado na 'yon. kahit ilan pa sila, kasado na ang kahon namin ng art materials.

so maraming marami akong biniling pagkain sa anson. kasi maraming choices doon. meron pang toothbrush for kids! so bumili rin ako niyon para naman pagkatapos masira ang ngipin ng mga bata, makakapagsepilyo pa rin sila :)

pag-uwi ko, mga 15 minutes later, naroon pa rin sa tapat ng gate namin ang mga bata. ang kalat-kalat na dahil doon nila kinain at binalatan ang ilang natanggap na pagkain at inumin mula sa pagti-trick or treat maghapon. sinabi ko sa mga bata ang plano, tinanong ko rin sila kung may mesa sa brgy hall na puwede naming pagdausan ng art workshop. meron daw. kako puwede kaya tayo doon ngayon? puwede raw. sabi ko, sige mauna na kayo doon at magtawag pa kayo ng ibang bata. lumarga ang isa, naiwan ang apat. good. kelangan ko ng tagabuhat ng art box.

pagka-doorbell ko, lumabas agad si poy at ibinalita ko sa kanya ang pinaka-latest development sa aming all saints night. sabi niya, ha? e andami pa nating gagawin! wag na, bigay na lang natin ang mga pagkain. hindi ako sumagot. pagkatapos naming magtitigan sa harap ng mga bata, bumigay din siya. sige na nga. pero dito na lang sa bahay. ay, yon ang ayoko. kasi kailangan ko pang walisin ang sahig dahil doon magtatrabaho ang mga bata kung sakali. at feeling ko, baka lalong magtagal ang mga ito kung nasa bahay kami. no choice si poy. ibinaba niya ang art box at pinabuhat ko ito sa mga naiwan na bata.

tuloy-tuloy kami sa barangay hall. isang tanod lang ang nandoon at siyang nanonood sa sangkatutak na feed ng sangkatutak na cctv ng buong east kamias. aba meron na pala kaming cctv. ang galing. unfortunately kasi, kahit isang kandirit lang ay presinto na, marami pa ring krimen ang nagaganap sa mga kalye namin. walang takot sa pulis ang mga kriminal. maraming nananakawan doon, nababasagan ng side view mirror, meron ding natutukan na ng baril. so magandang development itong mga cctv.

anyway, pagdating doon, nag-set up na kami. hindi masyadong nagtanong ang tanod kasi doon lang kami sa labas ng brgy. hall. binigyan ko ng tig-iisang papel ang mga bata. sabi ko, mag isip kayo ng mahal n'yo sa buhay na namatay na. iyong mahal n'yo na namatay na. tapos i-drowing n'yo sila sa isang papel.

binuksan ko ang isang lalagyan ng biskuwit na ang laman ay puro krayola, color pencil, lapis, chalk at iba pang uri ng pangkulay. kanya-kanya sila ng gawa. ako, nagpaka-busy sa paggawa ng sertipiko na nagsasabing "Iginagawad ng Kasing-kasing Kids at ni Ate Bebang ang Sertipiko ng Kahusayan kay __________ sa pagpapamalas ng husay sa paggawa ng card ngayong Undas 2014, 1 Nobyembre 2014 sa Brgy. East Kamias, Kamias, Quezon City. Nilagdaan ni Beverly W. Siy -Guro. Naging abala rin ako sa paggawa ng medal-medalan na yari lang naman sa papel. Tinatakan ko ito ng salitang artist sa harap. Ibibigay ang sertipiko at ang medalya sa makakagawa ng pinakamagandang card sa lahat. Bukod pa sa meron siyang ekstrang matatanggap na mga pagkain.

Ilang saglit pa ay tapos na ang dalawa sa kanila. Si Angelika, ang ginawa ay tatlong stick figure, isang babae at dalawang lalaki. Nilagyan niya ng pangalan ang bawat stick figure. Tatay daw niya iyon, lolo at lola. Aba, three in one card! Iyong isang bata naman, ang iginuhit ay isang kabaong na may stick figure sa loob. Lolo raw niya ang nandoon. Oo nga naman, patay, e kaya nasa kabaong. Maryosep! Suggestion ko, kung kabaong iyan, dapat may bulaklak. Lagyan mo ng bulaklak! Tumungo uli ang bata para gumuhit.

Biglang may dumating na batang lalaki. Si Daniel. 9 na si Daniel pero hindi pa siya marunong magsulat at magbasa. pabalik-balik daw ito sa grade 1. kilala ko si Daniel. Kapag may activities kami para sa kasing-kasing kids, lagi siyang kasama at wala na siyang ginawa kundi uratin ang ibang bata at manghablot ng mga hindi kanya. pero that night, behave si daniel, kasi iilan lang sila, anim. nahalina rin siya ng isang bag ng goodies na ipapamahagi ko pagkatapos. binigyan ko siya ng papel at inutusang gumawa.

maya-maya pa, may dumating na babae. nanay siya ng dalawang batang lalaki na nag-i-struggle na matapos ang kani kanilang mga card. pinapauwi na niya ang dalawa. gabi na raw. umungot ang dalawa. saglit na lang daw, matatapos na sila. iniwan na sila ng babae.

Finally, natapos na ang mga card ng naunang dalawa. sabi ko, o sige, isulat nyo ang pangalan ng tao na yan doon sa isa pang papel. pababa nyong isulat ang letters ng pangalan niya, ha. iyong batang lalaki, ronald ang inilagay. si angelika, edward. iyon daw ang pangalan ng tatay niya. tapos sabi ko, bawat letra ng pangalan niya, tumbasan nyo ng mga bagay na paborito niya. halimbawa, paborito nyang gawin, paborito nyang pagkain, damit, pasyalan at iba pa.

sabi ng batang lalaki, L, laging nag-uutos. ayan, tama, kako, lagay mo, dali-dali.

Si angelika naman, inilagay ang pangalan sa A ng Edward. sabi ko, bakit? paborito po niya akong anak, e. oo nga naman. puwede iyon.

nakalimutan ko na ang iba pa nilang inilagay. pero ang isang naalala ko ay ang D ng Ronald. Daraiver daw, sabi ng batang lalaki. dahil noon daw, nagda-drive ng taxi ang kanyang lolo.

maya-maya pa ay iniwan na ng dalawang batang lalaki ang kanilang mga gawa at umuwi. natapos na rin sina jonard at daniel sa kanilang drowing. pare-pareho ang mga ito, stick figure na nasa loob ng kabaong. ang kay jonard ang may pinakamaraming bulaklak. para ngang gawa sa bulaklak ang buong kabaong. kay daniel naman, napakaliwanag ng mga ilaw na nakapaligid sa kabaong na idinrowing niya. edwardo ang isinulat ni jonard sa isang bagong papel. magkapatid pala sila ni angelika. ang E ng edwardo ay tinumbasan ni jonard ng Enlab kay Mama. wagi ang undas namin! si daniel naman, tinuruan naming isulat ang boyet sa isa pang papel. at ang una niyang tinumbasan ay ang letrang b. sabi niya, baboy. kasi mahilig daw sa baboy ang lolo niya. sabi ko, idugtong mo sa salitang baboy ang salitang pagkain. Dahil kapag iniwan iyon bilang baboy lang, parang hindi ka naman nagbibigay-respeto sa patay! kabaliktaran pa nga. at ginawa naman ito ni daniel. (ang tanging letter na kabisadong isulat at basahin ni daniel ay O).

ilang minuto pa ang lumipas, natapos na ang lahat. ilang tanod na ang dumating at umalis. inilatag ko ang mga gawa ng bata. pagkatapos ay tinawag ko ang isa sa mga tanod na noo'y nasa loob ng brgy. hall para magsilbing judge sa gawa ng mga bata. tingin-tingin siya. up down, up down. left right, left right. nakatitig lang ang mga bata sa gawa nila.

sabi ko, sir, so ano po ang maganda para sa inyo?

ito, sabay turo niya sa gawa ni angelika.

hurray! napapalakpak ako. kinuha ko ang isang krayola at idinagdag ko ang pangalan ng tanod sa sertipiko. it was something like rafaelo cleofilo. tapos inilagay ko sa ilalim ng pangalan niya ang salitang judge. sa may pintuan ng brgy. hall, sa may liwanag, tinawag ko si angelika para gawaran ng sertipiko at medalya. siyempre, kapiling namin sa "stage" si manong tanod at kinamayan naming dalawa si angelika.

pagkatapos niyon ay pinakuha ko na uli sa kanila ang mga gawa nila. sabi ko, ilagay ninyo sa altar ninyo para matuwa ang mga kaluluwa. si jonard, nangakong ibibigay ang gawa ng dalawang naunang umuwi.

eto na ang pinakaaabangang part ng instant halloween party slash halloween art workshop! bigayang na mga kendi at pagkain! isa isa kong binuksan ang bawat supot ng kendi at pagkain at hinati ko in equal parts (pati ang mga umalis ay ibinilang) plus 1 (for the winner, bale, 2 round ng candies at pagkain ang napunta kay angelika) ang lahat. ang sobra, ibinigay namin sa mga brgy. tanod. tuwang tuwa rin ang mga bata sa toothbrush!

bago tuluyang umalis sina jonard at angelika, sabi nila, ate babalik kami, tutulungan ka naming magbuhat ng art box papunta sa bahay ninyo. pagkaraan lang ng dalawang minuto, andiyan na nga uli sila. pero hindi na sila pinagbuhat ng mga tanod. isinakay ako sa parang tricycle na walang bubong. sila rin ang nagbuhat ng art box namin. nagpaalam na ako kina jonard at angelika. si daniel at iyong isang bata ay nauna nang umuwi pagkatapos ng hatian.

pagdating ko sa bahay, hindi pa rin ako iniimik ni poy. bilang ganti, sabi ko sa kanya, puwes, sa pasko, maghanda ka. may pa-christmas workshop tayo dito para sa mga bata.




Draft #5 ng Ang Kuwento ni Aldo, isang comics script tungkol sa climate change adaptation ng mga magsasaka

Draft #5
Comics script para sa Story #2
Manunulat: Beverly Siy, may suggestions mula kay Mam Normin Naluz
7 Nobyembre 2014, Kamias, QC

Topic: Ang pag-adapt ng mga magsasaka sa climate change
Title: Ang Kuwento ni Aldo

Setting: Contemporary times, rural at siyudad, isang season ng pagsasaka

Mga Tauhan:

1. Aldo, 40’s, magbubukid na magiging lider sa training para sa magbubukid
2. Amihan, 30’s, kasintahan ni Aldo, simple lang ang beauty, tauhan sa isang eatery sa Kutitap City
3. Maya, 30’s, farmer trainor, maganda
4. Ber, 40’s, kaibigang magbubukid ni Aldo
5. Ahente, 50’s, kakilala ni Aldo, ahente ng bahay at lupa, realty
6. Mga magbubukid, babae at lalaki


FRAME 1: Isang hapon, sa labas ng isang dampa, nakaupo sa isang maikling bench si Aldo, may kausap siya sa cellphone. Nakatanaw si Aldo sa malayo, nakakunot ang kanyang noo. Nakataas ang isang paa niya.

Ang kausap niya ay ang kasintahan na si Amihan. Nasa Kutitap City si Amihan, nagtatrabaho bilang tagaluto sa isang kainan.

CAPTION: Pinipilit na naman siya ni Amihan.

AMIHAN (off-frame): Dito ka na lang kasi magtrabaho, Aldo. Kailangan pa nila ng tao dito sa eatery. Okey ang sahod, makakaraos.


FRAME 2: Gabi na. Tapos na silang mag-usap sa telepono. Nasa loob na ng kanyang dampa si Aldo. Nakahiga siya sa banig sa isang sulok ng dampa. Mulat na mulat pa siya.

CAPTION: Pag sumunod si Aldo sa girlfriend, wala nang mag-aalaga ng kanyang bahay.

ALDO (Thought balloon): Pero tumatanda na kami. Gusto ko na ring mag-asawa.


FRAME 3: Umaga, mga alas-diyes. Nasa labas ng kanyang dampa si Aldo kausap ang ahente ng mga bahay at lupa.

May dalang bag at folder ang ahente. Halatang salesman sa itsura pa lang. Nakatingin ang ahente sa dampa ni Aldo, parang sinisipat.

CAPTION: Naisip ni Aldon na kausapin ang kilalang ahente sa kanilang lugar.

AHENTE: Oo, puwede nang ibenta! Pag napaayos, tataas pa ang presyo n’yan, malapit kasi sa highway.



FRAME 4: Same day, nakaalis na ang ahente. Nanatili si Aldo sa tapat ng kanyang dampa. Nakatanaw pa rin sa malayo.

ALDO (thought balloon): Sana maganda ang ani para mapaayos ko ‘to. Sapat na siguro ang mapagbebentahan ng bahay para makapag-umpisa kami ni Amihan.



FRAME 5; Flashback (puwedeng black and white ang frame na ito). Ang buong frame ay mas mahaba sa karaniwan. Hatiin sa tatlong makikitid na parihaba ang buong frame.

CAPTION: Ngunit maaalala ni Aldo ang…

Parihaba 1: Puno ng niyog na sinasabunutan ng napakalakas na hangin. Simbolo ito ng bukid na binabayo ng bagyo.

Parihaba 2: Bukirin na lubog sa baha.

Parihaba 3: Isang usbong ng palay na nakatanim sa lupa na sobrang tuyot at nagka-crack na.



FRAME 6: Close up ng mga kamay ni Aldo. Ipakita kung gaano na ito katagtag sa pagbubukid.

ALDO (thought balloon at off-frame): Sakaling pangit ang ani, ibebenta ko na ang bahay kahit di pa ito naaayos. Susunod na ‘ko kay Amihan.



FRAME 7: Umaga. Sa bukid, nagkakaingin si Aldo.

CAPTION: Di na nagpatumpik-tumpik si Aldo. Hinarap na niya ang bukid.



FRAME 8: Same scene sa Frame 7. Darating si Ber, isang kaibigan ni Aldo na magbubukid din. Ipakitang puno ng pagtataka ang mukha ni Aldo habang kausap si Ber.

CAPTION: Napadaan si Ber, kaibigan ni Aldo na isa ring magbubukid.

ALDO: Bakit? Anong problema?
BER: Masama na ang magkaingin, di mo ba alam?



FRAME 9: Close up ng isang tanim na wala nang bunga.

BER (off frame): Para lumaki ang pananim, kukuha ito ng mga sustansiya sa lupa. Pag nagsunog ka, ang tanim ay bumabalik sa lupa bilang abo. E, walang sustansiya ang abo.

ALDO (off frame): Napuputol nga ang pag-ikot ng sustansiya!



FRAME 10: Nag-uusap sina Aldo at Ber, same setting ng Frame 7.

CAPTION: Natuklasan ni Aldo kung bakit mas maganda ang ani ni Ber nitong mga nakaraang taon.

BER: May mga bagong paraan ng pagbubukid. Halika, ipapakilala kita sa trainor namin. Teka, di ba, Aldo, single ka pa? Maganda si Maya, single din!

ALDO: Ikaw talaga, Ber! Meryenda nga tayo. Ikukuwento ko sa ‘yo ang plano ko.



FRAME 11: Sa isang pagpupulong ng mga magbubukid, nakaupo ang mga magbubukid na babae at lalaki sa mga bench na gawa sa mga plank ng niyog. Isa roon si Aldo. May hawak na papel at panulat ang lahat. Lahat sila ay nakikinig sa babaeng farmer trainor na si Maya. Tanaw ang bukirin mula roon.

Note: ang suot nila ay pare-parehong pantaas. Parang uniform ng mga taga-Farmer Field School.


CAPTION: Unang araw pa lang, marami nang natutuhan si Aldo.

MAGBUBUKID: Maya, hindi lahat ng insekto ay peste?


FRAME 12: Same scene ng Frame 11 pero mas focused kay Maya. May hawak siyang mga larawan ng mababait na insekto.

MAYA: Oo, kaya ‘wag kayong bomba nang bomba ng pesticide. Pinapatay nito pati ang gagamba o tutubing kumakain ng pesteng insekto.



FRAME 13: Same day, same scene sa Frame 11. Pagkatapos ng pulong, magkausap sina Aldo, Maya at Ber. Magkatabi sina Maya at Aldo. Nakangiti lang si Maya, masayang-masaya siya.

ALDO: Andami ko na palang hindi alam. Lagi na akong pupunta rito.

BER: Dapat updated para lalong gumanda ang ani mo. Aldo, mapapaayos na ang bahay mo!



FRAME 14: Malakas ang ulan. Sa sarili niyang bukid, nakamasid si Aldo sa isang bahagi ng bukirin kung saan katatanim lang niya ng binhi ng “submarino,” isang variety ng rice na nabubuhay at yumayabong kahit lubog ito sa baha nang ilang araw.

Si Aldo ay nakasumbrero, pansangga niya sa malakas na ulan ang isang dipa ng plastic cover.

CAPTION: Mula noon, ginagawa na ni Aldo sa sariling bukid ang natutuhan sa mga training ni Maya.

ALDO (thought balloon): Buti at nakapagtanim ako ng binhi ng “submarine rice.” Kahit mababad ito sa baha, tutubo at lalaki pa rin ito.



FRAME 15: Sa meeting uli ng magbubukid, magkaharap sina Aldo at Maya. May inaabot na plastik si Aldo sa dalaga.

CAPTION: Dahil sa sinabi ni Maya tungkol sa pagpapalitan ng binhi na galing sa iba pang lugar, ginanahan si Aldo at iba pang magbubukid na magbigay din ng binhi para doon.

MAYA: Salamat. Makakarating ito sa iba pang magbubukid.

ALDO: Maya, ‘yon palang binhi na galing sa kabilang bayan, napakaganda ng tubo! Naobserbahan kong bagay sa lupa natin ang ganong binhi.




FRAME 16: Sa harap ng dampa, pinagmamasdan ni Aldo ang bunga ng kanyang mga halamang kamatis, kalamansi, papaya at paminta.

May ulo ni Maya sa gilid ng frame.

MAYA (parang caption ang itsura ng linyang ito): Magtanim ng perennials. Ito ‘yong mga halamang isang beses lang itatanim pero buong taon kung magbunga. May ulam na, kikita ka pa ng ekstra mula d’yan.


FRAME 17: Medium shot ni Aldo, nakatitig siya sa kanyang listahan. Kailangang mababasa ng reader ang nakasulat sa listahan.

ALDO (thought balloon): Ba’t nga ba ako aasa sa isang uri lang ng pananim? Para may maaasahan kahit may bagyo, baha o tagtuyot, magtanim ng marami at sari-sari.

Ito ang nakasulat sa listahan:

talong
kamatis
okra
sili
papaya
kalamansi

FRAME 18: Isang araw, pinuntahan ni Maya at ng iba pang magbubukid (babae at lalaki) si Aldo sa bukirin. Mayabong ang lahat ng pananim ni Aldo. Nakayuko ang ilan sa mga magbubukid at nag-eeksamin ng mga pananim habang nagsasalita si Aldo.

Ipakita na magkatabi sina Maya at Aldo.

CAPTION: Samantala, buo ang atensiyon ni Aldo sa bukid. Mapapaayos niya ang bahay para maibenta ito nang mas mahal. Makakaluwas na siya sa Kutitap City. Mapapakasalan na niya si Amihan!

ALDO: Naobserbahan kong ang ganitong binhi, na sinasabing mabubuhay kahit sa lugar na malapit sa tubig-alat, hindi kailangan ng maraming abono.

MAYA: Aba, tipid! Gaano kakonti ang abono para dito?




FRAME 19: Sa eatery sa Kutitap City, di mapakali si Amihan sa isa sa mga upuan. Matumal ang customer. Maluha-luha siya habang hawak nang mahigpit ang cellphone na luma at apron niyang lukot-lukot na.

CAPTION: Pero wala nang masagap na balita si Amihan tungkol kay Aldo.

AMIHAN (thought balloon): Ano na nga ba ang plano niya sa ‘min? Mahal pa kaya niya ‘ko? Baka may iba na siya…



FRAME 20: Sa harap ng taong pinagbentahan ng kanyang ani, nagbibilang si Aldo ng pera. Maluwang ang ngiti ni Aldo.

CAPTION: Di nagtagal, dumating ang tag-ani. Tumaas nga ang kita ni Aldo. Naalala niya ang orihinal na plano. Gagawin pa kaya niya ito?

ALDO (thought balloon): Isasabay ko lang lagi sa pagbabago ng panahon ang paraan ko ng pagbubukid!


FRAME 21: Sa tapat ng isang pondahan, kausap ni Aldo si Ber at isa pang magbubukid na lalaki. Kasama nito ang isa pang teenager na lalaki.

ALDO: O, P300 kada araw, mga pare. Sa Lunes ang materyales para mapaayos ang bahay. Asahan ko kayo, ha?

BER: Ekstrang kita rin ito, mga pare ko. Kina Aldo tayo pagkagaling sa bukid.



FRAME 22: Magkausap sina Maya at Aldo sa lugar kung saan idinaraos ang meeting. Sila lang ang tao roon. Medyo nahihiya ang itsura ni Aldo. May iniaabot siyang pera kay Maya. May hawak namang papel si Maya.

CAPTION: Sunod niyang pinuntahan ay si Maya. Nagpatulong siya para sa isang surpresa kay Amihan.

ALDO: Pasensiya sa abala, Maya.

MAYA: Okey lang, Aldo. May kaibigan akong nagtitinda ng alahas. Baka may singsing siya na maganda ang design! Dadalhin ko rin sa office sa bayan ang papeles na ‘to. Rekomendasyon para gawin kang farmer trainor dito sa atin. Congrats, ha?




FRAME 23: Pagdating ng Lunes, sa tapat ng bahay ni Aldo, may tatlong lalaking nagko-construction. Isa roon si Ber, may nakaumang na panukat sa isang tabla. Ang isa’y may hawak na yero, ang isa’y may pasan na sako.

Si Aldo ay nasa gitna nilang lahat. May kausap siya sa cellphone.

CAPTION: Naglakas-loob na si Aldo.



FRAME 24: Nakapikit si Aldo. Nag-i-imagine siya. Puwedeng luwagan ang frame na ito para ma-accommodate ang lahat ng laman ng imagination.

ITO ANG LAMAN NG IMAGINATION NIYA:

Maayos na ang kanyang bahay. Pero hindi lumaki ang bahay. Same size pa rin ito. Ang pawid na bubong ay napalitan na ng yero. Ang mga dingding ay naging plywood na. Mas malaki ang bintana at nakukurtinahan na ito. Maraming namumungang halaman sa paligid.

Magkaharap sina Aldo at Amihan pero nakatungo si Amihan. Nakatingin sa singsing na iniaalay sa kanya ni Aldo bilang simbolo ng pagmamahal at commitment ng lalaki.

Larawan ng kaligayahan sina Aldo at Amihan.

CAPTION: Inaabangan na ni Aldo ang pag-uwi ni Amihan sa kanilang bayan.

SPEECH BALLOON NG ALDO NA NASA LOOB NG IMAGINATION:
Amihan, tatanggapin mo ba ako bilang asawa?



Wakas.


Wednesday, November 5, 2014

meet up

nagbebenta rin ako ng books. sideline namin ito dati pa. hoarder kasi kami ni poy. kapag may warehouse sale ang mga publisher, sumusugod kami sa warehouse tapos kahon-kahong libro ang iniuuwi namin. hindi naman namin binabasa ang lahat ng libro. kaya maraming-maraming libro sa bahay.

para mabawasan ang mga ito at makadagdag sa income namin, sumasali kami sa mga bazaar. nagtitinda kami sa mga event ng kaibigan. laging three for 100 ang aming aklat. kadalasan, hindi kami kumikita. kasi nagbabayad kami ng bazaar space at pamasahe sa taxi, nagbabayad din kami ng assistant na tagabantay at tagabuhat.

so ayun.

pero dahil mas advocacy namin ito, tuloy lang. sumasali pa rin kami sa mga event ng kaibigan, inuubos na lang namin ang mga aklat.

kaya anong saya ko nang ma-meet ko online ang filipiniana collector na si renz maninang. taga-angeles city siya, 22 years old na nag-oopisina. na-meet ko siya sa isang facebook group kung saan malayang nagpapalitan ng mga electronic copies ng aklat (thank god, mostly foreign titles) ang mga member. siyempre, na-high blood ako. pinagsabihan ko ang mga naroon, kako masama iyan, katumbas yan ng pagnanakaw. may ilang sumagot at ipinaglaban ang kanilang ginagawa at halos maubos ang energy ko sa pakikipagsagutan sa mga member na iyon.

anyway, biglang nag-pm sa akin si renz. nakita raw niya ang mga ipinost ko. puwede raw bang bumili ng aklat ko. aba, oo kako, salamat! tinanong din niya kung may alam akong nagbebenta ng filipiniana books sa internet. akala ko, ebooks ang ibig niyang sabihin kaya itinuro ko siya sa flipreads, vibe bookstore at buqo, pero hindi pala. printed na filipiniana books pala ang hanap niya.

sabi ko, ako, meron. nagtitinda ako.

doon na nagsimula ang aming transaksiyon. interesado raw siya sa kahit anong filipiniana book. collection daw niya iyon at para rin daw sa coffee shop/library na gusto niyang itayo sa angeles in the future. wow, at pareho pa kami ng pangarap.

agad kong hinanap ang pinakamagagandang filipiniana sa aming benta box (yun yung dinadala namin kapag nagbebenta kami ng books). tapos piniktyuran ko ang mga ito. pero dahil hindi ako marunong mag-download at mag-upload, tumagal nang 100 years bago nakarating ang titles kay renz. hinintay ko pa kasing mabakante si poy para gawin ang mga iyon sa laptop.

anyway, 30 books lahat iyon. 1000 lahat. plus lahat ng books ko (puwera ang mingaw), almost 1k din. sabi ko bibilhin mo pa rin? oo raw.

aba, big time ang batang ito.

sabi ko, heto ang bank account details ko. pakisabihan ako kapag na-deposit mo na, ha? opo raw.

ipapa-ship ko na sana kaya nag-research ako sa net ng murang courier services na aabot ng angeles. kaya lang mukhang mahal ang shipping dahil napakarami ng aklat.

bigla niyang sabi, mam, luluwas na lang ako. tutal, may isa pa akong imi meet na seller.

sabi ko sa isip ko, baka scam na to a. too good to be true! luluwas para lang sa aklat? huwatda...

pero dahil walang masyadong mawawala sa akin dahil nasa akin pa rin ang mga aklat ko no matter what, nagset na kami ng petsa, oras at lugar. oct.31 (yes, bago talaga mag undas), 9am, farmers cubao. kahit saan daw na kainan doon.

good. malapit sa akin.

a few days bago mag-oct. 31, humihingi na siya ng discount. kasi makakatipid naman daw ako sa shipping.

haha ayun pala. noong una, ayaw kong magbigay, kasi naiinsulto ako kapag aklat ang tinatawaran. isa pa, sobrang mura na ng 3 for 100, ha, tatawaran pa? anyway, kako, galing naman siya ng angeles, ibang rehiyon na iyon kaya sige na nga. pero pag nag-meet na kami, saka ko sasabihin kung magkano ang discount. okey lang daw, basta bigyan ko raw siya ng discount.

come oct. 31, tumatawag na siya't nagte-text. ang aga niya sa farmers. nasa tapsihan daw siya (naku nakalimutan ko ang saktong pangalan ng tapsilugan na to haha sori) lumarga na ako, bitbit ang mahigit 30 aklat (kasama ang mga aklat ko). (hindi nga pala alam ni poy na magbubuhat ako ng 30 filipiniana books. ang akala niya, yong mga aklat ko lang ang bibilhin ng buyer. kaya pinalarga niya akong mag-isa. ako naman, ayaw ko nang magpasama. dahil pag kaming dalawa ang lumarga sa cubao, siguradong mag-uubos kami ng oras doon. kakain kami, magbo-booksale. mag-e-nbs. hay naku. baka wala na naman kaming ma-accomplish buong araw!)

noong nasa cubao na ako, text ni renz, puwede raw bang hintayin ko siya kasi may imi-meet siyang isa pang seller. naku. e gusto ko na sanang umuwi pagkahatid sa kanya ng mga aklat. sabi ko, saan mo siya imi-meet, doon kita pupuntahan. kfc shopwise daw.

doon na ako dumiretso. pagkaraan ng limang minuto, may tumawag sa akin. si renz. first time kong sinagot ang tawag niya. hello, nandito ako sa tapat, mam. ang cute ng boses. aba. totoo na itong filipiniana collector boy ko, a. mukhang hindi nga scam. tapos sabi ko, nandito ako sa loob. nakita na kita, mam, sabi niya.

ayan na!

sa labas ng kfc, may nakita akong lalaking naka-backpack. may dalang paperbag na malaki. puti ang kamiseta niya at naka-shorts lang siya. totoy na totoy. may ipinapasok siyang cellphone sa kanyang bulsa. binuksan niya ang pinto at direktang naglakad papunta sa akin. ngumiti siya. ngumiti na rin ako.

nako, ang pogi ng bata. bata kasi ang boyish ng dating. malamlam ang mata, katamtaman ang ilong. me braces. medyo kayumanggi. pero ang neat niya sa puting kamiseta. ako na ang teenager. sabi ko talaga, thank you, books!

inilabas ko na agad ang books ko. binilang ko ito sa harap niya. tinanggal ko pa ang price tag ng iba dahil iyong iba pala, hindi pa natatanggalan ng price tag! tanong ko, nag-meet na kayo noong isang seller? sabi niya, opo. heto po ang binili ko sa kanya. inilabas niya mula sa paper bag ang aklat na ptyk marcelo. malaki ito pero soft bound lang. hindi mukhang mamahalin. pero rare daw ang aklat na iyon kaya binili na niya. binigyan din daw siya ng mababang presyo ng seller. sinunggaban na niya ang pagkakataon.

nang mailipat na ang mga aklat sa bag niya at paper bag, sinabi kong P200 lang ang maibibigay kong discount sa kanya. natuwa naman siya. sabi niya, malaking bagay na iyon, mam. tapos nagkuwentuhan na kami. yes, di na ako umorder. di ko na rin siya inalok ng kahit ano. kasi ayokong mabawasan pa ang maliit kong kita for the day!

kaya raw siya maraming pambili ng aklat, kasi raw, wala raw siyang ibang pinagkakagastusan. may income daw ang parents niya, hindi rin daw siya kailangang tumulong sa mga kapatid, ang gf niya, nasa qatar (ay may gf naaaaa) kaya di raw magastos sa date date. kasi sa internet lang sila nag-uusap at nagkikita. iyong suweldo niya, kanya lang. dati raw, may isa pa siyang kinokolekta, anime. noong una, inis na inis daw ang parents niya dahil umaapaw na ang koleksiyon sa loob ng kanilang bahay. pero nakita naman daw ng parents niya, kalaunan, na nagiging source ito ng additional income para sa kanya. pinarenta raw kasi niya ang mga pelikula. wow, very entrepreneurial pa! magaling, magaling.

sa aklat, nag-umpisa raw siya sa pangongolekta ng psicom books. iyong horror. lahat daw ng philippine ghost stories, meron siya. sabi ko, meron kaming naisulat na psicom horror books. alam mo yung haunted philippines? hindi po, anya. ay pahiya ako hindi ko na muling binring up ito. anyway, ayun. pero mula raw nang mag -switch sa love-love at sa wattpad ang psicom, lumipat na raw siya sa visprint.

yey.

very good. ganyan ang magandang growth ng isang mambabasang pinoy!

nagsimula raw siya kay eros. then kay manix. kinokompleto raw niya ang mga aklat ni manix. goal din daw niyang makabili ng complete set ng pugad baboy. 6k daw iyon at puwedeng mabili kay pol medina mismo. iyon daw ang birthday gift niya sa kanyang sarili.

my gulay. may ganito palang tao sa pilipinas! naglalaan talaga ng pera para sa pop lit books! at koleksiyon talaga ang turing sa mga ito!

im so happy just being with him, listening about his collections. (love story in the making, ganon? hahaha)

sinusulit daw niya ang oras niya rito. binibili na niya ang mga kaya niyang bilhin. kasi raw sa susunod na taon, nasa qatar na rin siya. susundan niya ang gf niya doon. mag-iipon sila para pag-uwi rito, makapag-umpisa ng negosyo at mag-settle down. aba, mahusay na napalaki ang batang ito. may goal at ang linaw ng plano.

anyway, nagkuwentuhan pa kami hanggang sa lumabas kami ng kfc. sinamahan ko siyang mahanap ang terminal ng bus na sasakyan niya pabalik ng angeles. yes, saglit na saglit lang siya sa cubao. mga iang oras lang, mas matagal pa ang ibiniyahe niya. and for what? for filipino books! hay heaven talaga ang feeling.

pagkahatid ko sa kanya, tumawid ako ng foot bridge at lumarga na rin pauwi. sa bus, nag-text ako ng salamat at ingat. nag-reply siya agad, salamat din po mam.

nagtuloy ako sa bangko para mag-deposit sa isang kaibigan. kailangan ko siyang bayaran ng 900 para sa isang raket. tapos umuwi na ako.

kinumusta ni poy ang meet up. sabi ko, putsa, kakaiba. kakaiba! at ikinuwento ko sa kanya ang lahat. (siyempre, nagalit siya na nagbuhat ako ng maraming aklat!). pagkatapos niyon, nagpahinga ako saglit. paglampas pa ng halos isang oras, nag-text sa akin si renz. sabi niya, mam, nasa angeles na po ako. kung meron ka pa riyang filipiniana, bilhin ko uli ha?

wah. adik.

paano mong makakalimutan ang lalaking katulad niya?

well, ako'y naglilihi na yata.