Tuesday, July 30, 2013

Mula sa kapwa alagad ng sining na si Glenda Maye Abad

Na-meet ko si Glenda sa Malakas at Maganda II Art Exhibit Artist Talk ng KASIBULAN noong 26 Hulyo 2013 na ginanap sa St. Scho Museum, Manila. Isa siya sa speakers, ako naman ang moderator. Pagkatapos ng event, inilabas ko ang mga kopya ng Mens para ibenta sa mga naiwan sa loob ng museo. Isa siya sa mga nagkakopya. After a few days, eto ang email sa akin ni Glenda:




Bebang, ka-chat ko kahapon si client.

CLIENT: Hi Glenda! (Pause.) You seem distracted.
ME: I am. I'm reading this book with pekpek in it. (Laughs.)

CLIENT: Pekpek? What's that?
ME: Uhh...

CLIENT: Wait. I'll ask my wife. (Leaves video chat.)
ME: ......................

(Client returns.)

CLIENT: Glenda, what the hell?!!
ME: I know. :D


Hindi lang ako ang nawindang sa libro mo. Hahahaha! IKAW NA!





>>>Salamat, Glenda! Naaliw ako! hahaha hanggang sa muli!

Tuesday, July 23, 2013

workshop on creative industries by wipo, ipophl and ministry of copyright-korea

*kung me isang banda, napakaraming tao behind it para sumikat sila at makagawa sila ng maraming kanta at para makapag-perform sila sa iba't ibang bahagi ng mundo

*lagyan ng limit (number of years) ang pag-a-assign mo sa copyright. puwede mong sabihin, ina-assign mo ang copyright mo for 35 years.

*dapat effort lagi sa pag-perform dahil napakahigpit ng labanan.

*ilan sa puwedeng pagkakitaan ng performer
-fees sa live performance
-physical record sales
-downloads, streaming, ringtones sales
-broadcasting and public performance
-audio visual master re-use
-merchandising (caps, shirt)
-sponsorship and branding
-making available (pag promote-promote sa iba't ibang paraan)

wow, andami! sana puwede rin ito sa writer! yay!

*sa us, mayroong website kung saan nakalista ang mga film production/film companies at ang proyekto na kasalukuyan nilang ginagawa. nakasaad din sa website din na ito kung nasaang phase na ang bawat proyektong pelikula. mahalagang makita ng mga musician ang website na ito dahil ito ay potential market nila. maaari silang mag-alok ng kanilang mga composition sa film companies.

*kung magsa-submit ng music o sound clips sa mga production/film company, maximum na ang 1 track kada buwan. don't flood their emails.

*if you're not at the bus stop, you will never get on a bus! ibig sabihin, punta ka dun sa kung saan may opportunity na magdadala sayo sa gusto mong puntahan.

*may isang singer sa us ang nag-rap at ginamit niya bilang background ng rap ang kanta ng isa pang musician. ang ginawa ng music manager ng musician, hinintay niyang ma-record na ang rap (with background music) at mailagay sa mga cd ma-shift sa mga stores at mailunsad bago niya kinausap ang singer at ang sarili nitong music manager. dahil alam niyang copyright infringement ang ginawa ng singer na iyon. ngayon, wala nang choice ang singer kundi magbayad ng halaga na itinakda ng music manager at musician para sa kantang ginamit.

*gumagamit ng music ang tv ads, games, films, tv programs, tv shows, etc. minsan ang need ay maikling bahagi ng kanta, minsan mahaba. kahit ano pa ang need nila, dapat ay pinagbabayad sila.

*there is no such thing as pangit o di maintindihan na uri ng musika. kailangan lang niyang mahanap ang tamang konteksto para siya ma-appreciate. example: super hard rock, punk music, na trash siguro sa pangkaraniwang tenga. pero pag ginamit ito bilang background music sa isang maaksiyon na uri ng games, yung tipong maraming patayan, barilan etc, nagiging angkop ito, makabuluhan at maganda, in a weird way.

*wag i-attach ang file ng music sa email (kapag nagpapadala sa possible clients). gumamit ng sound cloud, yousendit at iba pang remote servers or file storage.

*kadalasang hindi itinuturing na asset ng companies ang kanilang intellectual property. pero mali ito. sabi ni director general blancaflor, dapat ideclare as asset ng companies ang kanilang intellectual property. ang kodak daw, nang mag-declare ng bankruptcy, naibenta pa ang kanilang IP (patents, etc.) nang billions of dollars. isa raw sa advisers si sir DG blancaflor ng supreme court hinggil sa pagpupulido ng bankruptcy law at iyon nga, ipinapasok na niya na mai-declare ang IP ng mga companies as asset.

*kapag naisuko mo na sa isang kontratang nagsasabing panghabambuhay mo nang ibinibigay o ina-assign ang iyong karapatan sa iyong akda, hindi mo na ito puwedeng mabawi pa kahit na mag-declare ng bankruptcy ang publishing company. ang karapatan sa iyong akda ay nasa kanya therefore asset na niya ito. puwede niya itong ibenta, iparenta, pagkakitaan sa kahit anong paraan na naaayon sa kontratang pinirmahan mo at ng company.






Sunday, July 21, 2013

ilan sa pakikipag-negosasyon ko sa aking publishers

i just have to write this.

iniisip ko, paano kaya gaganahan ang isang tao na mag-produce kung alam niyang ang kalahati ng produkto niya ay aangkinin lang ng iba?

i talked to Anvil Publishing last Thursday. Though i previously met with Anvil Publishing Manager Mam Karina a few months ago where we talked about the copyright ownership of It's Raining Mens, that Thursday morning, she insisted that there must be co-ownership for the copyright of the said book.

kasi raw hindi na raw dapat sundin 'yong practices noon (sabi ko kasi sa kanya pagdating ko, dati po napagkasunduan na po natin na ang copyright ng ikalawa kong aklat ay akin na po. katulad po ng aklat ni sir egay samar. naalala n'yo po ba, umoo kayo noon sa aking hiling? sa may coffeebean and tealeaf sa katipunan po tayo? oo, oo, sagot naman niya.)

kaya lang, iba na raw kasi ang management. kaya napakaraming pagbabago sa Anvil. at isa pa, the publisher invested so much to come up with the book. So it is just fair for them to claim half of the copyright.

oo nga naman. tama. pero bakit ang ibang publisher, tulad ng visprint publishing, naibibigay nila sa authors nila ang 100% ng copyright sa kani-kanilang mga akda? kahit pa namuhunan din naman ang visprint sa mga manuscript para maging aklat ang mga ito?

unfortunately, hindi ko iyan natanong. wala lang. nang marinig ko kasi ang sagot ni mam karina, parang bigla lang akong naawa sa admin ng Anvil. Kasi mga tauhan lang sila doon. wala silang magawa kundi ang sumunod sa mga big boss. at sino 'yong mga big boss? ang mga ramoses. headed by nanay socorro "coring" ramos. that lovable old woman "who built an empire out of ashes during the world war 2." the empire called national book store.

so you see, kahit puwede at dapat naman talagang ibigay sa mga creator ng mga akda ang copyright ng akda nila (in fact ang default mode meaning kung walang kasulatan ang manunulat at ang publisher, laging copyright belongs to the creator/author/writer, default mode 'yan, batay sa ating IP code of the Philippines!) hindi pa rin ito ginagawa ng ilang publisher, partikular na ng Anvil. medyo selective sila, e. may ibang aklat, 100% ng copyright sa writer tulad nga ng aklat ni sir egay samar at siyempre ng kay sir rio alma. pero merong ibang aklat na co-owned ang copyright. at isa ang kontrata ko sa mga sumusunod diyan sa co-ownership rule na 'yan.

Pero maganda pa nga itong na-strike ko na deal sa Anvil. half-half! kasi sa ibang publisher, 100% copyright ang napupunta sa kanila. kasehodang mamatay-matay ka na sa kakasulat at pagbuo ng manuskrito mo, once na ipina-publish mo 'yon sa kanila, kanila na ang copyright. sino ang publisher na 'yan? ateneo de manila university press.

i also signed a contract with Vibal last February. para sa unang una kong aklat na pambata, ang marne marino. co-ownership din ng copyright ang gusto nila. at pumirma naman ang gagang ako sa kontrata. although, tulad ng ginawa ko sa anvil, bago ako pumirma, talagang sinubukan at ipinakipaglaban ko hangga't kaya ng apog ko na ma-retain ang copyright para sa akin (at para sa mga anak ko at apo, eventually, copyright in the philippines lasts for lifetime of the author plus 50 years).

ganon din ang sabi ng kausap ko sa vibal, si mam espina: im sorry pero gagastos kasi kami para sa aklat.

totoo, malaki nga ang gastos para maging aklat ang isang manuskrito.

kung 'yon ang concern ng mga publisher, ay di pira-pirasuhin natin ang content para sa tamang pagtatakda ng copyright.

copyright of the book belongs to (name of creator) and publisher.

copyright of the text belongs to (name of creator of text).

o di ba mas malinaw?

isa-suggest ko ito kay mam karina at kay mam espina. palagay ko makatarungan ito. lalo na sa raining mens kasi text heavy naman iyon. di tulad ng marne marino, katakot-takot na illustration at lay out ang kailangang ilangkap sa teksto para maging aklat ito.

ngayon, anong gagawin ko kapag tumanggi pa rin sila? meron ba akong magagawa? meron ba akong mapagsusumbungan?

sabi sa akin ni poy, next time daw isasama ko siya when i deal with publishers. para daw may manghihingi para sa akin. para daw may magiging makapal ang mukha para sa akin. oo, tama siya. kasi kalikasan ng filipino author ang pagiging mahiyain at hindi mapaggiit. at least, kung may namamagitan para sa kanya, iyong namamagitan ang matatawag na makapal ang mukha, mukhang pera, walanghiya, matigas ang apog at marami pang iba. palagay ko, sa ganitong paraan, mas mapo-proteksiyonan nang tunay ang interes ng filipino authors.

hay, mahal kong manunulat na Filipino, alam ko na kung bakit lagi kang hikahos at sawi. alam na alam ko na kung bakit laging nagsi-swimming ang iyong akda sa pighati.






Ang copyright ng mga larawan ay kay Beverly W. Siy.





ito na ba ang tinatawag na wedding jitters? haha

di ako makatulog. meron pa naman akong deadline ng editing job.

im thinking about our wedding.

heto ang naiisip kong itsura ko at ng aking mga bridesmaids. puro mga kapatid ko at kapatid ni poy.
http://3.bp.blogspot.com/_TYnbO0hQZHM/SZgTnWB_dmI/AAAAAAAAA_Q/lLm8TG_28F8/s400/Bridesmaids+dresses+2+-+style+me+pretty.jpg

gusto ko medyo darker ang shade ng mga damit nila para talagang lumitaw ang kulay na puti, ang kulay ng bridal gown ko siyempre.

tapos meron na kaming unofficial wedding coordinator hahaha si maru!


buti na lang at siya ang nag-alok. wala na siguro ito sa isip ko :( i don't know what to do. parang iniisip ko, nagpo-progress naman kami kahit paano, hahaha! pero parang hindi rin.

meron na akong kopya ng misalette galing sa san agustin. binebentahan ako ng office girl doon, CD for P100. nasa cd raw ang soft copy ng misalette. Sabi ko, wala po bang libre? Sabi nya, meron, tapos nag-print siya ng kopya. bahala na raw akong mag-type no'n. hay, grabe nakakatawa, di ba? talagang hangga't puwedeng pagkakitaan, pagkakakitaan ang mga magpapakasal. simbahan nga naman.

nagha-hunting nga pala ako ng mga promo at contest na may kinalaman sa wedding. baka manalo ako, e. sayang din, di ba? marami sa mga website na may kinalaman sa kasalan. at simula ngayong buwan na ito, lagi na kaming pupunta sa mga bridal fair. marami din silang mga pakontes at pakulo doon, at siyempre, freebies! kaya dapat samantalahin at malay natin, baka manalo ako! yay! hahaha!

done:

nakapag-down na kami ng 2k sa caterer.
nakapagbayad na kami ng 5k (full payment) sa museo pambata para sa mobile library nila as bridal car
nag-down na sa church ng 8k
naipa-reserve na ang reception venue-still working on our project with them (RMAF)
na-inform na ang walong ninang at ninong
nagdagdag ng isa pang ninang
met up with maru for her tasks as overall coordinator (at sinabi rin niya mga assignment namin)
met up with the venue designer kulay
met up with pre nup video maker/best friend ni poy na si jon lazam
nakausap na ang hilakboters para sa role nila sa church ceremony
napaalalahanan na uli si rayts at si wasi para sa pag-picture nila sa wedding
nagpadala na ng letter sa pari, si father steven zabala
come up with a tentative guest list

things to do:

kontakin ang isa pang ninong
get documents for marriage license
follow up father steven zabala
food tasting with caterer
work on with RMAF project
look for wedding ring design
coordinate with ate rannie for the wedding ring
handa music/songs
gawin ang prototype ng souvenir
talk to all bridesmaids re: damit nila
finalize guest list
check all pledges kung puwede pa (cake, make up, bridal gown, violin and piano, printing of souvenirs)

natatakot ako. noong isang gabi, nanaginip ako, tumatakbo daw ako papunta sa church kasi male-late na raw ako sa kasal namin. pagdating ko raw doon, nakapila na ang mga tao at gabi na. i asked everyone including the priest kung puwedeng i-postpone ang kasal kasi hindi pa kami ready. ano ang ibig sabihin nito? bad omen, ano?

hahahaha well, hindi ko habol ang rangya o ayos o ganda. ang gusto ko lang, nandoon ang mga kaibigan ko at pamilya. yes, una talaga ang kaibigan, ano? hahaha importante sa akin ang friends kesa family, aminado ako riyan :(









Saturday, July 20, 2013

Paliit nang paliit!


ni Beverly W. Siy para sa KAPIKULPI o Kapiraso ng Kulturang Pinoy, isang kolum sa Perlas ng Silangan, lingguhang pahayagan sa Cavite


Kamakailan ay naibalita sa akin ng aking publisher, ang Anvil Publishing, na may bumabang memo sa kanila mula sa National Book Store (NBS). Ang Anvil ang publishing arm ng NBS. Thirty percent na lamang daw ng total space ng bawat NBS branch ang maaaring gamitin para sa pagbebenta ng libro. Hindi ko na itinanong sa aking publisher kung bakit. Ngunit ang hinala ko, isa sa mga dahilan ay ang pagbaba ng benta ng mga libro sa NBS. Malaki ang posibilidad na ibang produkto ang kumikita sa bawat branch ng NBS kaya kailangang dagdagan ang espasyo para sa mga produktong iyon at bawasan ang para sa iba pang produkto na maliit ang ipinapasok na kita, produktong tulad ng mga libro.

Ano ang implikasyon nito sa mga tagapaglathala ng aklat at sa mga awtor?

Matindi ang implikasyon nito sa maraming tagapaglathala ng aklat at mga awtor sa Pilipinas. Ang NBS ang pinakamalaking tindahan ng aklat at sila ang pinakamalaking outlet at source ng mga aklat sa Pilipinas. Kung liliit ang espasyo nito para sa mga aklat, ibig sabihin ay iilang aklat na lamang ang puwedeng mai-display sa loob ng NBS.

At kung ganon ay mas titindi ang kompetensiya ng bawat libro. Mag-aagawan na kasi sa shelf space ang bawat libro. Dapat ay mabenta ang libro sa loob ng isang buwan, kung hindi ay tatanggalin na ito sa shelf at isosoli na ito sa pinagmulang publisher. Kumbaga, kung hindi ka nabebenta, alis ka na. Papalitan ka ng iba pang puwedeng ibenta. Mas maiksi na ang pasensiya ng NBS sa slow moving products tulad ng libro.
Okey lang ‘yon ngunit kung ganito ang batayan para mapanatili ang libro sa mga shelf ng pinakamalaking book store chain sa Pilipinas, paano na ang naggagandahang libro na sasadyang kaunti ang buyer? Matatanggal na sila sa shelves. Mapapalitan na sila ng mga librong popular at maraming buyer. Alam naman natin, kahit saang kultura, na ang popular na mga aklat ay hindi laging maganda at hindi laging angkop para sa isang lipunan. Maaaring sikat lang ito at maaaring sa kasamaang palad ay wala nang ibang katangian.

Maaari ding maiwan sa shelves ang mumurahing uri ng mga aklat dahil ang mga ito ang madaling mabili dahil sa kanilang presyo. Ito ‘yon mga aklat na manipis, maliit at simple ang pagkakayari. Kung maraming pahina ang isang aklat, hard bound ito o di kaya ay magandang-maganda ang pagkakayari, tiyak na mahal ito. At kung mahal ay mas kakaunti ang buyer. At kung kaunti ang buyer, maaaring mataganggal sa shelf space sa tindahan ng aklat.

Sa isang banda, good news naman ito sa maliliit na bookstore at iba pang uri ng book seller. Hahanapin sila ng mga publisher para mabagsakan ng mga aklat na pambenta. Dahil maliliit pa naman ang mga bookstore at bookseller na ito, wala pa siguro ang magtatangkang maglunsad ng anumang uri ng monopolyo. Maaaring mas mababa ang hingiin nilang komisyon o diskuwento mula sa publisher para sa bawat aklat na kanilang ibebenta, mas mababa kaysa sa kasalukuyang komisyon o diskuwento na hinihingi ng NBS na 40-60% ng suggested retail price ng bawat aklat.

Mapipilitan din ang mga publisher na mag-isip ng dagdag na paraan para maibenta o makapag-retail nang tuwiran ang kanilang mga aklat sa publiko. Sa America, ang kanilang music industry ay nakipag-partner sa ilang establishment na hindi naman talaga tindahan ng music CD. Halimbawa, maaaring makabili ng mga CD ng Beatles at ni Paul McCartney sa mga branch ng Starbucks.

Ang patuloy na pagkaunti ng tindahan ng libro o pagliit ng espasyo para sa mga libro sa iba’t ibang tindahan sa Pilipinas ay isang nakakalungkot na indikasyon ng pagbaba ng benta ng mga libro dito sa atin. Kung magtutuloy-tuloy ang pangyayaring ito, maaaring dumating ang panahon na wala na talagang mabebentang libro sa Pilipinas dahil wala nang interesadong bumili nito.

Nakakita na ba tayo ng bansang hindi mahilig sa libro pero umasenso? Hindi pa, wala niyan, non-existent ang ganyang uri ng bansa.
Kaya ngayon pa lang, mahalagang magawaan na ng paraan ang suliraning ito. Dapat magsama-sama ang lahat ng tao, institusyon, ahensiya, organisasyon na may kinalaman sa publishing industry para mag-brainstorm ng dagdag na paraan para makapagbenta ng aklat sa publiko.

Kung may tanong, mungkahi o komento, mag-email lamang sa beverlysiy@gmail.com.

Thursday, July 18, 2013

Re : National Book Development Trust Fund (NBDTF)

Re : National Book Development Trust Fund (NBDTF)
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Dear Sir/Madam:

The National Book Development Board is now accepting applications for the 2013 writing grant. We are calling upon authors with manuscripts for books to apply for the grant. The chosen manuscripts will receive a grant of at least P200,000.00 each.

Manuscripts should be on any of the following topics:

1) Local history of a province written in English or Filipino;
2) A Novel written in Ilocano;
3) Biography written in Cebuano; and
4) Appropriate livelihood/New technologies in entrepreneurship.

Attached are copies of the Implementing Rules and Regulations of R.A. 9521, Submission Guidelines and application form for the grant. You can also download the IRR and application form from our website www.nbdb.gov.ph. For further questions, kindly email Digna Tayag at digna.tayag@nbdb.gov.ph or call (02)687-1805 / (02)929-3887 loc. 804.

Deadline of submission of applications is on 30 August 2013.

Thank you for supporting the book publishing industry.

Sincerely,



Dir. WILFRED M. CASTILLO
Officer-In-Charge


Att.:a/s.

Submission Guidelines for Grants from the National Book Development Trust Fund







Submission Guidelines for Grants from the
National Book Development Trust Fund


1. The National Book Development Board (NBDB) is calling upon authors with
manuscripts for books with the following topics to apply for grants:

a) Local history of a province written in English or Filipino;
b) A novel written in Ilocano;
c) A biography written in Cebuano; and
d) Appropriate livelihood/New technologies in entrepreneurship.

All applicants must note the conditions provided for in Rule VI Section 3 of the
Implementing Rules and Guidelines of RA 9521 (go to www.nbdb.gov.ph for the
IRR).

2. The deadline for the submission of proposals/applications for a grant shall be August
30, 2013.

3. All manuscripts should be in 12-point type, with at least one-inch margins, and
sequentially numbered pages in 8 1/2“ x 11” bond paper in quadruplicate copies. A
digital copy should also be included in the submission. The author’s name, address,
telephone number, and email address should be typed at the top of the first page.
Contributors are asked to include a brief biographical note with their submissions.

Requirements:

a. The applicant’s curriculum vitae (in the case of a juridical entity, its SEC, BIR, DTI and/or CDA registrations, as may be applicable, and the curriculum vitas of the authors of the proposed project);
b. A sworn statement indicating that the applicant’s project is an original and unpublished work, and that the applicant has authored/produced the work;
c. A proposal on the project to be undertaken; and
d. Either of the following:
• Quadruplicate copies and a digital copy of a draft equivalent to twenty-five percent (25%) or more of the entire manuscript, research or multimedia work in progress; or
• Quadruplicate copies and a digital of a draft of the manuscript, research or multimedia work to be rewritten or improved upon prior to publication (such as, but not limited to, a thesis or dissertation to be rewritten into book form).

4. Chosen authors will be given a grant of P200,000.00 each. Grantees will be announced on a suitable date chosen by the NBDB.

5. Should there be no manuscript of good quality as determined by constituted advisory committees on the chosen topics, the NBDB reserves the right not to award a grant to any applicant.


For further requirements, refer to the Rules and Regulations Implementing Republic Act No. 9521 which may be downloaded from www.nbdb.gov.ph.







Wednesday, July 17, 2013

Para sa Intersect, ang opisyal na pahayagan ng Southern Luzon State University-Tiaong

Nais kong pasalamatan si Jord Earving ng Intersect, ang opisyal na pahayagan ng Southern Luzon State University-Tiaong. Siya ang nagpadala sa akin ng kakaibang questionnaire na ito. Ang output ng kakaibang interbyu sa akin ay malalathala sa issue ng Intersect na lalabas ngayong semestre.
-bebang

***

(Personal na mga Datos muna:)

Pangalan: Beverly Wico Siy
Araw ng kapanganakan: Disyembre 10, 1979
Tirahan: 128 K-8th Street, Kamias, QC 1102
Mga Magulang: Resurreccion Magat Wico, Roberto Ho Siy
Mga kapatid: Columbia, Kimberly, Charisse Ann, Erres
Educational Background (Filipino kunwari):
Philippine Christian University Union Elem. School (Malate)
Philippine Christian University Integrated Science High School (Malate)
University of the Philippines (Diliman) kolehiyo at graduate studies
Mga akdang nalimbag: medyo marami ito. pero ang libro: Mingaw, 2006, Philsprint Publishing (erotic novel), It’s A Mens World, 2011, Anvil Publishing (creative non-fiction) at paparating ang Marne Marino, 2013, Vibal Publishing (children’s book)

Paboritong lugar at sitsirya:

Lugar? gusto kong laging puntahan? Mga museo. Kahit anong museo. Saka mahilig ako sa dagat. Favorite ko rin ‘yong mga lugar kung saan nakakapanood ako ng sunset.

Sitsirya? Chippy na sinasawsaw sa cheez whiz. Mahilig din ako sa Boy Bawang lately. ‘Yong BBQ flavor. Saka Clover. Ang laki-laki, mura lang! sawsaw din sa cheez whiz!

Trav: Ate Beb Ang, bumati ka muna sa mga mambabasa ng panayam na ito.

Hello! Kumusta kayo? Magandang araw! Ahahhaha feeling ko talaga, radyo ito, ano? Haha!

Interview starts here:

Trav: Kailan mo nalamang may panawagan ka sa pagsusulat?

Naku, hindi ako conscious. Nag-umpisa kasi ako, high school. Gumagawa ako ng spoof ng paper namin sa school. Ako sumusulat ng mga joke, ng mga kuwentong nakakatawa tungkol sa mga terror na teacher, ganyan. Tapos pagdating ko ng kolehiyo, pinili ko ang kursong BA Malikhaing Pagsulat sa Filipino kasi tipid siya hahaha wala kasi akong pera at walang magpapaaral sa akin noong kolehiyo ako. Kaya hindi puwedeng magastos ang pipiliin kong kurso. Ayun, nagtuloy-tuloy na ang pagsusulat ko ever since.

Trav: Paano ka ba kasi nag-umpisa?

Ayan, nasagot ko yata agad ‘yong tanong hahaha!

Trav: Anong reaksiyon/motibasyon/pang-alo mo sa sarili sa tuwing may hindi nakaka-appreciate ng sining mo?



Sport ako. Dati pa man, alam kong meron talagang hindi makaka-appreciate ng akda ko. Okey lang sa akin ‘yon. As in.

Hindi ko na lang iniisip ang mga taong hindi maka-appreciate sa akda ko. Sayang ang energy ko sa kanila hahaha! Kahit saang larangan naman, hindi ka dapat magtagal sa isang sitwasyon kung saan hindi ka naa-appreciate. Eventually, bababa ang morale mo, maaapektuhan ang pagiging produktibo mo. Kaya the best na ‘yong ikaw na mismo, magsara ng pinto sa ganitong sitwasyon.

Isa pa pala, galing ako sa hirap. Galing ako sa pinakamahihirap na trabaho. Para sa akin, napakasuwerte kong tao dahil tinatamasa ko ang kung anong mayroon ako ngayon sa pamamagitan ng pagsusulat, isang propesyon na sobra kong mahal.



Kaya ang mind set ko, wah, hindi ako dapat panghinaan kung may hindi maka-appreciate ng akda ko. Para ‘yan lang, e. Lahat ng nararanasan ko ngayon, blessing talaga, e. Sino ako para magreklamo? Kahit marami pa silang hindi maka-appreciate, wala akong K para magreklamo or mag-inarte. Sobra-sobra-sobra pa rin akong blessed, hello! Baka bigla akong batukan ng Diyos kung mang-away ako ng mga di nakaka-appreciate. “Hoy, Bebang, ang arts mo lang!” sisinghalan ako ni God. Tipong ganyan.

Trav: Bukod sa Dada Isda, anong akda mo pa ang paborito mo?

Ang Lugaw, Bow. Nasa It’s A Mens World. Favorite ko ito kasi parang pakiramdam ko, naipakita ko dito kung gaano kami kamahal ng tatay ko kahit na medyo bad siyang uri ng tatay. Kasi ganon ang ibang mga tatay. May gago, may tarantado. At higit sa lahat, may kanya-kanyang weird na paraan ng pagpapakita ng pagmamahal.

Marami pa akong paboritong trabaho. ‘Yong buong Mens World na aklat. Kasi ‘yong kuwento sa likod no’n, maganda. It was just a requirement sa isang penalty course sa masters. Imagine, penalty course? Di ba, negative siya sa buhay ng isang mag-aaral? Pero ‘wag ka, ito pala ‘yong maghahatid sa akin ng ibayong biyaya. Hay. Ang saya lang talaga.

Isa pa ay ‘yong Marne Marino. It was a loser! Sa isang contest. Pero kahit hindi siya nanalo, pinilit ko pa rin na malathala siya. Idinugtong ko siya sa isang sanaysay ko sa Mens World k ahit na hindi naman siya bagay doon. Kasi Ingles! E, ‘yong buong aklat, Filipino. Sabi ko, sayang kasi kung hindi mababasa ng iba. Kahit natalo ito sa kontes, parang me alindog naman ito kahit papaano. Me asim. Hahahaha!

Ngayon, isa na siyang napakagandang aklat. At ang nag-publish ay isa sa pinakamalaking publishers sa Pilipinas! Wah. Ang saya uli, di ba?

Sobrang mahal ko ang mga akda na ito. Kasi parang mga anak na puro palpak, panget, abnormal sa paningin ng ibang tao. At ako bilang nanay, hindi ako nag-give up. Hindi talaga ako sumuko. Hindi ako palasuko sa kahit anong bagay. So, patuloy kong inalagaan, pinagyaman ang mga akda kong ito. Ayan, nagbinata at nagdalaga na! hahahaha! Parang rags to riches ‘yong kuwento ng mga akda na ‘yan, di ba? Kaya paborito ko sila.

Trav: May ritwal ka ba bago magsulat? May oras ba na mas feel mong magsulat?



Wala. Hahahaha! Sa pelikula lang yata ang mga ganyan, ritwal-ritwal.

Wala rin akong oras na itinatakda. Pero ako ‘yong tipo ng manunulat na kapag nakaisip ng isusulat at nabigyan ng deadline, hindi muna magsusulat hangga’t hindi dumarating ang bingit ng kamatayan este ang deadline.

Pero by that time, alam ko na ang isusulat ko. Kasi iniisip ko na ang isusulat ko. Kahit ano pa ang ginagawa ko, iniisip ko na ito. Naliligo, kumakain, namamasyal, naglalakad, pumapasok sa trabaho, nagtatrabaho, nakikipag-usap sa ibang tao, nasa loob ng dyip, ng tricycle, ng pedikab, nakatayo sa LRT. Kasabay ng lahat ng iyan ang pag-iisip ko sa isusulat ko.

Kaya pag ako umupo para magsulat, wala nang baklasan sa upuan ‘yon. Nagagalit ako kapag may pinagagawa sa aking iba, halimbawa, kapag pinapakain na ako, ako pa ang galit, hahahaha! Kasi nasisira ‘yong pag-iisip ko, e, napuputol! Momentum ba. So ayun. Kadalasan din, hindi ako naliligo. Maliligo ako either bago ako umupo o kapag natapos ko na ‘yong akda. Kung mahaba ‘yong akda, maliligo lang ako kapag sobrang pagod na ako sa kakasulat. Pero dahil pagod na ako, wala, hindi na ligo, wisik-wisik na lang. Yerk. Kaya hindi ako dapat tabihan kapag nagsusulat ako. Bukod sa nagsusungit ako, ambaho ko pa. Amoy-kilikiling stagnant.

Trav: Gumagamit ka ba ng Panda o HBW? (hindi ito kasama sa i-pu-publish:)

Hahahaha Kahit anong ballpen, ginagamit ko. Netong nakaraan, nakakabili na ako ng gusto kong ballpen. Me konti nang pera, e. Hahaha! Dati kasi, laging hingi lang. Or free lang. Ngayon, bumibili na ako, madalas green at violet na ballpen. Kasi gusto ko, madaling makita ‘yong isinulat ko. Noong bata ako, ang ballpen ko ay Panda. Ngayon, bihira na ang Panda, kaya paminsan-minsan, HBW ang ginagamit ko. Ang mura kasi.

Trav: Nagbabasa ka ba ng mga bestsellers ng mga banyagang manunulat? (Kung oo, nabasa mo na yung Narnia at Hunger Games? Hindi rin kasama sa i-pupublish yung sagot dito sa panaklong:)

Bihira. Hindi ko pa nabasa ang mga sinabi mo. Pero pareho kong napanood ang pelikula ng mga ‘yan. Sinubukan kong basahin ang Twilight, after a few chapter, napapangiti lang ako. Parang Precious Pages naman. Mas magagaling pa ang writers natin dito ng romance novels! Mas mahaba lang itong Twilight. E, kailangan kasi makapal ang libro nila para maibenta nila nang mahal, di ba? Pero content wise, hindi naman nalalayo sa galing ng Filipino writers ang mga manunulat ng banyagang librong bestsellers tulad ng Twilight.

Nabasa ko ang complete set ng Spiderwick Chronicles. Anim na aklat ito. Pero very YA ito. Young adult. Mas pambata kaysa sa mga binanggit mo.

Trav: Sinong paboritong mong manunulat?

Marami. Rio Alma, Rene Villanueva, Luna Sicat Cleto, Abdon Balde, Jr., Mayette Bayuga, Rosario Cruz-Lucero, Genoveva Edroza-Matute (idinagdag ko itong huli ngayon)

Foreign: Raymond Carver, Anna Quindlen

Sa mga bata: Russell Mendoza, Eliza Victoria, Ferdinand Jarin, Vladimeir Gonzales, Adam David, Anna Ishikawa, Mykel Andrada, Sarah Grutas, Lester Dimaranan (Cavite writer, bata pa ito, wala pang libro), Naya Valdellon (idinagdag ko ngayon sina Lester at Naya) at siyempre pa, si Ronald Verzo (boyfriend ko ‘to, at taga-Quezon din, sa Alabat. Magaling siya sa poetry at criticism.)

Iyan pa lang ang naiisip ko ngayon hahaha marami pa iyan.

Trav: Kung may pagkakataon ka, kanino mo gustong makipag-collaborate?

Ang ganda ng tanong! Kay Bob Ong! Hahahaha! It’s an honor!

Trav: Inaabangan namin (kasama ni pusa) ang It’s Raining Mens. Matagal pa po ba?

Hopefully sa Manila International Book Fair. Sa September iyon. Kailangan mai-release siya bago kami ikasal hahaha para mas may dating! Sa Disyembre na ang kasal namin, e. Baka wala nang bumili kapag tapos na ang kasal, haha!

By the way, hindi ito pang-18 and below. I’m sorry. May malupit na malupit na piyesa sa loob na palagay ko e talagang di puwede sa 18 and below.

Panuto: Sagutan ng buong katapatan ang sumusunod na tanong: Parang exam talaga! Hahaha!

1. Bilang Tsinay, kanino talaga ang Panatag Shoal? Hahahaha hindi ko iyan masasagot. Pero ang akin, alamin ang kultura ng mga taong nakatira sa isang pulo, kung Pinoy ang kultura (lalo na ang wika), atin ang pulong iyon. Obvious ba? Pero kung hindi, hindi. Kung mixed, paghatian na lang ng dalawang bansa! Bakit, imposible ba iyon? Hahaha!

2. Bilang nanay, pabor ka ba sa RH Law? Pabor ako sa lahat ng batas na mag-e-empower sa mas mahihina at sinasamantalang uri.

3. Bilang manunulat, ang sining ay ______? Isang joke. Joke lang!

4. Bilang taga-hanga, nakita mo na ba si Bob Ong? Hindi pa po  how I wish.

5. Bilang mabuting tao, pauunlakan mo ba kami kung kukumbidahin ka naming sa gaganapin naming Mini-Con/Writing Camp? Wow! Oo naman! Hahaha ako nga ang nagsabi kay Jord. Sabi ko kaya kong pumunta sa inyo kasi malapit lang pala at mura ang pamasahe! Kayang kaya ko abonohan! Hehe kung mag-eeroplano, ‘yon ang good luck. Kapos ang beauty ng bulsa ko haha!

Yey! Gusto ko ‘yan, ha? See you!

(Final Words)

Sa lahat ng interesadong magsulat, sana sumulat kayo nang sumulat. Lagi ninyong iisipin, walang ibang magsusulat ng mga bagay na naiisip ninyo kundi kayo lamang. Kasi ang imahinasyon ng tao ay parang thumbmark, walang magkaparehas. As in talagang unique sa bawat isa sa atin.

Uleeeeet! Walang ibang magsusulat ng naiisip ninyo kundi KAYO LAMANG.

Yown.

Sulat lang nang sulat!

Trav: Ate , Imbitahan mo sila na magbasa ng akdang Pilipino/sumulat sa wikang Filipino/tumagkilik ng mga manunulat na Pinoy

Kailangan nating magbasa ng mga akdang gawa dito sa atin. Ng mga akdang nakaka-relate tayo. Ng mga akdang tungkol sa karaniwang Filipino. Sa ganitong paraan, natututo tayong magproseso ng ating sariling danas at sariling kaisipan. Mas nae-empower tayo pag dumadaan tayo sa nasabing proseso. At eventually, mas yumayabong tayo bilang mga tao.

Importante ring makabasa ng mga akda tungkol sa ibang lahi, tungkol sa ibang kultura. Pero ang napapayabong lamang nito ay ang dunong natin tungkol sa iba, ang dunong natin tungkol sa kung paano tayong makikisama sa kanila.

Pero ang dunong tungkol sa ating mga selfie, matatagpuan lamang iyan sa mga akdang gawa sa sariling bansa.

Amen.

Para sa panitikan, para sa bayan.


Ate Bebs, Ung personal na datos balak kong gawing bionote mu yun na maigsi tas’ yung interbyu ayan na yun.

Ok sa akin! Ang saya ng interbyu na ito hahaha para akong nasa radyo!

Kung meron po kayong suggestions para mapaganda to. Go!

Lagyan mo ng mga larawan. Kuha ka sa fb ko tapos pakita mo sa akin para masabi ko sayo kung sino ang kumuha ng larawan (for credit). Hatawin sa lay out yung artik. Yung parang sa mga magazine na pambabae, candy magazine ganyan,para medyo hip at medyo cool ang dating hahahaha!

Tas’ gagawa ako ng book review nyu pwedeng sa English naman yun? Or sa Filipino? Sa tingin nyu po?

Sa Filipino na lang. Ikaw talaga!

Thank you po! 

Thank you rin sa iyo. SUPER! Cyber hugs, Jord!

Tuesday, July 2, 2013

2013 NCCA WRITERS’ PRIZE

Dear Literary writers,

NCCA ACCEPTS ENTRIES FOR THE
2013 NCCA WRITERS’ PRIZE


The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) through its Plan/Policy Formulation and Program Division (P/PFPD) – Arts Section, announces its acceptance of entries to the 2013 NCCA WRITERS’ PRIZE. Guidelines and application forms may be downloaded in its website: www.ncca.gov.ph. They are also available at the Plan/Policy Formulation and Program Division (P/PFPD), Room 5-B, 5th Floor, NCCA Building, 633 General Luna Street, Intramuros, Manila.

This year’s categories are:

Poetry – Bikolano language
Novel – Ilokano language
Essay – Cebuano language
Short Story – Filipino language
Drama – Waray language

Deadline for submission of entries is until July 31, 2011.

Queries may be addressed to Ms. MYLENE N. URRIZA, Tel. No. 527-21-92, loc. 508 or 522-2084 (DL), and e-mail address: mylene.ncca@yahoo.com.


---
MYLENE NARCISO-URRIZA
Project Development Officer III
Arts Section
Plan/ Policy Formulation & Programming Division
NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND THE ARTS
633 General Luna St. Intramuros, Manila, Philippines 1002
Mob. #:(0949) 833.2608
Tel. #:(+632) 527.2192 loc 508 or (+632) 522.2084
Fax #:(+632) 527.2198