Thursday, October 31, 2013

PEN event for free on Dec. 3-4, 2013 @ DLSU Manila, for Literature Lovers!

Warm greetings!

Please be informed that the Philippine PEN 2013 Conference will be on December 3-4 (Tuesday-Wednesday) at the Marilen Gaerlan Conservatory-North Wing, De La Salle University, Manila.

The theme is “Literature of Concord and Solidarity: The Writer as Peacemaker.” Our chairman and National Artist Bienvenido Lumbera will deliver the Andres Bonifacio Lecture on the first day. Jaime An Lim, editor of PEN Anthology on Mindanao peace, will be the keynote speaker. We will send you the complete program details as soon as we can.

PEN will be launching two books at the Congress: PENS AS SWORDS: The José Rizal Lectures (editor: Jose Victor Torres; publisher: Solidaridad) and Peace Mindanao (editor: Jaime An Lim; publisher: UST Publishing). If the Teaching Philippine Literature Manual (editor: Ronald Baytan; publisher: Anvil) can also be released by then, we shall have a harvest of three books. Our appreciation to all the contributors and the hardworkers behind these projects.

The publication of Peace Mindanao anthology and the Teaching Manual is made possible through the generous grant given by PEN International and the Swedish International Development Cooperation Agency (SIDA). These two projects (including the Teaching Philippine Literature Workshop in Cagayan de Oro last August 12) fall under the PEN International Beacon Centre Programme.

The conference is open to all PEN members. Please invite friends, literature lovers, and writers interested in joining PEN to attend the confab. Admission is free.

We will keep you posted. May God’s grace be with you.

Sincerely,
Lito B. Zulueta

Joselito B. Zulueta
National Secretary
Philippine Center of International PEN
c/o Solidaridad Bookstore
531 Padre Faura St., Ermita, Manila, Philippines
Tel. (632) 2541086; Telefax (632) 2541068
Email: philippinepen@yahoo.com
Website: http://www.philippinepen.ph

Wednesday, October 30, 2013

Free storytelling workshop for teachers

ay naku, andaming proyektong galing sa gobyerno. kelangan lang samantalahin natin ang mga ito.

go go go!

http://balaysugidanun.com/2013/10/30/free-storytelling-workshop-for-teachers-dlsu/

Official Press Release via Facebook

The De La Salle University Department of Literature, in cooperation with NBDB, will be conducting "Teaching in the City," a STORYTELLING WORKSHOP FOR TEACHERS (Pre-elementary, Elementary, Highschool/College levels) FOR FREE on NOVEMBER 12, 2013, from 10 AM to 6 PM, at De La Salle University-Manila. The workshop will include free lunch and workshop kits, and certificates will be given to participating teachers at the end of the program.

The workshop aims to enhance teachers’ skills in storytelling and oral reading, and thus help to make them better ambassadors of reading in the classroom as well as in their own homes and communities.

The workshop highlight is a plenary session with international storyteller Kamini Ramachandran, who will demonstrate, and engage participants in, the art of storytelling. There will also be an inspirational talk by multi-awarded writer, critic, and teacher Dr. Isagani R. Cruz, followed by parallel demo-talks on engaging the text in classroom teaching.

Interested parties may send the following information to espiritu_johann@yahoo.com for registration:

FULL NAME
SCHOOL/EMPLOYER
GRADE/LEVEL/YEAR TAUGHT

Only the first 150 registrants will be included in the program.

email na!

Monday, October 28, 2013

isa pang surprise birthday party

nakaka dalawang surprise birthday party na ako this year! isa pa at talagang magiging expert na ako rito hahaha

kahapon ay ipinagdiwang ng verzo family ang ika-70 kaarawan ng kanilang reyna, si tita nerie verzo. at dahil talagang kinarir ng buong pamilya ang pagiging sikreto ng event, gulat na gulat talaga si tita nerie kahapon.

ang peg kasi ay dadalo siya bilang karaniwang bisita sa isang wedding reception. so nakapustura siya at me bitbit na wedding gift. kasama niyang pupunta sa venue ay si rianne, ate ni poy. medyo kabado ang lahat noong umaga ng birthday celebration, kung ano-anong kasinungalingan ang naimbento.

nag-hire si rianne ng driver na maghahatid sa kanila sa venue, one cafe and events place, one corporate plaza, ortigas, pasig. sabi ng mama niya, para ortigas lang bakit magha hire pa? mag-taxi na lang tayo. ani ni rianne, e para mas pormal, mas okey kung may sasakyan. di sumagot si tita nerie. lusot!

ang usapan ay 10:30 a.m. pa sila susunduin sa sta. mesa. pero 8:00 a.m. pa lang, nandoon na ito ang driver sa kanilang bahay. Kasi susunduin ang unang batch ng family members na pupunta sa venue ng birthday celebration. so nagulat si tita nerie. anong ginagawa mo rito? tanong niya kay kuya edmond, ang driver. pero ang sumagot ay si ging, ang panganay nila.

"ma, magpapahatid kami sa driver, pupunta kami ni jo sa isang event sa immaculate school (ang dating elementary school ng buong magkakapatid). medyo marami kasing dadalhin, ma, kaya magpapahatid na lang kami sa driver, kaysa mag-taxi."

binuhat na nila ang isang cooler na puno ng canned drinks. ang alibi ng magkakapatid dito ay may event nga si jo, isa pa sa magkakapatid. sa immaculate nga ang event at ang batch nila ang sponsor ng food and drinks. walang imik si tita nerie, lusot!

so patong-patong talaga ang kasinungalingan nang araw na ito. pagkaalis nina ging at jo sa sta. mesa, dumiretso sila sa bahay namin, dito sa kamias. susunduin kami dahil marami-raming props ang kailangan naming dalhin sa venue.

cake mula sa cake2go (highly recommended, ang sarap! may shop sila sa timog)
props para sa cake
-isang teapot na hugis office cubicle
-picture ni tita nerie na naka-frame (galing ito sa pinagtanggalan ng kotse ng laruang tamiya)

props sa gift table
-picture frame na 8 x12 nandoon ang photos ni tita nerie
-twigs at ilang cute na sipit (binili ko sa isang tindahan para sa mga estudyante sa may pasay, dati ko pa ito binili, di ko akalaing dito ko pala ito gagamitin)
-dagdag na photos ni tita nerie
-maliit na placemat na maganda ang design
-baso na lalagyan ng twigs

props para sa improvised photo booth
-birthday banderitas
-tatlong wig, isang head dress na orange gagamba, mga sunglass na iba-iba ang hugis at kulay, martilyong plastik at water gun (walang tubig, hindi lalagyan ng tubig, props lang talaga, pam-picture-picture)

laptop para sa video presentation

dala-dala ko rin sina iding at ej hahaha

so pagkasundo sa amin, dumiretso na kami sa ortigas. kabado ang lahat dahil mamya, baka may makasalubong sina rianne at tita sa baba, late na bisita, kasabay nilang umaakyat sa building hahaha wala na ang surprise!!!

pagdating namin sa one cafe and events place, naka-set up na ang venue. ang ganda! pink na pink ang mga mesa, putimputi ang mga upuan. at ang aliwalas. napakaraming ilaw. ang stage ay naka-set up na. me upuang itim na nasasapinan ng veil na puti. tapos me isang table sa gilid ng upuan. me lcd projector din at screen. malamig na rin ang lugar, tamang-tama ang bukas ng aircon.



nag-start na kaming mag-asikaso ng mga gamit, isa-isa na ring dumating ang mga bisita. pinley na ang video presentation ni poy (mga pics at lumang ID ni tita nerie). chineck namin ang audio, ok din! pinatugtog ni poy ang mga kanta mula sa dekada 50 at 60.

inilabas ko na ang cake, ipinatong ko sa table na katabi ng upuan sa stage. dinisenyuhan ko na ang cake. feeling ko expert na ako rito hahaha kasi naman ang mahal mahal ng mga customized na cake kaya baby pa lang si ej,mega-imbento na ako ng magagandang cake for him. so ayun, pati sa future mother in law ko, ginawa ko na rin.

design ng red velvet cake na binili namin:

yung picture ni tita, itinabi ko sa teapot na hugis office cubicle (may computer, paper, pencil, etc.nabili ko ito sa isang shop sa sikatuna. P35.00 lang ata)

nilagyan ko ng dalawang toothpick ang likod ng teapot dahil baka bumaliktad ito at mabasag.

tapos nilagyan ko ng N-E-R-I-E na plastic letters ang paligid ng cake. Hindi sa ibabaw ng cake, dahil sa ibabaw nito nakasulat ang FAB @ 70.

ang plastic letters ay nabili ko sa divisoria (P15.00 lang. hindi siya talaga pandecorate ng cake. toys ito ng baby. siyempre, hinugasan ko muna ang letters bago ko idikit sa paligid ng cake. ang siste, ang isang buong pakete nito ay ang alphabet, from a-z, at walang double letters. kaya isa lang ang E. at kulay yellow pa, malulunod ang kulay nito sa kulay ng cake. kaya hindi ko ginamit ang talagang letter E. ang ginawa ko, ang letters L at F ay pinagdikit ko. ayun mukha nang letter E. para naman sa ikalawang letter E sa pangalan na NERIE, kinuha ko ang B at tinapyas ko ang kabundatan ng mga ito. voila! letter E na siya.)

tapos humingi ako ng lalagyan ng cake sa waiter. buti na lang at may elegante silang cake tray. tapos humingi ako ng magandang patungan. nakakita ako ng tatlong blocks ng salamin sa may counter na malapit sa kitchen area. (yung blocks ay yung parang sa CR, yung transparent na block), ipinalipat ko ang mga iyon sa waiter papunta sa table ng cake para doon ko ipapatong ang cake tray at ang cake. tapos humingi ako ng puting tela para hindi dumulas ang cake tray sa tatlong blocks. yun nga ang ibinigay ng waiter. maya-maya pa, nakita ko, pinalibutan na nila ng pink na veil ang cake. lalo tuloy itong gumanda.

saan ngayon ilalagay ang 7 at 0 na kandila?

hindi puwede sa cake dahil wala nang espasyo!

tiningnan ko kung ano-anong mga pagkain ang puwedeng pagtusukan ng kandila. pasta, isda, buttered veggies, manok, wala ata. tiningnan ko kung anong desert. pinya at pakwan.

pakwan ng ina!

kumuha ako ng platito at ilang piraso ng pakwan, doon ko ibinaon ang 7 at 0 na kandila, ipinatong ko ito sa ibaba ng cake. ayan. ready na.



sina ej at iding, inaral na ang party poppers na papuputukin nila. pinaasikaso ko na rin ang paraphernalia ng improvised photobooth namin. (binili ko yun sa divi noong suprise party for poy so wala na kaming nagastos doon.) inilabas ko rin ang mga papel at chalk na dala ko. in-approach ako ni anne, ang asawa ng isang pinsan ni poy. ano raw ang maitutulong nila? sabi ko, puwede kayang gawa sila ng witty na mga isusulat sa papel para puwedeng gamitin sa pagpapa-picture ng mga bisita? oo raw. ayun na.

ilan sa mga isinulat nila:

miss stressed
pogi ako
walang kokontra
miss world 2013
sinungaling
ambisyosa
at iba pa

aba, parang professional photobooth ang gimik namin, ha?

ang magkakapatid na poy, rianne, jo at ging ay nag-asikaso na ng mga bisita. though, mas ang kinakausap nila ay yung mga kamag-anak lang nila hahaha hindi kasi talaga sila sanay na nakikipag-usap sa iba.

pagkatapos, chineck nila kung lahat ba ng bisita ay nakarating na at nasa loob na ng venue. saka pa lang kasi papabiyahehin sina rianne at tita nerie mula sa kanilang bahay sa sta. mesa. kulang pa ng isa, si may, ang pinsan nila. pero nasa megamall na raw ito. so pinalarga na sina tita nerie at pinapunta na nga sa doon sa venue.

nakipag-usap ako kina ging at poy tungkol sa program.

pagpasok ni tita nerie
prayer by ging
dance number by makati security group
kain by all
messages
game 1
messages
game 2
messages
message from tita nerie
message from verzo kids
uwian na (til 2pm lang kasi ang venue. me bayad na ang extension.)

medyo nawirdohan ako sa prayer tapos dance number. hahaha parang wala pa akong nadaluhang event na nagkasunod iyon kahit pa dance contest ang event. anyway, yung games ay:

1. hihigop ng inumin mula sa magkataling straw. ngek. ambago naman ng game na ito. di ko type 2. Q and A about tita nerie, me dalang 4 na whiteboard at marker si ging.
3. hihipan ang puting pingpong balls mula sa plato. kelangan ang maiwan ay yung orange na pingpong ball. marami-raming kahon ng pingpong balls ang dala ni ging para lang dito.

sabi ko babaguhin ko na lang yung straw-straw at yung pingpong. ni-retain namin iyong Q and A dahil dapat talaga, may kinalaman sa celebrant ang games. set! then nagplano na kami, ano ang gagawin para ma-surprise si tita nerie pagdating na pagdating niya.

unang plano:

pupunta sa kabilang function room ang lahat ng bisita. pagpasok ni tita nerie sa venue, lilitaw ang lahat, isa-isa, para bumati sa kanya.

kaso parang napakabagal na surprise niyon, sabi ko. kasi maliit ang pinto ng kabilang function room. parang paisa-isa ang paglitaw ng mga bisita hahaha ibig sabihin, hindi magugulat si tita nang isang gulatan, marami at paulit-ulit na maliit na gulatan. pangit ang surprise kapag masyado itong mabagal hahaha

ikalawang plano(na in-execute ni weng, taga one cafe and events place):

maglagay ng kurtinang brown at black sa labas ng venue. para paglabas ni tita nerie mula sa elevator, hindi niya agad makikita ang mga bisita at ang loob ng venue na me tarp na nasusulatan ng NERIE Fabulous @ 70. hahawiin muna ng mga waiter ang kurtina at saka pa lang niya makikita ang lahat.

ok pero teka e bat di na lang mula sa elevator ang surprise?

so pinatanggal namin ang kurtina.

ikatlong plano (na siyang ginawa namin), papalabasin ang lahat ng bisita sa venue. magla-line up sila mula sa elevator (na mga isang dipa lang naman ang layo sa venue) hanggang sa may pinto ng venue. paglabas ni tita nerie sa elevator, papuputukin nina ej at iding ang party poppers tapos kakanta ang lahat ng happy birthday hanggang makapasok si tita nerie sa loob ng venue.

sabi ng mga waiter, bawal daw ang party popper sa labas ng venue kasi common area iyon ng building. so sabi ko, sa may pinto na lang ng venue, pagpasok na pagpasok ni tita, saka papuputukin ang mga ito.

after mga 15 mins, pinalabas na namin ang mga bisita. may dalang bouquet si russell at jaeross. ipinahawak namin ang bouquet kay tito daddy (ang kapatid ni tita nerie na naka-wheelchair) at pinapuwesto namin si tito daddy sa may pinakatapat ng pintuan. siya ang magwe-welcome kay tita nerie, complete with a floral bouquet, wee!

excited na ang lahat.

biglang bumukas ang elevator. hiyawan!

hindi pala si tita nerie hahaha

kuwento-kuwento uli ang mga tao. all set na talaga.

ting! bumukas uli ang elevator. siya na nga!

happy birthday to you, kanta ng mga bisita. happy birthday to you. happy birthday, happy birthday... happy birthday to you!

si tita nerie, kalmadong kalmado. parang di nagulat hahaha marami ang sumalubong sa kanya at yumakap at humalik so medyo natagalan bago siya nakapasok sa loob ng venue.

pop, ani ng dalawang party popper boys namin. as in isang pop lang, sabay na sabay.

tapos nakita na ni tita nerie si tito daddy. habang naluluha si tito daddy, binuhat na ni tita nerie ang mga bulaklak mula sa mga kamay ni tito. hinalikan niya sa pisngi si tito daddy at nagpa-picture ang magkapatid. ang saya-saya ng lahat habang pumapasok sa venue. tagumpay ang aming surprise strategy!

nang makapasok na ang lahat, pinahipan na namin ang kandila kay tita nerie. at pinag-wish namin siya over the microphone. e, excited... aba, hindi lang wish ang ginawa, nagsabi pa ng kanyang reaksiyon sa mga nangyayari hahaha sabi niya, di raw niya alam ang sasabihin niya at talagang nasurpresa talaga siya that day. maya-maya pa ay nag-ingles-ingles na si tita nerie hahaha!

pinagdasal na si ging para pormal nang simulan ang celebration. tapos pinaupo ko na ang lahat. yep, ako ang emcee. tinawag ko ang makati security group na binubuo ng tatlong babaeng naka long sleeves polo shirt na pang opis, at maong. o di ba, napakadisenteng mga sexbomb dancer hahaha ang ganda ganda ng sayaw nila as in. giling-giling na... pero sobrang matino! ibang klase.

after that ay kumain na muna ang lahat. almost 11am na yata nang time na iyon. so pantanghalian na ang kurug-kurug ng sikmura.

si tita nerie, hindi agad kumain, kasi iyon ang time na lumapit siya sa mga bisita at nakipag-chikahan sa mga ito. nag-distribute na ako ng mga papel at chalk, whiteboard at marker sa bawat table para sa Q and A game. after 20 minutes,habang kumakain ang lahat, tinawag ko na ang ilang magbibigay ng message para sa celebrant.

eto ang mga natatandaan ko:

rocky-anak ni tito daddy/pamangkin ni tita nerie/pinsan nina poy

sabi niya, napakapraktikal ng mga payo ni tita nerie sa kanya, halimbawa, pag nagwo-work na, maiging me credit card para sa mga emergency situation. at napatunayan naman daw iyon ni rocky. pero sabi rin ni rocky, medyo lang nasobrahan lang daw siya ng gamit sa credit card nang una siyang magkaroon nito hahaha!

sabi rin niya, ine-encourage daw siya ni tita nerie na kumain kahit paminsan-minsan sa mamahaling mga restawran dahil may mga nagtatrabaho rin sa mga iyan. kung kakaunti lang ang kakain diyan, baka magsara ang restawran at mawawalan ng trabaho ang mga empleyado nito.

adora-opismeyt ni tita nerie for more than twenty years

naiyak ako sa kuwento ni mam adora. sabi niya, ambait bait daw ni tita nerie sa kanya kahit noong napakahirap pa niyang tao at simpleng empleyado pa lamang. si tita raw ang laging umaalo sa kanya sa tuwing umiiyak siya dahil sa kanilang boss (na matapobre pala at mapanlait, nalaman ko from tita noong nakauwi na kami sa bahay nila sa sta mesa) kay tita nerie lang niya naihihinga ang lahat. si tita nerie daw para naman mapasaya si mam adora ay manlilibre sa mamahaling restawran. ani pa ni tita nerie kay mam adora, bakit ba? yang mayayaman na yan, sila lang ba ang may karapatang kumain sa magagandang restawran? tayo rin, bakit ba? e may pambayad naman tayo. sabi raw ni tita sa kanya, hayaan mo adora, yang mga luha mo, magiging kristal yan balang araw. hindi tayo pababayaan ng diyos kung tayo'y tapat sa ating trabaho at mga gawain.

tumimo raw iyon sa isip ni mam adora, at nagkatotoo nga. ngayon ay may tatlong bahay na siya at isang building! at lagi na raw niyang inililibre ngayon si tita nerie na pinagkakautangan niya ng loob at kumpiyansa sa sarili.

nakakatuwa naman. pagdating ko ng 70, gusto ko ganyan din ang sasabihin sa akin ng mga tao hahaha! i feel so happy to have tita as my future mother in law. ang tino tinong tao kumpara sa nanay ko hahaha mahal ko si tisay pero paminsan-minsan talaga, nahihiling ko sa diyos na ibalik na lang ako sa sinapupunan e, pag ganyan ang nanay mo, minsan, mapapaisip ka rin... kung totoong makatarungan ang panginoon.

pero ang best message nang araw na iyon ay galing kay..... tito daddy! winner!

sabi niya, happy birthday, yun lang.

totoo ito, bumati lang si tito daddy, nagtawanan nga ang mga tao e.

sige, sige, 1st runner up si tito boy (bayaw ni tita nerie)

sabi niya, ako si boy, asawa ko ang bunsong kapatid ni ate nerie. si cora. ano pa ba? a...a... happy birthday. yun lang. wala na akong masabi, e.

o di ba, pang-runner up talaga ang peg!

mga walong tao ang nagbigay ng message. in between ang games.

game 1 was fun. per table ang labanan. so me table na family members lang. me table naman na puro current opismeyts. me table din na ex opismeyts. me table din na puro kamag-anak. Q and A tungkol kay tita nerie. heto ang mga inilista kong tanong:

1Q. saan ipinaglihi si tita nerie?

A. wala. wala ring points ito kasi kahit si tita nerie ay hindi alam ang sagot hahaha

2Q. (galing kay rianne ang tanong na ito) saan nagmula ang pangalang narcisa?

A. honorio calendar, nung araw daw, ito lang ang source ng pangalan ng mga tao. kung anong pangalan ang nasa araw na ipinanganak ka (batay sa honorio calendar), iyon na yon.

dalawa ang me points dito, parehong family table. pero kuwento rin ni tita nerie, me isang bata raw sa kanila na taga la laguna, lagi raw nagta-top 1 at narcisa ang pangalan. ayun, ipinangalan na rin daw ito sa kanya. ang sagot ng isang current opismeyt table ay taga-la laguna. kaya binigyan din namin sila ng one point.

3Q. Ano ang paboritong meryenda ni tita nerie?

A. kakanin.

4Q. ano ang translation ng BIR? (CPA kasi si tita nerie hahaha at siya ang nag-aasikaso ng mga tax-tax ng kumpanyang pinaglilingkuran niya) (galing kina wendell at lisa ang tanong na ito, maalam sila dito kasi mga negosyanteng alisto sa pagbabayad ng tax.)

A. Kawanihan ng Rentas Internas

Lahat nakakuha ng points dito, alam pala nilang lahat iyon!

5Q. (galing uli kina wendell at lisa ang tanong na ito) Tuwing anong buwan nagpa-file ng income tax return?

A. April

Me mga sumagot ng April 15, pero di namin binigyan ng points. ang lupet ano? ang tanong kasi... BUWAN! hindi PETSA wehe

6Q. Ano ang unang dadamputin ni Tita Nerie kung sakaling magkaroon ng emergency?

A. cellphone

ang mga sagot dito: flashlight, wallet, rosaryo at iba pa. walang nagka-points, hay naku.

7Q. Ano ang huling-huling ginagawa ni Tita Nerie bago umalis ng opisina?

A. mag-CR

marami ang naka-points dito lalo na ang mga opismeyt table. pero me isang table na ang sagot ay umihi hahaha sobrang specific kaya binigyan na rin ito ng point. hahaha kasi di ba pano nila nalamang umihi? sinusundan nila siguro si tita hanggang sa loob ng cubicle ng CR!

8Q. Ano ang paboritong gamot ni Tita Nerie?

A. Centrum

hahaha e wala, para sa kanya, gamot ang vitamins baket ba? so anyway, walang nakasagot nang tama pero batay kay Rianne, ang tamang sagot ay Xanor. isang table ang nakasagot nito! sayang. iba ang sagot ng may katawan hahaha

9Q. Ano ang pangalan ng buong course ni tita sa college?

A. BSBA major in Accounting

marami ang nagkamali dito kasi ang sagot nila ay commerce, or worse, accountancy. so di namin kinonsider, kahit yung accountancy. e wala, malupet talaga ang game show na ito hahaha mataas ang standard.

10Q. sino ang paboritong anak ni tita nerie? (galing kay rianne ang tanong na ito)

A. all of them

hahaha ayaw sagutin ni tita talaga ito. she stood by her answer. wala raw siyang paborito. so ang sumagot para sa kanya ay ang mga anak niya. sabi nina rianne, ging at jo, si poy! hahaha si poy walang reaksiyon. parang ine-expect talaga niya. tsk... mama's boy talaga ang batang ire.

ilan ang nakatama? dalawang group sana kaso yung sagot ng isa, ronald verzo III hahaha e kako, wala pa po. da second pa lang po! apo agad-agad? nagmamadali? may lakad kayo, gusto ko sanang tanungin,e.

yung mukha ni tita nerie nang sabihin nina rianne kung sino ang paborito niyang anak, dazed. parang ngayon lang niya natuklasan ang katotohanang iyon. siguro nga, ang mga nanay, di nila rin namamalayan, playing favorites na sila. akala nila, patas pa rin sila sa lahat ng mga anak nila. wala kasing distance e. ang nakakahalata lang e yung mga hindi paborito hahaha! tulad ko! ang paborito ng tatay namin e si colay. kasi maton si colay. pangarap ng tatay kong magkaroon ng anak na lalaki, si colay ang katuparan niyon.

anyway, back to the game show...

11Q. huling tanong worth 3 points: 70 divided by 5?

A. 14

isa lang ang nanalo rito kasi paunahan. at yun ay ang current opismeyts group! ambilis magtaas ng whiteboard.

at the end of the game, natuklasan naming me nag-tie. current opismeyts table VS kamag-anak table. nag-release pa kami ng isa pang question.

tie breaker: Sino o ano ang paboritong dasalan ni Tita Nerie? (galing kay rianne ang tanong na ito)

A. Precious Blood of Jesus Christ

ang sagot ng family table sa pangunguna ng super excited at humihiyaw pang si tita emma, mama mary. ang sagot ng current opismeyts table, precious blood of jesus christ.

winner!

ayun. natuwa ako sa game na ito kasi andami kong natutuhan tungkol sa celebrant. wacky rin yung moments kung kelan kinokorek ako ni tita nerie. kasi yung tungkol sa April 15 na tanong, dapat daw ini-specify ko, individual income tax return or corporate? hahaha malay ko naman po. tapos yun daw tanong tungkol sa emergency, what kind of emergency daw ba? dapat daw specified. sabi ko, mga tsunami po ganyan.

josmio.

pero masaya talaga. kahit ang audience nakita kong natuwa naman sila. kasi kahit yung table ni mam adora na nasa sulok at dulo at dadalawa lang silang laman nito (mag-asawa), sumasagot at sumasali rin talaga siya. e dapat lahat ng palaro pag may birthday, ganon, dahil lahat naman ng attendees ay naroon kasi nga kilala at mahal nila ang celebrant.

yong isa pang game ay pisikal na, pingpong relay.

3 members per group
3 groups

mechanics:

1. yung pingpong ball, kailangan nilang ipasok at isuksok sa ilalim ng damit nila at palusutin hanggang lumabas uli ito sa pinakadulo ng kanilang damit, lets say pantalon, siyempre sa dulo ng pants, sa may paa dapat ito lumabas.

2. then ipapasa nila ang bola sa susunod nilang team mate, iyon uli ang gagawin ng kanilang team mate.

3. ang unang grupo na matapos ang lahat ng ito ang mananalo.

4. puwedeng bumagsak ang bola sa sahig. hindi violation ito.

Go!

ang nanalo ay ang group na binubuo ng kabataan team hahaha (iyong ibang group kasi ay medyo thunderbirds na)

bago matapos ang program, pinagsalita si tita. di pa raw siya nasu-surprise nang ganon sa tanang buhay niya at alam niyang lahat ng nandoon ay may ginampanang role sa kanyang buhay at mahal siya kaya sila pumunta at nakipag-celebrate kasama siya. pinasalamatan niya at tinawag ang lahat, isa-isa! parang roll call. mga 50 kaming lahat doon, e. akala ko ay mapapaiyak namin, hahaha epic fail.

sino ang umiyak?

si poy!

siya ang pinagsalita ng kanyang mga kapatid. he thanked his mom for keeping the family together. ngayon daw na nagsisimula na siyang magkaroon ng sariling pamilya, mas naa-appreciate na raw niya ang mga ginagawa ng mama niya para sa pamilya nila. naa-appreciate din daw niya ang tolerance ng kanyang nanay sa kanya, siya na may pinakaraming sakit ng ulo na inihatid sa bahay hahaha pero pinakapaborito pa rin. (so unfaaaaiiirrr!) he also thanked everyone for being there with the family. finally raw nakilala ng pamilya ang mga kaopisina, katrabaho at kaibigan ng kanilang mama. they were all part of their childhood, stories of their mom dahil lagi raw nagkukuwento ang mama nila tungkol sa trabaho at mga kasama niya sa work, ipinaghele sila gamit ang mga kuwento tungkol sa opisina. so buhay sila, ang mga bisita, sa isip nilang magkakapatid all through the years. sobrang saya nga naman ang makilala silang lahat, at makausap, at makadaupang-palad sa okasyong iyon.

dami pang sinabi si poy, napakahaba ng speech samantalang hindi siya prepared haha. dapat si rianne ang tatawagin ko dahil si rianne ang talagang main organizer ng surprise party e, kaso parang di naman nito type ang magsalita sa harap. baka mapikon lang sa aken pag inanunsiyo ko ang pangalan niya sa mikropono, so si poy na lang ang tinawag ko.

the party was super fun. hanggang makauwi kami sa bahay at gumabi na, kuwento pa rin nang kuwento si tita, ang hyper niya, grabe.

feeling family member na ako dahil sa event na yon haha ipinakilala kasi ako ni tita sa lahat, at ni poy! in-announce niyang ikakasal na kami. pinapunta pa ako sa harap, putik. ayaw ko pa naman ng ganung eksena. ok sa akin ang mag-host kasi naida-divert ko ang atensiyon ng audience sa programa pero yung ako mismo ang titingnan ng lahat, ay, ayoko nun. mahiyain nga kasi talaga ako, di biro.

pagpunta ko sa harap, inagaw ko ang mike kay poy. sabi ko, bagay na bagay po kami. isa pong mahiyain, at isang walanghiya.

buti tumawa ang mga tao.

tapos nun, balik na ako sa sulok ko.

hay. sana ang nanay ko makaabot din ng 70. im thinking of doing this to tisay as well. pero wag naman 70th niya, parang antagal pa nun. 50 pa lang ata si tisay, e. forever 36 kasi ang hitad na yun, e. sa january 15 na ang bday niya. at kung magha honeymoon kami ni poy, nakabalik na kami by that time next year. pero kung surprise party din ito, dapat ngayon pa lang ay nag-o-organize na kaming magkakapatid. game kaya sina criselda, sak, insiyang at ang mortal na kaaway ni tisay na si budang? e, baka ma-surprise naman ako sa kanilang mga sagot.






























Behind the ‘Mens’

By Maria Carmela Sison

She was waiting for her turn in the admissions office for the interview. She had to pick a non-quota course to enter the university. Geodetic engineering was her first choice but had to pick another course which would not cost her a lot of money since her family was having financial difficulties. The person in front of her suggested BA Film and Audio-Visual Communication, claiming one can pass the subject by watching movies. But she remembered, “Wala nga akong pang-tuition. Saan pa ko kukuha ng pang-sine (I don’t even have the money for my tuition, where will I get the money to watch movies)?” She crossed it out and was left with two choices: BA English and BA Malikhaing Pagsulat (Creative Witing) sa Filipino. Her time was running out. It was already her turn to go inside the admissions office. She tossed a coin and was left with Malikhang Pagsulat. This was how the journey of Bebang Siy as a writer began.



Beverly Wico Siy, or known as Bebang Siy was born on December 10, 1979 in Quirino, Manila. She was the eldest of the five daughters of Roberto Siy and Resurreccion Wico. Her family is part of the Chinese-Filipino community in Manila. After her parents separated, Bebang and her sisters experienced living from one place to another. They first lived with their mother, and then were taken by their father. And after their father’s death, they stayed with their mother.

Dubbed as the female counterpart of Bob Ong, Bebang admitted that she never saw herself as a writer when she was young. Instead, she wanted to be a doctor. She wanted to take Psychology. Even without prior knowledge on the discipline, she planned to take it to follow her crush. As she entered University of the Philippines Diliman, her passion for writing started to blossom. After a significant experience or whenever she feels lonely, Bebang finds herself writing, especially in her blog.

Her remarkable book, “It’s A Mens World,” brought her to the limelight of Filipino literature. The book was composed of different anecdotes in Bebang’s life written in a light and funny manner. Reading the book will surely make you laugh yet it will teach you lessons in life. The book was originally a class requirement in a penalty course under Professor Vim Nadera, Jr. It was a compilation of her past works written in different periods of time. Her professor asked her to find a publisher. She chose Anvil Publishing Inc. and her book-length manuscript was published.



Living a rollercoaster life has helped Bebang in her writing. She cited one of her experiences in the book “Palalim Nang Palalim, Padilim Nang Padilim” which is set in a pawnshop vault. The setting rooted from her previous job as a clerk. Who would have thought that a writer has worked in a pawnshop before? These experiences have expanded her imagination and knowledge as a writer. Bebang also admits that she had to take different jobs to fulfill her role as a single mother to Sean Elijah or “EJ.”



Her humor and positive outlook in life have also helped her in writing, particularly in “It’s A Mens Word.” “‘Pag sinulat ko siya nang walang humor, baka bumaha na ng luha sa buong Pilipinas (If I wrote it without humor, maybe tears would flood the whole Philippines). Her tragic experiences in life were written in a light and comic manner. Whenever she reads her stories, Bebang confesses that she would probably feel anger if she would go back to her stories. Instead, her optimism has made her feel better about it. “It helps me with these experiences in a more constructive manner,” she says.

Aside from writing, Bebang currently spends her time as a Filipino professor in Colegio de San Juan de Letran. She is also attending to her forthcoming wedding with Ronald Verzo. She also enjoys being a speaker in different schools. It lets her expand her horizons and meet other people especially those who support Filipino literature. Her sequel of “It’s A Mens World” which is “It’s Raining Mens” will come out early next year.



Bebang never imagined her life not being a writer. She believes that books will always be in line with whatever she is doing. Even though she knows that there is not much money in books, it will always be what she wants. She admitted that she has reviewed her life at one point. And she realized that despite everything that happened to her, one thing has always remained: her love for writing. Ten years from now, she still sees herself as a writer. Her dream is to write a book on historical fiction or dark comedy.

Her imagination has played a key role in her writing. Bebang believes that anyone who can imagine has the capacity to write. “Ang imahinasyon mo ay walang katulad sa buong mundo (Your imagination is unique in the whole world). What aspiring writers need to do is write. Write whatever is in your mind. Ignore all the technicalities and focus on what your imagination can reach, she added. “Kahit sino ka pa, kahit ano ka pang uri ng manunulat, sulat lang nang sulat (Whoever you are and whatever kind of writer you are, just keep on writing).



Ang feature article na ito ay produkto ng panayam ni Carmela sa akin. Si Carmela ay isang Journalism student sa UP Diliman at isa ito sa requirements ng propesor niya. Naganap ang panayam sa Letran noong Oktubre 2013.

Maraming salamat, Carmela!


Ang copyright ng mga larawan ay kina Bebang Siy at Ronald Verzo.

Friday, October 25, 2013

Para sa mga gustong mag-self publish ng ebook

Nakita ko ito sa Facebook page ng Freelance Writers Guild of the Philippines, pinost ng member na si Dennis Rito:

http://www.pbs.org/mediashift/2013/05/the-real-costs-of-self-publishing-book/

I think this is a good article about self-publishing. Nariyan ang stages na dadaanan ng isang writer para makapaglabas ng isang aklat.

Of course, hindi applicable sa Pilipinas ang ganyang mga presyo. Kasi kung oo, aba, ang yayaman na ng mga editor hahaha!

Kung may interesado sa publishing services na nabanggit sa link, tumatanggap po ako at ang Balangay Books ng trabaho. Filipino at English po ang manuscript na tinatanggap namin. Kindly email me at beverlysiy@gmail.com for rates.

By the way, hindi pa kami bihasa sa marketing ng ebooks. Nasa developmental editing, copyediting, layout, cover design at proofreading ang aming expertise.

Tuesday, October 22, 2013

Tiaong po! Tiaong po!

naimbitahan akong magsalita sa southern luzon state university-tiaong campus!



at ito ay sa kabutihang loob at pagsusumikap ng Traviesa Publications na kinakatawan ni Jord Earving. (siya iyong naka-berde. si ara naman ang babaeng naka-blue, future girlfriend ni jord.)



the night and the madaling araw bago ang punta ko sa tiaong, kasagsagan ng isang signal number two na bagyo. hulaan nyo kung asan ang sentro ng bagyong ito?





tama!



sa quezon!


kaya di namin alam kung tutuloy ba kami o hindi. ang iniisip ko, kawawa kung pipilitin pa ng mga batang um-attend. alangan namang lumusong sila sa baha para lang sa seminar na ito? no, no, no. sabi nga ng family planning expert sa quezon city hall, safety first.

so text ako nang text kay jord kung tuloy ba. tuloy daw. tuloy na tuloy. wala raw suspension ng klase sa kanila (sabado yun! baka wala talagang suspension? hahaha) so bumangon kami ng 5am, naghanda na kami para maglakbay.

ang kulimlim at ang malakas-lakas din ang ulan sa kamias. worse comes to worst, walang makikinig sa akin. babalik na lang ako sa ibang araw para ulitin ang seminar na ito. aba, sayang, e!

buti at kasama ko si poy. di ako marunong pumunta doon! so siya ang naging gabay ko sa pagsakay ng bus. e, sa tabi lang pala ng jollibee edsa kamias ang sakayan hahaha!



sabi ni jord, mga 1-1.5 hrs lang daw ang biyahe. asa pa ano? e sa edsa pa lang kaya yun? mga 10am na kami nakarating sa SLSU tiaong.

pero di ako nainip sa biyahe. dahil walang trapik. at paglabas ng maynila, dyeggeng... walang ulan. nada. eto ang mga nadaanan namin...



eto lang naman ang bumungad sa akin. ang ganda-ganda. mt. banahaw

weee!

Panayam ng Critic-O Magazine kay Bb. Bebang Siy

Ang panayam na ito sa akin ay isinagawa ni Kerubin Batoc kasama ang kanyang mga kagrupo para sa kanilang klase sa PUP Manila. Naganap ang panayam noong 31 Agosto 2013 sa Ateneo de Manila University kasabay ng Gawad Balagtas Awarding Ceremony ng UMPIL.


CRITIC-O: Are you a fan of Classic Literature? Why or why not?

>Hindi masyado. Kasi ganito ang nangyari sa akin, mahilig akong magbasa pero hindi ko alam ‘yong category ng mga binabasa ko. Kung ano-ano lang, basta babasahin siya, binabasa ko siya nang binabasa. Ngayon na malaki na ako, ‘tsaka noong nasa college na ako, noon ko lang na-realize na parang kulang na kulang ako sa pagbabasa ng classic literature. Kaya ang ginawa ko, ‘yong mga pinapabasa ng teacher ko, binabasa ko na at hinahanap ko ‘yong mga kaugnay na panitikan ng mga ito.

CRITIC-O: What is the first story that gave an impact to you?

>Naku! Ang hirap naman! ‘Yong una, di siya libro, ‘yong unang babasahing may malaking impact sa akin ay Xerex, ‘yong bastos sa tabloid. Unfortunately, ‘yon ‘yong una kong exposure sa panitikan kasi napaka-creative ng handle nito sa wika. Dahil sa Xerex, na-curious akong magbasa nang magbasa ng iba-ibang akda. Sunod niyon, mga novena, ganyan ang mga binabasa ko, andami kasi sa bahay namin. Di ko alam kung bakit. Tapos, Impeng Negro, mga classic Filipino Lit.

CRITIC-O: When did you start reading and writing literary pieces?

> Nakabasa ako ng isang tula ng pinsan ko na Chinese tapos ang sinulat niya Filipino na tula. Tapos na-publish sa isang libro sa school nila, siyempre may pangalan niya. Sabi ko, gusto ko nito, gusto ko rin magkaroon ng ganon kaya sumulat ako ng tula. Parang tungkol sa puno, nagpapasalamat ako sa puno. Sumulat ako tapos parang nakatatlo yata akong tula, ipinasa ko sa school paper noong elementary pa ako. Pagka-submit ko, aba nakita ko sa diyaryo namin na may na-publish na dalawang tula na may pangalan ko. Pero di akin ‘yong tula! Sabi ko, saan napunta ‘yong tula ko? Hanggang ngayon, hindi ‘ata nila itinama ‘yon, basta may na-publish na tulang sa akin nakapangalan pero hindi ako ang sumulat.

> Noon ang paboritong paksa ko, mga sapatos, puno, noong bata pa ako. Pagdating ko ng highschool, di ako makapasok sa campus paper. Sabi ko, bakit kaya di ako ma-publish, marunong naman ako at may kaalaman sa English? Kaya ayun, nagrebelde ako. Ini-spoof ko ang campus paper namin. Nagsulat ako sa wikang Filipino at puro joke ang inilagay ko doon. Jinoke ko ‘yong mga teacher namin, ‘yong mga gawain nila, habit, mannerism. Jinoke ko ‘yong mga estudyante, director, lahat. Puro joke ‘yong laman ng buong spoof campus paper. Tapos, ni-lay out ko ‘yon, phinotocopy ko at binenta ko sa halagang dalawang piso. Walang bumibili. ‘Yon, do’n ako nag-start, do’n ako nagsimulang magsulat.

CRITIC-O: What was the feedback of those who availed the paper?

>Wala nga e, wala ngang bumili. Pero ‘yong mga kaklase ko, sabi nila, nakakatawa, Bebang. ‘Yon lang. Tapos ako ‘yong sumulat ng class prophecy namin, so di ko pa alam na ako ay magiging isang writer. Kasi do’n sa class prophecy namin, ang nilagay ko, isa akong guwardiya. Nagkaroon ng department store ‘yong guard namin sa school at ako ‘yong guard sa department store niya.

CRITIC-O: We have read from your blogs that taking up BA Malikhaing Pagsulat was not your first choice and that you chose it only by tossing a coin. Was it the turning point for you to take the path of literature?

>Oo, wala talaga sa isip ko. Kasi pagpasok ko sa UP, nakapasa ako sa any non-quota course. BS Agriculture, mga ganun, Geodetic Engineering, Metallurgical Engineering, Speech Pathology, mga ganong course na first time ko lang na marinig. Sabi ko, ano kayang mangyayari sa akin pagka-graduate ko? May isa pa: BA in Film and Audio-visual Communication. ‘Yan pa ‘yong aking pinagpilian ta’s no’ng nakapila na ako e, walang nagpapaaral sa ‘kin no’n kasi patay na tatay ko, ‘yong nanay ko wala namang trabaho, wala talagang magpapaaral sa amin, naisip ko ‘yon no’ng nakapila na ‘ko sa admission. Ano ang ilalagay kong quota course? ‘Yong Journalism, English Studies at iba pa? At saka BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino.

Ang una kong inilagay ay engineering kaya nga lang, parang ang mahal pag engineering. Wala naman akong pera. Inisip ko ano ‘yong course na mura, walang bayad, ‘yong di masyadong gagastos at walang masyadong gadget na gagamitin. So nakita ko ‘yong BA English Studies at BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Tapos, no’ng ako na, as in literal na andito na ‘yong pinto, ako na ang iinterbyuhin, nag-toss coin ako. Pagbagsak ng barya, BAMPF. Do’n ako napunta sa course na ‘yon. O, di ba? Thank you, coin! Blessing in coin!

CRITIC-O: How would you describe Filipino writers at present?

> ‘Yong mga writer ngayon, in general, para sa ‘kin, malaking malaki pa ang potential nila. Sobrang-sobrang malaki pa ang potential nila, hindi sila nama-maximize ng bayan natin. Bakit? Kasi marami silang ginagawa bukod sa pagsusulat. Di sila makapag-concentrate, tipong buong atensiyon para lang sa pagsusulat. Bakit? Kasi ang liit ng kita sa pagusulat dito sa Pilipinas. Although isang factor lang ‘yon at marami pang dahilan, kaya para sa akin, very promising pa kung talagang gagawing career, as in 100% na career, ang pagsusulat dito sa Pilipinas. Andami-dami pa nating mapo-produce, as in matatambakan ang ating National Book Stores! Mababaligtad ang sitwasyon, ‘yong Filipiniana, ‘yon ‘yong buong book store tapos isang section lang ‘yong foreign titles. Para sa ‘kin, ‘yon ‘yong Filipino writers kasi ngayon pa nga lang na ang hirap-hirap ng buhay natin, nakakapag-release pa rin tayo ng magagandang aklat.

CRITIC-O: How do you view the Wattpad writers especially those whose works were published?

>Ipinapakita ng Wattpad writers ‘yong diversity sa panitikan. Na ‘yong panitikan ng Pilipinas, ng mga Filipino, di lang ‘yan gawa ng matatanda. Di lang siya luma, di lang siya classic literature. Ipinapakita rin ng mga Wattpad writer na mayroong umuusbong na mga manunulat at ang mga akda nila ay nakadikit sa kultura ng kabataan. ‘Yon ‘yong nagagawa ng Wattpad writers kasi ang dali-dali nilang mag-produce. Pag Wattpad kasi wala namang cost sa paglalabas ng akda. Tapos ready na ‘yong mga reader, nandiyan lang sila, naghahanap lang sila ng babasahin. Palagay ko napakaimportante nila kasi, di ba ang Wattpad di lang naman ‘yan sa Pilipinas? Sa buong mundo siya, international siya. At dahil sa mga Filipino writer sa Wattpad, naipapakilala nila ‘yong kultura natin, naipapaalam natin na may mga writer sa Pilipinas na gumagamit ng Wattpad.
Kaya importante ‘yan. Dapat isulat lang nila nang isulat ang gusto nila. ‘Wag silang mag-isip na ‘ay kasi sa Wattpad lang ako na-publish.’ Hindi dapat ganon. Kumbaga sa pie, kunwari pizza pie ang literature sa Wattpad, dahil sa kanila, nagkakaroon ng share ang Filipino writers. Dahil ‘yon sa kanila. Kung wala sila, ‘yong buong pizza na ‘yon ay foreign works. ‘Yong Wattpad works na nagiging pelikula, okay lang ‘yan. Kasi nga, bahagi ‘yan ng diversity. Isipin mo kung lahat ng panitikan, seryoso? Di ba, magsu-suicide lahat ng kabataan? E, puro emo!

CRITIC-O: Who is the author you idolize the most?

>Si Rio Alma, Virgilio S. Almario. Siyempre, siya ‘yong idol ko. Unang-una, napaka-prolific niya. Ang ganda ng kanyang disipilina sa pagsusulat. Pangalawa, ‘yong itinatampok niya, talagang ‘yong kapaligiran niya ‘no? ‘Yong probinsiya, ‘yong town niya, ‘yong bayan niyang San Miguel, ‘yong mga kaibigan ng kanyang magulang, mga magsasaka, ‘yong kanyang paaralan, ‘yong nanay niya, tatay niya, kalabaw niya. Noong tumatanda na siya, sinusulat naman niya ‘yong pagbabago ng landscape ng Pilipinas mula sa pagpasok ng mga machine hanggang sa panahon natin ngayon. Ang pinakapaborito ko sa lahat, ‘yong pagtalakay niya sa pagiging modern ng Pilipinas kasi tinalakay niya ‘yan sa napakaraming akda. Ipinapakita niya doon na di naman talaga tayo nagpo-progress. Nagiging modern lang. At unfortunately, magkaiba ‘yon.

CRITIC-O:How do you judge/criticize a piece of literature?

>Background ko, MA Panitikang Filipino. Pinag-aaralan namin na ‘yong gawa ng karaniwang Filipino, basta nagsulat siya, nag-akda siya, akda, literature agad ‘yon.

CRITIC-O:Do you consider yourself a feminist?

>Hindi, andami ngang nagsasabi niyan, na feminist ako. Feminist daw ‘yong It’s a Mens World. Hindi, ‘no? Sa ‘kin, bilang babae, ayokong may naaping babae. Pero ayoko din ng may nang-aaping babae. Ayoko ring may naaaping bata. Dapat, equal, pero dapat lahat.

CRITIC-O:If you are not a feminist then what?

> Maganda. Magandang writer! Joke. Para sa akin, hindi maganda ‘yang category-category na ‘yan kasi kapag kina-categorize mo ‘yong sarili mo, ikinukulong mo ‘yong sarili mo sa confines ng genre na iyon. I’m sorry pero nabo-bore kasi ako sa isang genre lang. Di ko kaya ‘yong isa lang ang genre o kaya ay isang paksa lang ang tatalakayin. Di ko kaya ‘yon. Gusto ko ‘yong di ko pa nagagawa kahit kailan. Kung anong puwede at di ko pa nagagawa, ‘yon ang magandang gawin.

CRITIC-O: is classic literature still important in class discussion nowadays?

> Importante ‘yan, ‘no? Importante din na makapagbasa niyan ang kabataan ngayon. Para makita nila ano ‘yong pagkakaiba sa ngayon, para ma-appreciate nila ano ‘yong panitikan na binabasa nila ngayon sa panitikan na lumabas noon. Dapat ine-expose ang mga estudyante diyan, sa lahat ng uri ng panitikan.

CRITIC-O: What can you say about the emergence of popular literature?

> Go tayo diyan. Lagi n’yong tatandaan na ‘yong classic literature ngayon, popular literature sila noon. Kaya lang naman nagiging classic ay dahil sumikat noon tapos nadaanan na nga ng panahon.

CRITIC-O: How do you teach literature?

> Sa students, kailangan, mag-effort din kayo, ‘no? Tutuklasin n’yo rin ‘yong mga panitikan na di natin masyadong nababasa. Napansin ko naman na parang laging naghihintay lang ang mga estudyante kung ano ‘yong iuutos sa kanila na basahin. Mas maganda kung two-way.

Para naman sa teacher, ipasok ang mga estudyante sa strategies. Napansin ko sa mga kabataan, mahilig sa sarili. Selfie-selfie. ‘Yong mindset ng mga tao ngayon: I, me , myself. Dapat i-take advantage ng mga teacher ito. Ipakilala ang panitikan sa pamamagitan ng pagtatampok sa estudyante. Mas magiging participative sila, sure ‘yan.

CRITIC-O: What is your edge over other writers?

>Napansin ng kaibigan kong si Lolito Go, walang babaeng nagsusulat sa nakakatawang paraan, sa wikang Filipino, na kaedaran ko.


CRITIC-O: How does your career affect your life style?

> Ako ‘yong tipo ng manunulat na nahihirapang mag-imagine pag di ko naranasan ‘yong isang bagay. Kaya ngayon, I try different and new things para mas marami akong mapagpiliang materyal sa pagsusulat.

CRITIC-O: What is the most favourite story you’ve written?

> Sa lahat ng stories na sinulat ko? ‘Yong Bangis. Nasa Haunted Philippines 8 ito. Isinali ko pa ‘yan sa Palanca, natalo. Story about a battered woman.

CRITIC-O: What are the benefits of reading pop lit to student’s learning?

>Sa popular literature, kahit gaano ka-popular, gasgas ‘yong salita at topic, ang magandang nakukuha diyan ng reader ay ‘yong structure. Ang maganda sa pop lit ay very structured siya. Kapag lagi kang nagbabasa niyan, masasanay ka sa formula at kapag ikaw na ‘yong gumagawa ng story, baka mas madali na para sa’yo ang magsulat ng sariling akda kasi ilang beses mo nang na-encounter ang formula nito. At saka, matututo ka kung paanong tumalakay ng mabigat na paksa sa magaan na wika.


Ang Critic-O Magazine ay isa sa mga school requirement nina Kerubin. Maraming salamat, Kerubin at sa iyong mga kagrupo. More power!

Monday, October 14, 2013

Panayam Ukol sa Lubos na Pagtangkilik ng Makabagong Henerasyon sa mga Akdang Banyaga Kaysa sa Akdang Lokal

Noong Setyembre ay nakatanggap ako ng liham/sarbey mula kay Francisco Montesena, isang makata mula sa lalawigan ng Rizal at naging kaibigan ko sa LIRA. Ito raw ay para sa kanyang anak-anakan na taga-PLM.

Narito ang liham:


Mabuhay!

Binibini/ Ginoo:

Parte po ng pag eensayo sa aming paaralan ay obligado kaming magsagawa ng pananaliksik na sa unang taon ng kolehiyo na pinamagtang: “Isang Pananaliksik Ukol sa Lubos na Pagtangkilik ng Makabagong Henerasyon sa mga Akdang Banyaga Kaysa sa Akdang Lokal” na naglalayon na alamin ang iba’t ibang dahilan kung bakit nag-iiba ang interes ng mga makabagong henerasyon sa pagpili ng mga babasahin at bakit mas mabenta sa merkado ang mga banyagang libro makatotohanAN (non-fiction) man o hindi makatotohanan (fiction) ang kwento. Ang pananaliksik na ito ay nasa sa ilalim ng aming asignaturang: Komunikasyon sa Akademikong Filipino 1. Kami, ang ikalimang pangkat ng BS Biology Blk. 2 ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay naglilipon ng mga impormasyon at datos sa pamamagitan ng muling pananaliksik, survey, pakikipanAyam at iba pa.

Nais po sana namin kayong hingian ng mga kasagutan sa kaunting katanungan na inihanda namin. Kayo po ang isa sa aming napili para sa pakikipanayam. Kahit na wala po kami ngayon sa inyong harapan, nais po naminG makakuha ng impormasyon para sa aming pananaliksik at hindi po iyon magiging matagumpay kung wala ang permiso ninyo.

Sana po ay pagbigyan ninyo ang aming grupo. Maraming salamat po sa oras na maigugugol ninyo dito.

Lubos na gumagalang,

Mga Mananaliksik ng Pangkat V


Narito naman ang panayam. All caps ang sagot ko.

Pangalan: BEVERLY SIY
Edad: 34
Manunulat saan? : ANONG IBIG SABIHIN NITO? HAHAHHA SORI… DI KO PO NA-GETS.

Mga katanungan:
1. Ano ang nag udyok sa iyo sa pagsusulat?

2. Ilang taon ka na gumagawa ng iba’t ibang akda?

11 YRS

2.1 At ANO anong ang madalas niyong NINYONG sinusulat (tula, maikling kwento., etc)?

PROSA

2.2 Bakit ito ang nahiligan mo?

SINUBUKAN KONG TUMULA, DOON AKO NAG-UMPISA PERO BAKA HINDI HANDA ANG MERKADO SA URI NG TULA NA NILILIKHA KO

3.Alam naman natin na dumadami ang stock ng mga sikat na libro sa National bookstore/ Book Sale/ Power Books etc.

ANG IBIG MO BANG SABIHIN AY SIKAT NA LIBRONG BANYAGA? DUMADAMI ANG STOCK KASI PO MARAMI TALAGA ANG MGA AKLAT NG BANYAGA. KUNG MAGPUBLISH KASI NG ISANG TITLE ANG ISANG FOREIGN PUBLISHER, ITO PO AY NSA MILLIONS OF COPIES PO. THEREFORE MAS MURA ITONG NAIBEBENTA SA IBA’T IBANG BAHAGI NG MUNDO INCLUDING PHILS. KAYA MUKHANG MARAMI AT DUMARAMI ANG STOCK NG MGA BANYAGANG SIKAT NA LIBRO SA MGA BOOKSTORE.

YUNG SA BOOK SALE, LAHAT NG KANILANG PANINDA AY 2ND HAND BOOKS NA GALING SA IBANG BANSA, KAILAN LAMANG SILA NAGBENTA NG FILIPINIANA BOOKS NA BAGO. AT KONTI LANG DIN ITO KASI LIMITED ANG KANILANG SPACE.

BAKA MAY PROBLEMA PO KAYO SA TINITINGNAN NINYONG BOOKSTORE. KASI HALIMBAWA, ANG BOOK SALE ANG NATURE PO TALAGA NILA AY MAGTINDA NG 2ND HAND NA FOREIGN BOOKS. KAYA TALAGA PONG MAS DUMARAMI ANG FOREIGN BOOKS SA TINDAHAN NILA.

3.1 Ano sa tingin mo ang dahilan ng pagtangkilik ng makabagong henerasyon sa akdang banyaga?

MAYROON PO BA KAYONG BATAYAN DITO? NA MAS TINATANGKILIK NG MAKABAGONG HENERASYON ANG MGA AKDANG BANYAGA?

PALAGAY KO KASI, PAREHONG TINATANGKILIK NG MAKABAGONG HENERASYON ANG AKDANG LOKAL AT ANG AKDANG BANYAGA. KUNG PAGBABATAYAN LANG NATIN ANG DAMI NG BOOKS SA ISANG BOOKSTORE, PALAGAY KO, HINDI TAMA NA MAGCONCLUDE NA MAS MARAMING TUMATANGKILIK SA MGA ITO MULA SA HANAY NG MAKABAGONG HENERASYON.

PALAGAY KO, HATI PA RIN, BUMIBILI KAYO NG FOREIGN BOOKS, BUMIBILI RIN KAYO NG LOCAL BOOKS.

4. Sa tingin mo ba ay may pagkukulang ang mga manunulat na Pilipino sa patuloy na pagtangkilik ng makabagong henerasyon sa akdang banyaga?

PALAGAY KO ITO AY USAPIN NG EXPOSURE. BONGGANG MAGMARKET ANG TINDAHAN NG AKLAT TULAD NG NATIONAL BOOK STORE NG MGA AKLAT NA BANYAGA, SIMPLY BECAUSE MARAMING PONDONG PANG-MARKETING AND PROMOTIONS ANG MGA FOREIGN PUBLISHERS. KUNG ANO ANO ANG GIMIK NILA, FREE GADGETS, ETC. FREE COPIES OF BOOKS, KASI ANDAMI NILANG PERA. MARAMI RIN SILANG PERA PARA PANG IMPRENTA NG POSTERS NA MAGPO PROMOTE SA AKLAT NILA. MARAMI RIN SILANG PERA PARA BILHIN ANG SPACE SA NATIONAL BOOK STORE PARA MAGING MAS PROMINENT NA DISPLAY ANG KANILANG MGA AKLAT. YES, MAY EXTRA CHARGE PO IYON. SPACE IYON SA LOOB NG TINDAHAN. KUNG HINDI KIKITA ANG NATIONAL BOOK STORE SA KANILA, BAKIT NAMAN NILA ITO IFI FEATURE?

MASSIVE PROMOTIONS DIN ANG NAGAGAWA NG MGA AKDA NA NAGIGING FILMS/MOVIES. ANDIYAN ANG PERCY JACKSON NA TUNGKOL SA MYTHOLOGY, ANDIYN ANG LES MISERABLES NA TUNGKOL SA FRENCH WAR. O DI BA, SIYEMPRE PAG NAGIGING PELIKULA ANG MGA YAN, NAKU CURIOUS ANG LAHAT (KAHIT HINDI PINOY!) NA MAGBASA AT BUMILI NG AKLAT TUNGKOL SA MGA ITO.

FILIPINO AUTHORS AND PUBLISHERS ARE DOING THEIR BEST TO MARKET AND PROMOTE THEIR OWN TITLES. KAHIT SOBRANG WALA SILANG PERA DAHIL ANG MAHAL MAGPUBLISH NG AKLAT, MAHAL ANG MAGBENTA SA NATIONAL (40-50% OF THE RETAIL PRICE OF THE BOOK GOES TO NATIONAL BOOK STORE PO, BILANG BAYAD SA SHELF SPACE). NARIYAN ANG MASSIVE NILANG PAGGAMIT SA SOCIAL MEDIA, BLOGS, TWITTER, FB, INSTAGRAM. WE JUST HAVE TO DO OUR OWN PART AS READERS. DAPAT TUKLASIN DIN NATIN SILA AT MAG-RISK TAYO SA PAGBILI NG KANILANG MGA AKLAT. DAPAT IRESEARCH NATIN ANG MAGAGANDANG AKLAT NATIN. KASI MAGAGANDA ANG MGA AKDA NATIN, MAHUHUSAY ANG MGA MANUNULAT NA PINOY. WALA LANG TAYONG PERANG PANG-MARKET PERO HELLO, WE ARE AT PAR WITH LIT FROM OTHER COUNTRIES.

5. Sa ganitong suliranin ano sa tingin mo ang nararapat na gawin ? Solusyon ?

TULAD NG SINABI KO, IKAW O KAYO BILANG READER, NASA INYO ANG SOLUSYON. LETS RESEARCH. ANONG AKLAT ANG NABASA MO NA ISINULAT NOONG UNANG PANAHON? BAKA EL FILI, NOLI LANG, FLORANTE AT IBONG ADARNA? E LAHAT YAN REQUIRED SA KLASE KAYA NABASA MO. E ANDAMI PA PO BUKOD DIYAN. MEDYO ANCIENT LANG ANG WIKA PERO LAHAT YAN TUNGKOL SA ATIN, TUNGKOL SA ATING KULTURA.

I RECENTLY MET A FRESHMAN BIOLOGY STUDENT FROM UP. ININTERBYU NYA RIN AKO KASAMA ANG KANYANG KAKLASE NA SIYA TALAGANG MAY INTERVIEW PROJECT WITH ME. MAY SINABI SI MALE BIOLOGY STUDENT NA PAMAGAT NG AKLAT AT AUTHOR. UNKNOWN YUN. SABI KO, HINDI KO PA SIYA NABABASA. SABI NIYA, MAGANDA YUN MAM. BASAHIN MO.

SEE, UNKNOWN NA FOREIGN BOOK AT UNKNOWN NA FOREIGN AUTHOR PERO KILALA NG KABATAAN. NG MAKABAGONG HENERASYON. BAKIT? KASI GUSTO NIYA TALAGA ITO. MAYBE BECAUSE NAG-RESEARCH TALAGA SIYA. THEREFORE, KAYA RIN NIYANG MAKILALA AT MABASA ANG MGA AKDANG PINOY AT MANUNULAT NA PINOY IF HE WANTED.

SO NASA INYONG MGA KAMAY ANG MAS PAGYABONG PA NG MGA AKDANG FILIPINO. NASA READERS PO. IF YOU KEEP PATRONIZING FIL. LIT, MORE AND MORE BOOKS WILL COME FROM OUR OWN AUTHORS. KASI MAGKAKAROON NG MAS MARAMING PONDO ANG PUBLISHERS TO PUBLISH MORE TITLES.

6. Ano ang masasabi mo sa mga umuusbong na mga manunulat sa panahon ngayon katulad ng mga manunulat na nakapaglilimbag na ng kanilang mga akda tulad ng mga manunulat galing sa site na wattpad?

THAT IS GOOD. I DON’T SEE ANYTHNG WRONG WITH IT. EXCEPT THAT NILALAPITAN SILA NG PUBLISHERS. KADALASAN, BAGITONG MANUNULAT ANG MGA NASA WATTY, SO MAY MALAKNG POSIBILIDAD NA SILA AY PAGSAMANTALAHAN NG SALBAHENG PUBLISHER. SISILAWIN LANG SILA SA ONE TIME PAYMENT NA FEE, SA KASIKATAN, SA MGA OPPORTUNITY NA MAKAPAG BOOK LAUNCH AT MAKAPAG BOOK SIGNING. PERO AFTER THAT, WLA NA, TAE NA SILANG ITUTURING.

7. Ano ang maipapayo mo sa makabagong henerasyon?

NASABI KO NA PO KANINA

Medyo masungit ako, ano? Bihira kasi akong magpaunlak ng interbyu sa ganitong paraan. Mas gusto ko, kaharap ko ang estudyante at kausap. Pagka ganito kasi, parang ako ang dapat na bigyan ng grade at hindi ang estudyante. Kasi malamang na ika-copy paste lang nila ang sagot ko sa mga tanong nila. Baka nga hindi pa nila basahin ang mga ito. Na siyang ayaw mangyari ng kanilang guro. Kaya as much as possible, gusto ko, face to face ang panayam.

Ngunit, maraming salamat pa rin kay Kiko Montesena para sa panayam na ito.

Saturday, October 5, 2013

go o gown?

excited pero medyo kabado rin ako kanina.

magpapatahi na sana kami ng gown ko sa kakilala ni tin na designer sa divisoria.

eto ang aking napaka-generous na kaibigan, si tin ocenar!


so nag-meet kami ng mga 1030 am sa v mapa lrt station. pagdating namin sa divisoria, nagtanghalian muna kami sa 168. dinala ako ni tin sa food court at inirekomenda ang isang stall doon na ang specialty ay mga chinese food. sobrang nasarapan ako sa pansit at siomai nila!

siyempre ako ang nagbayad ng tanghalian. nakakahiya kay tin, anuber.

side story muna.

si tin ay na-meet ko sa isang volunteer work sa philippine children's medical center. nasa call center pa siya nang panahon na 'yon, ako yata ay freelance-freelance pa rin ever. tapos di na nahinto ang ugnayan namin mula noon. inirekomenda kong mag-lira siya dahil mahilig pala siyang magsulat. doon niya nakilala at naging ka-close si mars na kaibigan ko rin ngayon. anyway, pagkatapos ng call center ay sinubukan ni tin na magturo kasi passion niya ang pagtuturo. sobrang aktibo siya sa volunteer work. itinatag niya ang i love pinoy, isang volunteer org na ang advocacy ay nasa kabataan at edukasyon. di siya masyadong nagtagal sa pinasukan niyang eskuwelahan dahil sa sistema ng pasahod. bumalik siya sa call center. after some time, napasok siya sa SWS at na-assign sa Mindanao. nang magkita kami ni tin kanina, fresh from mindanao pa ang lola.

sa zamboanga kasi siya na-assign kaya medyo may konting tensiyon ang naranasan niyang trabaho doon. pero naging ligtas naman daw siya at ang team niya sa mga warla-warla (na pakana pala ni enrile!).

so ano ang weight nito sa pangha-hunting namin ng gown ko?

mamya ko sasabihin.

pagkatanghalian, nagpunta kami sa 1188 mall. andoon daw si paul, ang kakilala ni tin na couturier. si paul daw ang gumawa ng evening gown ng mama niya noon at haping hapi daw ang kanyang inay sa resulta. so doon na rin kami magpapa-quote ni tin.

dala ko ang print out ng design ng aking gown, simple lang ito kung tutuusin at walang masyadong telang magagamit. wala itong trail. light lang ang tela at hindi masalimuot ang disenyo.

kaharap na namin si paul. nakapalibot sa amin ang mga gown na gawa niya. bongga-bonggahan ang mga ito. parang cake na matatayog. palagay ko, mamaniin lang niya ang gown ko.

tsika-tsika muna kami, tapos ipinakita ko na ang gown ko kay paul. nasa likod niya ang isang assistant na babae. idinrowing niya sa isang malinis na bond paper ang interpretation niya sa gown ko. ang ganda. mahusay ang kanyang kamay!

humirit na ang kaibigan ko.

tin: paul, wag masyadong mahal, ha? magkano 'yan?
paul: siyempre 'yong tamang price lang.
tin: magkano nga?
paul: eto?
tin: oo.

tensed na tensed ako. humirit ako. itinuro ko ang gown na naka-display sa likod ko.

ako: magkano po ang gown n'yo na ito?
paul: 'yan? P35,000 'yan.
ako: ha?

anak ng... alam na!

ako: e, eto po, 'yong mas simple?
paul: mahaba ang trail niyan. P45,000 'yan.

errrr.... nagso-short circuit na utak ko. 5 digits na, kanina pa. patay.

tin: e, eto? 'yong design niya? magkano?
paul: eto? yong kay bebang?
tin: oo
paul: wag kang mag-alala. bibigyan ko kayo ng discount.
tin: oo, kasi pati 'yong gown ko, sa 'yo ko na rin ipapagawa.
paul: sige
tin: wag mong mahalan, ha, paul?

nang mga panahon na ito, di na ako mapakali. parang tinitimbang na ako ni paul. tinitingnan ang kakayanan ko/namin magbayad at hindi talaga 'yong cost ng damit ang sasabihin niyang presyo sa amin.

tin: magkano nga?
paul: eto? 12k

pakshet. 12k? no way. ang mahal nun, para sa akin. divisoria na nga yun, e! tiningnan ko si tin. mainit na tingin. tin, tin, wag ka papayag, sabi ng eyelashes ko.

tin: sagad na yan, paul?
paul: oo. saka kumpleto na sa accessories 'yon. saka eto ang gagamitin kong tela diyan, mamahalin, tienes,tienes, tienes.

wah. kahit na. wala akong balak gumastos ng 12k para sa isang damit lang. kung puwede nga lang akong magdamit na lang ng basahan sa araw-araw e gagawin ko.

di ako makahirit. kasi baka ma-offend si tin so di na lang ako nagsalita. baka sabihin niya, ako na nga itong nireregaluhan, ako pa ang maarte?


tin: o sige na nga. siya na lang ang babalik sa yo rito, ha? kasi wala ako. babalik ako sa work, sa probinsiya.
paul: ok no problema.

nagtinginan kami ni paul. yark. di talaga ako nakakapagsalita nang time na iyan.

pinasukatan na ako ni tin. chest, bewang, likod, at iba pa. mayamaya ay inilabas na ni tin ang laptop niya, do'n naka-store ang design ng kanyang gown. hiwa-hiwalay pa ang photos ng dream niyang damit kaya sige sa pagdedescribe si tin. sige naman sa drowing si paul.

after that, ganun uli. nagkatanungan uli. wala pang price, tumatawad na si tin. wag mong mahalan ha, paul. oo naman nang oo si paul.

ang ending, magkano ang quote niya sa gown ni tin? 30k.

ke horror. 30k? so 42k lahat kasama ang gown ko? wah. di kinaya ng konsensiya ko ang lahat ng pumasok na pagtitimbang sa akin kanina. si tin, calm and composed pa rin. nagpasukat na siya sa assistant.


then nagkapalitan ng contact details, piniktyuran namin ang drowing ni paul tapos ay nagpiktyur-piktyuran pa uli tapos nagpaalam na kami rito.


pero hindi pa kami agad umalis sa floor na yon. sa pag-iikot-ikot namin sa ibang bridal shop, nalaman namin na halos ganon din ang presyo ng mga gown doon. e, shocked ako. ganun na pala ngayon sa divisoria! soshal na.

naglakad na kami pabalik sa sakayan. sabi ko kay tin, sobra akong namamahalan sa turing ni paul. buti na lang at ganun din ang feel niya. ang 30k daw sa internet ay rate na ng isang maayos na fashion designer. at kasama pa niya ang designer sa araw ng kasal para bihisan siya. si paul, hindi sure kung makakapunta sa araw ng kanyang kasal.

sabi ko kay tin, im sure, may mahahanap pa akong gown na mura lang talaga.

sabi niya, ano ka ba? 15k nga ang budget ko sayo.

sa loob-loob ko, watda... 15k? sobra sobra na yun a! by this time, di ko na alam ang ire-react ko kay tin. di ko akalaing may ganitong tao na willing na gumastos para sa isang kaibigan?! sa isang bagong kaibigan! (im sorry guilty ako hahaha si eris di ko naman ata ginastusan ng 15k! best pwen ko na yun sa lagay na yun)i feel so blessed. and at the same time, nahihiya talaga ako. di ako sanay na ginagastusan ako hahaha

sabi ko na lang, may mahahanap pa tayo, tin. basta... magpapa quote ako sa iba.

(di ko na sinabi ang totoo, nanghihinayang ako sa perang gagastusin niya na 12k para sa akin. aba, dugo't pawis niya sa mindanao 'yon, ha? kaya dapat lang na well spent kada sentimo nun. )

naisip ko rin ang designer ni madam rio. si farley castro. dati ko na itong na-search sa internet at ang ganda ng fitting niya sa kanyang mga kliyente. very secured ang mga damit kapag suot na ng mga babae. sabi ko kay tin, magpapa-quote na lang ako ng design niya kay farley. medyo malayo lang si farley, nasa malabon, at technologically challenged! walang fb, walang website, walang twitter or whatsoever, word of mouth lang sa mga forum. pero kung malaki naman ang matitipid ni tin, why not?

sa daan pauwi, nagkuwentuhan pa kami tungkol sa kasal, sa mga partner namin (sobrang stable ang partner ni tin, feeling niya, konti pa lang ang naa-accomplish niya kumpara sa guy), sa honeymoon, wala pa silang naiisip, kami naman kako ay baka sa batanes. yan e kung me pera at makapag book kami nang maayos hahaha sa buhay, sa trabaho, sa common friends namin. masarap makipagkuwentuhan nang ganun katagal at ganun ka-intimate.

bihira na lang mangyari 'yon sa buhay ko nowadays. hi, hello, k thanks bye na lang ako ngayon, e.

laging on the go ;(

bakit nga ba? teka, teka. anong meron, te bebang? gusto mo bang mag-go o mag-gown?

























Tuesday, October 1, 2013

Pinoy Film sa Oscar's

Masaya akong nakapasok ang pelikulang Transit sa Oscar's ng U.S. Talaga namang maganda ito. Nakakadurog ng puso.

Pero hindi ko maiwasang isipin na baka pinabibigat ng politika ang pagkakapiling ito sa entry ng Pilipinas sa kanilang award giving body para sa kategoryang Best Foreign Film.

Ang Transit ay tungkol sa nakakalungkot na kalagayan ng mga batang Filipino na ipinanganak sa Israel. May batas ang Israel hinggil sa mga batang katulad nila at ang karamihan ay tungkol sa pagpapa-deport sa mga bata pabalik ng Pilipinas. Komo hindi makaalis ang mga magulang nilang Filipino sa Israel dahil sa hangaring makakayod at kumita nang maayos, pilit nilang itatago ang mga bata sa iba't ibang lugar at sa iba't ibang paraan.

Nakakaawa ang mga bata. Doon sila sa Israel ipinanganak at ang iba'y doon na lumaki at nag-aral. Ang iba rin ay wikang Hebrew na ang inang wika. Ibang-iba na ang nakalakhan nilang kultura. Ngunit sa kasamaang palad, hindi sila itinuturing ng pamahalaan bilang mga taga-Israel. Sila ay mga Filipino pa rin sa paningin ng gobyerno roon. Kahit pa tahanan na ang tingin ng mga bata sa bansang Israel.

Wala namang malinaw na kontrabida rito. Biktima ng mga pangyayari ang mga bata. Hindi rin puwedeng sabihin na ang mali rito ay ang mga magulang na Filipino dahil natural lamang sa kanila na gustuhing makasama ang kanilang mga anak sa bansang kanilang pinaglilingkuran. Natural lamang na gusto nila ng mas maalwan na buhay sa hinaharap para sa mga batang ito.

At hindi rin puwedeng sabihin na kontrabida ang pamahalaang Israel. Karapatan nila ang protektahan ang kanilang bansa sa mga dayuhan, at sa pagdagsa ng mga ito. Karapatan nilang tumanggi sa mga overstaying na bisita. Karapatan nilang tumanggi kapag umaabuso na ang mga dayuhang empleyado sa kanilang lupain. Para saan at pati ang mga anak ng dayuhang manggagawa na ito ay kailangan nilang kupkupin? Wala bang sariling bayan ang mga batang Filipino? Bakit nga naman hindi sila doon umuwi, magsiaral at magsilaki?

Ang ganitong sentimyento ng pamahalaang Israel sa mga manggagawa nitong Filipino at sa kanilang mga supling ang posibleng dahilan kung bakit ito napili para sa Oscar's.

Hindi ako maalam sa ugnayang US-Israel. Pero pansin ko na ibang tumirada ang US sa mga kaaway nilang bansa. Idinadaan sa kultura ang pagtuligsa. Kaya hindi mapapansin, hindi talaga mahahalata. Suwabeng-suwabe ang da moves, ika nga.

Sa pelikulang World War Z na tungkol sa mga zombie, saan nagmula ang zombie virus? Sa Korea. Anong bansa ang umano'y malaon nang nakapaghanda sa pagsalakay ng mga zombie kaya safe zone area? Ang Israel. Ipinakita sa pelikula ang katatagan ng Israel sa pamamagitan ng pagpapakita ng massive nitong mga pader. At walang paraan para makapasok ang kahit isang zombie.

Pero dahil sa nalikhang malakas na ingay sa loob ng Israel, nagpatong-patong, nagtuntung-tuntungan ang mga zombie hanggang sa makalampas ang ilan sa kanila sa pader ng Israel. Pagkapasok nila sa Israel, nagsimula na silang mangagat ng mga tao at agad na dumami ang zombie sa loob.

Malinaw ang mga mensahe rito. Kinikilala ng US ang katatagan ng bansang Israel. Ngunit, hindi ibig sabihin noon ay hindi na ito maaaring mapabagsak. May weakness ito, na magmumula rin sa loob. Posible itong mapasok, ma-penetrate, ma-infect at ma-zombify.

Sigurado akong hindi lamang ang Transit at ang World War Z ang mga akdang sining sa anyo ng pelikula ang tumalakay sa ugnayang US-Israel. Tiyak na marami pa! Kasi ganyan ang tamang pag-brainwash sa mga tao. Idaan lahat sa sining. Idaan sa pelikula, idaan sa drama.

Pagkatapos, puwede tayong magtanong-tanong: sa ngayon, sino o anong bansa ba ang masama? Ang mahina?

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...