Saturday, August 31, 2013

Mula kay Bernard Umali

Kapag ang binabasa mo ay totoong kwento, totoong karanasan at nakaraan ng isang mabuting kaibigan; ayaw mong tumigil ang sandali. Habang binabasa mo ang libro, pakiramdam mo ay andyan sya sa harap mo, nakikipagtawanan, kinikilig, nasasaktan, umiiyak at nangangarap. Live nyang kinukwento ang kanyang buhay.

Nakikilala mo sya ng lubusan at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil nagkrus ang inyong landas at alam mong marami ka pang librong mababasa at magagawa nya!

-Blue, salamat! Sobra!

Friday, August 23, 2013

Karir


Para sa kolum na Kapikulpi ni Beverly W. Siy sa pahayagang Perlas ng Balita Cavite

Kung gusto natin ng pagbabago, huwag tayong matutulog. Huwag tayong lilimot. Huwag tayong susuko. Huwag tayong lilinga. Huwag tayong magpapatinag.

Kaya naman paulit-ulit ang katiwalian at maling pamamaraan ng mga nasa puwesto, patulog-tulog kasi tayo, ang sambayanang Filipino. Madali tayong maaliw. Madali tayong malingat. Mamya nakatutok sa usapin, mamya naman, hayun na at iba na ang binubusisi. Iba na ang binibigyan ng opinyon. Iba na ang tinititigan.

Konsistensi lang po, kabayan. Iyan sa palagay ko ang kailangan natin. Karirin natin ang pagtutok sa mga anomaly at katiwalian. Di biro ang dugo’t pawis na itinataya ng mga whistleblower para lang maibunyag ang kalokohan na alam nila. Huwag nating hayaang masayang ang mga ito.

Paano, mag-asawa lang si Celebrity number 88, wah, distracted na naman tayo. Kapag inilunsad ang pinakabagong inuming alkohol, distracted na naman tayo.
Sa bawat paglingat natin, kupit nang kupit ang mga nakaabang na politiko! Bago pa natin mamalayan ang kanilang ginagawa, ay, ang lalim na ng uka at anlaki na ng butas ang naidulot nila kakakupit sa kaban ng bayan.

We have something to learn from our nanays.

Di ba, lagi nila tayong nahuhuli kapag nangungupit tayo? Kasi kinakarir nila ang pagmamatyag sa atin. Binabantayan nila tayo nang mahigpit. Sinusundan ang bawat kilos natin. At higit sa lahat, kilalang-kilala nila tayo kaya kaunting pagbabago lang sa gawi natin, alam nila, something is fishy na. Tapos uuriratin na tayo at hindi tatantanan hanggang sa tayo ay umamin sa nagawang kasalanan.

Sana ganyan din tayo sa ating mga politiko. Bantayan natin silang maigi. Kilalanin natin silang maigi. Mahirap ba si Congressman? Mayaman? Middle class? Ba’t may limampung mansiyon? Saan galing iyan? Imbestiga-imbestiga rin pag may time. Dati, hindi naman relihiyoso, bigla at ngayon e oras-oras kung magpamisa? Aba, i-check na ang kalusugan niyan at baka napipinto na ang kamatayan! Maigi nang handa para nariyan agad ang kapalit niya sa serbisyo-publiko. Dalaga ba iyan? Good. Pero kumusta ba ang mapapangasawa? Ha? Nababalitang illegal logger sa Mindanao? Aba’y baka magtandem ang dalawa sa terminong ito at makalbo ang mga gubat sa Mindanao!

Kung kakaririn natin ang pagbabantay sa mga politikong ito, mas mahihirapan nang mangulimbat ang mga nangungulimbat. Therefore, mas malaking pera ang maiiwan sa kaban ng bayan. At mapipilitan din ang mga politikong ito na magtrabaho nang totoo. Ano pa ba ang gagawin nila sa puwesto nila kung nakatutok sa kanila ang mata ng bayan? Kapag di sila nagtrabaho, aba’y palayasin na ‘yan, palitan na ‘yan. Ano’t uupo-upo siya doon? Nagpapalaki ng tumbong?
Friend, huwag na tayong umasa sa iba. Sa atin na lamang mga sarili. Karirin natin ito at tiyak akong gaganda ang sitwasyon ng karaniwang Filipino.

Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email sa beverlysiy@gmail.com.

Thursday, August 22, 2013

ermita catholic school

last wednesday, nagpasundo ako kay poy sa letran at dumiretso kami sa office ng ermita catholic church. kukuha na ako ng kopya ng aking certificate of confirmation.

3:00 pm kami dumating doon at isang babae lang ang naabutan namin sa opisina. pina-fill out niya ako ng maliit na form. agad ko itong ginawa at pagkatapos ay ibinigay na sa kanya ang form. sabi niya, saglit daw dahil lumabas ang taong in charge.

niyaya ko si poy sa loob ng ermita catholic church. ang ganda pala talaga nito.

kahit noon pa, parang heaven ang tingin ko sa kisame nito. maputi ang kisame at sobrang taas, parang makakahinga ka talaga nang maluwalhati. andaming sculpture ng anghel (na puro ulo lang). walang masyadong clutter ang altar kasi si nuestra senora de guia lang ang nasa sentro nito.

me mga salitang pax et bonum sa may arko sa altar, mula nang magsimba ang pamilya ko doon ay paulit-ulit ko nang binabasa ang mga salitang ito pampalipas ng boredom. pero hanggang ngayon e hindi ko alam ang kahulugan ng tatlong salitang yan!

tatatlo ang laman ng simbahan. isang lalaki sa likod. isang babae't lalaki sa may bandang gitna (parang di magjowa pero ang taimtim mag-usap, nakakunot ang noo nilang dalawa). pumuwesto kami ni poy sa harap. sabi ko, anlaki pala nito. akala ko noong bata ako, maliit ito. at noong magpabalik-balik ako dito noong malaki na ako'y hindi naman ako nalalakihan dito. siguro e dahil sa tao. pag matao, nagmumukhang maliit ang simbahan? ngayong kaunti ang tao, it really looks magnificent.

anyway, nag-picture-picture ako. umupo kami nang saglit pa. nagkanya-kanya kami ng dasal ni poy. lumabas kami nang may dumaan na lalaki sa altar, mukhang staff ng simbahan dahil pagdaan niya sa electric fan ay inayos niya ito nang konti at chineck pa niya ang mga kable.

dumako kami sa rebulto ni mama mary na nasa loob ng isang man made na kuweba. umupo kami sa tapat nito, sa may bandang unahan ng isang garden.

sabi ko sa kanya, uy poy, diyan ako natutong mag-chinese garter at magbending body!
playground ninyo ito noon? tanong-sagot niya. ang tinutukoy niya ay ang panahon na nag-aaral pa ako doon, sa ermita catholic school.
oo! ayan, puro damuhan yan noon! tapos pag nagsawa na kami sa kakalaro, aakyat kami diyan. itinuro ko ang man made na kuweba.
buti di kayo nasisita?
ewan. ayan kinakapitan pa namin ang mukha ni mama mary para makapasok kami sa pinakagilid ng kuweba. tapos alam mo, maglolokohan kami. pagkapasok namin sa pinakasulok ng kuweba, sisigaw kami ng AHAS, AHAS! tapos paunahan kaming magpadausdos pababa. tilian, takbuhan tapos babalik kami diyan sa garden. another round of limbo rock o ten twenty uli.
bat kaya binago nila yan? konti na lang ang damo, o.
ewan.

lumapit ako sa counter ng opis (kung saan ako nag-fill out ng maliit na form). wala pa rin daw ang in charge. hintay-hintay daw kami.

bumalik ako sa may mama mary. nagpiktyuran kami uli tapos niyakag ko si poy na maglakad sa school ground.

nag-umpisa kami sa likod ng opisina ng simbahan. malawak pa rin ito at malinis. pero sa may bandang likuran ay may puting structure na hindi ko nakikita noon. may mga lalaki doon na nakatayo, nakaupo at iyong iba ay naglalakad papasok sa structure. iyong isa sa kanila, papunta sa kinatatayuan namin.

e, curious talaga ako. tinanong ko itong mama na ito.

kuya, ano po iyan?
a, yan? dorm tsaka boarding house para sa mga seaman at OFW.
ha? kanino po yan?
dito sa simbahan.
a! wow ang galing may dorm na. (oo nga naman, ang mahal ng mga hotel-hotel dito. kung galing ka sa probinsiya at me kailangan kang asikasuhin dito, saan ka makikituloy?)
mura lang diyan, sabi pa ni kuya. pero kailangan may seamans book ka o kaya passport ng OFW.
wow!

nakakatuwa! pero ang weird ng setting kasi school yun, e. i mean, hindi ba iyon nakakatakot para sa mga bata? andami-daming adult sa school ground nila na hindi naman nila kilala?

hindi ko na iyon tinanong. pero may napansin akong isa pang structure sa tabi ng dorm. kulay orange naman ito.

e yan po kuya, part din yan ng dorm?
a, hindi. bahay yan ng mga pari. pag may mga conference sila dito, puwedeng diyan tumuloy yung mga pari.

parang dorm din pero para naman sa mga pari! ang galing, me ganito na sa dati kong school? nakakatuwa naman! wala niyan noon, e. iniisip ko nga noon kung saan naninirahan si monsignor pedroza. sa likod ng altar? sa school clinic namin? may kama doon, e. baka!

anyway, nag-thank you na ako kay kuyang generous sumagot. nagpunta naman kami sa may parking lot, na nasa harap ng school. nagpa-picture ako doon. nakita ko rin sa signage na early 1900 pa pala naitatag ang eskuwelahang iyon. aba, historical pala ang aking school!

may dumaan na aleng naka-office uniform. tinanong niya ako kung ano ang kailangan namin. na-curious siguro sa akin, sino ba ang aleng ito na picture nang picture, parang turista? ipinaliwanag ko na dati akong estudyante ng ECS at doon din ako sa church na iyon kinumpilan kaya kumukuha ako ngayon ng kopya ng aking kumpil certificate.

hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, tinanong ko kung kilala niya ang isa sa dalawang teacher na naaalala ko: si mam marcy p. lomibao.

ay, oo! dito pa rin siya nagtuturo. andiyan nga siya ngayon, e.

wah! si mam!

omg, ilang taon na nga ba mula nang huli ko siyang makita? 23 yearS? kilala pa kaya niya ako? hahaha ano na kaya itsura ni mam? medyo chubby-chubby iyon noon, maikli ang buhok, kulot-kulot ang buhok, me salamin sa mata, maiikli ang braso, malaki ang boses, maliksi!

sinamahan kami ni mam na naka office uniform papunta sa registrar ng school. ipinakilala niya kami sa isa pang office girl doon. si mam pala ay nagwo-work din sa ECS. itinuro niya sa akin ang office niya. ayun. doon sa pinaka sulok ng quadrangle. malapit sa library. kahilera nito ang mga classroom namin noon.

di nagtagal, lumabas si mam (the office girl number 2) para tawagin si mam marcy. ayun na, dumating na ito.

omg, omg hahaha salamat na lang sa camera talaga. nagpapicture ako sa sobra kong tuwa!

ganun pa rin si mam, stout, may salamin pa rin at maikli pa rin ang kanyang buhok. boy cut. medyo dumami ang kanyang wrinkles. pero naaaninag ko ang mga ngiti niya sa klase namin. ang paraan ng pagtawag niya sa amin. naalala ko bigla ang mga classroom naming maaliwalas, maluwag at malinis.

hello, how may i help you? sabi niya

mam! si beverly siy po ako! prep hanggang grade 3 po ako noon. medyo magulo po yung family namin noong andito pa kami pero me kapatid po ako na nag-aral din dito. si columbia siy. younger batch po siya. yung nanay ko, maliit na babae, alala nyo? binato ng pizza ng tatay ko diyan sa may garden noong christmas party. diyan po yung bahay namin. sa may kanto, iyong tindahan po ng chinese.

aa... oo! oo! naalala na kita! ikaw nga. kumusta ka na? akala ko kung sino.

nagkuwentuhan na kami. andami niyang ibinalita sa akin. wala na raw elementary doon. two years na. wala na raw kasing enrollee. bigla kong naalala ang pinaglipatan kong elementary school sa may malate, yung pcu union elementary school. ito rin ang hinaing ng guidance counselor naming si mam nadal. ang konti konti na ng kanilang enrollees ngayon. kaya tumanggap na rin sila ng sped students. at hindi rin daw malayo ang possibility na mag-fold up ang elementary level nila. omg.

bat ganun? yung mga school ko dati, may posibilidad na mawala sa hinaharap.

pagpapatuloy pa ni mam marcy, kakaunti na lang din ang enrollee sa high school. highly commercialized na kasi talaga ang area dito. wala nang bahay-bahay. wala nang community.

oo nga naman. wala na yatang nakatira sa plaza tower, residential area yun kahit paano. yung mga maliliit na bahay sa faura, puro restawran na ngayon. yung mga kaklase ko dati na nakatira sa may gilid ng ECS, sa itaas ng mga tindahan ng painting, wala na rin. nagsilipatan na sila.

alam ko maraming bahay-bahay sa cortada. kaso naman, puro muslim yata sila doon :(

chika pa ni mam, iyon daw isa kong kaklaseng lalaki na malaking bulas, nakabuntis daw ng guidance counselor.

huwat, guidance counselor? pano nangyari yun?

oo nung 12 years old siya, niligawan niya yung guidance counselor namin.

ha? hindi ba child abuse yun? 12 years old lang yung kaklase ko nun, a!

e ganun talaga. anlaki na ng anak nila ngayon. asa states na nga yung kaklase mo.

ay, sayang. ampogi pa naman nun! hahahaha

marami pang ichinika sa akin si mam. katitibag lang daw ng building sa may court. akala mo dati, anlaki ano? ayan lang pala, anliit-liit lang. itinuro niya sa akin ang bakas ng tinibag na "building." bakas na lang ang naabutan ko. hay. nakakalungkot. doon pa naman ang classroom ko nang huling taon ko sa ECS.

ichinika ko rin kay mam ang nangyari sa buhay namin. kinondens ko na at baka abutin kami ng year 2045! bilang pagtatapos, ibinida kong writer na ako at babalikan ko siya doon one of these days para bigyan siya ng kopya ng aking aklat. sa aklat na yon, lalo niyang maaalala ang pamilya ko, panigurado.

bago kami bumalik ni poy sa opis ng simbahan, piniktyuran ko uli si mam. parang di ako makuntento. kung puwede nga lang i-dwarf siya at ilagay sa bulsa ko, malamang ginawa ko na. ewan ko ba. para kasing i never had a childhood. andali ko kayang tumanda nang maghiwalay ang parents ko. kaya siguro nagkukumahog ako na balikan ang lahat ng naaalala kong magaganda noong bata ako. siya, iyong school na yun, yung garden, yung mga kaklase ko, lalo na si joanne at rowena na naging ka-close ko talaga. saka si cecille na anak ng photographer sa may l. guerrero st. asan na kaya siya? curly pa rin kaya ang buhok niya? si mama mary, yung simbahan, yung nagtitinda ng sampagita (na nakita ko pa doon nang araw na iyon! tindero pa rin ng sampagita!) yung mismong mh del pilar st., yung arquiza st., yung mga kanto doon. yung gate ng school.

dati siguro wala lang sa akin to. at baka nga iniiwasan ko pa. awkward years, e. pero ngayong malaki na ako, ito yung mga tao, bagay, lugar na nagpapainit ng puso ko.

pagdating namin sa opis ng simbahan, naroon na ang in charge. kaya lang, may iba siyang ina-assist. mag-aalas kuwatro na noon pero keri lang. masigla kaming bumalik sa upuan, para doon sa mga naghihintay. nagkuwento pa ako nang nagkuwento kay poy.






paper bokey (bouquet! ang hirap naman kasi ispelengin)

dahil ayoko ng fresh flowers sa kasal ko mapipilitan kaming mag paper flowers. at sinubukan kong gumawa ng isa kanina.

heto ang sinundan kong directions:

http://whimsicalworldoflaurabird.blogspot.com/search/label/DIY

thank you sa iyo, laura bird! nakagawa naman ako ng isa hehehe! puwede na. ang kailangan na lang isipin ay kung paano ito patitigasin at paano patitibayin. pangit naman yung isang tampal lang ng hangin e, ay naku, wengweng na ang mga paper flower. not good, not good.

so yan ang challenge!

naisip ko rin na anuman ang matutuhan ko (kasi napakarami palang uri ng paper flower!) ay ia-apply ko sa paparating na birthday party ng mama ni poy sa oct.

Wednesday, August 21, 2013

teaser ng prenup

e dahil dalagang filipina ako...


Gusto mo ng P 1 million?

IGNACIO B. GIMENEZ FOUNDATION, INC. SET TO TEE OFF FOR
MUSICAL PLAYWRITING COMPETITION 2013

What : Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. [IBGFI] will hold its
Musical Playwriting Competition 2013

When : Wednesday. 07th August 2013
Registration begins at 2.00pm
Tee off starts at 3.00pm

Who : IBGFI Panel of Judges:
Ms. Girlie Rodis, Mr. Leo Martinez, Direk Soxie Topacio,
Ms. Emily Abrera, Ms. Alicia Herrera
Dr. Luciana Urquiola, Prof. Ludendorffo Decenteceo,
Ms. Celeste Legaspi and Mr. Ignacio B. Gimenez

Where : Eurotel Hotel
#49 Bulacan Street
Barangay Bungad, Quezon City
Telephone: + [02] 376.7096 to 99

Why : The Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. is working towards raising awareness for the musical playwriting competition which opens the opportunity for talented Filipinos who demonstrate a commitment to bringing out their writing skills.

About Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc.

As a successful businessman, Mr. Ignacio B. Gimenez has long been passionate about supporting the Filipino community by creating employment and thus security for Filipino families. This lifelong undertaking has led him to create the Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc.

The IBGFI is a privately owned and controlled institution established to support the promotion of arts, education, culture, skills, health and social growth within the Filipino society. The Foundation also provides a platform for the performance and exhibition of diverse artistic productions. Its creative programs include the sponsorship of the building of theatrical establishments and the production of performances, festivals, exhibitions, cultural research, outreach programmes and the preservation and publication of materials about Philippine arts and culture.

The IBGFI designs, develops, organizes and finances projects in these areas to develop homegrown talent and display Filipino talent worldwide.

For inquiries, please contact:
Richie M. Pineda
Office: + [02] 628.0000 local 329
Email: ignaciobgimenezfoundationinc@gmail.com


COMPETITION RULES & CONDITIONS
[A GUIDE FOR PANEL OF JUDGES]

IBGFI Musical Playwriting Competition 2013

This document has information on what Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. [IBGFI] requires in a manuscript, rules and regulations in judging this playwriting competition. THUS THIS DOCUMENT SERVES AS A GUIDE TO THE PANEL OF JUDGES IN OFFICIATING THE COMPETITION.

We invite all interested participants to join and submit your entries to IBGFI’s initial playwriting competition!

Competition Rules and Conditions

1]. Ignacio B. Gimenez Foundation, Inc. [IBGFI] Musical Playwriting Competition 2013 is open to all Filipinos who are eighteen [18] years old and over, amateurs and published writers alike.
2]. Entrants should write a script [libretto] for a musical play of approximately ninety [90] minutes in length which is suitable for dramatization. This should include the CD recording of songs. Please be advised to comprehend and observe the time limit or consumption of your play before sending the same. The play should have a maximum of twenty-five [25] characters including minor characters. It can be on any subject. The play should be accompanied by a short synopsis [about a page], which outlines the complete story of the play.
3]. The play must be written entirely in English and manuscripts should be typed if possible on A4 paper.
4]. The play entered in the competition must not - at the time it is submitted - have been offered for publication, performance or broadcast in any other form or media to any other person or company nor entries must not have been previously published or submitted in any other competition. All entrants must certify the originality of their submitted entries.
5]. If, for whatever reason, the entrant wishes to be known publicly under a different name or a screen name [including professional or personal reasons], this should be indicated on the entry form and have it reiterated to the Organizer should they need clarification. Please note that plays will be judged anonymously throughout the competition by the panel of judges.

6]. Judging Process. The panel of judges shall give points to all entries received based on the following criteria:
* Storyline - 20%
* Music composition - 25%
* Singability - 25%
* Originality/Creativity - 15%
* X-Factor [Judges' discretion] - 15%



All nine [9] judges will read and listen the submitted manuscripts for their review. There will be no screening committee.
Out of all the received manuscripts, the panel of judges shall then short-list five [5] outstanding entries by the same criteria and shall collectively rank them first, second and third placers.
In the event the judges cannot come to a consensus, they shall set the procedure through a vote, whereby, the entries that would garner the most number of votes shall be declared the official winners. The result of the voting made by the panel of judges is final.
7]. Entrants may submit manuscripts as many as they want. Entries must be submitted through a courier with the subject heading IBGFI Musical Playwriting Competition 2013. Entrants MUST submit ten [10] copies of their manuscripts of which accomplished entry form is attached to the first copy only of their manuscripts. Please write in block letters. All songs included in the manuscripts should be recorded in ten [10] CDs and should be placed in a brown envelop along with the entry form, ten [10] copies of synopsis, and manuscript.
Note that IBGFI only requires the first copy to contain the contact information of the entrant because this is to be kept on the foundation’s file. The rest go to the nine [9] judges and reviews manuscripts anonymously as IBGFI practices equality. For judges’ guidance, these unnamed manuscripts are numbered.
Entrants MUST also save their personal data [refers to accomplished entry form] in a CD and MUST include this in their submission.
Please send your entries to the address below:
IBGFI Musical Playwriting Competition 2013 3/F, Rosario Ortigas Arcade, #42 Ortigas Avenue Extension Rosario 1609 Pasig City Philippines
8]. This competition opens on 07th August 2013 and all musical plays must reach us by midnight [Manila time], 30th April 2014. Entries received after the deadline, will no longer be considered for the competition. The IBGFI shall not be responsible for entries which are not received or which are received after the deadline due to technical failure or for any other reason whatsoever.
9]. By entering the competition, entrants grant IBGFI the right to broadcast and produce the winning entry[ies] on location using a cast of professional actors as IBGFI deems fit and free from any payments, royalties or fees whatsoever.
IBGFI may produce all or any of the three winning manuscripts. The Panel of Judges will decide and choose as to which manuscript will be produced. The guiding criterion is the story is supposed to be a commercial success and will be appreciated by the world.

2
Play produced by IBGFI will expect the collaboration of the author[s]/writer[s] in the production process. IN CONNECTION WITH THIS, THE WINNING PLAYWRIGHTS/WINNERS WILL BE REQUESTED TO EXECUTE A FORMAL DEED OF ASSIGNMENT IN FAVOR OF IBGFI.
10]. There shall be three [3] winners who shall receive the following cash prizes:
First Place – Php 1,000,000.00
Second Place – Php 500,000.00
Third Place – Php 300,000.00

*All winners will also receive certificates of recognition and attend a prize - giving event. The prizes are as stated and cannot be modified or transferred.

The winners shall grant and transfer to IBGFI all intellectual property, moral and publication rights to the story, including any translations, adaptations or modifications related thereto. IN CONNECTION WITH THIS, THE WINNING PLAYWRIGHTS/WINNERS WILL BE REQUESTED TO EXECUTE A FORMAL DEED OF ASSIGNMENT IN FAVOR OF IBGFI.
It is hereby understood that the cash prizes to be awarded to the winners shall include consideration of such intellectual property, moral and publication rights to the stories and the writers shall not be entitled to any other royalties or fees from earnings, if any, that may result from future publication of, licensing of, production or other transactions involving the same.
It is the intention of IBGFI to promote the growth of musical play in the Philippines and allow entities who may wish to produce the winning play[s] free of charge.
11]. In the case of an entry collaborated by two or more writers, IBGFI will require a written or email confirmation from each writer that they consent or agree to share or divide the cash prizes between themselves, as well as the name of the person to whom the money shall be given as IBGFI shall only present the award to one of them.
12]. Winners agree to take part in any post-competition publicity as required. IBGFI reserves the right to edit or alter the winning entries should it be necessary to make them better fitted or more suitable for dramatization. IBGFI shall require the entrants to collaborate and assist with such adaptations if asked to do so for no further payment.
14]. The prizes must be taken as stated and cannot be modified.
15]. IBGFI reserves the right to withhold prizes, amend the rules or to delay or cancel the competition in whole or in part if it considers necessary or if the entries were later found to contain circumstances beyond the normal or acceptable standard set by IBGFI.
16]. IBGFI lays out a time frame of one [1] whole year process for the competition – this is from announcement of the competition to the announcement of the winners. Say, announcement of the competition is in July 2013 then entrants will have until April 2014 to submit. The announcement of the winners – first, second and third placers will be in July 2014.
17]. Entrants are considered to have accepted these rules and agree to be bound by them upon entering this competition.

Maring + Habagat

Naabutan kami ng pagkalakas-lakas na ulan sa SLEX noong Linggo ng gabi. Pabalik na kami ng Maynila mula sa prenup shoot sa UP Los Banos.

Ang sasakyan namin na minaneho ni Wendell ay hindi natrapik at hindi rin nabaha. Pero binabagyo ang dibdib ko sa kaba sa tuwing dadaan kami sa mapupunong lugar. ang takot ko lang na mabagsakan kami ng sanga. mabuti talaga at nakauwi kami nang maayos at ligtas nang gabing iyon.

pero ang ikalawang sasakyan na minaneho ni kuya edmund ay naantala ng uwi sa bahay. hinatid nila sa makati sina mae at bumbo. at doon pa lang, hanggang tuhod na baha na ang kanilang sinagupa. pero umpisa pa lang iyon ng kalbaryo. dahil ang karamihan sa mga sakay ng ikalawang sasakyan ay taga maynila pala. as in si maru ay taga tayuman. si rap ay taga morayta at si weni, taga espanya.

ang pinakahuling hinatid ay si jon na taga pasig na sa awa naman ng diyos ay isa sa mga lugar na hindi binaha nang bongga.
.
awang awa ako sa manila delegates. si rap, naputulan ng tsinelas dahil gusto na talaga niyang umuwi kaya ipinusta na ang lahat-lahat sa baha, hala lusong, habang pasan ang mga equipment na pang-shoot (mahal ang mga yan!). si maru na may 6 month old na baby, buti at hindi baha papunta sa mismong bahay nila e ginabi na, nahirapan kasi ang sasakyan na maghanap ng malulusutan na daan papunta sa tayuman. si wennie naman, nilusong ang baha na lampas-tuhod din para lang makauwi at nang maipagpatuloy ang naantalang pagtse-check ng papeles ng mga estudyante niya.

wala na nga ba talagang solusyon ang baha? ano ba ang dapat gawin para mawala ang baha? ano ang solusyon, na kahit paunti-unti lang na makakabawas sa baha, keri na. o kahit matagal na panahon ang kailangang gugulin, keri na. ano ang solusyon?

bago ko sabihin ang mga sariling panukala, gusto ko sanang pagtawanan pansinin ang mga "solusyon" na naiisip ng iba para hindi sila bahain.

1. pagpapataas ng lugar.

naranasan ko ito nong nasa ust ako. andaming construction noon sa loob at labas ng unibersidad para pataasin ang mga sidewalk. iyong magiging mother in law ko ay naiisip ding magpataas ng sahig ng bahay nila sa bacood, sta. mesa. never pa kasi silang binaha doon sa loob ng mahigit 40 na taong pagtira doon. neto na lamang. nang pagdating ng ondoy, ng habagat at ng maring + habagat. kaya ngayon, ang naiisip niyang solusyon ay ang pagpapataas ng kanilang sahig.

2. pagtira sa mataas na lugar.

ang pagtira sa condo o kaya sa bahay na may elevated na ground floor. yan ang isang solusyon na naiisip ng mga pinoy. kaya ang mga pinakabagong apartment ay laging mas mataas sa karaniwan. ang pagtatayo naman ng mga condo sa metro manila ay hindi mapigilan. kabila-kabila ang open house, ang mga launching. mga ready for occupancy na!

ang mga solusyon na ito ay panandalian lamang. hindi nito nasusugpo ang baha. nakakaiwas lamang tayo sa mga baha sa limitadong panahon. babalik at babalik ang tubig, ayaw man natin o gusto. at kung ipipilit natin na solusyon na nga ito, patataasin lang natin nang patataasin ang ating mga tirahan pagdating ng araw.

heto ang mga naiisip kong solusyon:

1. efficient na drainage system

once and for all, tutukan na sana itong talaga ng mga kinauukulan. lalo na iyong mula sa mga city sa pilipinas.

2. ipagbawal ang pagtatayo ng anumang estruktura at pagtatabon ng lupa sa anumang uri ng anyong tubig.

wag na sanang magpasimuno ng reclamation-reclamation area ang gobyerno. wag nang manghinayang ang mga real estate developers sa magandang lokasyon, pabayaan na ang tubig sa kanyang sariling lugar. wag na siyang agawan ng sariling tahanan.

3. tanggalin na ang anumang estrukturang nakatayo sa mga lugar na malapit sa tubig. at least 10 meters sana mula sa tubig ang i-allot para sa bakanteng espasyo.

ito ay para mas makahinga ang tubig. para mas marami pa siyang dadaluyan bago ang mismong mga bahay o anumang estruktura.

4. ikulong ang lahat ng nagkakalat.

mapupuno ang kulungan pero keber. para matuto na once and for all ang mga kababayan natin. bukod sa mababawasan ang baha dahil mababawasan ang babarang basura sa mga kanal at imburnal, mas lilinis pa ang paligid.

5. payabungin ang mga probinsiya para hindi nagsisiksikan ang mga tao sa city.

kaya walang madaanan ang tubig sa city kasi lahat ng espasyo doon, tinatayuan ng mga gusali at iba pang estruktura para sa mga dweller ng city. kasi nga nagdadagsaan ang mga tao sa city.

sa probinsiya na lang magtayo ng mga business district. wag nang magdagdag ng tren sa city. ibuhos na lang ang pondo (para dito, sa mga tren-tren) sa mga probinsiya. puro na lang metro ang sentro. pwe. kaya nangaglulunod sa baha ang mga tao rito, e. namumuwalan na ang city, sige, saksak pa rin nang saksak dito ang mga tao.

6. i-relocate ang mga binabaha

kahit pa 400 years na ang unibersidad, kung matindi namang sakripisyo ang hinihingi nito sa lahat ng populasyon nito, aba'y iwan na ang lokasyon ora mismo. importante ang lokasyon pero mas may importante pa ba sa buhay?

traumatic ang ma-stranded lalo na kung akala mo ay lulubog ang kinatatayuan mo in a matter of minutes dahil sa walang harabas na ulan.

ang provident village, dapat hindi na pinaninirahan ng tao. dapat diyan gawing parke na lang. bilhin na lang ng gobyerno ang lahat ng bahay diyan. bigyan ng magandang pera ang mga naninirahan diyan para ma-compensate naman ang kanilang kasawian. e wala, e. nadenggoy sila ng developer. tapos para makabawi naman ang gobyerno sa developer, tanggalan na yan ng lisensiya at pahirapan nang bongga pag nag-apply uli ng lisensiya.

yung mga lugar na binabaha sa bulacan, ganun din ang dapat na gawin sa mga iyan. gawin nang parke lahat. ay wala, paano ka mabubuhay sa isang lugar na all year round ang baha? wala kang kuryente, me pangamba ka sa tuwing uulan, babagyo. anong uri ng buhay iyon? i-relocate na lang sila ng gobyerno sa mas magandang lugar. ganun talaga. masakit man sa mga naninirahan doon dahil doon sila ipinanganak, nag-aral, nainlab, nagkapamilya, etc. pero wala, e. kalikasan na mismo ang kanilang kalaban.

7. maximize the use of bodies of water.

bat ba puro kalsada ang bini build at puro kotse ang sasakyan? andaming daraanan sa tubig, o! ang tubig, hindi lang iniinom o siniswimmingan, puwede ring gamitin as transportation. magbangka tayo, wala pang polusyon. sa vienna nga, e tourist spot pa yan.

pero siyempre, dapat equipped ang bawat pilipino ng swimming skills. at dapat marami ang life vest. marami ang mamamatay kung araw-araw na mode of transportation ang tubig.


para sa akin, kung pabalik-balik ang isang bagay, ibig sabihin, bahagi ito ng kalikasan. kailangang gumawa tayo ng paraan para ang bumabalik na ito ay hindi na makasalanta sa atin. at hindi nakapang-uumit ng buhay.

bumaha man ay hindi na ito aabot sa pinakamahahalagang lugar. kasi wala na sa lugar na pinagbabahaan ang mga importanteng lugar na yan.

partial pa lang ang listahan na ito. pag nakaisip pa ako ng solusyon, dadagdagan ko pa ito. sana makatulong!





















Saturday, August 17, 2013

muni-muni

these past few days, na-realize ko na marami sa mga gusto ng ikinakasal, tulad kong bride, ay puro lang kaartehan.

nalulungkot ako kasi parang gusto ko ang mga nakikita kong photos ng bridal gown, style ng venue, bridal hair and make up, prenup video, bridal photoshoot at iba pa sa websites, magazines at blogs. ang ku cute ng mga detalye. ang gaganda ng kanilang kasal. parang perfect. kung magiging ganito rin ang kasal ko, feeling ko sasaya rin ako.

pero ngayong ako na mismo ang nag-aasikaso ng mga ito, naiisip ko na most of these are waste of money, resources, energy. nagmo-mobilize kami (ni poy) ng mga kaibigan/volunteer para sa aming kasal. para lang sa aming kasal. humihingi kami ng marami at sari-saring pabor para sa aming kasal. para lang sa aming kasal. andami naming binibili at hinahanda para lang sa aming kasal. andaming gastos para lang sa aming kasal.

i mean, sino nga ba ang makikinabang? kami lang dalawa ni poy. that fact makes me sad.

noong huwebes, nasa sta. clara de montefalco parish ako, sa may pasay. super lapit sa libertad lrt station. magulo rito, maraming sasakyan at tricycle, maraming side walk vendor, maraming karinderya, matao, parang malaking palengke na may mga major road sa gitna. ganyan ang peg.

hinihintay kong magbukas ang opisina ng parish church para kumuha ng baptismal certificate ko, na isa sa mga requirement ng magpapakasal sa simbahan. sa lugar na iyon, P. Burgos St., Pasay, nanirahan ang magulang ko noong 1980 at doon nga ako bininyagan, sa simbahan na iyon.

dahil sa tagal ng paghihintay ko, 2 hrs ang lunch break ng opis, nagpasya akong magtingin-tingin muna sa mga kalapit na sari-sari store. kaliwa't kanan ang tindahan na ang target customer ay mga estudyante ng sta. clara parish school at ng katapat nitong st. mary's academy.

isa sa mga tindahan doon ang nabilhan ko ng cute na ipit sa buhok at isang headband na dilaw. sabi ko puwede ko itong gamitin sa shooting ng prenup video namin sa linggo. bumili rin ako ng pambura at ilang sipit na may design na puso. kako puwedeng gamitin ang sipit na ito para sa pag-hang ng pictures namin sa araw ng kasal. maganda ito pag piniktyuran.

pagkabayad ko, lumipat ako sa kabilang tindahan. gusto ko pang mamili. naisip ko kelangan ko ng shok-shok na medyo sosyal tingnan, at isa pang headband na me bulaklak, para ulit sa prenup shoot sa linggo. para maganda ako tingnan sa video.

sa kabilang tindahan, andaming abubot sa buhok ang naka-display. naghirap ang loob ko kung 'yong pansagalang puting hair accessory ba ang bibilhin ko o iyong brown na headband na may puting bulaklak. antagal kong pinag-isipan ito. mga sampung minuto akong nakatayos sa tapat ng goods.

biglang nagkagulo sa labas. may sumisigaw na ale. yuung sigaw niya ay iyong tipong parang nanganganak. lumabas ako at automatic na hinanap ang may ari ng boses. isang babaeng mataba ang sumisigaw mula sa loob ng isang tricycle. pinagtitinginan na siya ng lahat. sumisigaw na rin ang driver ng tricycle. hindi kasi sila makadaan, kabit-kabit ang mga sasakyan. kaming mga nakatingin, nanatiling nakatingin.

sa isip-isip ko, shocks, pano to. baka mapaanak yong babae sa tricycle.

antrapik talaga, walang galawan. patuloy sa pagsigaw ang ale, humihingal siya at umiiyak. nakakapit siya sa may tengang bakal ng tricycle, tingin siya nang tingin sa kandungan niya. tapos mag-aangat siya ng tingin. masisindak sa hindi gumagalaw na mga sasakyan.

finally, umusog nang konti ang mga sasakyan. umarangkada nang konti si manong driver. napatapat na sila sa tindahan. sa tapat ko mismo.

hindi pala manganganak ang babaeng sumisigaw. sa kandungan niya ay isang batang lalaki ang nakahiga. parang estatwa. dilat ang dalawang mata.

shet worse pa ito sa panganganak, sa isip ko. tinitigan ko ang trapik. andaming nakaparadang kotse at tricycle sa tabi ng sidewalk. wala talagang madaanan. iyong mukha ng ale, pilipit na talaga, parang napapairi sa hirap. hiyaw siya nang hiyaw. walang kawawaan iyong hinihiyaw niya. ako man, baka kung anong ingay na lang ang gawin ko sa ganoong sitwasyon.

umusad ang mga dyip, ang mga kotse, ang mga kapwa tricycle. sumisigaw pa rin ang ale. sa isip ko, mas mabilis kaya kung itakbo na lang niya ang bata? gaano ba kalayo ang ospital na pupuntahan nila? ano na ang estado ng bata? may pulso pa ba? mayamaya, wala na sila sa paningin ko. siguro nakasingit-singit sa trapik hanggang makarating sa paroroonan.

bumalik ako sa loob ng tindahan. nawalan ng ganda ang mga tinitingnan kong palamuti sa buhok.

kanina lang ang laki ng problema ko: alin sa dalawa ang mas maganda? alin sa dalawa ang mas sulit? alin sa dalawa ang dapat piliin? tapos ano, biglang me ganitong eksenang susulpot sa tabi ko?

binabagabag ako ng konsensiya. oy, bebang, kaartehan mo lang ha utang na loob. me mas malalaking bagay pa kaysa sa iniisip mo ngayon. me mas malalaking bagay pa. tulad ng buhay at kamatayan.







Saturday, August 10, 2013

neighbore

lagi na lang may something to say ang kapitbahay namin.

bebang, yung sampay nyo, tuyo na, dapat ipinapasok nyo na yan.

bebang, yung gate, bantayan nyo pag gabi kasi kayo naman ang huling pumapasok lagi.

bebang, yung anak mo, nagpapasok ng kaibigan dito tapos pinaakyat sa bintana nyo. delikado yang ginagawa nya kasi baka manakawan tayo sa ganyang paraan.

bebang, sino 'yong nagpukpok kagabi? grabe, hatinggabi na, may nagpupukpok pa? nakakaistorbo.


at madalas din silang magparinig.

ang alikabok naman! maglinis! maglinis tayo!

(makalat ang bahay namin, totoo yan pero since hindi naman siya nakakapasok dito, ang tinutukoy niya ay ang mga bintana ng mismong harapan ng bahay namin. talagang maalikabok ito dahil mahirap itong linisin. baket? nakaharang ang sandamakmak nilang halaman at plant box sa harapan ng bahay namin. kailangan at least dalawang tao ang kikilos para lang maiusod ang mga halaman at makatayo sa tapat ng harapan namin at maluwalhating mapunasan ang inirereklamo niyang alikabok. don't get me wrong. mahal ko ang mga halaman at halamanan pero hindi madaling galawin ang mga ito. kaya wag na siyang magrekla-reklamo sa alikabok ng sarili naming bintana. tutal, bintana naman namin 'yon at tutal hindi naman din siya willing na iusod at buhatin isa-isa ang mga halaman niya at plantbox! hay, etsoserang halamanera!)

anyway, moving on, ang latest na sounds like reklamo ay eto:

Kapitbahay: bebang, yung pusa nyo, nakita kong may kagat-kagat na daga.

Ako: (di ako nakasagot, kasi ang naiisip kong sabihin e, ate, kung may butanding po dito sa compound natin, baka po yun ang kagat-kagat ng pusa namin.)

Kapitbahay: (napansin yata na parang joke ang isinusumbong niya sa akin. napatigil din siya. tapos maya-maya, nagsalita uli) baka kasi umuwi sa bahay ninyo ang pusa nyo, dala-dala ang daga.

Ako: (di pa rin nakasagot. pero ang naiisip kong sabihin, e, ate, natural, sa bahay namin uuwi yan, dito siya nakatira, e. pero naiinggit ba kayo sa pasalubong sa amin ng mahal naming pusa? o sige, since marunong naman akong makisama, tig-50-50 tayo. hatiin natin ang pasalubong niya. crosswise, para talagang patas. keri na ba yon sa inyo?)

hay.

siguro sa mga susunod na araw, eto naman ang sasabihin niya sa amin:

bebang, yung pinto nyo, may door knob.

at pag nagkakotse kami, eto:

bebang, yung gulong ninyo, bilog.

bored ka sa buhay mo, te? bigyan kita ng problema diyan, e.

Makabagong Panitikang Quezon. Yeah, meron!

Mayroon akong nakilalang estudyante mula sa Quezon. Isa siyang masigasig na kabataang manunulat.

Kung gusto ninyong makasampol ng makabagong panitikang Quezon, heto ang basahin ninyo:

www.idyordnal.blogspot.com


Congratulations, Jord Earving! Am one proud momma! hahahahaha

Kabataang Pinoy 101


ni Bebang Siy para sa kolum na KAPIKULPI (Kapiraso ng Kulturang Pinoy) sa Perlas ng Silangan Balita Cavite

Marami akong natuklasan sa sanaysay na isinulat ng aking mga estudyante. Karaniwan lang ang paksang ibinigay ko para sa sanaysay nila pero nakilala ko nang husto ang henerasyong ito.

Ang personal na sanaysay na ipinasulat ko on the spot ay katumbas ng aming mahabang pagsusulit. Hindi na ako nagulat nang makita kong tadtad ng typographical error, maling pagbaybay, maling gamit ng maliit at malaking titik, maling gramatika at iba pa ang kanilang mga akda. Marami ding sanaysay ang walang pokus sa paksa o di kaya ay likido ang estruktura, kung saan-saan napunta.

Gayumpaman ay marami pa rin akong natutuhan mula sa mga akda ng estudyante kong 1st year at second year students sa isang pribadong kolehiyo sa Maynila. Ang ibang estudyante ay mula sa Kalakhang Maynila ngunit marami din ang mula sa malalapit na lalawigan tulad ng Cavite at Bulacan. Galing sila sa private at public high schools. Marami ang galing sa may kayang pamilya ngunit marami din ang galing sa hindi masyadong mayaman na pamilya. Ang age range ng mga manunulat ng sanaysay ay 15 to 26 years old.

Ano nga ba ang pinagkakaabalahan ng kabataan ngayon?

Pag may libreng oras sila sa eskuwela, ang pinagkakaabalahan nila ay ang paglalaro ng computer games particular na ang DOTA. Naglalaro din sila ng bilyar at basketball, ‘yong tunay na basketball at ‘yong nasa arcade lang. Hilig din nila ang pagtambay kasama ang mga kaibigan, nakikipag-asaran, nakikipagharutan at nakikipagdaldalan sila sa isa’t isa. Ano ang mga paksa ng kanilang umaatikabong tsikahan? Problema sa bahay, problema sa love life at problema sa eskuwela, partikular na sa mahihirap na subject tulad ng Math, Science at English. Inuubos din nila ang libre nilang oras sa pagkain sa kung saan-saan at pagkain ng mga pagkain na hindi pa nila natitikman tulad ng street food. Gusto rin nilang matulog pag may bakante silang oras. Nagpupunta sila sa library para matulog o magpahinga dahil malamig doon at kaunti ang tao. Bihira ang nagsabing nagbabasa sila sa library. Nalilibang din sila sa pag-aabang kay crush at panonood sa mga kapwa estudyanteng padaan-daan sa harap nila. Gusto rin nila ang gumagala sa loob ng eskuwelahan. Marami rin ang nagsabi na naglalakad-lakad sila sa vicinity ng eskuwelahan dahil may mga historikal na lugar dito at maraming kalapit na eskuwelahan. Madalas din silang mag-ikot-ikot sa mall kasdama ang mga kaibigan. Malamig daw kasi sa mall.

Kumusta naman ang kanilang values?

Importante sa kanila ang kani-kanilang pamilya. Ang iba ay maigting ang ugnayan sa kanilang ina.

Importante rin sa kanila ang edukasyon. Ang iba’y proud na proud dahil sikat ang kanilang eskuwelahan. (Ang iba naman ay nanghihinayang na hindi sila nakapasa sa ibang eskuwelahan at dito napadpad sa aming paaralan.) Alam din nilang ang tiket para magkaroon ng magandang trabaho ay mabuting edukasyon kaya importante sa kanila ang makakuha ng maayos na grado (ang iba ay masaya na sa pasadong grado) at lalong lalo na ang makatapos sa tamang oras para makatulong na sa magulang. Alam nila na mahirap magpaaral sa kolehiyo (lalo pa at pribadong kolehiyo ang aming eskuwelahan). Kaya ang ilan sa kanila, proud na napag-aaral ang sarili sa pamamagitan ng varsity program at iba pang uri ng scholarship.

Paulit-ulit din ang tema ng pagkakaibigan sa mga sanaysay nila. Mahalaga sa kanila ang kaibigan, barkada, tropa. Masaya sila kapag kasama ang mga ito kahit naman minsan ay parang pagtambay lang talaga ang kanilang ginagawa. Nalulungkot sila kapag kumokonti ang kanilang kaibigan o barkada. Iniinda nila kapag nilalayuan sila ng kaibigan. Ang iba sa kanila, mahal ang kanilang eskuwelahan hindi dahil sa kalidad ng edukasyong dulot nito kundi dahil dito nila nakilala ang malalapit nilang kaibigan.

Mahalaga rin sa kanila ang pakiramdam na wine-welcome sila nang husto at pinahahalagahan ang kanilang pagdating. Kapag bago
sila sa isang lugar, automatic na tahimik sila at nakikiramdam. Kadalasan, ang unang kapwa estudyante na kumakausap sa kanila ay nagiging kaibigan nila nang matagalan.

Proud sila kapag mayroon silang nire-represent. Gustong-gusto nila ang maging kinatawan ng paaralan. It gives them a sense of pride and self-worth.

Ang ilan sa mga estudyante, lalo na ang mga varsity, ay matindi ang pagpapahalaga sa hard work. Mahalaga ang suporta ng komunidad na kanilang kinabibilangan at lalong-lalo na ang kabaitan ng kanilang mentor o coach. Love nila ang mga teacher na mabait at maunawain. Ito ang naaalala nila sa kanilang sa mga guro, ‘yong ugali.

Ayaw nila nang napapahiya. Big deal sa kanila kapag napagtatawanan ng iba, at talagang hindi nila nalilimutan ang sitwasyon. Pero mahilig din naman silang makipag-asaran!

Ano pa ba ang kanilang inilahad sa mga sanaysay?

Marami sa kanila ang nanibago sa buhay-kolehiyo. Nagulat sila sa kalayaan sa oras. Puwede nang mag-cutting class anytime! Puwede nang lumabas ng paaralan anumang oras nila naisin! Nagulat din sila sa hirap ng mga subject sa kolehiyo. Di na raw puwede ang papetiks-petiks lang tulad ng ginawa nila sa high school.

Ang henerasyong ito ang magmamana ng bansa natin na kinakalinga ngayon. Akala ko pa naman ay talagang kakaibang species na sila, hindi naman pala. Nakikita ko pa ang aking sarili sa kanila. Ganyan din ako noong bata-bata pa ako. Ngunit maganda rin kilalanin natin ang differences natin sa kanila. Hindi lamang ito para sa mga guro kundi para na rin sa mga magulang, sa mga pinuno ng komunidad at lalong-lalo na sa mga lider ng bansa. Ito ang buhay at kultura ng mga future na guro, magulang, pinuno ng komunidad at lider ng bansa. Ito na ang magiging nakaraan ng ating hinaharap.

Kung may tanong, komento o mungkahi, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.



Ang copyright ng larawan ay kay Bebang Siy.

Monday, August 5, 2013

Gifts mula sa DLSU Student Media Congress 2013

Thank you sa organizers ng DLSU Student Media Congress 2013 lalo na kay Miss Deng Queddeng!



Grabe, sobrang dami naming natutuhan! We were able to catch the sessions of Ramon Bautista and ... Boy Abunda!