Friday, February 28, 2014

Bebang Siy featured in a Rappler article about women and arts

(En)gendered form and content: Pinay artists speak up and stay strong
by Libay Linsangan Cantor

MANILA, Philippines — Women and artistry go hand in hand. But when faced with obstacles due to gender biases, sometimes their art transforms into advocacy.

Filipina artists shine in many fields. Their paintings, music, films, books, stage plays, performances and photographs are honored and renowned. Decade after decade, they are celebrated both locally and internationally.

But as they share their thoughts on being creators, some gendered struggles still exist. Sometimes, the struggles come from their own self-journeys. Sometimes, what they’re battling are social systems that reflect oppressions.

Yet no matter what they go through, they still embrace their respective muses and strive to produce, to create, and to excel. More importantly, they also try to encourage fellow women like them to pursue their dreams. They always aspire to be creative, and they inspire to create as well.

For the commemoration of National Arts Month, here are some thoughts on creativity from our established and emerging artists today. Filipinas shine with their art, and art becomes a statement of being strong.

Check the rest of the article here:

http://www.rappler.com/brandrap/whipit/51607-whip-it-pinay-artists-speak-up-and-stay-strong

Daghang salamat, Libay, kapatid! Mabuhay!

TRIPLE SA SITENTA

Malugod kayong inaanyayahan ng




UST Center for Creative Writing and Literary Studies

kasama ang

Ateneo de Manila University Press

Filipinas Institute of Translation, Inc. at

Komisyon sa Wikang Filipino

sa




TRIPLE SA SITENTA

(Isang Hapon ng Lektura, Poetry Reading, at Booklaunch)





ni National Artist

Virgilio S. Almario




7 Marso 2014, Biyernes

ika-2 ng hapon

Tanghalang Teresita Quirino, Benavidez Bldg., UST




RSVP

Maria Christina Pangan

pangan.christina@gmail.com

0906-4801620

Copyright ng larawan: Beverly Siy

Book Spine Poetry Contest sa Beacon Academy

Ngayong National Arts Month, kakaibang patimpalak sa tula ang aking nilahukan bilang isang hurado. Pinamagatan itong Book Spine Poetry Contest na nilahukan ng mga estudyante ng Grades 9-12 ng Beacon Academy at inorganisa ng kanilang librarian na si Bb. Zarah C. Gagatiga.

Lahat ng kalahok ay kailangang makagawa ng isang tula gamit ang iba’t ibang pamagat ng aklat, na nakalimbag sa spine ng aklat. Ang isang spine ay katumbas ng isang taludtod.

Dito ay hindi ako nagbago ng criteria sa ginawa kong paghusga sa mga kalahok. Ang ginawa ko ay katulad din ng paghusga ko sa karaniwang patimpalak sa tula.

Bakit?

Sapagkat ang proseso lamang ng paglikha ng tula ang naiiba rito. Ang Book Spine Poetry ay isang halimbawa ng Found Poetry. Ito ‘yong uri ng tula na binubuo ng mga salita o pariralang basta na lamang natagpuan. Malabo ba? Ganito, halimbawa ay ang tula na gawa sa ilang headline ng ilang diyaryo. O kaya ay ang tula na gawa sa unang pariralang matatagpuan sa unang pahina ng unang sampung libro na madadampot sa isang aklatan. Ibig sabihin, pre-selected ang (mga) salita na siyang titindig bilang isang taludtod. Walang babaguhin ang sinumang nais gumawa ng tula mula sa mga natagpuan niyang salita o parirala. Ang maaari lamang baguhin (depende na sa makata) ay ang pagkakasunod-sunod ng taludtod at/o ang mga bantas na nakapaloob sa mga ito.

Kumbaga, hindi kailangang likhain mula sa bula ang isang taludtod. Sa patimpalak na ito ng Beacon Academy, nariyan ang mga spine ng aklat, nariyan ang salita o parirala sa bawat spine na siyang bubuo sa taludtod. Kailangang piliin ang mga ito at ayusin ang pagkakasunod-sunod para makalikha ng isang tula.

At dahil tula pa rin ito, inaasahang matatagpuan pa rin dito ang mga elemento ng nasabing anyong pampanitikan.

Narito ang ilan sa palagay ko na dapat taglayin ng isang tula (in no particular order po!):

1. Mapaglarong gamit ng wika

-ito ang dahilan kung bakit nagiging manunulat ang isang karaniwang tao. Nagbabago ang simpleng salita dahil sa mapaglarong gamit niya rito. Nagbabago ito ng anyo, ng kulay, ng hugis, ng amoy, ng lasa, ng tunog dahil sa masining na paggamit ng isang manunulat.

Sa kaso ng mga spine bilang taludtod, maaaring nagbabago ang kahulugan ng orihinal na pamagat sa spine dahil sa mapaglaro at masining na pagkakasunod-sunod ng bawat spine. Nalalaro niya ang mga salita, at ang kahulugan at tunog nito batay sa pagkakasunod-sunod ng spine.

2. Talinghaga

Ito raw ay pinagsanib na dalawang salita: nakataling hiwaga. Walang eksaktong salin sa Ingles ang salitang talinghaga. Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ito ay mapagbuong simulain ng isang akda, lalo na kaugnay ng malikhaing pangangasiwa sa tayutay at retorika.

Ito ‘yong bagay sa loob ng tula na kapag naaninag mo, ikaw ay mapapa-“aaa… iyon pala!” Maaaring maipahayag ang talinghaga sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay tulad ng simile, metaphor, irony, personification at marami pa. Maaari din namang ang talinghaga ay ang bagay na siyang hindi ipinapahayag sa isang tula.

3. Mapaglarong gamit ng taludtod

Dahil sa patimpalak na ito, pre-selected ang (mga) salita sa isang spine o taludtod, ang kailangang bantayan ay kung paanong nagagamit ang pagkakaputol ng mga salita at diwa ng bawat spine. Nakakapagdagdag ba ito sa mensaheng nais iparating ng tula? Nakakapagdagdag ba ito para lalong maging interesting ang talinghaga sa tula? Dahil ba sa huling salita ng piniling spine ay nadagdagan ang pananabik para basahin ang susunod na spine? Ika nga ay, page turner ba ang huling salita ng bawat spine?

4. Persona

Ang persona ay ang mata na pinagmumulan ng isang tula. Kaninong mata ang nakakakita ng karanasan na nasa tula? Sa isang bata ba? Sa isang teenager o sa isang matanda? Sa isang mayaman ba, mahirap o middle class? Sa isang tao ba noong unang panahon o ngayong modernong panahon?

Paalala: hindi kailangang tao ang may ari ng mga mata na ito. Maaaring maging mata ito ng isang yelo o kaya ng isang penguin. Puwede ring mata ng isang buong bansa na naghihikahos. O kaya ng isang bansang gustong manakop ng ibang bansa. Kahit anong persona ay posible, walang hanggan ang posibilidad na mapagpipilian ng sinumang gustong tumula.

5. Mensahe at Tema

Bilang hurado, mahalaga rin sa akin ang tema o mensahe, hindi lang ang paraan kung paanong nilalaro ang mga salita o kung paanong ibinabaon sa mga salita ang isang talinghaga o kung paanong nayayari ang isang taludtod. Aanhin natin ang tulang napakahusay sa mga teknikalidad na nabanggit ngunit ampaw naman ang mensahe o di naman makabuluhan ang tema?

Napakahirap gumawa ng tula ngunit sa kasawiang-palad, ang tula ay isa lamang messenger. Mas importante pa rin ang message na dala-dala ng messenger. Ang pogi nga ng messenger, wala namang kuwenta ang message niya, wala rin, di ba? Sayang lang ang panahon ng nakatanggap ng message.

Kaya para sa akin, mahalagang nagbibigay ng angkop at makabuluhang mensahe ang isang tula o ang anumang pampanitikang akda.

Ngayon ay dadako na ako sa ilang kalahok na nanalo:

Last Night I Dreamed of Peace
Looking Back
The First Escape
Before We Were Free
A Hero of Our Time
Jump
Fences
Shaking the Foundation

Nagustuhan ko ang tulang ito sapagkat buo ang naratibo at nagtapos ito sa mga action word tulad ng jump at shaking na kapwa nagpapakita ng paglampas sa mga harang sa pangarap tulad ng “fence” at pagbabanta sa “foundation.” Nagustuhan ko rin ang pag-isolate ng makata sa salitang jump dahil ipinakita nito kung gaano kahalaga ang action na iyon sa buong tula. Palagay ko, ang persona ay isang nilalang na nangangako ng matinding uri ng pakikilahok sa isang bagay na napakahalaga sa kanyang panahon. At naramdaman ko sa pagsasalita ng persona kung gaano karaming pag-asa ang itinataya nito sa kanyang sarili at sa mga tulad niya. Bilib ako sa tangan na ideyalismo ng akdang ito.

Dear Bully
You say more than you think
Solitude
When No One Understands
The idea of evil
On Truth and Untruth
This I believe

Relevant ang paksa. Napapanahon at napakalinaw ng mensahe. Para sa akin, matapang ang persona dahil diniretso niya ang pakikipag-ugnayan sa bully. Ipinakita rin dito na may alam siya sa utak ng mga bully (na palagay ko ay hindi alam ng karamihan sa mga aktuwal na bully, sa tunay na buhay) at sa kanilang mga sinasabi sa kanilang mga biktima. Isa itong tunggalian ng nilalang na malalim ang pag-unawa at ng isang nilalang na bully lamang at wala nang iba.

In the Country of Men
Seeking the Heart of Wisdom
Atlas Shrugged
…and a hard rain fell

Natuwa ako dahil may alusyon ito kay Atlas, isa sa mga diyos sa mitolohiyang Griyego. Mukhang well read ang estudyanteng sumulat nito. Napakatingkad din ng imahen na lumabas sa tula. Gaano nga ba kaliit ang tao sa iskema ng isang uniberso? Nagustuhan ko rin kung paanong nagpokus sa tao ang unang taludtod at sa abalang mundo nito na siyang nangyayari ngayon. Ang ikalawang taludtod ay paglalarawan sa information era na ginagalawan nating lahat. Akala natin, tayo at ang ating talino ang sentro ng uniberso. Ay, maling-mali. Nariyan si Atlas para ipakita kung gaano tayo kaliit, gaano ka-insignificant. Siyang may hawak ng daigdig! Magkibitbalikat lamang siya’y puwede nang masira ng ulan ang iyong araw.

Snow falling on cedars
Unclean
Unholy
Undead
In between the sheets
Of the dawn of freedom

Nagustuhan ko ang ipinipintang imahen ng tulang ito, ang pag-ulan ng niyebe sa lugar na may mga puno ng cedar, isang madaling araw ng kalayaan. May ritmo ang pagkakasunod-sunod ng mga salitang unclean, unholy, undead dahil sa paulit-ulit na tunog ng prefix na “un” at maiikling salitang karugtong nito: clean, holy, dead. Nakakagulat din kung paanong tinapos ang serye ng “un”. Unclean, negative. Marumi, nakakadiri. Unholy, negative. Hindi banal, pariwara, walang kuwenta, bastos. At undead. Undead, negative. Kumbaga, zombification ng mga patay na nilalang.

Maaaring ang tula ay nagpipinta ng larawan ng isang katatapos lamang na digma. Lahat ng digma ay nagluluwal ng mga unclean, unholy at undead na pagkatao. Dahil sa imahen sa mga taludtod, parang gusto kong sabayan ang persona sa pag-aabang ng mga susunod na pangyayari sa umagang ito.

Maligayang bati sa lahat ng nanalo sa Book Spine Poetry Contest at sa mga nag-organisa nito lalo na kay Bb. Zarah C. Gagatiga. Nawa’y magpatuloy kayong lumikha at tumula. Mabuhay ang kabataang makata!

Bebang Siy
Kamias, Quezon City
Pebrero 2014

PS Para sa dagdag na detalye hinggil patimpalak na ito at sa mga nanalo, bumisita sa:

http://lovealibrarian.blogspot.com

Thursday, February 27, 2014

Naga City Public Library Poetry Project

The Naga City Public Library Poetry Project (Lectures, Readings, Performances,Books): Pagsasatubuanan Lecture by Jose Jason Chancoco starts at 4:00 p.m., 28 February 2014 at Raul Roco Public Library, City Hall Compound, Naga City, Camarines Sur.

For details, please text: 0919-9470406.

Thursday, February 20, 2014

NATIONAL ARTIST, INT’L CULTURAL STUDIES SCHOLAR AT PUP LECTURE


NA Bienvenido Lumbera
Copyright ng larawan: Beverly Siy

National Artist Bienvenido Lumbera and International Cultural Studies scholar Epifanio San Juan, Jr. will deliver on February 22, 2014 from 1:00-5:00 p.m. at PUP Mabini Campus in Sta. Mesa their lectures to mark the fifty years of Mga Agos sa Disyerto, an anthology of Filipino prize-winning short stories which until 2010 had published its fourth edition. Among its authors Edgardo M. Reyes, Rogelio R. Sicat and Dominador B. Mirasol only two are still living , Efren R. Abueg and Rogelio L. Ordo┼łez.


Efren Abueg
(Copyright ng larawan: Ronald Verzo)


Rogelio Ordonez
(copyright ng larawan: Ronald Verzo)

A landmark in the history of Philippine fiction, writes Dr. Lumbera, Mga Agos sa Disyerto linked up “with the tradition of social consciousness of Rizal novels and departed in method and temper from the writings of earlier generations.” When the book first came out (1964), he said that its writers “demonstrate skill in the craft of modern fiction” and their stories are superior to those written in English in terms of “structure, tone and texture”. The authors of Mga Agos … dominate the literary scene in Filipino in the last forty years. The anthology likewise inspired other anthologies, noted among them Sigwa (1971) and many other younger writers in Filipino and in English.

Sponsored by the Office of the Vice President for Research, Institute for Cultural Studies and Center for Creative Writing of the Polytechnic University of the Philippines (PUP), the lectures will be opened by PUP President Emmanuel C.de Guzman, Ph.D and concluded by writer-Prof. Merdeka Morales.

This event is free and open to the public.

Mensa Philippines' first Qualifying Test for 2014

Mensa Philippines' first Qualifying Test for 2014 is on March 8 at PSE West Tower, Pasig City

The next Mensa qualifying exam will be on March 8, 2014 (Saturday) at 12/F PSE West Tower, Philippine Stock Exchange Building, Pasig City; at the Main Hall Conference Venue of Business Makers Academy.

PSE West Tower is located at the building after San Miguel, near SM Megamall.

Test sessions will be held every hour on 10:00am, 11:00am, 12:00pm, 1:00pm, 2:00pm, 3:00pm and 4:00pm. The Mensa test typically takes 40 minutes to complete.

Interested test-takers are free to walk-in anytime, but some waiting may apply depending on the time of the next test, and availability of venue seats.

We recommend pre-registering at... http://www.mensaphilippines.org/p/contact-us.html
and adding your preferred time at the "OTHER QUERIES" portion of the registration form.

Scoring in the top two percentile of the Mensa test is the only prerequisite to becoming a Mensa member.

The test fee is Php800; and all test-takers are required to bring a valid ID with photo. Undergrad students may avail of the discounted price of Php500 if they show a current school ID.

The minimum age to take the Mensa test is 14 years old.

Mensa Philippines also has an FB page for this event at https://www.facebook.com/events/225281614329438/?ref_dashboard_filter=calendar

Monday, February 17, 2014

Mula kay Joelle Ieca Caipang

Hello Ate Bebang!!
You may not remember me but I am Tthe girl who asked for your autograph for your story: Marne Marino
Thank you so much for your story Marne Marino it has taught me a lot and I have really enjoyed it!!

Si Joelle ay isa sa mga batang nakilala ko sa MIBF noong Setyembre 2013. Maraming salamat sa pagtangkilik, Joelle!

Friday, February 14, 2014

Consider writing awit

On the 16th February, it will be the 100th day after Yolanda.




The Foundation for Advancing Wellness, Instruction, and Talents (AWIT) deemed it necessary to commemorate 100 days of challenge, change, and chance to recover after a disaster, natural or not.




In line with the National Arts Month festivities, we invite you to re-live the dying art of awit or auit, literally defined as song, to celebrate life as well as death.




Consider writing awit, a prehispanic quatrain composed of 12 syllables per line, which our editorial board will collect after a month. Post onwww.facebook.com/FoundationAWIT




AWIT SA IKA-100 ARAW

Espanya, Estados Unidos, at Hapon

Ang saksi sa aming pagtumba’t pagbangon.

Hayan, ngayong ikaw itong nagkatsansa --

Kaya mo ba kaming lupigin, Yolanda?










Foundation AWIT is a non-profit non-government organization that aims to uplift the well being of special populations through research and capacity building by integrating heath (wellness), education (instruction) and creativity (talents).

Kasal reminder

tuwing lumalabas ako ng bahay, naalala ko ang aming kasal.

hayan ang bugambilya ng katapat naming bahay.



feeling ko, entourage pa rin ang mga ito at ako ay naglalakad papasok sa wedding reception

tip para sa mga bride:
sa inyong kasal, subukang gumamit ng mga bagay na karaniwan pero maganda pa rin. pagkatapos ng kasal, matutuwa kayo sa tuwing makikita ninyo ang mga bagay na ito diyan sa tabi-tabi.

Maligayang araw ng mga puso!

Thursday, February 13, 2014

criminal mind

kagabi, mula 7pm hanggang 12 midnight, nasa main library ako.

nag-aral ba ako para sa thesis?

hindi. apat na oras akong nagbasa ng aklat na the world's worst criminals.

haha! diyos ko. hindi ko mabitiwan. sadya lang talaga akong interesado sa mga ganitong book. kaya natapos ko ito kahit na nagmamakaawa na ang dalawang thesis na pina-extended reading ko mula sa archives section.

heto ang ilan sa mga insight na nakuha ko:

1. karamihan sa mga murderer na na-feature sa aklat ay naumpog sa ulo o kaya naoperahan sa ulo noong bata pa sila

2. iisa ang dahilan ng pagpatay ng mga serial killer: ang pleasure na nararamdaman nila pagka nakita nilang hindi na humihinga ang taong biniktima nila.

3. karamihan sa mga target ng serial killers ay mga taong hindi agad hahanapin ng awtoridad o komunidad: backpacker, mga alipin (meron din kasing entries noong unang panahon), mga vagrant o 'yong mga taong walang bahay, sa kalsada natutulog, at prostitute. wala silang permanenteng inuuwian o pinupuntahan kaya hindi rin napapansin kung matagal na silang wala roon o wala namang kailangang pagdudahan kung ilang araw na silang nawawala o di nakikita.

4. may mga unsolved murder case na 20-30 years ago naganap pero dahil sa techonological advancement, lalo na sa forensics, ay nalutas na sa wakas. ang isang case ay through dna analysis.

5. minsan, ang kawalan ng sistema sa imbestigasyon ang dahilan kung bakit hindi nahuhuli ang mga kriminal. at minsan pa, nasa harap na nila ang kriminal at ilang beses nang nakasalamuha, hindi pa rin nila na-pinpoint, kaya nakakawala uli at nakakapambiktima pa uli.

6. minsan, kahit na napakasama na ng diagnosis ng isang psychologist sa isang taong may history ng krimen, pinapakawalan pa rin ito sa publiko, at hindi ipinakukulong, hindi ibinabalik sa ospital.

7. iilan ang babaeng serial murderer. ang isa sa kanila, sariling mga asawa (yes, nag-aasawa siya ulit pagkapatay niya sa lalaki tapos lilipat siya ng ibang lugar para mag-asawa uli) at sariling mga anak ang pinapatay. hindi na-detect ang paulit-ulit niyang pagpatay dahil hindi in-autopsy ang mga nalalason niyang biktima. Nahuli na lamang siya nang ipa-insure niya ang huli niyang biktima. nagduda ang authorities kung paano namatay ang insured na tao. ayun, pinaimbestigahan si serial murderer at naungkat ang kamatayan ng mga dati niyang biktima.

8. isa sa natampok sa aklat na ito ay isang doktor na pumapatay ng matatandang may sakit. sa us ito. dahil bibihira ang matandang amerikano na may kasama sa bahay, nahuhulog agad ang loob ng matatandang ito sa "friendly at reliable" na doktor na tinukoy. paulit-ulit niyang ginawa ang pagpatay sa mga matanda. wala sanang makakahuli sa kanya dahil akala talaga ng komunidad at ng mga pulis, namatay ang matatanda dahil sa katandaan at/o sakit. kaya lang, naging sakim siya. gumawa siya ng pekeng last will and testament para sa huli niyang biktima. ang nakasaad ay tanging siya ang tagapagmana nito. boom. pinaimbestigahan siya at ang pagkamatay ng kanyang biktima.

9. karamihan sa mga na-feature na kriminal ay mula sa us at uk. hehe bihira ang asian. yung isa, half vietnamese, half french. may pinoy din (haaaaay), si andrew cunanan, yung pumatay kay Giovanni Versace. Cunanan was portrayed in that book as a crazy drug addict homosexual. sabi doon, isang beses lang daw nagkita ang suspect at ang biktima. tapos nun, ini-stalk na ni suspect si victim.












Wednesday, February 12, 2014

Interview tungkol sa kasalang Beboy

This will come out in poc.net on Valentine's.

Thank you, kapatid na Filliffe Anorico, sa iyong mga nakakalokang tanong!



1. Bakit po ninyo napili ang “aklat” para maging tema ng inyong kasal?

Pareho kaming book lovers. Pareho din kaming manunulat at ang love story namin ay umikot sa pagmamahal sa panitikan. Kaya palagay namin, it’s time to feature in our wedding what made us find each other: books!

I met Ronald Verzo when I was a researcher for panitikan.com.ph. He was the president of Cavite Young Writers Association during that time and Prof. Vim Nadera, Jr., my boss (sa panitikan.com.ph) and former college professor assigned me to research about writers organizations. So he gave me Ronald’s number, I got in touch with him and we met for an interview.

Since then, nagkagusto na pala siya sa akin (kuwento niya hehe after naming maging kami). Hindi ko naman ito napansin noon. Saka hindi ko rin iniisip kasi I was in a long term relationship with someone I thought I would grow old with.

Tapos after the interview, lagi pa rin kaming nagkikita dahil sa mga literary project ng CYWA at ng aming volunteer organization (Dagdag Dunong Project). In-introduce ko sa CYWA ang Unang Halik sa Panitik: Pagtuturo ng Tula, ito ang nanay ng STS (Sining ng Tugma at Sukat ng LIRA). Bago ko dalhin ang STS sa LIRA, maraming beses na namin itong nagawa ni Ronald sa lalawigan ng Cavite sa anyo ng Unang Halik sa Panitik. Dahil doon, naging close kami ni Ronald and for the first time, I had a guy friend whom I could talk to, face to face, about literature, writing, writers, books and art. Lahat kasi ng ex ko, mga halang ang bituka, harharhar, joke! Lahat sila, walang kinalaman sa mga nabanggit ko. Kung saan-saan ko kasi napulot, hahaha. ‘Yong isa, salesman ng kung ano-ano, ‘yong isa, engineer na naging kahero sa isang groserya sa US, ‘yong huli, scuba diver.

Kaya it was so refreshing to have Ronald by my side during that time. Dahil sa kanya, I was always thankful, I felt appreciated, I felt important kahit na lagi akong inaapi nang panahon na iyon ng mga kasama ko sa organisasyon at sa ginagalawan kong lit circle.

Tapos iyon, I decided to break up with my bf during that time tapos naging kami na ni Ronald. Saka ko lang na-realize na ang surname niya ay Verzo. Aba, literary pa rin? I think we were really meant to be.

So nagpapasalamat talaga ako sa mga aklat kasi kung hindi ako minahal nito, at hindi ako binigyan ng kasiyahan ng mga ito, I won’t find my true love.

So read up and find the love of your life, hihihi.

2. Mas naging magastos/matipid po ba ang ganitong uri ng tema sa kasal?

Oo. Haha! Kasi ayaw ko ng fresh flowers. Nanghihinayang ako sa pera para sa bulaklak. Imagine, mamamatay din the next day, malalanta. And yet, libo-libo ang halaga? Nakakainis, di ba? So sinabi ko ito kay Ronald (Poy ang nickname niya). Naisip namin, imbes na flowers ang table centerpiece sa reception, books na lang. E, libre pala ang flowers sa caterer namin, kinausap namin ang caterer tungkol dito. Kaya imbes na flowers, ang ibibigay na lang niya ay iba pang freebies at mga cake na maliit para sa aming mga ninong at ninang (na hindi naipamigay dahil nakalimutan ng aming wedding coordinator). So okey na rin, di ba?

Kaya sinukat namin ang venue at ang mesa, gaano karaming aklat ang kailangan namin? Teng…teng…teng.. Around 600! So halos lahat ng aklat sa bahay, inihanda na namin. Humiram din kami ng aklat sa isa naming kaibigan na book lover din at book club moderator, si Doni Oliveros ng Pinoy Reads Pinoy Books (PRPB) Book Club.

Dahil ang color motif ng kasal ay masyado nang makulay (lahat ng kulay ng bugambilya), naisip ng aming venue designer na si Kulay Labitigan na gawing puti ang lahat ng nasa venue: table cloth, books, upuan, at iba pa. So kailangan naming ibalot sa puti ang 600 aklat. Grabe.

Noong umpisa, ‘yong mga kapatid (Rianne at Ging Verzo) at isang kasambahay (Hazel) nina Poy ang nagbalot ng aklat. Tapos niyon, pamangkin ko (Joshua Dominic Siy) at kaklase niya (Exanne) naman sa bahay namin. Tapos mga kaibigan namin na sina Mae Catibog, Maru de Castro ng Pandora’s Books Online, Jon Lazam, Rap Ramirez, Wendell Clemente ng Rental Monsters, Joshelle Montanano at ang mag-asawang sina Azee Barbero-Ramos at Juan Angelo Ramos.

So mga twice a week noong Disyembre, itong mga kaibigan namin ay pumupunta sa bahay para magbalot ng aklat at para tumulong na rin sa paggawa ng iba pang pandekorasyon sa reception.

Di nagtagal, nagtatawag na talaga kami ng grupo ng kaibigan para lang matapos ang pagbabalot ng 600 aklat bago ang wedding day dahil kulang na talaga kami sa oras. Hiningi na namin ang tulong ni Kuya Doni at mga kasapi ng PRPB na sina Vonn Howard “Po” Villaraza, Jason Vega, Clare Almine, Zim dela Pena, Phoebe Andamo, Clai Flores, Ingrid Membrere, Yani Dimaunahan, Ella Betos at Reev Robledo. Kami ang nag-provide ng mga tape, puting papel at tela na pambalot sa aklat tapos buong maghapon silang magbabalot ng mga aklat.

Napakasaya ng proseso kasi nagkikita-kita kami rito sa bahay, nagkakakuwentuhan tungkol sa buhay-buhay at mga aklat. Instant bonding time ng grupo at magkakaibigan.

Pero talagang magastos din. Hindi namin na-foresee ang pagdadala ng mga aklat sa venue. Alangan namang maglakad mag-isa ang mga aklat, di ba? Hay naku. So, nag-arkila pa kami ng sasakyan para madala ang mga ito sa venue noong umaga ng wedding day at para maibalik ang mga ito sa bahay pagkatapos ng kasal.

Sa iba pang gagamitan sana ng flowers, nakatipid din naman ako. Halimbawa, ang aking bridal bouquet ay ako lang ang gumawa at ang ginamit ko rito ay isang gothic romance novel ng Precious Pages. Maputi kasi ang papel nito compared sa iba pang romance novel. Second hand lang ‘yong aklat, natagpuan ko lang sa bahay ng nanay ko at hiningi ko lang ito, so walang cost. Ang gastos ko lang ay ‘yong butones sa ibabaw ng bawat paper flower. P5.00 ang bawat isang butones, 15 butones. Binili ko ang mga ito sa tindahan ng mga sewing needs na malapit sa amin, as in 1 minute walk away lang. Labingtatlong piraso ng paper flowers ang ginawa ko kaya may sobra pa akong dalawang butones. Ginawa ko ang bouquet ko sa loob lamang ng dalawang oras, three days before the wedding. Na-Google ko lang ang directions sa paggawa nito kaya wala ring cost ‘yon.

Ang flowers naman para sa aking entourage ay ginawa ng friend kong si Azee for free (kasi mahal niya kami, haha!). Nag-provide kami ng materials tulad ng glue, tissue paper core, colored paper at mga photocopy ng manuscript na It’s Raining Mens, ang paparating na sequel ng aklat kong It’s A Mens World. So, ayun. Wala rin itong masyadong cost kasi nga puro papel lang ang ginamit. (Unfortunately, hindi namin nagamit ang paper flowers na gawa niya kasi naiwan ang mga ito sa hotel noong wedding day )

Para naman sa aking bridal car (na mobile library ng Museo Pambata), hindi rin kami gumamit ng fresh flowers. Colored paper flowers uli ang ipinandekorasyon dito ni Azee at ng PRPB friends namin. So, hindi rin ito magastos.

Overall, matipid ang aming book-themed wedding at talaga namang swak sa badyet ng dalawang manunulat na nagmamahalan at walang masyadong perang pangkasal.

Pero, at kailangan talagang i-stress ito, naging posible lamang ang lahat dahil sa limpak-limpak na labor of love ng aming mga kapamilya at kaibigan. Kung susumahin ang professional fee ng mga taong tumulong sa aming kasal, baon na baon kami sa utang. Kaya taos-puso talaga aming pasasalamat. Kung hindi dahil sa kanila, pagkapurdoy-purdoy ng kasalang Beboy.

3. Anu-anong pagsubok ang kinaharap ninyo sa proseso ng preparasyon?

Bilang magjowa? Marami! Nagkaproblema kami sa pagiging sobrang hands on. Gusto kasi ni jowa, siya ang gagawa ng imbitasyon. E, antagal ng conceptualization process niya. Kaya medyo na-late ang submission namin ng design sa Visprint Publishing (regalo nila ang pag-print ng aming wedding invitation). Kaya late na naming naipamigay ang imbitasyon. Pero na-realize ko rin na hindi na uso ang printed invitation nowadays. Text at FB na lang talaga. Sa kaso namin, dumating naman ang mga bisita kahit na hindi nila nasilayan ang aming printed invitation.

Ito pa, ayoko kasi ng sinusurpresa ako. Kasi ayoko ng mga gastos na unnecessary. Kaya gusto ko, lahat, alam ko. E, itong jowa ko, maarte. Gusto niya, may surprise-surprise pa para sa akin. Gusto niya, iba ang belo na isusuot ko (okey na ako sa belo na libre lang dahil kasama na sa aking wedding gown package) kaya secretly ay nagpabili pa siya kay Azee ng bagong belo, which is additional gastos, di ba? Nakakainis. So, iyon, nagtatalo kami roon.

Nagkaproblema rin kami sa pera kasi trickle ang pagdating ng aming suweldo, payment sa mga raket at iba pa. Mabuti na lang at laging may dumarating na tulong na hindi namin inaasahan. Nagpauna ng bigay ang ninang naming si Mam Ruby Alcantara, ninong na si Sir Efren Abueg, at ang kaibigan naming si Irene Chia. Malaking bagay pala talaga iyong tulong before the wedding. Kasi kung hindi, malamang na may utang kami sa kung sinong supplier the moment na ikinakasal kami at nakaharap sa altar.

4. Anu-ano po ang naging suliranin sa mismong araw ng kasal?

Ang major e, matatawa ka, nagdugo ang ulo ko. Literal.

So ako na, eto na, lalakad na ako papasok ng simbahan. My last walk as a single, unmarried person in my entire life.

Nakasarado ang pintuan ng simbahan. Nasa loob na ang lahat ng tao. Ako at ang kaibigan kong si Azee (na hair and make up artist ko rin that day) nasa loob pa ng mobile library/bridal car. Nandoon din si Miss Melody Remorca, kaibigan ko na storyteller. Tinawag na kami ng aming wedding coordinator na si Maru (friend din namin).

Te, ikaw na. Diz iz it. Lalakad ka na, sabi niya sa akin.

Bumaba ako ng mobile library, kasunod ko si Azee, akay niya ang trail ng aking wedding gown. Kabuntot namin si Miss Melody. Pagharap ko sa pinto ng simbahan, nilipad nang nilipad ang aking belo. Habang inaayos ni Azee ang aking belo, may narinig akong nagsalita mula sa kabila ng pinto.

Malapit na pong buksan ang pinto. Kayo na po, ha. Antabay lang. Five… four…

May countdown pa? sa isip-isip ko. Kabadong-kabado na ako noon. Lalo pa akong kinabahan. Numbers? Numbers? Haha. Kaya nga ako nag-writer, e.

Pero ganon pala ang pakiramdam ng magba-bridal walk. Kabado ako dahil hindi ko alam kung ano ang magiging hitsura ko at kung ano ang iisipin ng mga tao pagbukas ng pinto. Pumasok din sa isip ko, na wala nang urungan ito. Ikakasal na ako. Habambuhay na commitment. Yari ka, Bebang, sabi ng isang parte ng utak ko. Pag maling desisyon ito, tiyak na di ka magpapa-annul, perang malinaw ‘yon. Kuripot ka pa naman. Nyak, nyak, nyak. Numbers? Numbers!

Lipad pa rin nang lipad ang belo ko.

Three… sabi ng nasa kabila ng pinto.

Ayan na. Ayan na. Ayan na ang forever, kako sa sarili.

Pinakalma ng taong nasa likod ko ang belong nagwawala at gustong lumipad sa kawalan. May humagod sa buhok ko, may nagsuksok ng mga hairpin, may humagod ulit. Ang kulit pa rin ng belo. Bigla-bigla, may tumusok sa bumbunan ko. Putik, ang hapdi. Aruy. Aruy. Pero kumalma na ang belo ko. Hindi na nililipad. Ano ‘yong masakit? Aray talaga. Hairpin! May bumaon na hairpin sa ulo ko! Anak ng bakal naman, o.

Two… sigaw ng tao sa kabilang pinto.

Azee! Azee! sigaw ko. Tanggalin mo iyong huling hairpin na itinusok mo! Tanggalin mo! Masakit! Ang hapdi! Dali! Dali! Aray!

May iba pang tao na lumapit sa amin. May humagod uli sa buhok ko. May kumapa sa mga hairpin. May kumakapa sa bumbunan ko.

One…

Biglang nagpulasan silang lahat palayo sa akin. Naiwan akong nag-iisa sa harap ng sarado pang pinto.

Na-imagine ko ang matalas na dulo ng hairpin, tumutusok sa utak ko. Nang mga panahon na iyon, nakalimutan ko na may bungo pa pala tayo. So akala ko, mamatay na ako. Nakalimutan ko na rin ang kasal, ang lalaking pakakasalan ko, ang habambuhay na commitment, ang gastos sa annulment, ang pagiging kuripot ko. Ang tanging nasa isip ko ay ang ganda ko naman, Lord, para mamatay sa tetano.

Pumikit ako. Tapos hinigpitan ko ang hawak ko sa aking bouquet.

Pagdilat ko, bukas na ang pinto ng simbahan.

Lumipad ang lahat ng aking pangamba.

(Naglakad ako papalapit sa altar nang tumutulo ang dugo sa aking batok. Later on, nalaman namin na si Miss Melody pala ang nataranta at nagtusok ng hairpin sa aking ulo.)

5. Ano sa palagay ninyo ang epekto ng temang ito sa inyong mag-asawa?

Well, na-affirm ang aming pagmamahal sa aklat. Naisip namin na puwede naman pala talaga naming isabuhay iyong pagmamahal namin sa pagbabasa, sa panitikan, sa pagsusulat.

Dumami rin ang aming kaibigan as a couple. Noon, hindi namin super ka-close ang karamihan sa tumulong sa amin, pero dahil sa theme namin, naging mas close na kami sa mga taong ito, na may katulad na pagmamahal sa mga aklat. Marami kaming nakilala na kapareho namin ang pananaw sa mga aklat.

Naranasan din namin ang ma-feature sa ilang blog dahil sa kakaibang tema ng aming kasal. At proud kaming magjowa kasi napanindigan namin ang tema na iyon.

Ang pinakabonggang epekto siguro ay iyong naganap sa pamilya namin. Nalaman ng family namin kung gaano kami kaseryoso sa aming mga advocacy, sa writing, sa reading. Iyong nanay at mga kapatid ko, namangha sila na andami pala talaga naming kaibigan sa industriya. Kasi ‘yong pagiging writer di ba wala namang physical na manifestation? Siguro, doon sa wedding, na-realize nila na, nakita, nadama, nahawakan at nakasalamuha nila ‘yong pagiging writer namin ni Poy. Sa kasal, nandoon ang mga manunulat at mambabasang kaibigan namin. Ganon din siguro sa family ni Poy.

6. Paano sa tingin mo naiiba ang kasal ninyo sa mga “pangkaraniwang kasal”?

a. May mini book fair sa aming reception! Lumahok dito ang Pandora’s Books Online, Visprint Publishing, Vibal Publishing, Crazy Dreamy Crafts at si Joel Pablo Salud. Ang 20% ng total sales ng mini book fair ay napunta sa mga guro ng Filipino courses sa Mindanao State University-Main Campus, Marawi City. Ipambibili nila ito ng mga aklat na kailangan nila sa pagtuturo.

b. Iyong theme. Palagay ko wala pang gumagawa nito sa Pilipinas. Ang petsa ng kasal: Dec. 30. Rizal Day, araw ng pinakamalupit na nobelista sa buong Pilipinas! Ang bridal car ko ay isang mobile library. Siguro wala pa ring gumagawa nito sa Pilipinas. Karamihan ng mga picture ko sa loob ng bridal car/mobile library, may librong kasama, nakakatuwa! At palagay ko, naiiba rin ang mga table centerpiece naming, kasi gawa sa libro! Kasi usually, flowers or fruits iyan, at iba pang eleganteng pandekorasyon. Pero iyong sa amin, lahat ay books talaga. Ang nakaukit sa aming wedding ring ay Para sa panitikan, (singsing ni Poy) para sa bayan (singsing ko).

c. Ang designer namin ng venue ay hindi taga-wedding industry. Si Kulay ay isang visual artist, at theater space ang madalas niyang dinidisenyuhan. Kaya naman, walang kamukha ang design sa aming reception. Imagine, books at book shelves ang dekorasyon ng stage? Kakaiba, di ba?

d. Iyong bridal shoes ko nga pala ay pinagkaguluhan din. Andaming nag-picture dito. Customized kasi, gawa ni Ajie Alvarez-Taduran, isang writer at artist na taga-Quezon City. Nagdrowing siya ng mga eksena sa buhay namin ni Poy sa rubber shoes na binili ko sa Divisoria. May kapareho ba ako ng wedding shoes sa buong mundo? Siyempre, wala, haha!

e. Wala nga rin pala kaming presidential table. Dahil meron kaming principal sponsors (na mga batikang manunulat ng mga akdang Filipino) na medyo magkasalungat ng politika sa buhay, hehe. Kaya imbes na pagsamahin sila sa isang mesa, napagdesisyunan naming huwag na lang mag-presidential table. Naisip din namin na mabo-bore ang parents namin sa table na iyon kung sakali dahil hindi naman galing sa industriya ang parents namin ni Poy. Lalo na ‘yong nanay ko, baka mag-nosebleed lang iyon habang kausap ang mga writer, haha! E, later on, nalaman namin, hindi pala um-attend sa reception ang dalawang magkasalungat ang chorva sa buhay. Hay naku. ‘Kainis.

f. Iyong aming prenup video na gawa ng award winning film maker na sina Jon Lazam at Rap Ramirez (friends ni Poy) ay hindi tungkol sa amin o sa relasyon namin. It was a short film, ang ganda-ganda. Panoorin mo, nasa Vimeo. Usually ang mga prenup video ay tungkol sa magjowang ikakasal. Pero iyong sa amin, hindi. At ang setting nga pala nito ay library, book-related pa rin.

g. Sa reception, wala kaming games for single people. Dapat meron kaso naubusan kami ng oras. Kaya ang ginawa na lang namin, tinawag namin ang lahat ng taong tumulong sa wedding. Puro single naman ang mga ito. Sabi ko, “gusto po naming kayong pasalamatan.” Pinapunta namin sila sa harap, sa may stage tapos sabi ko, “picture-picture!” Noong pumo-pose na sila, bigla akong tumalikod at inihagis ko ang aking bouquet. Nagulat silang lahat. Bumagsak ito sa tapat ni Maru, ‘yong wedding coordinator. Tapos, nagreklamo si Maru, kasi tumalbog daw ‘yong bouquet ko. Hindi daw talaga siya ang natapatan nito. So sabi ko, “sige, ulit, ulit.” E, di tumalikod ako at inihagis ko uli ang bouquet. This time, bumagsak ito sa harap ng lalaki naming kaibigan, na photographer din namin that day. Si Karl Orit. Sabi namin ni Poy, tutal babae’t lalaki naman sila, sila na ang magga-garter ceremony. Nyahaha!

h. Palagay ko, kakaiba rin ang wedding dahil sa aming love story. Para talaga siyang “written” in the stars, haha! I’ll send you an essay that will explain this further.

i. Higit sa lahat, dahil sa community of writers and readers, nag-flourish ang pag-iibigan namin sa isa’t isa ni Poy. Dahil sila rin ang mga involved sa pag-oorganisa ng aming kasal, parang sila rin ang nagkasal sa amin.

7. Ano ang mensaheng gusto ninyong iparating sa madlang nakasaksi sa inyong kasal?

Haha, wala namang madla doon, Filliffe! Joke time ka, ha? 99% ng naroon ay kaibigan, kapamilya at kaindustriya. Iyon lang sigurong mga nagbukas ng pinto, usher at usherette, waiter at waitress at iba pa ang kabilang sa madla kasi hindi namin kilala. Sila ba ang bibigyan ko ng mensahe dito sa tanong mo?


8. Anu-anong pagbago ang nangyari sa inyong relasyon kumpara noong mag-bf pa lang kayo?

Wala naman masyado. Kasi live in kami bago kami ikasal. Dito pa rin siya sa apartment namin nakatira. Share pa rin kami sa expenses sa bahay. Lagi pa rin kaming nagkukuwentuhan tungkol sa mga nababasa at napapanood namin. Lagi pa rin kaming nag-uusap tungkol sa anak ko, si EJ, at sa pamangkin ko, si Iding. Lagi pa rin kaming magkasama. Pumupunta pa rin kami sa bahay ng parents niya at sa bahay ng nanay ko kapag may okasyon. Madalas pa rin kaming pumupunta sa mga literary event.

Pareho pa rin naming kinukulit ang isa’t isa pagdating sa mga deadline ng raket. Nagtutulungan pa rin kami kapag may project ang bawat isa sa amin. Masaya pa rin kami every morning. Masaya kami araw-araw kasi we are so compatible sa personal o sa professional side ng aming personality. Kaya walang masyadong nagbago. Nagko-complement kami. Tipong kung ano ang hindi ko kaya, kaya niya. Kung ano ang hindi niya kaya, kaya ko. So hindi kami masyadong nagkakaproblema.

Siguro mas dumalas lang at naging kongkreto, mula nang ikasal kami, ang mga usapan tungkol sa pagkakaroon ng supling. Balak namin, late this year magseseksi-seksihan kami para sa first half ng 2015 ay may baby na kami! Wee!

Tuesday, February 11, 2014

UST Commerce Journal Fiction Workshop

Nais kong ibahagi sa inyo ang ilang obserbasyon ko sa akda ng ilang Tomasino nang ako ay maimbitahan ng Commerce Journal para sa isang palihan sa fiction noong 25 Enero 2014.



kaunti lang ang dumalo pero okay lang, mas madali at mas malalim ang palihan sa bawat akda kapag kaunti ang kalahok. saan ginanap ang palihan? sa isang classroom sa College of Commerce and Business Administration, 4F, Gusaling St. Raymund, UST, Maynila.

Ly-anne- ang strength ay structure ng kuwento, pacing ng pagkukuwento, language and i think, tone, pinakamahusay ang akdang ito sa tone. the whole story was quiet at parang grieving. ang galing talaga. isa sa dalawang best pieces sa buong workshop. ang weakness, cliche ang topic, cliche ang ending, characters. ly-anne should learn from ...



Jehan-ang strength ay ang manner of presentation ng mga tauhan. very unconventional ang mga ito. may pagka-experimental at sa ganyang edad, importante ito kasi bihira ang batang manunulat na may lakas ng loob na magkuwento ng mga akdang may ganitong uri ng mga character. ang weakness mo ay ang structure at pacing ng kuwento. jehan should learn from...



Joshua-ang strength ay structure. mahusay sa structure ang akda. ang weakness naman ay ang paglikha ng scene at paglalagay ng detalye dito. joshua should learn from...



Reinalyn- ang strength ay paglikha ng eksena at paglalagay ng detalye dito. mahusay ka rin at very observant sa buhay ng ordinaryong mga pinoy. ang weakness ay ang wika ng mga tauhan.



Dominique- ang strength ay structure ng kuwento, pacing ng pagkukuwento. sobrang galing din ng twist ng kuwento. ito yung isa pang best piece. very refreshing para sa akin ito. i think ang weakness ay ang pagta-title. haha! give away kasi.



Carlo- sa unang basa, iisipin mong isa ito sa best pieces. pero parang andami loophole pag inisip nang maigi ang mga pangyayari sa kuwento. i think ang strength ng akda ay yung tone. very mysterious from start to finish. ganda ng sentences. mapagtimpi. pero ang weakness, may mga problema sa details pag ikukumpara ang mga ito sa realidad. i think kulang sa pag-aaral sa psychology ng babae at ng isang pari.



Jhordya- ang strength ay wika. mahusay ang grammar, punctuation etc. yung basic na mga bagay sa writing, magaling. ang weakness, i think is the topic, the setting. kulang pa sa research. i strongly suggest, go for something local.



Mas marami pa kaming natalakay kaysa sa mga nakasaad dito. Pagkalipas ng ilang araw, isinulat ko ito at ipinadala sa kanilang coordinator (si Joshua Generoso). Bale, ito ay buod ng pangkalahatang obserbasyon ko sa bawat akda ng bawat estudyante. Sana ay nakatulong ito sa kanila, hehe.


narito naman ang aming best workshopper, si reinalyn domasig(nasa gitna siya. yong nagtatakip ng mukha. yong isa ay si Joshua, yong isa, ako, hehe!). maganda ang mga comment at suggestion ni reinalyn sa mga akda ng kapwa niya estudyante. at very active siya sa palihan. Hindi rin siya umalis kahit na tapos nang isalang ang kanyang akda. Mabuhay ka, Reinalyn!



Copyright ng mga larawan: Beverly W. Siy
Copyright ng larawan ni Joshua at ni Bebang: nakalimutan ko na
Copyright ng huling larawan: Dominique (UST Commerce student)

Friday, February 7, 2014

Wasak

Kagabi, sa klase namin kay Sir Jun Cruz Reyes, na-realize ko na marami pa talaga akong dapat matutuhan.



Sabi ni Sir JCR, puwede naman daw akong gumamit ng flashback. Pero dapat ay mag-trigger ng flashback. May nahawakan daw siyang gamit o di kaya ay may nakausap siya that would prompt the character to think of the past. Ang pumasok sa isip ko nang time na narinig ko ang payo na ito, hindi ba lumang style na ‘yan? Erk. Parang bigla akong nakornihan!

But I am thinking of revising my work. Kaya siguro nahihirapan din ang mga bumasa ng Birhen na ma-distinguish kung ito ba ay sanaysay o fiction. Baka itong dramatic present na nga ang sagot!
Pero naisip ko rin, hindi ba’t mas maganda kung hindi malaman ng reader kung sanaysay nga ba ang binabasa niya o fiction? Does it matter? Mag-iiba ba ang pagtingin niya sa akda kung sanaysay ito? Kung fiction ito? Bakit hindi natin guluhin paminsan-minsan ang utak ng reader? Puwede naman.

Nag-discuss din si Sir tungkol sa term na essay at non-fiction. Sabi niya, bakit hindi mo gamitin ang non-fiction (na termino)? Huwag matakot sa termino sa Ingles. Kasi nag-e-evolve ang form. Mula sa sanaysay, naging investigative journalism, naging literary journalism, tapos ngayon, naging non-fiction. Gamitin mo ang term na iyan, sabi niya.

Hindi ako sumagot. Mula nang sabihin niya ito, non-fiction na nga ang terminong ginamit ko pag bumubuka ang bibig ko sa klase.

Pero ang nasa isip ko, para sa akin, essay pa rin ito. Isang informal, personal na essay. Hindi ito non-fiction. Naaartehan ako sa terminong ‘yan. Anong klaseng termino ba ‘yan? Sa mundo ng mga dictionary, ang tawag dito ay negative definition. Ang hina-highlight ay ‘yong wala, ‘yong hindi nag-e-exist. So non-fiction. Ibig sabihin, hindi gawa-gawa. Hindi kuwento. Kundi nangyari talaga. So bakit hindi na lang sabihin, real? Reality? True? Bakit kailangang tuntungan ang salitang fiction? Samantalang ang kahulugan nga ng fiction ay gawa-gawa lang? Bakit gagawing tuntungan para sa something na totoo ang mga something na hindi totoo?

Para sa akin, ang terminong non-fiction ay mas nagbibigay-diin sa fiction. E sa totoong buhay, secondary ang fiction. Ang truth at ang reality ang nangunguna.

Kaya siguro naimbento ang term na non-fiction, e dahil feeling ng mga fictionist, sila ang mas superior kesa sa mga nagsusulat ng totoo. Kaya para sa point of view nila, non-fiction ang mga ito. Kumbaga, “the other.”

-litaw na litaw ang middle class na POV

Sa akdang Dyip Tip, ang opening sentence ko: First time kong makakita ng ganoong babala. Sabi ni Sir JCR, ang wika raw ay hindi pangmasa. Medyo mas mataas kaysa sa masa.

Sa isip-isip ko, huwat? Hahaha… ano bang uri ng masa ang nasa isip ni Sir? Hindi ba’t napakakaraniwan ng “first time” sa pananalita ng karaniwang Pinoy?

Anyway, hindi ko na ito kinontra. Nagsabi pa siya ng iba pang ebidensiya tulad ng ikinuwento ko tungkol sa ice cream na Rocky Road. Kasi ginawa kong analogy ang pagkain ng ice cream at ang pagtulog sa tabi ng driver.

Heto ang bahagi ng essay na tinutukoy ko:

Ikalawa, noong bata ako, lagi kaming nag-aaway ng kapatid kong si Colay. Pero hindi ko iniinda ang mga sugat ko o galos o gasgas o pagkalagas ng buhok sa ilang engkuwentro namin ng sabunutan. Ang pinakamaigting na alaala ko sa mga away namin na hanggang ngayon ay nagdudulot sa akin ng pagkainis ay noong may matindi akong ubo at lumantak siya ng ice cream sa harap ko.

Isang napakatangkad na basong punompuno ng ice cream ang hawak-hawak niya. Pagkalagkit-lagkit ng titig sa akin ni Colay habang ipinapasok niya ang isang kutsara ng rocky road sa kanyang bibig. Tapos isinara niya ang mga labi niya. Naiimadyin ko ang rocky road, bilog na bilog pa sa loob ng kanyang bibig. Mapapaubo ako sa inggit. Iyong yumuyugyog-yugyog ang balikat na uri ng ubo.

Maiinis akong lalo kasi mapapapikit ako at mapapayuko. At pipigilin ko ang ubo ko sa pamamagitan ng pagtatakip ng bibig. May bimpo na, may kamay pa. Tumatagos pa rin ang ubo! Dinig na dinig ito ng tatay ko at lalo siyang makukumbinsi na hindi pa ako puwedeng kumain o uminom ng kahit na anong malamig.

Ahuhuhubo-ubo-ubo-hohohoh. Ang saklap namang talaga.

At pag-angat ko ng tingin ay hinahatak na ni Colay ang kutsara papalabas mula sa nakatikom niyang mga labi. Tapos ngingiti si Colay nang pagkatamis-tamis. May bahid pa ng rocky road sa ngipin.

Ito ang tunay na kahulugan ng salitang torture.

Masahol pa sa animal ‘tong kapatid kong ‘to.

Well, ‘yang damdamin kong ‘yan, ‘yan din ang nararamdaman ng mga driver na may katabing pasaherong napakasarap ng tulog.


‘Yon daw pagbanggit-banggit ko ng ice cream, ‘yan daw ang senyales ng pagiging middle class.

Huwat? Hahaha… parang feeling ko, ang idea ni Sir sa mahirap e napaka-oldies! Diyosmio. Anyway, hindi ako sumagot tungkol dito. Dahil alam kong hindi talaga ako taga-middle class haha. Lumaki ako sa hirap, ‘no? Rare ‘yang ice cream moment na ‘yan, haha. Kaya nga sabik na sabik akong makapag-ice cream, hindi ko kaya iyon naparamdam sa bahaging iyan ng sanaysay?

-masyadong feeling superior ang nagsasalita rito

Dito ako muntik nang maiyak. Dahil hindi ito ang kondisyon ng utak ko nang isulat ko ang mga akda. Sa Dyip Tip, pinangalanan kong Paul Goso ang kundoktor ng dyip at San Chai naman ang ale na kapasahero ko. Masyado ko raw iniinsulto ang kundoktor. Ano raw ang gusto kong palabasin? Na mukhang aso ang kundoktor? Bakit San Chai ang ale? Ano’t alusyon sa Koreanobela ang napili ko? (Although hindi Korean si San Chai, hindi ko na kinorek si Sir.) Ito bang akdang ito ay patama sa Pop Culture?

Wah. Siyempre, hindi. Nagpapatawa lang ako. Feeling ko, nakakatawa ang pangalang Paul at ang apelyidong Goso dahil katunog siya ng pangalan ng asong kaibigan ni Marimar. Nag-isip lang ako ng karaniwang pangalan (John, Paul, Joel, Mark, etc.) tapos nag-isip ako ng sikat na icon noong 90’s. Naalala ko si Pulgoso at si San Chai.



Sabi pa ni Sir, masyado raw mayabang ang nagsasalita sa akda. Wala raw konsiderasyon sa kapwa, ‘kala mo kung sino, ganon.

Sa Dyip Tip kasi, pinagagalitan ko ang isang imaginary pasahero. Ito ‘yong mga mahilig matulog sa tabi ng driver. Sinabi ko roon ang mga dahilan kung bakit hindi dapat matulog ang isang pasaherong katabi ng driver.

Sabi ni Sir JCR, anong pakialam mo kung pasahero ako at gusto kong matulog? E, kung pagod na pagod ako sa trabaho, 5 oras ang biyahe at 4 na oras lang ang tulog ko? Anong gagawin mo kung ang pasahero ay construction worker na sagad sa hirap ang ginagawa maghapon? Anong gagawin mo kung call center agent iyan na nakatira sa napakaingay na lugar, me mapuputak na mga kapitbahay at nagtitilian sa hapon ang mga bata, hindi conducive sa tulog ang bahay niya? Hindi mo pa rin siya patutulugin sa dyip?

Nang mga panahon na sinasambit ito ni Sir JCR, hindi ako sumasagot. Workshop iyon, e. Alam ko, mabibigyan ako ng panahon para sagutin ang lahat ng tanong at komento. Kaya pagkatapos niyang i-workshop ang akda ko, nagsalita talaga ako. Ipinagtanggol ko ang bandera ng aking pagkatao.
Sir, kako, sa akda pong iyan, hindi ko po sinabing huwag matulog sa dyip. Ang sabi ko po, huwag matulog sa tabi ng driver. Dahil nga po, puwede itong maging delikado dahil nagmamaneho si Manong.

Sabi niya, kahit pa. Wala kang karapatang sabihin iyan dahil imaginary ang pasahero mo. Hindi mo alam kung bakit gusto niyang matulog. Ke sa tabi ng driver iyan o hindi.

Patuloy kong ipinagtanggol ang sarili ko. Pero dahil teacher siya, nanindigan din siya sa kanyang mga sagot.

May mga sumusulat sa akin na readers, ganito para sa kanila ang mens world. Dahil sa mens world, ganyan-ganyan, blah-blah. Yung message daw ng mens na __________ ay nakatulong sa kanya at na-enrich siya blah-blah. Kadalasan, ang mga mensahe na sinasabi ng readers ay hindi ko naman inilagay sa mens. Pero natagpuan iyon doon ng mga reader. Ang suwerte ko. kasi akala nila ay inilagay ko ang mga ito doon.

This time, ang malas ko. Wala akong inilagay na patungkol sa pangmamata sa kapwa o sa mas mahirap na tao pero iyon ang nabungkal dito ni Sir JCR. Hindi ako dapat magalit. Hindi ako dapat maiyak. Ganon talaga. May mga mensaheng nakapaloob sa akda na hindi ang manunulat ang naglagay niyon. O hindi niya sinasadyang mai-insert iyon doon.

Kaya kelangan talaga ng doble-tripleng ingat sa pagsusulat. Dapat maging sobrang conscious ako sa isinusulat ko at kailangang matuto akong tingnan ito mula sa iba’t ibang anggulo para mabago ko ang mga kailangan pang baguhin at para ma-anticipate ko rin ang reaksiyon ng mambabasa.

Hindi na akin ang akda ko. Malaya ang mambabasang bumungkal ng mensahe sa akda, kung gusto nila.

Payo rin ni Sir JCR, dapat ang pinagtatawanan mo ay ‘yong mas mataas sa iyo. Hindi ‘yong ka-level mo lang o iyong mas mababa sa iyo. I am fully aware of this! Nag-moderate kaya ako ng talk tungkol sa pagiging politically incorrect ng humor. Kaya talagang kino consider ko rin ang power play kapag humihirit ako ng mga patawa.

-may mga exaggeration na sloppy ang pagkakasulat

Isang halimbawa ay “maagap kong sinalo ang perang papel.”

Oo nga, hindi sinasalo ang perang papel hahaha! Lilipad ‘yon pag sinalo mo ‘yon.

Isa pang halimbawa, “yumungyong ang ulo.”

Ang nasa isip ko, ‘yong nakatingala na parang sumasahod ng patak ng ulan. Sabi ni Sir JCR, ang yumungyong, ‘yong ganito. Tapos inaksiyon niya ang yumungyong. Tumungo si Sir JCR.

Tama. May mga lapses ako doon. Ire-revise ko ang mga bahaging ‘yon.

Bago matapos ang klase, may isa pang sinabi si Sir JCR na talagang ikinasama ng loob ko. Eto:
“Ang sensibility mo rito, makata ng LIRA. ‘Yong feeling mo, ikaw lang ang tama. Ganyan ang mga makata ng LIRA.”

OMG. Ang personal naman nito, haha. Inis na inis ako. Kasi una, hindi ko kino consider ang sarili ko na makata ng LIRA. Hindi pa ako makata. Taga-LIRA ako, oo, pero hindi ako makata. Marami pa akong kakaining bigas para makasulat ng tula. Ikalawa, hindi totoong ganyan ang makata ng LIRA. May mangilan-ngilan na know it all, pero harmless naman ang mga ito, at very expressive lang sila sa kanilang mga opinyon. Kung feeling nila, may mali sa kanilang nababasa o naririnig, sasabihin nila ang naiisip nilang tama. Pero hindi yata nila quality ‘yong “feeling na sila LANG ang tama.” Ikatlo, para ipasok ang politika sa konteksto ng pag-workshop ng akda, foul ‘ata ‘yon. E, noong moment na iyon, e buweltahan ko kaya si Sir ng… “kumusta po ba ang lagay ninyo sa BLIND ITEM? Naka-sked na po ba kayong maipadala bilang winner ng BLIND ITEM award?” Matuwa kaya siya?

Tiyak na hindi. Tatadyakan siguro ako no’n mula Faculty Center hanggang Padre Faura, Ermita.

All in all, isa ito sa pinakagusto kong workshop sa trabaho ko. Andami kong natutuhan. Nalaman ko rin kung gaano at paano ko ipagtatanggol ang mga akda ko kapag nagkapitpitan na ng bayag. Kahit pa ang namimitpit ay isang higante.

Copyright ng mga larawan: Beverly Siy

Wednesday, February 5, 2014

Walang hanggang pasasalamat

Pasasalamat

Kay God, sa lahat ng biyaya. Sobra na ‘to, ha? Pero di po ako nagrereklamo. Thank You po talaga sa lahat.

Sa Visprint lalo na kay Mam Nida Ramirez sa paniniwalang may kakayahan ang aklat na ito na magdagdag ng kislap-diwa sa kabataang Filipino at kay Kyra Ballesteros, na nagtiyaga at
nagpasensiyang makipag-ugnayan sa amin ni Poy para lang matapos at mabuo na ang Boys2mens.

Kay Eros Atalia at sa Atalia brothers sa pag-imbita sa akin na maging mangkokolum ng lingguhang pahayagan (print at online) na Responde Cavite.

Sa mga mambabasa ng Responde Cavite na nag-text o nag-email sa akin para sa pagtitiwala. (Sana ay nakatulong sa inyo ang mga kalokohan sagot ko.)

Sa mga dati kong co-faculty at estudyante sa USTe sa pagbibigay ng ilang tanong at problema na itinampok ko rito. (Binago ko naman ang mga pangalan n’yo, e. ‘Wag wori, ahehe.)

Sa lahat ng taong nagbigay sa akin ng alalahanin at problema mula 2009-2011. (Buti talaga at dumating kayo sa buhay ko dahil kung hindi, fiction ang kalahati ng librong ito. Imagine?)

More pasasalamat

Sasamantalahin ko na rin ang pahinang ito para magpasalamat sa mga naging naging bahagi ng aming bookish wedding na ginanap noong 30 Disyembre 2013 sa Simbahan ng San Agustin, Intramuros at Ramon Magsaysay Hall, Malate, Maynila.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)


pagkatapos magbarong- mga pamangkin ko: Iding, Noah at
(Copyright ng larawan: Sean Elijah Siy)

Una, sa pamilyang Wico-Siy lalo na kay Tisay, na nagtawag ng mga kamag-anak namin sa Pangasinan, nakita ko ulit sila, in flesh! Kay Daddy Ed sa pagpapakalma kay Tisay. Kay Colay sa pagsipot sa kasal namin, nang naka-make up at gown, wow talaga. Kay Sak sa pakikipag-coordinate nang matindi para masigurong ready ang buong pamilya sa aming much awaited day. Kay Incha sa matiyagang pag-uukay-ukay sa Mindoro (kung sa’n siya naka-base) para lang masaplutan ng gown at barong ang lahat ng members ng aming pamilya. Kay Budang sa pakikipagbati sa nanay naming si Tisay after 100 years of solitude. Kina Ate Ronnie at Charina sa pag-aabay in their bright-colored gowns, ponkan na ponkan. Sa lahat ng pamangkin ko lalo na kay Iding sa pagiging bahagi ng aming entourage.


Si EJ sa isang sarado pang bar sa loob ng Orchid Garden umaga pagkatapos ng kasal
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Sa best man ko (Yes, friends, wala akong maid of honor. Ang meron ay best man ng bride.) si EJ, ang aking bebe, na naglatag ng pagkahaba-habang pasensiya para lang unawain ang nanay niyang bridezillang gorilya, na ilang buwan ding naging fierce mula kilay hanggang bunganga. (Rawr.)


kami with the verzo family
(Copyright ng larawan: Sean Elijah Siy

Sa pamilyang Verzo para sa emotional (and most especially, financial!) support. Kay Mama Nerie para sa patnubay at pagbibigay ng Xanor (pampakalma) sa akin during the most trying/crying times, kay Papa Ronye sa presence, kay Ging sa paghahanda ng mga gagamitin sa kasal, kay Jo sa pagdisenyo ng bebpoy paper craft at Save-the-Date bookmark at kay Doc Rianne na nagbalot ng pandekorasyong aklat sa kanyang clinic. St. Therese Dental Center po sa tapat ng SM Bacoor, now open. Thank you po talaga, lalong-lalo na sa tatlong lechon, ahahay!

Sa paring nagkasal sa amin, Fr. Virgilio Saenz Mendoza, na bumiyahe pa mula sa Diocesan Shrine of the Immaculate Conception Naic, Cavite. Salamat po, Father Vir, pati na rin po sa homily ninyong nagbigay-halaga sa paggamit ng pambansang wika sa aming kasal.


pre-wedding meeting sa restawran na katapat ng san agustin
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Kay best man Wendell Clemente sa walang sawang pagpapahiram ng sasakyan at/o pagmamaneho para magjowang walang alam sa kahit anong bagay na kinakargahan ng gasolina at diesel, sa Mt. Pulag Dokyu, at siyempre pa, sa presence kapag nag-e-emo ang forever emotional na groom. Salamat sa suporta kay Poy MULA PROPOSAL HANGGANG WEDDING DAY. Ang tatag, grabe. (Pa’no na kaya kung wala ka, Wend?) Pasasalamat pa rin kay Wendell’s love and only Lisa Que, para sa pangungunsinti kay W. Salamat din sa (business nilang) Rental Monsters para naman sa LCD projector at lights and sound system at kina Gab at Rangie para sa technical assistance.



Kay Mam Nida Ramirez at sa Visprint peeps para sa aming bookish na imbitasyon, weee! At sa pagiging bahagi ng mini-book fair. Love, love, love.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)


(Copyright ng larawan: Erwin Lareza)

Sa aming mga ninong at ninang: Sirs Efren Abueg, NA Virgilio Almario (National Artist po. Hindi Not Applicable), Ricardo Lee, Victor Emmanuel Carmelo Nadera, Jr., Jimmuel Naval, Pedro Cruz Reyes, Jr. at Mams Ruby Gamboa Alcantara, Jeanette Coroza, Elena Cutiongco, Ma. Crisante Nelmida-Flores, Alma Miclat at Matilde Santos para sa pagmamahal, guidance, suporta at mainit na pagtanggap sa tambalang Beb at Poy. (Saka po sa mga regalo, thank you, thank you po!) Karangalan po namin ang maging inaanak ninyo.


(Copyright ng larawan: Vivian Limpin)

Sa lahat ng Sir William’s Girls: Tisay, Sak, Biangks, Eris, Tabs & Abs Yap, Maru, Joshelle, Tin, Azee, Beng, Mars Mercado, Marie at Claire Agbayani, para sa pinakamakamundong bridal shower. Ang hairy ng macho dancer n’yo, ha?


prenup shoot sa balara
(Copyright ng larawan: Beverly Siy)

Kina Jon Lazam at Rap Ramirez para sa pagiging kaibigan kapag may gera ang bride at groom, sa pagiging manunulat, direktor at cinematographer ng pinakamahalimuyak na prenup film ng taon, ang “Bugambilya.” Thank you rin sa pagiging program director sa reception. At lalo na sa pagiging bahagi ng fun factory sa aming bahay.

Sa bespren kong sina Eris at Ronald Atilano para sa pagmamahal at sa pagbabayad ng pagkamahal-mahal na church fee. (Sa’n nga ba napupunta ang P25k/one hour wedding mass, Father? Sa kandila?) at sa anak nilang sina Una at Kali para sa pagpa-flower girls.

Sa Hilakboters/PanPilPipol: Mar Anthony dela Cruz, Rita dela Cruz (na kumuha pa rin ng retrato kahit nakabestida. Effort!), Wennielyn Fajilan, Lourdes Zorilla-Hinampas, at Haidee Pineda para sa assistance sa misa, pagiging wedding mass coordinator, readers, at offerors, at sa napakarami at makabuluhang mga bagay (isang nobela kung ililista lahat pero ang pinaka-worth mentioning talaga ay ang condomful na surprise bridal shower).

Sa talented dokyu team headed by Vivian Limpin. Heto ang members: Elmer Grampon, Karl Orit, Nel Avior, Jo Lontoc at Rayts. Ang gaganda ng mga picture. Alam naming marami sa mga shot diyan, buwis buhay: pilipit-leeg-kamay-braso-tuhod dome shots, tingkayad-to-the-heavens zoom out shot, at ngalay-ngilo-all-in-one-kelan-ba-matatapos-ang-piktyur-piktyuran-na-‘to-anak-naman-ng-kodak-di-pa-ako-nakakakain-baka-maubusan-ako-wag-naman-lord-please moments.

Kina Harold and Michelle Encomienda-Emnace at ang kumpanya nilang i-Digitizer para sa nakakatuwa/iyak na onsite video. (Sobrang gaan katrabaho ang team, highly recommended!)
Kay Anna Marie de Castro para sa pagiging wedding coordinator, OIC sa mini-book fair sa reception, “factory worker”, program assistant, shock absorber (Sponge Bob ang peg!), middle man, prenup wardrobe consultant, at higit sa lahat, cheerleader super friend.

Kay Mae Catibog para sa pagiging prenup production manager, assistant program director, venue designer at performer ng makabagbagdamdamin na, unforgettable pang song and dance finale sa reception.

Kina Dennis Gupa sa lahat ng uri ng suporta, Gideon Yebron para sa pagpapahiram ng ilaw for prenup shoot at kay Mam Edith ng UP LB Layb. Kay Bumbo Cruz para sa behind-the-scenes pictures ng prenup.

Kina Happy at Viva Andrada ng F*art o Fashion Art para sa bridal gown na ginamit noong photoshoot para sa imbitasyon.

Sa housemate naming si Erwin Lareza para sa pagpapasensiya sa mala-jungle na bahay noong wedding prep daze at sa pagiging member din ng dokyu team. (Gurls, single pa ‘to, seryoso. Matangkad siya, guwap… er, matikas, matikas lang, pero matalino at may matatag na trabaho, ano pa hahanapin mo? Sulit na ‘to. O, cellnumber: 0915-8632829.)

Kay Kuya Doni Oliveros at sa Pinoy Reads Pinoy Books Book Club members na sina Vonn Howard “Po” Villaraza, Jason Vega, Clare Almine, Zim dela Pena, Phoebe Andamo, Clai Flores, Ingrid Membrere, Yani Dimaunahan, Ella Betos at Reev Robledo para sa pagdadala, pag-aasikaso at pagbabalot ng mga libro, paggawa ng mga souvenir na bookmark (na nagsilbing table place holders na rin) at pagbibihis sa mobile library para ito ay maging isang bridal car na makulay ang buhay.

Kina Mams Zarah Gagatiga, Maricel Montero at Charlot Cachuela ng Museo Pambata para sa pagpapahiram ng mobile library na siyang naging bridal car namin. (Andaming natuwa, grabe, sa simbahan pa lang. Wari mo ay photobooth, nagpa-picture ang mga bisita (at turista!) sa bumper nito.)

Kay Azalea Barbero-Ramos para sa accessories at hair & make up ko mula prenup shoot hanggang sa araw ng kasal, sa pag-aalaga sa akin buong umaga HANGGANG SA aking bridal walk, at marami pa (Nasa ibaba, look down, young man, look down.).

Kay Juan Ramos para sa pagiging assistant sa aming prenup shoot at sa paggitara ng kantang Panalangin habang papalapit ako sa altar, at (with Azalea at Ivan>>>) sa paggawa ng poybeb paper crafts, paper bouquet ng mga abay, mga baso at vase na pang-table centrepiece, paper flowers sa mobile library at pagbabalot ng mga librong pandekorasyon sa mesa.

Kina Mams Carmencita Abella, Kiel Fernandez, Angeli Alba at Sir Manuel Hizon ng Ramon Magsaysay Foundation para sa pagpapagamit ng venue ng aming kasal, ang Ramon Magsaysay Hall.

Sa kapwa ko bride na sina Rio Brigino-Lim para sa Vibal Publishing presence sa mini-book fair namin at Tin Ocenar soon to be Misis Campos (para sa look # 1 bridal gown), daghang salamat din sa emotional support noong preps. Alam n’yo kung ga’no ka-stressful ‘yon kaya sobrang salamat talaga. Kay Ajie Alvarez-Taduran para sa pinagkaguluhang wedding shoes! Exceptional kasi ang disenyo, higit sa lahat, it was so us. Eyebags na eyebags pa lang, e.

Sa Kasing-kasing Kids para sa paggupit ng poybeb paper crafts at petals ng mock paper bouquet sa fun factory, gayundin kay Joshelle Montanano na tumulong din sa venue set up. Kay Marie Ganal na nagpahiram ng bookshelves na ginamit sa stage. Sa Imuralla ladies: Kristina Beltran, Lora Lynn de Leon, CJ Latosa at Jean Moleno para sa heart-shaped confetti na gawa sa (lumang) pocketbook, foreign pocketbook hehe, at emotional support thru FB chat.

Kina Eris Atilano at Eros Atalia para sa pag-e-emcee at pagbibigay-aliw on the spot sa mga bisita ng aming wedding reception.

Kina Mam Rebecca Anonuevo at Atty. JP Anthony Cunada para sa super sarap at super bigatin na wedding cake. Tatlong kilo. !!! Cake na tatlong kilo. !!! Kina Jenelyn Tabora at Nikka Osorio-Abeleda para sa caaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnndddddddyyyyyyyyy buffet. Andami lang talaga. Umaapaw. Salamat! Kay Mam Imelda Lopez ng Kubiertos para sa fun pre-wedding meetings, yumyummysulit na pagkain at maasikasong catering services.

Kay Mam Karina Bolasco at Anvil Publishing para sa bookshelf na ipinangdisenyo sa venue. Kay Kulay Labitigan para sa bookish venue design (Waging-wagi!) at sa pagpayag na maging fun factory worker din sa aming bahay. Kay “very reliable” Darwin Senido para sa video services.

Sa mga nagperform: Danny Gabita, da singing bahista Ronald Paguta, da singing poet Ser Joel Costa Malabanan, da violinist John Carlo Tulinao at singer Ayra Mae Lising, da very Pinoy Lakbay-Lahi at Mam Mary Ann Salvador, da balagtaseros Dax Cutab, Loaf Fonte at RR Cagalingan, da balladeer ala-Marco Sison Sir Charlson Ong, Badong Biglaen, Adam David at Chingbee Cruz, Mae at EJ.

At siyempre kay Poy. (Ang BNH ko, my friends, as in brand new husband, mainit-init pa.) Super salamat sa pagbibigay sa akin ng isang natatanging kasal, na punumpuno ng dalawang klase ng pagmamahal: pagmamahal as in erotic love. Wekdefek? What I mean is, romantic love. At pagmamahal sa makabuluhang papel, as in love for books.

Only kids and books for us, Poypoy, foreverandeverloveyoutsuptsup. (Insert matang korteng lips at ang isa, korteng puso.) Ik-ik-ik-ik-ik-ik. (Iyan ang tunog ng kiligayahan.)