Saturday, February 6, 2010

si ej

ma, ipa-bless mo nga ito.

iniabot niya sa akin ang isang pouch. me tatlong rosaryo na iba-iba ang haba at kulay at dalawang agimat na mabigat, yung isa mas malaki nang konti sa limampiso, yung isa, kalahating dangkal.

susubukan ko, ha? kasi sa Quiapo lang ang alam kong madaling pagpa-bless-an. e sa biyernes pa iyon.

antagal naman. gagamitin na kasi namin, e.

huh? saan?

hmm...kasi mama, gumawa kami ng ouija board. maglalaro na kami.

ha? huwag na, bebe, delikado pa iyan, e.

hindi umimik si ej. iniwan ko ang pouch sa aking mesa. balak kong hintayin ang biyernes para sa pagpapa-bless.

pagkaraan ng ilang araw, napansin ko ang isang naka-plastic na 1/4 illustration board sa tabi ng ref. me drowing-drowing, sulat-sulat at bilog-bilog na kamukha ng sa ouija board.

nang gabing iyon, nagkuwento uli si ej.

ma, nag-ouija board na kami.

o?

nakakatakot.

ha? bakit?

kasi gumalaw yung cookie.

ano?

gumalaw nga.

ang ano?

yung binili mo sa akin dati na pagkain! yung puti at itim na matamis. mukhang cookie! gumalaw.

a...yung crinkle. o bakit, anong meron sa crinkle?

gumalaw nga.

iyon pala ang ginamit nilang pamato sa ouija board!

sa isip-isip ko, talagang magagalit ang mga espiritu niyan. niloloko ninyo sila, e.

No comments:

Hindi copyright, pero usapin pa rin ng karapatan ng manunulat

  Minsan, hindi talaga usapin ng copyright ang isang bagay. Ito ay recently kong naengkuwentro. Si Kyla ay na-meet ko sa isang writers works...