Thursday, January 16, 2014

Mula kay Aimee Lorraine Keh-Lee

This post first appeared in this blog:

http://wandafulworldofbooks.blogspot.com/2014/01/2013-in-review-my-reading-stats.html

2013 in Review: My Reading Stats

by Aimee Lorraine Keh-Lee

2013 is the year of Philippine Literature in my reading life. According to the stats in my book catalog, I read a total of 35 books in 2013, out of which a significant percentage were Philippine Literature. On top of this, the best book I read was It's a Men's World by Bebang Siy. My best discovery was the Trese series by Budjette Tan and Kajo Baldisimo. I was so engrossed that I finished the series in one night!

Room by Emma Donoghue (not local) also struck me as a memorable and gripping read. Then finally, the most pleasantly enjoyable ones, as always, are Alexander McCall Smith's installments in the No. 1 Ladies' Detective Agency series, Isabel Dalhousie series and 44 Scotland Street series They are like tea and biscuits on a lazy afternoon. :)

Books I read in 2013

Here is a quick snapshot of what I had read:

Philippine Literature - 34%
Fiction -34%
Classics - 14%
Mysteries and Thrillers - 12%
Biographies and Memoirs - 6%


My books read (35) is 4 books down from 2012 when I read 39 books. But I'm still happy to have been able to even read 35 books because 2013 was a really busy year for me. I was nursing our new baby and my work was in full swing - I was working from 9 am to 8 pm Mondays to Fridays. It was a miracle I still found time to read at all. :)

When it comes to my acquisitions, I got a total of 40 new books this year as follows:

Philippine Literature - 35%
Fiction - 33%
Classics - 15%
Mysteries and Thrillers - 10%
Biographies and Memoirs - 5%
Children's - 2%

In terms of the format of these acquisitions:

pBooks - 85%
eBooks - 15%

Obviously I still die to hold a physical book in my hands and bask in the glorious scent of freshly printed paper :) !

About 20% were free (given as gifts or as reviewer copies), and the rest were purchased by me from the following stores:

The Book Depository - 50%
Fully Booked - 15%
National Book Store - 12%
Amazon - 3%
Others - 20%

As you can see, I'm a nut for The Book Depository just like last year, especially for books by Alexander McCall Smith!

So that's about it, my reading stats for 2013. What's yours?



Ang ganda ng stats na ito. Gayahin natin, fellow booklovers!
Thank you, Aimee! More power to your blog.

ang aming cord

DIY ang aming cord. ako lang ang gumawa.

noong una, ang naisip ko ay serye ng pearls o kahit anong beads na cute ang kulay.

nang mabanggit ko sa kaibigan kong si kristina beltran na ako ang gagawa ng cord namin, sabi niya, wow, maganda iyan. ako rin gusto ko, ako ang gagawa ng sa amin (pag ikakasal na siya).

tapos sabi niya, mahilig daw siya doon sa mga may meaning-meaning na bagay. halimbawa, sa cord daw, may nakapagsabi raw sa kanya na dapat tatlo ang tali nito na nakatirintas sa isa't isa. Kasi raw, ang nire-represent ng isang tali ay si God, ang isa, ang bride at ang isa pa ay ang groom. Mas matibay daw ang pagsasama ng bagong mag-asawa kapag ganon ang ginamit na cord.

wow! bumbilya moment. ang ganda naman, kako. gagawin ko rin iyan.

pero dahil hindi naman tali ang cord namin, nag-isip ako kung paano akong magpupulupot ng tatlong string of pearls/beads. baka masira ko ang cord bago pa man ito magamit. ngek.

so ang naisip ko, colors na lang ang magre-represent kay God, kay bride at kay groom.

isang araw, nagpunta na nga ako sa Divisoria. doon ako bumili ng beads-beads at saka tali (umabot sa P160 lahat-lahat).

sa beads, tatlong kulay ang pinili ko: baby pink, dark pink at violet. bugambilya shades pa rin. pinakamarami ang baby pink na beads dahil ito ang pinakamalapit sa puti.

tapos pagkaraan ng ilang araw, nagpunta naman ako sa Welmanson sa Quiapo para bumili ng krus (P40 mga limang piraso, dalawa lang ang ginamit namin, kaya 'yong natirang mga krus ay ibinigay namin kay Ging, ate ni Poy) at pendant na letter P at B (P20 yata ang isa).

Sa Las pinas ko ginawa ang cord. ginawa ko ang cord habang nakikipagkuwentuhan ako sa nanay kong si Tisay.

maliban doon sa tatlong color representing god, bride and groom, spontaneous na ang iba pang elements ng ginawa kong cord tulad ng...

1. nilagay ko sa gitna ang krus, pagkatapos niyon ay may 8 beads sa magkabilang side. each bead representing each year na magkakilala kami ni poy.

tapos after ng 8 beads each side ay ang letters P at B, initial namin ni poy



2. tatlong beads para sa bawat kulay at tatlo ang kulay na pinagsalit-salitan ko para buong cord ay tatlo ang nagbibigkis: ako, si poy at siyempre si god.



3. nang maubos na ang iba't ibang kulay na beads, puro pink beads na lang ang ginamit ko. ito yung nag-close sa cord. nearest color sa white ang baby pink beads. and white for me means wedding!

ito na ang cord nang ilagay sa amin. pa-otso raw ang paglagay sa bride and groom (nakalagay din ito sa misalette na hawak namin).



si adam david at si karen encomienda ang aming abay para sa cord. si adam, super friend ko. parang bunsong kapatid. malaki ang nagawa niyan para sa amin ni poy. lalo na nung samahan niya si poy sa isang workshop sa cavite hahaha. nakita pa raw ni adam na umiyak iyak si poy (yikes, dahil sa mga nangyayari sa amin that time, sori di ko ma-reveal ngayon. sobrang komplikado kasi!)

si karen naman, pinsan ni poy. na nakuwentuhan niya noong naglalandian este nagpapalipad-hangin pa lang si poy sa akin hahahaha naikuwento raw niya ako kay karen kaya naging bahagi si karen ng aming pre-relationship phase.

back to the topic.

kahit payak at medyo chipangga ang beads, masayang masaya ako sa cord namin. kasi ito ang isa sa matatawag na talagang amin, tipong walang katulad. at saka lahat ng element at parts ay makabuluhan sa aming relasyon. masaya rin ako na nabuo ko ito sa piling ni tisay.

this must be a cord from the Lord ;)



(Copyright owner of photos 1 and 2: Bebang Siy. Copyright of photo 3: Vivian Nocum Limpin.)

Wednesday, January 15, 2014

Post-apocalypse

sa wakas, nakapag-blog din!

maligayang 2014 sa ating lahat!

na-miss ko ang blog ko, grabe. tagal-tagal ko nang gustong magsulat lalong lalo na yung time na feeling ko para na akong tae sa puwet na hindi mairi-iri. my gulay.

gusto ko man ay di ko piniling mag-blog nung panahon na yon dahil alam kong marami akong matatamaan, marami akong masasaktan. pero everything is in my heart naman. will write all about these things soon. very soon.

sobrang saya ko na nakaraos kami. matiwasay. masaya at bongga. hahaha! kahit na sobrang tinipid ang produksiyon! bongga pa rin ang kasal.

at masaya rin kami na nandoon ang elements na napaka importante sa amin ni poy. mula sa simbahan hanggang sa dulo ng reception.

after the wedding, parang ayoko na munang makipag-usap at makipagkuwentuhan tungkol sa kasal. umay na umay na ako hahaha ayoko na rin munang isipin ang mga bagay na hindi namin nagawa noong kasal. andami kaya!

1. hindi nabigyan ng thank you gift ang mga ninong at ninang. kasi nalimutan namin. so inuwi na lang ng friends and relatives ang cakes at halaman na gift namin.

2. hindi nakapagbigay ng souvenir! omg. hindi nakaabot ang aming souvenir.

3. pormal na makapag-thank you sa lahat ng taong naging bahagi ng aming special day.

lahat ito, bumabagabag sa isip ko pagkabalik namin galing sa marinduque. so lagi akong galit. lagi akong kinakabahan. para akong magnanakaw na hindi pahuhuli.

at isang gabi, bigla na lang akong nagwala. as in binalibag ko lahat ng gamit at libro namin sa bahay. muntik pa akong magbasag ng mga plato.

bakit? aning-aning lang?

wala. di ko rin alam.

kinailangan pang magka-iyakan kami ni poy para lang maunawaan ko ang nangyayari sa akin.

di ko na nakayanan ang pressure. pumipintig kasi sa isip ko, andami dami kong pinagkakautangan ng loob. ayoko ng ganung feeling. nahihiya ako. para sa akin, dapat magka closure na ang lintik na kasal na yan. dapat, pasalamatan na ang lahat. lahat ng nagpunta, lahat ng tumulong, lahat ng nagbigay ng regalo, lahat ng nakaalala. pasalamatan na yang mga yan. now naaaa. yan ang sabi ng isip ko every minute of every day.

yan din ang time na napakagulo ng bahay. nakahambalang pa ang lahat ng ginamit noong wedding. lahat ng mga libro, naka-shelf, nakapatong sa sahig, mesa, sofa, hagdan. ang kuwarto, isang malaking trash can na me kama sa gitna. nasira pa ang drawer ng aparador kaya nakabuyangyang sa gitna ang lalagyan namin ng mga salawal.

parang walang tahimik na bahagi ng bahay.

kaya nalukring ako.

lukring level up.

para akong si stitch, destroyer talaga ang peg. lahat ng libro, ibinato ko, pati yung mga nananahimik na libro (mga hindi ginamit sa wedding). lipad-lipad sa ere. lahat ng art materials kinalat ko uli sa sala. pati mga papel-papel. hinampas ko ng walis si ej. ilang beses. kasi ayaw pang matulog, 4:00 am na! sabi ko wag nang magligpit. ayaw sumunod, pinagpapapalo ko ng walis tambo. patuloy ako sa pagwawala. nung nadampot ko ang mga plato,saka lang ako nahimasmasan.

favorite ko kasi ang mga plato sa bahay namin.

hindi. joke lang.

sabi ni poy, tama na yan beb.

tapos umakyat na ako ng kuwarto. tapos naiwan sila ni ej sa baba.

maya-maya, nag-iyakan na kami ni poy. natakot ako. putek baka bigla akong hiwalayan nito.

ayun, bumaha ng sori.

ewan ko kung normal ba yun sa bagong kasal. yung feelings ko. ewan . sobra akong natakot na may makalimutan akong pasalamatan. andami kasi talagang effort ng mga tao sa paligid namin. napaka-imposible talaga ng kasal na yun kundi dahil sa tulong nila. takot na takot ako na may masabi sa akin na hindi ko man lang sila na-appreciate. takot na takot ako. baka malunod na ako sa mga gawain, trabaho, nang hindi pa nakakapagpasalamat. baka sabihin nila ang ingrata ko, namin.

kalma lang, kalma lang sabi ni poy.

buti at nandoon siya,baka di ko nakayanan ang pressure na galing mismo sa utak ko.

now i know what paranoia means.










Tuesday, January 14, 2014

ilang kaisipan tungkol sa Printed at Digital Books

Ang mga tanong ay mula kay Isabelle Tee, estudyante ng Fil40 ni Mam Ruby Gamboa Alcantara sa UP Diliman. Siya at ang mga kagrupo niya ay may ulat tungkol sa Wikang Filipino sa Agham at Teknolohiya.



1. Kung kayo po ay papapiliin, nanaisin niyo po ba na digital or printed ang pag publish ng works niyo? Bakit iyon?

Pareho. Printed kasi medyo hindi pa handa ang karaniwang Filipino para sa digital books. Gusto ko naaabot ng karaniwang Filipino ang aking mga akda.

Digital dahil gusto ko naman, pag handa na ang karaniwang Filipino sa pagbabasa ng digital books, ay nariyan lang ang aking akda.

Mas madali ring mai-market ang mga aklat na may digital copy. Kaya advantage din kapag may digital book ka.

Isa pa, para naman ito sa mga kababayan natin sa abroad. Mas madali sa kanila ang pagbili ng digital books kasi mas mura ito at madali lang ang pag-download pagkatapos nilang bumili sa ebookstore. Unlike kapag printed ang aklat, kailangan pa itong i-ship at kailangan pang gumastos nang malaki sa shipping.

Ang audiobooks naman ay hindi pa patok dito sa atin. Pero useful iyan lalo na sa mga visually impaired nating kababayan. So, gusto ko rin na magkaroon ng audiobook ang aklat ko para "mabasa" ng mga visually impaired ang aking akda.

2. Ano po ang mas comfortable kayong basahin/gamitin; printed na mga libro o e-books at audiobooks? Bakit po kayo doon mas komportable?

Doon pa rin ako sa printed na aklat. Hindi ako ma-gadget na tao, kasi. Mas komportable ako doon kasi hindi kailangang isaksak sa kuryente, hindi na lo-lowbatt, at hindi kailangang uber ingatan. Ilalagay mo lang sa bag mo at anytime basta may ilaw, puwede mong basahin. Nakakailang naman kasi 'yong iingatan mong huwag mabagsak o maupuan o mabasa ang librong binabasa mo. Medyo kasi hindi rin ako maingat sa mga gamit kaya ganon hahaha!


Mahalaga na mayroon at maraming digital books sa wikang Filipino. Isa itong patunay na mayroon tayong readers sa sarili nating wika kahit pa advanced na advanced ang teknolohiyang ginagamit para lamang makabasa ng akda.

Salamat, Isabelle and friends!

(Copyright owner ng photo 1: Bebang Siy. Copyright owner ng photo 2: Ronald Verzo.)

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...