Wednesday, April 30, 2014

Mula sa mambabasang si Claudette Talanay

just finished reading it. laughtrip po talaga, hehe, kumbaga sa damit pambabae talaga. relate sa asin part,vicks nga lang yung naitry ko, courtesy ng kalaro ko,haha. sana may susunod pa, yung tipong after effect pagkatapos ihilamos ung may bahid ng mens,hehe XD

Salamat, Claudette! Sana ay matuwa ka rin sa sequel!

Tuesday, April 29, 2014

A Call to Win: Magsaysay Youth Essay Competition Launched




Reviving a ten-year-old tradition, the Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) launches the 2014 Ramon Magsaysay Youth Essay Competition (RMYEC). Young Filipinos, age 15 to 24, are invited to join this competition, which will run until 30 June 2014. This year’s essay theme is “My Favorite Ramon Magsaysay Awardee: Servant Leadership Qualities That Inspire Me.”

The essay-writing competition is part of the Foundation’s efforts to inspire the youth with living Asian heroes of change, and to encourage them to demonstrate the same kind of servant leadership manifested by President Ramon Magsaysay and the Magsaysay laureates.

Ramon Magsaysay, who died in a tragic plane crash exactly 57 years ago today, was one of the most beloved presidents of the Philippines. Committed to his pursuit of the common man’s welfare and famously consistent in his practice of honest governance, President Magsaysay’s sudden and tragic death was deeply mourned by his people and by his admirers throughout the world. Fortunately, his legacy of servant leadership has been enshrined in the Ramon Magsaysay Award—now Asia’s premier prize and highest honor—which has been bestowed on remarkable individuals like him, for their greatness of spirit and transformative leadership in service to the peoples of Asia.

This year’s essay-writing theme focuses on the personal reflections of the young writer about a Magsaysay awardee of his/her choice, and the specific leadership qualities reflected in the chosen laureate’s life and work which are most personally inspiring.

The RMYEC has two categories—Level 1 for youth between 15 and 18 years old, and Level 2 for youth between 19 and 24 years old. Contestants are required to register and submit their essays through the RMYEC online registration and submission portal (http://www.rmaf.org.ph/rmyec/). A contestant may register and submit an essay only once.

All essays submitted for the competition must be original, unpublished, written in English, and between 500-800 words in length. Work already published on any medium (including online magazines, blogs, etc.) may not be entered in the RMYEC. Essays which have won in previous contests may also not be entered. Deadline for the submission of entries is on June 30, 2014.

Winners for each competition level will be announced at an appropriate awarding ceremony; they will also receive IT prizes (laptops, smartphones, and tablets) and have the special privilege of interacting with this year’s Ramon Magsaysay Awardees.

For further clarification, please contact Ms. Kiel Fernandez, RMAF Advocacy Officer, at 521-3166 to 75 loc. 189, or email inquiries to rmyec@rmaf.or.ph. For updates on the competition, regularly visit RMAF’s Facebook page at www.facebook.com/rmafoundation, or its Twitter account at @rmafoundation.

Monday, April 21, 2014

Bisita Iglesia 2014

Ngayong 2014, ang Loving Friends Bisita Iglesia ay sa Pasay-Paranaque isinagawa.

Ang mga dumating:

1. papa bon-ferdinand bondame
2. mama bon-rena bondame
3. baby bon-veronica bondame
4. claire racho sabugo
5. bebang siy
6. poy verzo
7. ronald paguta
8. wendell clemente-ang aming piloto (at may ari ng sasakyang ginamit namin)

date, time and place ng kitaan: holy thursday, 2pm, sa ust chapel

anong oras kami nakumpleto para makalarga? magfo-four pm! hahaha

Ang ruta:

1. UST-dito kami lagi nag-uumpisa, loob ng UST Campus, Espana, Manila
2. Our Lady of the Assumption Parish Manila -nasa likod ng Harrison Plaza at malapit sa Manila Zoo. Technically, Manila ito pero isinama na namin sa itinerary dahil on the way papuntang Pasay.
3. San Isidro Parish Pasay-along Taft Ave., nasa gitna ng Vito Cruz at Buendia
4. Our Lady of Sorrows Pasay-along Harrison Street, nasa gitna ng Buendia at Libertad
5. San Rafael Parish Pasay-along Park Avenue Street
6. Sta. Clara de Montefalco Parish Pasay-along P. Burgos Street, Libertad
7. San Roque Parish Pasay-along Cabrera St., very near EDSA
8. Shrine of Jesus, The Way, The Truth and the Life Pasay-inside MOA Complex, Pasay City
9. Shrine of St. Therese of the Child Jesus Pasay-Villamor Airbase
10. Our Lady of the Airways Pasay- Chapel Road cor. Aquino Avenue, NAIA
11. Kapilya ni Tata Dune Paranaque- San Dionisio, Paranaque
12. St. Andrew Cathedral Paranaque- Quirino Avenue, La Huerta, Paranaque
13. St. Joseph Parish Paranaque, along Quirino Ave., Tambo, Paranaque
14. National Shrine of Our Lady of Perpetual Help-Roxas Boulevard, Baclaran, Paranaque

11:00 pm kami natapos. We were so relieved and so happy. for 5 years na namin itong ginagawa! straight, as in taon-taon. at wala pa kaming nauulit na simbahan mula pa noon, except for UST, kasi doon kami laging nag-uumpisa.

kumain kami sa mang inasal na katabi ng Baclaran church. ang daming tao sobra, tapos walang tubig hay ang hirap! medyo madumi rin, eek.

anyway, masaya kami kasi natapos namin ito nang safe at mabilis. relatively mas mabilis kami kaysa sa mga dating bisita iglesia. pinaka-late naming tapos ay mga 1:00 am. that was the cavite leg. one church, one town kasi kami doon! it was very cultural. yon ang pinakapaborito kong bisita iglesia so far. ang dami daming tao sa bawat simbahan, parang its a town celebration actually at hindi bisita iglesia.

anyway, this year's bisita iglesia was a little more peaceful. mas konti ang mga tao sa simbahan. church no. 7 was even closed. nung tinanong ko iyong lalaking lumabas sa simbahan and after closing the grills at the main entrance of the church, sabi niya, ito raw ang gusto ng pari. ang isara ang simbahan ngayong thursday. kasi ang totoong bisita iglesia ay ginagawa raw talaga pag biyernes hindi pag huwebes. kaya dapat nakasara ang simbahan pag thursday. hay, kakaiba.

so iyong mga tao doon, nagdadasal na lang sa gilid, sa may parang adoration chapel nila. may isang cross sa gitna na natatakpan ng puting tela tapos maraming maraming kandila ang nakapalibot sa cross. kami, nagdasal kami sa tapat ng isang cross na nasa compound ng San Roque. i also noticed, maraming kabataan sa labas ng church. they looked like they were waiting for their friends. pare pareho sila ng damit. baka magbibisita iglesia yata sila.

i posted our route kasi naniniwala ako baka makatulong ito sa mga future bisita iglesia organizers. this route is short , hindi magastos sa gas. just expect some traffic at the buendia and libertad LRT stations. marami ring makikipot na kalsada rito kaya hindi dapat magdala ng malaking sasakyan or not too flashy na sasakyan is the right term hahaha

ilang observations ko and other comments

church observations/comments

1 mas maraming tao rito last year, napansin ko ring malapit nang mabuo ang alumni center sa tapat ng church! marami nga pala ang bumibili sa souvenir/rosary shop sa loob ng church.

2 mahirap pala itong puntahan pag may sasakyan ka, binakuran nila ang playground na katapat nito,
ang hirap na tuloy hanapin ang simbahan, walang masyadong tao rito pagdating namin, pero some young people were setting up a table outside the church, baka magse-set up sila ng information booth doon

3 surprise ang church na ito sa akin, di ko akalaing maganda ang design sa loob, salamin ang likod ng altar!
so kita mo ang labas if you check the unique "retablo". lagi kong nakikita ang simbahan na ito pag nakasakay ako sa LRT, at ngayon ko lang napasok ito sa buong buhay ko. So i made a wish! paglabas namin, marami kaming nakitang nagbibisikleta, nakakatuwa sila! meron pang isa na angkas-angkas niya ang baby niya sa isa pang maliit na upuan na nakakabit sa kanyang bisikleta. very helpful ang locals kasi ginagabayan nila ang mga sasakyan papasok at palabas ng church compound.

commercial muna: bago kami makarating sa susunod na simbahan, may itinurong simbahan si papa bon na nasa likod ng DLTB bus terminal sa may buendia. lagi raw niyang nakikita ito kaya sigurado raw siyang may simbahan doon. sinegundahan ito ni poy. sabi niya, malapit daw ito sa ospital ng kaibigan naming si mae catibog. so lumarga kami papunta roon kahit na hindi namin alam kung nasaan iyon exactly. natagalan kami sa Buendia cor. Taft Avenue. Lagi namang trapik diyan! so medyo mahaba haba ang oras na naaksaya namin sa trapik. pagdating namin sa likod ng nasabing bus terminal, natanaw agad namin ang simbahan. aba, meron nga. lumiko ang sasakyan namin sa kalyeng iyon. takang taka ako, walang tao sa kalsada. walang naglalakad papunta sa simbahan. wala ring sasakyan na lumiliko roon. pagtapat ng sasakyan namin sa simbahan, nasagot ang mga pagtataka ko. E... adventist pala.

hahaha asar talo sa amin si papa bon. asar talo sa akin si poy. tuloy-tuloy hanggang sa makarating kami sa church number...

4 nakarating na siguro ako rito noong bata ako, the interior of the church looked so familiar! pero nagwish na rin ako just in case. feeling first timer, ano? maraming tao rito kasi may misa kaya hindi kami sa loob nagdasal. nakita ko iyong dati kong estudyante sa ust, nagsisimba kasama ang nanay niya. binati pa niya ako. ipinakilala ko nga siya sa ust teachers (kay paguts at claire) kaso di ko nasabi ang name ng estudyante kasi nakalimutan ko talaga. sori, girl, ulyanin na ang teacher mo!

5 hindi ito kasama sa original line up namin. pero dahil hindi ako sigurado kung bukas ang st. rita sa may
baclaran, i asked around at the church #4 kung may malapit pang simbahan doon. At ito ang isinagot nila. kakaiba
ang itsura ng simbahan na ito, kasi parang pumapasok ka sa isang compound, tapos hindi mo alam na simbahan
na pala iyon. may arko pa ito. maraming tao rito pagdating namin kasi may misa rin na nagaganap. the church was clean, parang bago lang ang simbahan. maraming pulis dito at mga barangay tanod. nagsisimba rin katulad namin. dito nga pala ay nakita namin uli ang mga nagbibisikleta mula sa church #3. Nginitian ko pa ang isa sa kanila. Feeling close ako ano? haha

commercial uli: para makarating kami sa libertad, dumaan kami sa isang makipot na makipot na kalsada. sobrang bagal ng sasakyan namin dahil natatakot kami, baka may mabangga kaming bintanang nakabukas o di kaya ay silyang nakabalandra sa bangketa. me bangketa nga ba? wala pala. bale, silyang nakabalandra sa kalsada. tama, sa kalsada. tipong ang sala ng mga tao doon ay ang mismong kalsada. andaming tao sa kalsadang iyon. andami ring bata. habang papalapit kami nang papalapit sa dulo, pasikip naman nang pasikip ang daanan. well, i was half expecting na kalahati na lang ang kalsada pagdating namin sa dulo. at bababa na lang kaming lahat para maglakad at umeksit sa daanan na iyon, ahaha. nakakita ako ng signage after a few minutes. iyon pala ay kalsadang nasa likod ng palengke sa Libertad. kaya pala, matao. anyway, ang galing talaga ni wendell magmaneho. nakalabas kami nang safe at walang gasgas kahit gamunti.

6 dito ako bininyagan hehe kaya alam ko kung paanong makarating dito. ilang ulit akong bumalik dito para lang makuha ang aking baptismal certificate for marriage purposes eklachoingks. napakaraming tao at punong-puno ang malaking simbahan pagdating namin. kaya doon lang kami sa may bukana nakapasok. napansin ko nga pala na may library ang church na ito. kakaiba. ngayon lang ako nakakita ng church na may library! ano kaya ang bumubuo sa kanilang koleksiyon? sa labas nga pala ng church ay sari-sari ang ibinebentang street food. gusto ko sanang bumili kaya lang baka matagalan pa kami. nagpabili na lang ako kay poy ng kendi sa isang tindahan.

7. alam kong puntahan ang simbahan na ito kapag maglalakad lang. (lagi kong nadadaanan ito pag galing ako sa visprint office) pero pag may sasakyan, windang na ako. so, nagtanong kami sa isang tricycle driver na nasa labas ng church number 6. ang haba-haba ng sinabi ni manong, tipong pagdating ninyo sa dulo, kakaliwa kayo. tapos isang kanto pagkatapos, kakanan kayo. diretso, kaliwa. pagdating sa pang-apat na kanto, kanan naman. sa ika-pitumpung kanto, liko ka. iyon na iyon. doon ka kakanan. pagka-exit ninyo, kaliwa naman. iyon na. san roque na. wow. gets na gets ko hahaha. kaya tumango na lang ako. pero sa haba ng pagpapaliwanag niya, may nabanggit siyang protacio at tolentino street. hindi ko ito tinandaan kasi feeling ko, hindi ko namin masusundan ang mga direksiyon ni manong.

sa tulong ni god, nakalabas kami ng taft. dahil nasa pagitan kami ng libertad lrt at edsa taft lrt, at ang simbahan ay nasa area bago dumating ang edsa taft lrt, suggestion ko, maghanap na lang kami ng kalsada na puwedeng pasukan sa pagitan ng dalawang lrt station na ito. kahit na anong kalsada, basta hindi one way.

at akalain ninyo, pagliko ni wendell sa isang kanto, ansabe ng signage? protacio street! ang galing ni manong!

dinire-diretso namin ang kalsada. tapos ayun na naman, pakipot na nang pakipot, parang iyong nadaanan namin papunta sa church # 6. lumiko kami doon sa mataong lugar. sabi ko, doon tayo sa matrapik. kasi siguradong papunta iyon ng simbahan. dahil wala kaming mahanap na trapik, nagtanong na lang kami sa isang lalaki. sir, san po ang trapik? este saan po ang simbahan dito? ay, diretsuhin ninyo ang kalsada na ito, sa dulo may makikita kayong intersection, kakanan kayo tapos kakaliwa kayo. cabrera st. iyon. sa dulo nun, naroon ang simbahan.

ayan, nakahanap na kami ng trapik. pagliko namin sa mas masikip at mas matrapik na kalsada, cabrera street na nga. tiningnan ko ang signage na nasa kabilang kalsada, ansabe ? tolentino st. huwa! ang galing talaga ni manong tricycle driver. kung nasundan ko lang ang payo niya kanina, di na kami nag-ubos ng oras katatanong at kahahanap ng trapik!

realization: some tricycle drivers are really awesome in giving directions. yeba.

pagkatapos ng in-endure naming hirap, trapik at sikip, anyare? naratnan naming sarado ang simbahan! wah. dito iyong nagtanong ako sa isang lalaking nagsara ng grills ng main door ng simbahan. sarado nga raw, wag makulit. dahil utos ito ng parish priest. waw anlabo. so hindi ko napasok ang simbahang ito. sayang ano? doon lang kami sa gilid, sa parang adoration chapel nito. and guess what i saw besides the usual prayerful ates and kuyas of pasay? isang santo na nakatalikod! ang galing ano? kakaiba. ngayon lang ako nakakita ng santo na ang disenyo talaga ay nakatalikod sa nagdadasal sa kanya. ameyzeng.

nakakita rin ako ng mga manang na nagtitinda ng kandilang punggok na nakaswak sa punggok din na mga baso. magkano ang mga itey? P50. medyo mahal, right? bale parang donation na lang siguro iyon sa simbahan.

nagdasal kami sa isang krus na natagpuan namin malapit sa entrada ng simbahan.

pagkatapos magdasal, nag-CR si Claire. nakita raw niya kasi na malinis at maganda ang cr. e hindi naman ako naiihi nun, so hindi na ako nag cr. habang hinihintay si claire, napansin ko ang mga teenager sa parking lot. andami nila at pare-pareho ang kanilang kamiseta. ang iba sa kanila, nakayapak pa. masaya ang atmosphere doon. nagtatawanan, nagkukumustahan. palagay ko, mga naghahanda ito para sa isang malupit na round ng 14 churches.

8. hindi kami masyadong nahirapan na marating ang simbahan na ito. malaki na kasi ang kalsadang dinaanan namin. EDSA! hehe medyo lang trapik dahil ginagawa ang malaking bahagi nito sa may bandang Taft avenue, pero maginhawa naman kaming nakarating sa moa complex. kumusta ang parking doon? ay di puno! so doon kami sa malayo-layo nakapag-park. amen kay god, dahil walang bayad ang parking. hay! first time ito para sa isang henry sy establishment, haha. sobrang dami ng tao rito pagdating namin. i was really turned off. kung ako lang, bibirahan ko talaga iyon ng alis. ewan kung bakit. sa ibang simbahan naman na matao like iyong bisita iglesia sa cavite a few years ago, ang saya saya ko pa kapag nakakakita ako ng crowd sa isang simbahan. pero iba ang dating sa akin ng crowd dito, hehe. elite kasi. anyway, nang mag-clear ang station namin sa station of the cross (na nasa gilid ng simbahan), pumuwesto na kami at nagdasal. tapos naglakad kami sa may harapan ng church para magpicture. dali dali rin kaming umalis dito. kasi baka magkawalaan pa kami kapag pumasok ang iba sa loob.

9. originally, baclaran church ang next sa itinerary ko. pero dahil nagkamali kami ng labas ng kalsada mula sa moa complex, nakarating kami sa airport road. tapos sabi ni Wendell, alam daw niya kung paanong makarating sa st. therese mula roon. kaya iyon na ang inuna namin.

natuwa ako sa simbahan na ito. it was my 3rd time there. at sa umaga lang ako nakakarating doon noon. hindi ako masyadong nai-impress sa kagandahan niya sa umaga. sarado kasi ang mga pinto to conserve the aircon. sa umaga, oo, makulay. oo, maaliwalas. pero mas makulay at mas maaliwalas pala ito pag gabi. at isa pang ikinatuwa ko rito, walang masyadong tao sa loob! medyo mahirap kasing puntahan ang simbahan na ito. malapit na ito sa resorts world. e mapupuntahan lang ang resorts world kung may sasakyan ka o sasakay ka sa shuttle nila.

mabilis kaming nakapagdasal sa st. therese. pagkatapos ay nag-cr na roon ang iba sa amin. kasi malaki at maayos ang cr doon. may napansin si papaguts na poster na nagsusumigaw ng free lugaw daw. kaya lang binanggit niya ito sa amin, noong papunta na kami sa church #10. joke time talaga iyang si papaguts. so hindi kami naka avail ng free lugaw hahaha! nag-picture kami sa labas ng simbahan. sa gitna ng kalsada! haha gusto kasi ni poy, kuha ang buong façade ng simbahan. e anliit ng flash bulb niya? fail.

anyway, nagbibiruan kami na dapat counted as 2 na ang simbahan na iyon. kasi sa tabi ng st. therese signage, ay may nakabalandrang st. peter. so noong una, akala talaga nina papa bon (na first time na nakapunta rito), may isa pang simbahan doon na st. peter ang pangalan.

e, st. peter memorial plan pala ang st. peter na iyon. sa baba kasi ng simbahan, may columbarium.

ito nga pala ang favorite church ni mama claire.

10. never pa akong nakarating sa simbahan na ito. so ang naging guide namin dito ay ang kapatid kong si budang na laking paranaque. medyo nagkalituhan pa kasi hindi namin alam ang tawag sa kalyeng tinatahak namin para marating ang mia road kaya di makapagbigay ng angkop na direksiyon si budang. so pagkatapos ng ilang text at tawag kay budang (pero actually, thru Wendell's instincts lang), nakarating kami sa our lady of the airways.

o di ba ang sosyal ng pangalan? syempre, inaasahan ko, sosyal din ang itsura nito. but no. it was soooo... payak! as in maliit at simple lang siya. pati na ang façade. pang-common folks ika nga. pero wag ka, sa lahat ng simbahang pinuntahan namin for this bisita iglesia, ito ang pinakapaborito ko.

ang solemn solemn kasi sa loob. kahit na may mga nagbibisita iglesia, antahimik ng lahat. parang dito ako nakapagdasal nang husto. parang nakapagpahinga ang loob ko. at pag makita mo ang mga tao, talagang nagdadasal sila. very inspiring. simple lang ang mga damit nila. pagkatayo, lalabas na sila. walang nagkukuwentuhan. kami lang yata ang nagpa-picture doon.

nagustuhan ko rin iyong isang area sa loob ng simbahan na ginawang parang adoration chapel. binakuran ang sahig at nilagyan ito ng luhuran. malapit ito sa entrance/exit ng simbahan. siguro naisip ng pari na hindi makakapagdasal ang mga tao sa harap, sa may altar, at nakakumot na violet ang mga rebulto, kaya dito na lang.

merong nagbebenta ng mass paraphernalia sa labas. meron ding nagbebenta ng pop corn at cotton candy. sa kanila kami nagpa-picture, hehe. bumili naman kami ng pop corn para naman may negosyo sila. mukhang matumal kasi sa area na iyon. walang masyadong tao. sa parking area, noong pabalik na kami ng sasakyan, may nakita kaming nagmamando ng mga papalabas na sasakyan. aba, kamukhang kamukha at kahugis na kahugis ni papa bon! sabog ang tawanan naming lahat.

by the way, ito ang pinakaabangan namin ni papa bon na station. 10th. meron kasi siyang theory na wala nang energy ang buong grupo pagdating ng 10th station. but no. although, medyo pagod na kami, masaya pa rin kaming nagkukuwentuhan sa loob ng sasakyan. maliksi pa rin ang kilos ng bawat isa.

palagay ko, isa ito sa pinaka-easy na bisita iglesia namin.

11. mula sa church #10, I opted na unahin na lang ang pinakamalayong simbahan. iyong bisita sa san dionisio, paranaque. ang naisip ko'y sa kabihasnan na lang ang daan namin para makaiwas sa trapik sa la huerta. sa pagpunta namin doon, biglang nabanggit ni Wendell ang airforce one. sabi ko, bat alam mo yon? humirit si papa bon, alam ko rin yon. hala sabi ko, mama bon o, si papa bon! tumawa kami nina Wendell. walang ibang nakakaalam kung ano ang airforce one. tanong sila nang tanong. finally, bumigay ako.

ito ay isang night club na malapit sa kabihasnan Paranaque!

aha, sabi ni mama bon. tawa kami nang tawa! buking si papa bon ngayon. anyway, naisip kong ituro sa kanilang lahat ang controversial na airforce one pagdaan namin doon. kaya lang, nalagpasan namin ito at hindi ko ito naituro. kasi ine-expect ko, maliwanag ang signage nila. siyempre gabi na at night club iyon, di ba? nawala sa isip ko na... huwebes santo nga pala. aba siyempre kailangang sarado ang mga establishment tulad nito. nagbibisita iglesia rin siguro ang may ari XD

mapayapa kaming nakarating sa bisita ng san dionisio. lakng tuwa nila dahil may stage pa sa tabi ng bisita. ang stage ay napapalibutan ng tarpaulin na katatagpuan ng matatayog na columns. iyong parang sa rome. sa stage na iyon, doon ginaganap ang sikat na sikat na komedya ng san dionisio. (marami nang scholarly studies ang ginawa tungkol sa komedya roon. buti naman. at dapat lang. anlapit neto sa sentro ha.) andaming daming tao rito. parang may shooting at ang location ay ang munting simbahan.

pagdating naman doon, laking gulat ko. aba, me façade na ang bisita. façade ng isang lumang simbahan. mukha na talagang simbahan ang bisita. maliwanag na rin sa loob ng simbahan, hindi tulad noon na parang andilim kahit na putok naman ang araw. (guess what, nanirahan ako sa lugar na ito nang isang taon. I was 10 years old then. kaya alam ko ang itsura ng lugar na ito noon.) may retablo na rin ang bisita, antique ang peg. meron na rin itong chandelier at meron na rin itong pagkarami raming upuang pang simbahan. lumang simbahan talaga ang peg. (samantalang noon ay walang gustong magsimba rito kahit na bukas siya the whole day, all the time. labas masok lang kaming mga bata rito pag naiinitan na dahil sa kalalaro sa labas.)

napansin kong marami ang nagpi picture sa loob ng bisita. kaya di ko masyadong nagustuhan ang pagbisita ko rito. (e, nagpicture din naman ako, ngeks.) medyo siksikan din kami sa loob kaya pagkatapos na pagkatapos naming magdasal, lumabas na kami.

nagpicture-an kami sa labas sa tulong ng mga kabataang lalaki doon. andaming tao talaga! bumili rin kami ng tinapay. dahil curious ako kung ano na ang pangalan ng munting bisita (turned into an antique church), nagtanong ako sa taga-barangay hall. sabi ng babaeng nakausap ko, kapilya ni tata dune ang pangalan nito. si tata dune ay si san dionisio. at bitbit niya ang ulo niya ayon sa kanyang mga rebulto. sa santong ito nagmula ang pangalan ng barangay.

favorite church nga pala ito nina poy, papaguts at wendell.

12. saglit lang kaming naglakbay papunta sa church #12. kasi magkalapit lang ito. sa parking lang kami medyo natagalan dahil sa kalsada kami nakapag-park. as in sa tapat ng police station at community hospital haha at kakaiba pa ang aming parking dahil medyo pakurba ang kalsada.

dagsa ang tao rito. lalo na ang mga teenager. grupo-grupo. parang piyesta rin ang atmosphere. tipong may nagbebenta ng lobo.

marami sa amin ang nag wish sa loob dahil first time nila doon. bago ako makalabas ng simbahan, napansin ko, cathedral na pala ang pangalan ng simbahan. yep, level up. cathedral of St. Andrew. napaisip tuloy ako, aba, may hierarchy pala ang mismong simbahan. hindi lang ang mga paring nagpapatakbo ng mga ito.

at this time, takang taka ako, andami pang energy ni nica. e ine expect namin, makakatulog na siya sa kalahati ng aming Gawain. but no, we were down to our last two buhay na buhay pa ang prinsesita namin. ang refreshing talaga pag may kasama kang bata.

13. mabilis na kaming nakarating sa susunod. diniretso lang kasi namin ang daan mula sa la huerta papunta sa tambo, Paranaque. marami ring tao dito sa simbahan na ito. karamihan ay lalaki. at teenager. at nakayapak. first time naming nakapasok dito ni poy. kasi noong magbisita iglesia kami a few years ago kasama si iding at ej, sarado ito. ang naabutan lang namin ay ang paghahanda para sa parade ng mga tauhan sa bible. doon namin nakita si roselle nava (councilor sa Paranaque) bilang mama mary. in fairness, ang init nang mga panahon na iyon pero gora pa rin si roselle.

anyway, pagpasok namin sa st. joseph church ng tambo, namangha kami sa loob. may artworks sa kisame! maaliwalas din ang altar kahit medyo maliit ito. ito ang favorite church nina papa at mama bon.

one of the busiest churches ive seen sa bisita iglesia na ito.

14. siyempre pa, ang pinaka-pinaka-busy sa lahat ng church ay ang baclaran church! madali kaming nakapunta rito at madali rin ang parking. along roxas boulevard ang nakuha naming puwesto. nasa labas ng pinakasimbahan ang 14 stations. at marami kaming kasabay sa ika-14 na estasyon. ito rin ang pinili ng marami bilang huling estasyon.

gusto pa sana naming magtagal kaya lang sadyang pagod na kami. nagpa-picture kami nina papa p at mama claire sa may entrada ng simbahan bilang souvenir sa ikalimang sunod-sunod na bisita iglesia namin. yep! wala pa kaming palya!

bilang isang grupo naman, nagpapicture kami sa ilang kalalakihan na nakaupo sa hagdan ng simbahan. iyong kumuha ng retrato namin, nag-attempt pa siya ng selfie bilang pagjo-joke sa paghingi namin ng tulong sa kanya. anong resulta? fail! hahaha nag-empty batt ang camera ko sa kalagitnaan ng pagse-selfie niya haha!



nang mga panahon na ito, gising pa rin, although medyo cranky na, ang batang si nica. grabe ang galing galing niya. hindi siya nakatulog. hindi rin siya napagod. hindi rin nagreklamo, ni hindi umiyak.

pagkatapos namin, nakahinga kami nang maluwalhati. ang luluwag na ng aming mga ngiti. ang sarap ng pakiramdam! hindi ako masyadong religious pero iba talaga iyong dumadalaw ka sa mga simbahan at kahit ilang minuto you are one with those who whisper their prayers.

ang winish ko, ma pa rin at ang pagpasa ni ej sa magandang eskuwelahan. hindi ako masyadong umaasa sa wish sa bisita iglesia hehe kasi panahon talaga ito ng penitensiya. pero malay natin, di ba?

looking forward to next year's loving friends bisita iglesia 2015!

Friday, April 18, 2014

marindukenyos



may mga nakilala kami sa marinduque.

si kuya erwin manzano, ang trike driver na nag-drive sa amin papunta sa bayan ng sta. cruz at pabalik sa tambak beach. medium built, may kapogian kahit na medyo sunog ng araw ang balat, laging nakangiti at higit sa lahat, sincere ang pakikitungo sa amin. si kuya erwin ay 22 years old pa lang. may asawa na siya at anak. nakatira sila sa bathala, ang barangay kung saan matatagpuan ang bathala caves. si kuya erwin din ang nagpakilala sa amin kay ate connie.



ate connie perlas, ang may ari ng dampa sa tambak beach kung saan kami nag-overnight ni poy noong ikatlong gabi namin sa marinduque. mangingisda ang asawa ni ate connie at iyong dampa ang kanilang tulugan sa gabi kapag sila ay papalaot sa madaling araw. may bahay pa sila sa bandang kalsada. doon namin pinakiusapan si ate connie (sa pamamagitan ni kuya erwin) kung puwedeng iparenta sa amin nang isang gabi ang kanilang dampa.

nagkaroon kami ng instant friends na taga marinduque!

si ate connie, pagkaalis na pagkaalis namin sa kanilang bayan, ay nagtext:

mrming slmt sa inyo ano nga name u pltan ko aring nlgay ko dne d ko n aalisin bka d ntin alm mgkita p ult tau at ska pki sbi n dn s drver slmt dn s knya prng d n wri ako nkpgpslmt s knya ok slmt ult (january 5, 2014)

si kuya erwin ay nagbigay ng kanyang cell sa akin. at lagi pa rin kaming nagtetext ngayon. gagawin daw niya akong ninang ng kanilang anak! sa setyembre ang binyag.

looking forward kami ni poy! hello, marinduque this coming september!


(ito ang dampa nina ate connie)

copyright ng mga larawan: beverly w. siy

Monday, April 7, 2014

Mah Presiyus (pages)!

kaninang umaga, nakipag-meeting kami ni poy kay sir Segundo "jun" matias ng precious pages. siya rin ang may ari ng lampara books. naganap ito sa bahay ni sir jun and oh my gulay, sobrang ganda ng bahay niya. parang resort!

bago pa bumaba si sir jun mula sa taas ng kanyang bahay ay nag-picture-picture na ako nang bongga. sa may dining area kung saan kami pinatuloy ng mga kasambahay. mga dahil medyo madami sila, mga 4 ata. nagpicture-picture na ako, akala ko kasi, bawal hahaha (kaya uunahan ko sana!) pero hindi naman pala bawal. itinour pa kami ni sir jun sa lahat ng bahagi ng bahay niya pagkatapos ng aming meeting.

anyway, ito ang ilan sa napag-usapan.

1. adaptation ng jake series ni ken spillman ng Australia.

ako ang nag-pitch nito kay sir jun. earlier, about a year ago, translation lamang ang aking ipini-pitch sa mga publisher. tinanggihan iyon ng anvil dahil mababa daw ang sales ng books ni ken spillman nang mag-distribute sila dito sa pinas. tinanggihan din iyon ng adarna. sabi ni mam ani almario, ang concentration daw nila ngayon ay original stories by Filipino authors. ok kako. pero ang feeling ko, di niya nagustuhan ang aking salin hehehe. keri lang naman. ganon talaga. tapos ito ngang si sir jun ang ikatlo kong tinanong. pero ang tagal bago siya nag-reply sa aking offer.

last march 30, noong nasa pinas si ken spillman, nag-meeting kami sa makati at inupdate niya ako tungkol sa jake series. magiging tv series na raw ito sa US. wow! big time! (nang ikuwento sa akin ito ni ken, sobra akong overwhelmed, sabi ko grabe ang galing ng mama na ito. at ang suwerte! siya na ang bago kong idol!) unfortunately, hindi ko na raw puwedeng isalin ang jake series. dahil medyo estrikto raw ang TV series producer at ayaw nilang magamit ang jake series brand para sa kahit anong produkto nang walang permiso mula sa kanila.

so ang naisip na solusyon ni ken ay ang adaptation. parang Philippine version ni jake ang gagawin ko. so ito ang pinitch ko kay sir jun matias. at ok naman sa kanya. pero inencourage niya rin ako na magsulat na lang ng sarili kong kuwento para mai-publish niya. pinag-usapan din namin ang bayad. sabi ko, ang napagkasunduan namin ni ken spillman ay hati kami sa royalty na matatanggap ng author per book sold. sabi ni sir jun, 5% daw ng presyo ng aklat ang royalty ng lampara author. so ibig sabihin, tig- 2.5% daw kami ni ken. ok naman sa akin. at sabi ni sir jun, ako na lang daw ang kausap nila. meaning, ako ang magre-remit ng 2.5 % na share ni ken sa royalty. imbes na makikipag-ugnayan din sila kay ken. ok din naman sa akin ito although naisip ko na baka mas mahal pa yung pagremit ng pera sa Australia kesa dun sa matatanggap ni ken hahaha

well, all set!

pinag-usapan din namin ang illustration. nang banggitin ko ang name ng illustrator na kinausap ko para sa proyektong ito, medyo umasim ang mukha ni sir jun at ng side kick niyang si carlos, taga-precious pages din at lampara. meron daw silang natenggang proyekto nang ilang taon dahil sa illustrator na iyon. siya ang illustrator na kausap ko for jake series.

mukhang kailangan kong magbago ng illustrator kung ganon. may mga inirekomenda naman si sir jun: sina jomike tejido, mam kora dandan-albano at ghani madueno (na kaklase ko nung college, as in seatmate ko! small world!) pero sabi ni sir jun, tingnan natin kung ano ang bagay sa kuwento mo. kasi dapat bumabagay din ang style ng illustrator doon sa text ng kuwento.

ayan! woho! sana nga ay matuloy na ito. kasi magdadalawang taon na yata ang jake mula nang magkausap kami ni ken tungkol dito.

weee!

2. harlequin translation

a few days ago, tumawag sa akin si sir jun matias. tinanong niya kung magkano ang rate ko para magsalin ng harlequin novel. dahil wala akong idea kung ilang libong salita ang isasalin ko,ibinalik ko sa kanya ang tanong. magkano po ba ang ibinabayad ninyo usually? sabi niya, 14k for 48,000 words.

shocks sobrang mura! dahil mas sanay ako sa per word na rates kapag salin ang pinag-uusapan, kinompyut ko rito. 0.29 cents lang per word. sa isip ko lang ito.

pero dagdag ni sir ako raw ang magbigay ng presyo ko. depende pa rin daw sa akin kung magkano ba ang ibibigay kong presyo. so sabi ko, meet na lang kami. at ito nga. pati na rin ang ken spillman books ay napag-usapan namin.

before the meeting, pinag-usapan namin ni poy kung magkano ang rate na ibibigay kay sir jun. sabi ni poy, hindi naman daw masyadong literary ang harlequin, kaya mas madali itong isalin kaysa sa mga tinatanggap natin noon. short biographies ang isinalin namin noon para sa isang non-profit na organization. sabi ko, mahal kung piso per word. baka never na akong kausapin ni sir jun. kung papayag naman ako sa 14k, masayado namang mababa. pambayad pa lang iyon ng kuryenteng makokonsumo ng laptop habang nagsasalin ako ng nobela.

inisip ko rin ang offer ng national para sa nobela ni john green na papertowns. 30k iyon. hmmm... pero medyo literary iyon kaya medyo mataas. at first time ko pa lang magsasalin ng aklat... hmmm...

nagkompyut ako ng 35 cents per word. nasa 16k lang. nagkompyut ako ng 40 cents per word, pumalo ng 19k. puwede na.

so ito ang binigay kong presyo kay sir. sabi niya, ok naman daw. nasa range pa nila.

hindi ko pa nakikita ang isasalin kong aklat. maybe I will ask for a price adjustment kung komplikado palang isalin ang akdang napunta sa akin.

after naming magkaayos, tinanong ni sir kung gusto raw ni poy na magsalin din. sabi ko, kayang kaya po niya iyon. so malamang na bigyan din siya ng translation assignment. sa totoo lang, si poy ang interesadong magsalin ng harlequin hahaha kaya lang baka naman yung 14k na rate ang ibigay sa kanya :(

(madaling kausap si sir jun. kaya kapag nariyan na ang para sa akin at matantiya ko ang level of difficulty, saka siguro namin inegotiate ang assignment para kay poy.)

3. collection ng comics script

pinitch ko din kay sir jun ang comics scripts na naisulat ko for gospel komiks. nagpa publish din sila ng komiks. I-check daw muna niya. so ipapadala ko kay carlos ang mga sample ko mamya. puro tungkol kay god-god naman ito, hahaha! pero pambata, may uod ang bida, may nagsasalitang tsinelas at iba pa. so feeling ko entertaining and at the same time may values-values.

4. at iba pa

-masters sa up

kinakabahan daw siya sa una niyang subject sa up hahaha si mam glecy atienza ang teacher niya. nagtanong siya kung sino ang magandang kunin na teacher. naku sabi ko, lahat ng teacher sa up, pahirapan ang peg hahahaha

-booklat

ito yung wattpad pinoy version na pinasimulan niya. dami raw nagsusulat dito ngayon. at marami ang erotica. magsulat nga raw ako doon. (hehehe ito talagang si sir, naiisip ko tuloy may identity crisis ako,e.) meron siyang ipina publish na series ng aklat na galing sa booklat. ito yung pastry bin. nakakita na ako nito. maganda siya kumpara sa mga wattpad novel ng psicom. humahabol siya sa summit media chic lit books in terms of paper, cover art at packaging.

sabi niya, dito raw sa pastry bin,open siya sa kahit ano. hindi raw siya strict sa wika. sa precious romance kasi, may pagka pormal pa ang wika doon, formal na wikang Filipino. sa pastry bin, wala. ang naisip ko rito, ang sarap naman pag marami kang pera, nakakapag-experiment ka! hay. sana dumami ang pera ko para din makapag experiment ako sa mga akda hahahaha

-artworks

nang itour niya kami, inisa-isa niya ang mga art work na nakasabit sa mga dingding. bongga! may ben cab, may joya, malang, Ronald ventura, elmer borlongan, garabay, marcel, blanco (the father). sabi ko, kelangan sir sobrang tight ng security ninyo sa bahay at sobrang mahal na ng mga piyesang iyan ngayon! meron din siyang orlina, nakapatong sa mesa. isang pirasong dede. sabi niya, mura lang iyan. sabi ko, isa lang po kasi sir hahaha

nagstart kami ng 930 am natapos kami ng 1230 pm. naku mahabang mahaba ang kuwentuhan. marami sa mga ito ang unethical na ishare. kaya iyan na lang muna, friends.

anyway, medyo napagod ako sa meeting na ito. siguro dahil kabado ako the whole time. medyo rin, pa-shift-shift ang aming paksa. children's lit to erotica to children's lit to erotica. hahaha! kaloka talaga. ano kaya ang reaksiyon ng publiko rito? baka wala nang bumili ng marne marino? hahaha

naramdaman na lang namin ni poy ang pagod nang makasakay na kami ng dyip pabalik ng sikatuna. hindi kami nagkaimikan. pagoda cold wave lotion nga. bumaba siya sa grocery, ako naman, sa bangko. mahaba ang pila sa bangko, alam ninyo kung ano ang nangyari? nakatulog ako habang naghihintay na matawag ang aking number. power nap sa loob ng bangko, ang lukaret ko talaga.

pagdating sa bahay, saka kami nagkuwentuhan ni poy.hiling nga namin, sana ay matuloy ang lahat ng nai-pitch na project sa araw na ito.

amen.













hmm..



Sunday, April 6, 2014

Paunang Salita para sa aklat na RTW Project

Lahat ng uri ng manunulat ay mambabasa.

Karaniwan na ang makatagpo ng aklat ng manunulat tungkol sa kanilang mga sarili. Kabi-kabila ang koleksiyon ng mga sanaysay. Kaliwa’t kanan ang koleksiyon ng mga akdang creative non-fiction. Usong-uso ang biography at autobiography. Sampu sampera ang ganyang mga aklat.

Kaya naman, katangi-tangi ang aklat na RTW Project.

Dahil ang aklat na ito ay nilikha ng mga mambabasa.

At hindi lahat ng uri ng mambabasa ay manunulat.

Tanging ang mga mambabasang may angking tapang ang nakakatawid mula sa daigdig ng pagbabasa tungo sa daigdig ng paglikha, tanging ang mga mambabasa lamang na buo ang loob at may tangan na tatag sa pagiging matapat.

Sa anyo pa lamang ay kakikitaan na ng katapangan ang koleksiyon. Of all forms, bakit creative non-fiction ang pinili ng mga may akda? Ang pampanitikang anyo na ito ay parang pagharap sa salamin. Nang nakahubad. Televised. Sa lahat ng channel ng bansa, ultimo PTV 4 at IBC 13.

Sapagkat ang aklat na ito ay isang uri ng paglalantad. Paglalantad sa buhay ng mambabasang Filipino. Ito ang mga usaping kinasasangkutan nila, ito ang kanilang problema, ang kanilang solusyon, ang kanilang mga hinaing, ang mga pangarap, ito ang kanilang nakaraan, ang hinaharap, ito ang kanilang paraan ng pamumuhay, ito ang kanilang kinamumuhian, ang kanilang minamahal. Higit sa lahat, ito ang kanilang kaakuhan.

Tuhog ng mga akda ang lahat ng yugto ng buhay: mula kabataan hanggang katandaan.

Sa Truth-Lying ni King Arthur ay mababasa ang konsepto ng katotohanan. Sa pagbabalik-tanaw sa ilang eksena ng kanyang kabataan partikular na sa pagsasabi ng “kasinungalingan” sa magulang, nailarawan ni Arthur kung gaano kakomplikadong mag-isip ang isang bata. Na ang isang bata, kapag nakakagawa ng “kasalanan” ay malubha kung surutin ng budhi, at kadalasa’y dala-dala niya ang panunurot na ito maging sa kanyang paggulang.

Sa Karma ni Nanay, inilarawan ni Orly Agawin ang malungkot na araw-araw ng kanyang matanda nang nanay. Ibinahagi rin ang araw-araw niyang pagsagip dito upang hindi ito tuluyang malunod sa walang katiyakang paghihintay. Mula sa matalino at mapagmasid na mga mata ng batang bersiyon ni Agawin, naipakita ang pampamilyang sigalot na magpapaunawa sa mambabasa kung bakit ito ngayon ang danas ng isang babaeng nasa dapithapon na ng buhay.

Nangibabaw ang mga akdang nagtatampok sa natatanging karanasan ng kababaihan.

Nakakabilib ang akdang Boobs dahil walang pag-aalinlangan sa pagpapahayag ang awtor na si Joko Magalong. Sa pamamagitan ng estilo niyang ito, na-highlight ang mga prosesong nagaganap sa katawan ng isang babae: pisikal, sikolohikal at emosyonal. Napaka-empowering ng ganitong uri ng artikulasyon. Matatagpuan din sa akda ang matapang na pagharap sa gabundok na pagsubok at ang paggawa ng hakbang para malampasan ito.

Isang mapagpalayang gawain ang pagbibigay-diin sa mga bagay na hinahangad. Sa wacky at
detalyadong paraan, sinabi ni Anonymous ang mga katangian ng lalaking gusto niyang makarelasyon. Sa likod ng nakakatawang himig ng akdang Picky, isang babaeng may tiyak na pamantayan pagdating sa lalaki ang nagpapakilala. Ang mga pamantayan ay senyales ng determinasyong ipreserba ang sarili para sa nararapat na tao, na inaasahang darating sa kanyang buhay balang araw.

Sa A Journey of Love, kinilala naman ni Miss F ang halaga ng kanyang ugnayan sa mga naging mangingibig. Ipinagdiriwang din dito ang konsepto ng pagnanasa at ilang erotikong tagpo. Kay linaw ng paliwanag ni Miss F sa pangangailangan ng isang babae na maunawaan ang sarili at ang mga plano ng uniberso para sa kanya bago pumailanlang sa paghahanap ng panghabambuhay na pag-ibig.

May bahid ng rebelyon ang akdang Paglalakbay ni Anonymous. Una ay sa anyo, pagkat ito’y binubuo ng apat na maiikling akda, taliwas sa anyo ng iba pang akda sa koleksiyon. Ikalawa naman ay sa kakaibang relasyon ng pangunahing tauhan sa kanyang kapwa. Sa akdang ito, ang binigyang-diin ay ang detachment: ang distansiya ng babae sa mga lalaki sa kanyang komunidad, sa kinatagpo niyang mangingibig, sa mapanamantalang lalaki na pinalayas niya sa dyip, at panghuli ay sa ginagalawang mundo (mas gusto pa niya ang makipag-ugnayan sa aklat).

Iba’t ibang mukha ng tahanan ang ipinakita sa aklat na ito: mula sa payak ngunit makulay na kinalakhang komunidad hanggang sa isang kabahayang kinubkob ng karimlan.

Sa akdang Memoirs of a Village Geek, buhay na buhay ang komunidad ng kabataan ni Pepeng Patatas. Sa husay ng kanyang pagbibigay-detalye, naite-teleport ang mambabasa sa nasabing panahon at lugar. Sa partikular na bahaging ito ng aklat, nariyan ang pakiramdam na anumang minuto ay may lilitaw na mini pop-up books sa gitna ng pahina tampok ang mga kapamilya at kaibigan ng may akda.

Sa pagkatha ng Beyond Caring, pinaghihilom ni aka_shy ang mga sugat ng nakaraan sa piling ng kanyang marahas na kabiyak. Nagsimula ang akda sa napakadilim na eksena, sa loob ng kuwarto nilang mag-asawa. Halos walang maaninag na pag-asa ang mambabasa hanggang sa sangkapat ng naratibo. Ngunit sa awa ng huwisyo, natanto niyang ang tunay na kalaban ay ang sarili. Mabuti at sa liwanag nagsara ang paghihirap. Nagtapos ang paglalahad ni aka_shy sa loob pa rin ng kuwarto, sa loob ng sariling kuwarto, sa tahanan ng kanyang mga magulang.

Yaman din ng koleksiyon ang taglay nitong sari-saring himig: mula sa makulit at nagpapatawa hanggang sa kaswal ngunit ano ito at pagkabigat-bigat.

Maiinlab ang kahit sinong lalaki kay Gege Cruz Sugue kapag nabasa nila ang akda niyang What I Did for Love. Dito niya isiniwalat ang isang buwis-buhay na karanasan para lamang maipadama ang pagmamahal sa asawa. Kay dakila talaga. Ngunit kung tao ang Manila Bay, mataas ang posibilidad na ihabla nito ang may akda sa salang paninirang-puri. Tunay nga bang nakakawarak ng dangal at nakakadurog ng dignidad ang deskripsiyon ng may akda sa katubigan ng Maynila? Ang mambabasa ang huhusga.

Sa una’y hindi aakalain ng sinuman na ang akdang Ang Chismis ay ukol sa panggagahasa. Kaswal na kaswal si Ajie Alvarez sa kanyang paglalahad. Kahit ang pamagat ay parang nagbibiro pa nga. Ngunit dahil dito ay umaalingawngaw ang talino ng di pangkaraniwang himig. Napagsasanib ang tinis ng ma-chismis na umaga sa isang tipikal na opisina at ang ungol ng bawat segundo ng di malilimutang gabi sa isang tipikal na motel.

Ilang akda sa koleksiyong ito ang humihingi ng katarungan sa di tuwirang paraan.

Isang araw sa mall, hinuli ng security si HJBF. Walang takot niyang ikinuwento ang lahat ng ginawa sa kanya sa akdang Department Store. Sa linaw ng detalye at pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, aakalaing noong makalawa lamang naganap ang maghapong bangungot, samantalang ang totoo ay dekada na ang nagdaan. Kahanga-hanga rin ang estruktura ng akda: mala-fiction, bahala ang mambabasa sa komentaryo, rekomendasyon at aksiyon para sa tunay na may sala.

Ang Nineteen ni Patricia Santos ay tigib ng dalamhati para sa isang matalik na kaibigan. Nangako pa naman ito ng kasiyahan dahil sa pagbubukas ng akda, twin birthday celebration ang pinaghahandaan ng dalawang pangunahing tauhan. Sa kasawiampalad ay mapupunta sa wala ang lahat ng kanilang mga ginawa. Nakakabutas ng bungo ang bawat pagbanggit ng pangalan, petsa, lunan.

Dahil pagbabasa ang kinagisnang oryentasyon, labas-masok sa mga naratibo ang matinding pagsinta ng mga may akda sa mga aklat.

Tampok sa Bakit Ba Ako Mahilig Magbasa ni Lora Lynn de Leon ang personal niyang kasaysayan bilang isang mambabasa. Ibinahagi niya ang mga aklat na dumaan sa kanyang palad (at mata) mula nang siya ay bata pa hanggang sa kasalukuyan. Binanggit din ang pagsabay niya sa teknolohiya para mabasa naman ang mga aklat na nasa moderno nang format. Certified book lover talaga ang awtor. Mula simula hanggang wakas, sentro at bida pa rin ang aklat.

Sa Still She Haunts Me, Phantomwise, masining na itinahi ni Oz Mendoza sa kuwento ng sariling karanasan sa pag-ibig ang ilang linya mula sa paborito niyang mga aklat na likha ni Lewis Carroll. Ang mga ito ay paborito rin ni Lily, ang babaeng nililiyag ni Mendoza. Sabi ng may akda, “’Lily’ is the name of a very, very minor character in the Alice books.” Aklat pa rin ang pinaghanguan ng pangalan. Kay lakas ng tiwala ng may akda sa mga bagay na kayang gawin ng aklat. Masaklap man ang naging ending nila’y pinadalhan pa rin niya ng aklat si Lily, dahil ayon kay Mendoza, “…a book makes everything better, right?”

Hindi lamang book lovers ang mga may akda ng RTW Project. Ang aklat na ito ay patunay na sila ay mga mangingibig ng salita.

Nakilala nila ang ritmo at kahulugan ng salita sa pamamagitan ng ilang dekada ng pagbabasa. Nakilala rin nila at inibig nang lubos ang mga salita sapagkat personal nilang naranasan ang kapangyarihan nito na magbigay-inspirasyon, magpakilig, magpagalit, magpaibig, magpaiyak, magpahalakhak at mag-udyok na mangarap.

Ngayon ay sila na ang gumamit ng mga salita. Pinagdugtong-dugtong nila ang mga ito para lumikha ng bagong ritmo at kahulugan. Sa pagkakataong ito, sila ang may hawak ng kapangyarihan ng salita. Sa ilalim ng kanilang pamamahala, ang mga salita naman nila ang nagbibigay-inspirasyon, nagpapakilig, nagpapagalit, nagpapaibig, nagpapaiyak, nagpapahalakhak at nag-uudyok na mangarap.

Para saan, para kanino?

Para sa akin, para sa iyo.

Sa pag-asang isang araw, tayo naman ang tutubuan ng tapang para kilalanin, panghawakan at mahalin ang salita at ang kapangyarihan nito. Dahil hindi naman lahat ng uri ng mambabasa ay manunulat.

Naalala mo, tanging ang mga mambabasang may angking tapang ang nakakatawid mula sa daigdig ng pagbabasa tungo sa daigdig ng paglikha, tanging ang mga mambabasa lamang na buo ang loob at may tangan na tatag sa pagiging matapat?

Tama ka, mahal na mambabasa, ang aklat na hawak mo ay walang iba kundi isang paanyaya.

Beverly Siy
Kamias, Quezon City
Abril 2014

Thursday, April 3, 2014

Paper Towns in Filipino?

Nagpatawag ang National Book Store ng mga puwedeng magsalin ng isa sa mga nobela ni John Green, (yez, ang writer ng The Fault in Our Stars).

Heto ang salin ko sa prologue ng Paper Towns.

Harinawang maaprubahan.



P R O L O G U E

Sa pagkakaintindi ko, lahat ng tao, makakaranas talaga ng milagro. Okey... siguro nga imposible ‘yong matamaan ako ng kidlat, o kaya mabigyan ako ng Nobel Prize, o kaya ‘yong ma-elect akong diktador sa isang maliit na bansa sa kahabaan ng Pacific Ocean, o ‘yong magkaroon ako ng kanser sa tenga, o kaya ‘yong bigla-bigla akong sumiklab at sumabog, boom! Pero isipin mo, kapag pinagsama-sama ang lahat ng pambihirang pangyayari sa mundo, siguradong may isa diyan ang sadyang mangyayari sa iyo, o sa akin o sa bawat isa sa atin.

Puwede namang inulan na lang ako ng palaka. Puwede namang nakatuntong na lang ako sa Planet Mars. Puwede namang nalunok na lang ako ng balyena. Puwede namang napangasawa ko na lang ang Queen of England o kaya napadpad na lang ako nang ilang buwan sa dagat nang walang dala na kahit ano. Kahit man lang maiinom na tubig. Puwede naman. Pero hindi, e. Ibang milagro ang nangyari sa akin. At ito ‘yon: sa lahat-lahat ba naman ng bahay sa lahat-lahat ng subdivision sa buong Florida, ang bahay namin ang naging katabing bahay ni Margo Roth Spiegelman.

‘Yong subdivision namin ay dating navy base. Jefferson Park ang pangalan. Noong hindi na kailangan ng navy, isinoli na lang ang lote na ito sa mga mamamayan ng Orlando, Florida. ‘Yong mga mamamayan ang nagdesisyon na gawin na lang itong malaking subdivision. Ganon naman kasi ang ginagawa ng Florida sa mga lote. At noong mayari na nga ang ilan sa mga unang bahay, lumipat agad doon ang mga magulang ko. Sa katabi naming bahay, ‘yong magulang naman ni Margo. Two years old kami noon ni Margo.

Bago naging Jefferson Park ay Pleasantville ang pangalan ng lugar namin. Bago ito napunta sa navy, ang may-ari ng lote ay isang lalaking nagngangalang Dr. Jef¬ferson Jefferson. Sikat. Meron pa nga siyang eskuwelahan sa Orlando na ipinangalan din sa kanya. At saka isang napakalaking foundation para sa mahihirap, nakapangalan pa rin sa kanya. Kakaiba, di ba? Pero ang talagang nakakaaliw at nakakabaliw tungkol kay Dr. Jefferson Jefferson ay… hindi naman talaga siya doktor. Tindero lang siya ng orange juice noon at ang totoong pangalan niya ay Jefferson Jefferson. Noong yumaman na siya at naging big time, nagpunta siya sa korte at pina-register ang pangalang “Jefferson” as his middle name, tapos pinabago niya ang first name niya. Ginawa niya itong “Dr.” Capital D. Small R. Period.

Nine years old na kami noon ni Margo. Magkaibigan ang magulang namin kaya malamang sa malamang, kaming dalawa ang laging magkalaro. Nagba-bike din kami, pati doon sa mga dead end na kalye hanggang sa mismong Jefferson Park, ‘yong pinakagitna ng subdivision namin.

Kapag narinig kong parating na si Margo, walang palya, inaatake na ako ng kaba. Bakit naman hindi? Si Margo ang pinakamagandang nilalang na nilikha ng Panginoong Maykapal sa buong kapatagan at sa buong kalawakan. Nang umagang iyon, ang suot niya ay puting shorts at pink na T-shirt, at sa gitna ng T-shirt ay matatagpuan ang isang green na dragon na bumubuga ng apoy na gawa sa orange glitters. Mahirap ipaliwanag kung bakit nakakainlab ang nabanggit na T-shirt noong mga panahon na ‘yon. Basta, ganon. Nakakainlab.

Tulad ng dati, dumating si Margo nang naka-bike. Nakatayo siya habang nakahawak nang mahigpit sa manibela, at sa bilis ng pagpedal niya, blurred na sa paningin ang kanyang sneakers na kulay violet. Napakainit noon, March kasi. Maaliwalas ang langit pero lasang kinakalawang na payong ang hangin, para bang may bagyong paparating.

Feeling ko noong mga panahon na ‘yon, isa akong scientist-inventor. Pagkatapos naming ikandado ang mga bike namin, naglakad na kami papunta sa playground. Ikinuwento ko kay Margo ang naiisip kong imbensiyon: ang Ringolator. Ang Ringolator ay isang higanteng kanyon na magsu-shoot sa isang mababang orbit ng malalaking bato na iba’t iba ang kulay. Sa pamamagitan ng imbento ko, sa wakas, magkakaroon na rin ng rings ang Earth. Iyong kamukha ng rings ng Saturn. (Hanggang ngayon, palagay ko, magwo-work pa rin talaga ang Ringolator. Cool nga, e. Ang medyo komplikado lang ay iyong paggawa ng kanyon na makakapag-shoot ng mga batong kasinlaki ng bahay sa isang mababang orbit.)

Maraming beses na akong nakapunta sa park na ito, kabisado ko na nga ang lokasyon ng bawat puno, bawat damo, at bawat bato. Kaya noong pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa park, may naramdaman ako agad na parang weird, parang may mali rito, di ko nga lang matukoy kung ano.

“Quentin,” halos pabulong akong tinawag ni Margo.

May itinuro siya. ‘Tsaka ko nalaman kung ano ‘yong weird.

Ilang hakbang sa tapat namin, isang oak tree ang nakatayo. Mataba ang puno, sala-salabid ang mga ugat at mukhang buhay na ito noong sinauna pang panahon. Hindi ‘yan ang weird. Ang playground sa kanan namin. Hindi rin ‘yan ang weird. May nakasalampak sa puno. Isang lalaking naka-suit na gray. Hindi gumagalaw. ‘Yan ang weird. Napapalibutan siya ng dugo; halos tuyot na ang fountain ng dugo na umagos mula sa nakabuka niyang bibig habang nagpapahinga ang mga langaw sa maputla niyang noo.

“Patay,” sabi sa akin ni Margo, na para bang wala akong kaaydi-idea sa natagpuan namin.

Dahan-dahan akong umatras, dalawang maliit na hakbang. Naalala ko, noong minutong iyon, inisip ko, kapag gumalaw ako nang mabilis, baka bumangon ang lalaki at bigla na lang manakal. Baka zombie pala ito! Alam ko, hindi totoo ang zombie, pero sa itsura kasi ng lalaki, puwedeng-puwede itong maging zombie.

Pag-atras ko, siya namang lapit ni Margo sa lalaki. Dahan-dahan, dalawang maliit na hakbang din. “Bukas pa ang mga mata niya,” sabi ni Margo.

“Uwinatayo,” sabi ko.

“Akala ko, kapag namatay ang isang tao, napapasara din ang mga mata niya.”

“Margopleasetarakailangannatingireportitongayonna.”

Humakbang uli siya. Malapit na talaga siya sa lalaki, inabot niya at hinipo pa ang paa nito. “Ano kaya ang nangyari sa kanya?” tanong ni Margo. “Baka dahil sa drugs o ano.”

Ayokong iwan doon si Margo na ang tanging kapiling ay ‘yong patay na lalaki na baka nga isa palang zombie. Pero ayoko rin namang magtagal doon para lang pagkuwentuhan kung paano kaya ito namatay. Kaya inipon ko ang lahat ng tapang sa buo kong katawan at humakbang ako palapit kay Margo, hinila ko ang kamay niya. “Margotaranataranauwinatayo.”

“Sige na nga,” sagot niya. Takbo kami papunta sa mga bike namin, parang natatae ako sa sobrang tuwa, pero ang totoo, sa sobrang kaba.

Pagsakay namin sa bike, pinauna ko siyang pumedal at umandar kasi napaiyak na akong talaga at ayoko namang makita niya akong umiiyak.

Napansin kong may dugo sa suwelas ng sneakers niya. Dugo ‘yon ng lalaki. Dugo ng patay na lalaki.

Sa wakas, nakarating kami sa sari-sarili naming bahay. Tawag agad ang nanay at tatay ko sa 911. Tapos may narinig na akong wangwang mula sa malayo. Tinanong ko ang nanay ko kung puwede kong panoorin iyong mga trak ng bumbero. Sabi ng nanay ko, ‘wag na raw. Kaya natulog na lang ako.

Therapists ang nanay at tatay ko. Meaning, maayos akong uri ng bata, tipong well adjusted ang utak, ganyan. Paggising ko, kinausap ako ng nanay ko tungkol sa cycle ng buhay, at kung bakit bahagi ng buhay ang kamatayan. Pero sabi niya, itong bahagi ng buhay na ito ay hindi ko pa naman kailangang alalahanin pa… sa ngayon… sa edad na siyam na taong gulang. Pagkatapos niyon, gumaan ang pakiramdam ko. Ang totoo, hindi naman talaga ako naapektuhan. Para iyon lang, e, sus. Wala sa akin ‘yon. Kayang-kaya kong humarap sa mas grabe pang mga bagay-bagay. Bring it on.

Okey, ito ang nangyari: may natagpuan akong patay na lalaki. Ang cute at nine-year old version ng sarili ko, at ang mas cute at nine-year old version ni Margo ay may natagpuang bangkay sa playground, agos ang dugo mula sa sarili nitong bibig, tapos iyong dugo na iyon ay napunta sa cute na sneakers ng kalaro ko habang nagbibisikleta kami pauwi. Sobrang kahindik-hindik talaga. E, ano naman ngayon? Hindi ko naman kilala iyong lalaki. Andami-daming namamatay araw-araw, oras-oras, minu-minuto, mga taong hindi ko rin kakilala. Kung magkaka-nervous breakdown ako sa tuwing may kahindik-hindik na pangyayari sa mundong ito, baka masahol pa ako sa sinto-sintong hipon.

Pagsapit ng nine o' clock nang gabing ‘yon, pumasok na ako sa kuwarto ko para matulog, kasi nine ang oras ng tulog ko. Sinamahan ako ng nanay ko hanggang sa kama, tapos sabi niya, mahal niya ako, sabi ko naman, “See you tomorrow.” Sumagot siya ng, “See you tomorrow,” tapos pinatay niya ang ilaw at isinara ang pinto pero hindi ‘yong lapat na lapat na uri ng pagkakasara.

Pagtagilid ko, nakita ko si Margo Roth Spiegelman, nakatayo sa labas ng bintana, halos nakalapat na ang mukha niya sa screen. Bumangon ako at binuksan ko ang bintana, may namamagitan sa amin na screen kaya pixelated ang mukha niya sa paningin ko.

“Nag-imbestiga ako,” seryoso niyang bungad sa akin. May hawak siyang maliit na notebook at isang lapis na may pambura sa dulo. May mga kagat-kagat ang pambura. Tiningnan niya ang kanyang notes. “Ayon kay Mrs. Feldman, taga-Jefferson Court, ang pangalan ng lalaki ay Robert Joyner. Sabi niya sa akin, nakatira daw ‘yong lalaki sa Jefferson Road, sa isa sa mga condo sa itaas ng grocery, kaya nagpunta ako doon. Naku, andaming pulis! Iyong isa kanila, tinanong ako. Nagsusulat daw ba ako para sa diyaryo ng eskuwelahan. Sagot ko, wala namang diyaryo ang eskuwelahan namin, tapos sabi niya, basta raw hindi ako journalist sasagutin daw niya ang lahat ng tanong ko. Kuwento niya, thirty-six years old daw si Robert Joyner. Abogado. Ayaw akong papasukin ng mga pulis sa apartment, pero may isang manang doon na ang pangalan ay Juanita Alvarez. Taga-katabing pinto ni Robert Joyner. Nakapasok ako sa apartment ni Juanita kasi tinanong ko siya kung puwede ba akong makautang ng isang tasa ng asukal, tapos sabi niya sa akin, nagpakamatay daw si Robert Joyner sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. Tanong ko, bakit po, tapos sabi niya, nasa kalagitnaan daw ito ng isang divorce at sobrang nalulungkot daw ito dahil doon.”

Saglit siyang tumigil, pinagmasdan ko siya. Kulay abo ang kanyang mukha at nasisinagan ito ng buwan, nababasag ang mukha niya sa maliliit at libo-libong piraso dahil sa mga butas ng screen. Nagpabalik-balik ng tingin ang kanyang malaki at bilog na bilog na mga mata sa kanyang notebook at sa akin. “Andami naman diyang nakakaranas ng divorce pero hindi nagpapakamatay,” sabi ko.

“Alam ko,” sabi niya, may sigla sa kanyang boses. “Iyan din ang sinabi ko kay Juanita Alvarez. Tapos sabi niya . . .” Tiningnan ni Margo ang kabilang pahina. “Sabi niya, may bumabagabag daw kay Mr. Joyner. Tinanong ko siya kung anong ibig sabihin niyon, sabi niya sa akin, basta, ipagdasal na lang daw namin si Mr. Joyner at dalhin ko na raw iyong asukal sa nanay ko, tapos sabi ko sa kanya, e, okey na po, sa inyo na po ang asukal, tapos umalis na ako.”

Hindi ako umimik. Gusto ko, magsalita lang siya nang magsalita—kasi iyong maliit na boses na iyon na punong-puno ng sigla dahil sa dami ng natutuklasan, dahil doon, pakiramdam ko, may nangyayaring importante sa akin, pati na sa sarili kong buhay.

“Parang alam ko ang dahilan kung bakit nangyari sa kanya iyon,” sambit ni Margo.

“Bakit nga ba?”

“Baka nalagot na ang lahat ng hibla ng lakas sa kanyang loob,” sagot nito.

Habang nag-iisip ako ng isasagot doon, tinanggal ko sa pagkaka-lock ang screen sa pagitan namin. Dahan-dahan kong binaklas ang screen para maibaba ito sa sahig. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong makasagot pa. Inilapit niya ang mukha niya sa akin, tapos bumulong siya, “Isara mo ‘tong bintana.” Sunod naman ako. Pagkasara ko ng bintana, akala ko, aalis na siya. Pero hindi siya kumilos. Nakatayo lang siya habang nakatitig sa akin. Kinawayan ko siya at nginitian pero nakatanga pa rin siya. Napako ang paningin niya sa bandang likuran ko, parang may nakikita siyang nakakatakot na kung ano, ang putla-putla ng mukha niya. Kinabahan ako nang todo. Gusto ko mang alamin kung ano ang nakikita niya sa likuran ko, hindi na rin ako lumingon. Kasi wala naman talagang makikita sa likod ko—kundi iyong lalaki na pinag-uusapan namin kanina. Iyong patay.

Tumigil ako sa pagkaway. Magkatapat ang ulo namin habang tinititigan namin ang isa’t isa sa magkabilang panig ng bintana. Hindi ko na maalala kung paanong natapos ang gabing iyon—kung bumalik ba ako sa kama ko o umuwi na siya sa kanila. Basta, sa sarili kong alaala, wala siyang ending. Nandoon lang kami, nakatayo, pinagmamasdan ang isa’t isa, walang humpay, habambuhay.

Mahilig talaga sa mahiwagang bagay itong si Margo. At sa lahat ng nangyari pagkatapos ng araw na iyon, lagi kong naiisip na baka sa sobrang pagkahumaling niya sa mga hiwaga at misteryo, hindi niya namalayang siya mismo ay naging isa na sa mga ito.


Tuesday, April 1, 2014

Mula kay Vins Miranda ng Miriam College High School Department

Gusto ko lang ibalita na kasama sa required reading materials ng Grade 11 naming ang It's A Mens World. May summer reading program na kami. Padayon!

Maraming salamat, Vins! Padayon din sa iyo! Hehe dami ko na utang sa iyo!